MASIGLANG PAGBATI AT MATAMIS NA NGITI ANG BUMUNGAD SA KANYA PAGPASOK SA OPISINA NI MRS. HIDALGO. Naninibago siya sa kilos nito.
"Good morning Ma'am!" Masiglang bati ni Trisha. Kasama niya ang bata dahil nangako siya na ngayon ito ibibili ng gamit sa school. Didiretso sila sa Mall pagkatapos niyang makipag-usap sa ginang.
"Good morning!" ganting bati ng directress.
"Sorry po dahil may kasama akong bata."
"It's okay."
"Mommy can I sit there?" Tinuro nito ang couch malapit sa bintana. "Promise magbe-behave po ako."
"Baby girl you can sit there." Si Mrs. Hidalgo ang nagsalita.
"Thank you po."
"You're welcome." Binalingan siya ng ginang. "I didn't know that you have a daughter. Anyways, I would like to offer you a job. Actually, I already recommended you to my sister-in-law. May tutorial business siya, katabi lang ng SMC. Hindi lang Filipino students ang tinuturaan nila pati foreigners dahil pati online English tutorial ay pinasok na rin ng business nila."
Hindi niya itinama ang maling akala ni Mrs. Hidalgo na anak niya si Trisha. Hinahayaan na lang niya ang mga tao na isipin na anak niya ang bata dahil napapagod siyang ikwento ang buhay niya sa ibang tao. Alam naman ni Trisha na hindi siya ang tunay nitong ina.
"Ilang oras po ako dapat magtrabaho?"
"It's up to you since it's a part-time job."
It sounds good. Mama-manage niya nang maayos ang kanyang oras na hindi maaapektuhan ang kanyang pag-aaral.
"And one more thing, mayroong ino-offer na scholarship ang sister-in-law ko and I highly recommended you because of your performance as a student. You're dean's lister."
"Thank you." Hindi niya ma-explain kung anong mararamdaman. Kahapon lang ay puro bad news ang natanggap niya pero bumawi naman ngayon dahil sa good news. "Kailan po ako magsisimula? Nagre-render pa po kasi ako sa company na pinapasukan ko."
"Anytime. I'll schedule your appointment with Clara. Kailan ka ba puwedeng makipag-meet sa kanya?"
Totoo ba ang narinig niya? Imbes na siya ang mag-adjust dahil siya ang may kailangan ngunit kabaliktaran ang nangyari. Ang weird.
"We can meet today."
"Alright! I'll call her para malaman niya na ngayon ka pupunta."
"Ano pong requirements sa scholarship?"
"Don't worry about it. Iyong requirements na ipinasa mo sa'kin for student assistant ang ipinasa ko kay Clara."
"Thank you"
"You're welcome. Kapag may kailangan ka o kung may iba ka pang problema ay sabihin mo lang at baka makatulong ako sa'yo."
"Maraming salamat po." Tinawag niya si Trisha. "Let's go." Tahimik lang itong nakaupo sa couch at nagmamasid sa paligid. "Say goodbye to Ma'am Hidalgo."
Sinunod naman nito ang utos niya bago sila sa opisina ng ginang.
"MOMMY, I'M HUNGRY. Matagal po ba iyan?" Hinimas nito ang munting tiyan. Halata ngang gutom na ito.
"Saglit na lang 'to baby." Kasalukuyan silang nakapila upang magpa-enroll. Nakausap na niya ang sister-in-law ni Mrs. Hidalgo at natanggap na siya bilang scholar at employee nito. "Konting tiis na lang kakain na tayo." Hindi sila puwedeng umalis sa pila dahil magsisimula ulit sila sa dulo.
"Mommy gutom na ako."
Nagsimula na itong umiyak. Kapag pagkain ang pinag-uusapan ay talagang iiyak ito kapag hindi nakakain. Samantalang kapag laruan ang pinabili nito at hindi nabili ay hindi naman ito nagwawala ng ganoon.
"What's going on here?"
Tumigil siya sa pagpapatahan kay Trisha at binalingan ang lalaking nagmamay-ari ng boses. Napabuga siya ng hangin nang makita kung sino ito. Bakit bigla-bigla na lang itong sumusulpot kung nasaan siya?
"My, let's eat." Pangungulit ni Trisha. Hindi pa rin ito tumatahan.
"Give me your registration form. Ako na ang bahalang pumila dito." Presinta ng binata. "Kumain na kayo."
Tinitigan niya ito ng masama. Malinaw ang sinabi niya dito na magkunwari itong hindi sila magkakilala kung sakaling magkita ulit sila. Mahirap bang intindihin iyon?
"Your daughter is hungry. Kalimutan mo muna ang napag-usapan natin kahapon."
Nabasa pala nito kung anong iniisip niya. Well, may point naman ito. Kailangan niya munang unahin si Trisha at isasantabi muna niya ang sariling nararamdaman. Kung siya ang masusunod ayaw niya itong makasalamuha. Ano ba kasing ginagawa ng binata sa lugar nila?
"Ngayon lang 'to Zacharias." Mariing wika niya bago inabot ang registration form.
A beautiful smile formed on his luscious lips. Hindi niya mawari kung ang ngiting iyon ay upang asarin siya o akitin.
"Let's go Trisha." Aya niya sa bata bago siya mabaliw sa kakaisip kung bakit ganoon ang paraan nang pagngiti nito.
Pagkalagay pa lang ng order nila sa mesa ay agad na kumain si Trisha. Gutom na gutom nga ang bata. Sana pala bago siya nagpa-enroll ay pinakain muna niya ito.
"Puwedeng maki-share ng table?"
Bago pa siya makasagot ay umupo na ito sa tapat niya. Binalik nito sa kanya ang registration form at may remarked na 'yon na enrolled. Nangunot ang noo niya sa pagtataka. Hindi pa nga niya nauubos ang pagkain ay tapos na itong ma-enroll siya.
"Bakit ang bilis mo?" Hindi mapigilang tanong niya.
"Because of connections and charm." Nakakalokong ngumiti ito sa kanya sabay kindat.
He changed a lot. Ang mahiyaing Zacharias ay wala na. Napalitan iyon ng confident at charming na Zacharias. Noon, nagkukubli ang angking kagwapuhan nito sa makapal na eyeglasses at sa suot nitong braces. Bukod tanging siya lang ang nakaka-appreciate at humahanga dito. Ngayon, ibang usapan na dahil kahit sinong babae ay hahangaan na ito.
"Nakakatunaw ang paraan nang pagtitig mo baka matunaw ako." Nakayuko ito habang nagsasalita sa mahinang boses na tila nahihiya ito sa kanya.
Napayuko siya. Nahuli siya ng binata na nakatitig dito. Nakakahiya! Naramdaman niya ang pag-init ng mukha. Ngunit sa kabila nang pagkapahiya ay may isang bagay na ginawa ang binata na hindi niya inaasahan. Dahilan upang bumilis ang pintig ng kanyang puso at nakapagpabalik sa mga alaalang pilit niyang ibinaon sa limot.
Naalala niya noon na sa tuwing silang dalawa lang ang magkasama ay hindi siya nagsasawang titigan ang mukha nito. At paulit-ulit niyang sinasabi kung gaano ito kagwapo sa paningin niya. Dahil likas na mahiyain si Zacharias ay yuyuko ito at simpleng ngingiti gaya nang ginawa nito ngayon.
"Kain ka Mommmy."
Bumalik ang kanyang diwa nang magsalita ang pamangkin. Malapit na nitong maubos ang pagkain.
"Gusto mo subuan kita? Open your mouth." Utos nito.
Trisha is too smart for her age. Hindi niya mapigilang mapangiti sa sinabi nito. Nakalimutan niya tuloy na nasa harapan niya si Zacharias.
"You're smart and lovely just like your Mom." Makikita ang amusement sa mga mata ng binata. "What's your name?" Magiliw na tanong ng binata kay Trisha.
"I'm Trisha Mendez." Nilahad nito ang kanang kamay na ikinagulat niya. "What's your name?" ganting tanong nito.
"I'm Zach Villaraza." Nakangiting sagot ng binata at inabot ang nakalahad na kamay ng bata. "Kaibigan ako ng Mommy mo. You can call me Tito Zach if you want."
Tinaasan niya ng kilay ang binata subalit 'di siya nito pinansin. Wala siyang balak na ipakilala ito sa pamangkin at gusto niyang ipagdiinan na hindi sila magkaibigan. Kaso kapag ginawa niya iyon ay baka magtaka si Trisha dahil tinuruan niya itong huwag makipag-usap sa estranghero. Baka magtanong ang bata kung bakit niya kinakausap ang lalaki.
"Tito Zach." Ulit nito sa sinabi ng binata. "Okay, wala pa akong Tito eh."
Ang daldal talaga ng pamangkin niya. At bago pa it magsalita at magtanong ng kung anu-ano ay kinausap niya ito.
"Sinong nagturo sa'yo na makipag-shake hands?" curious na tanong niya. Hindi naman kasi niya ito tinuruan.
"Ano po 'yon?" inosenteng tanong ng bata.
Sasagutin sana niya ang tanong ng pamangkin nang bigla niyang naramdaman ang pagsakop ng mainit na palad ng binata sa kanang kamay niya. Napakislot siya sa ginawa nito. Naramadaman niya ang kakaibang pagdaloy ng kuryente sa katawan niya na nagdulot ng kakaibang pakiramdam.
"Ganito ang shake hands." Ipinakita ng binata kung paano iyon gawin sa pamamagitan ng mga kamay nila. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil binawi niya agad ang kamay mula dito.
"Ah! Alam ko na. Nakita ko po kanina noong may kausap ka."
Marahil ay tinutukoy nito ay noong magpakilala siya sa may-ari ng tutorial business na si Mrs. Clara Galvez. Ang bilis naman matuto ng pamangkin niya.
"I see. Anyways, are you done eating? Bibili na tayo ng gamit mo sa school. Hinihintay na tayo ni Dada sa Mall."
"Yes, I'm done." Tumayo na ito. "Bye, Tito Zach." Paalam nito sa binata. "Tara Mommy."
Bago tuluyang umalis ay binalinagan niya ang binata. "Salamat sa tulong mo." Walang emosyong wika niya. "How can I repay you?"
Naningkit ang mata nito dahil sa sinabi niya ngunit dagli rin iyong naglaho. "I'll think about it."
Please leave a comment.
It's highly appreciated.
Thank you!
P. S.
Nakatanggap po ako ng 1 collection kahapon. Salamat po sa iyo ♥️♥️♥️