Chereads / My Professor Ex / Chapter 7 - Kabanata 7

Chapter 7 - Kabanata 7

NGAYON ANG ELECTION NG OFFICERS SA SCIENCE AND MATH CLUB. Masyado yata siyang napaaga ng dating dahil wala pang katao-tao sa classroom. Pumili siya ng upuan sa pinakadulo malapit sa bintana. Gusto niyang banda sa sulok umupo para walang makapansin sa kanya.

"Excuse me, dito ba gaganapin ang election ng science and math club?"

Napatingin siya sa nagsalita. Isang magandang babae ang nagmamay-ari ng pinakamalamyos na tinig na narinig niya. Waring nakarinig siya ng musika nang marinig ang tinig nito.

"Dit-dito nga." Nauutal na tugon niya.

Isang matamis na ngiti ang sinukli ng babae sa pagsagot niya sa tanong nito. Iyon na yata ang pinakamagandang ngiti na nakita niya.

"Ang aga naman natin." Naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya. "Puwedeng tumabi sa'yo? Wala kasi akong kakilala dahil first year student pa lang ako."

Kaya pala ngayon niya lang ito nakita. "Si-sige."

"Thank you."

Ngumiti ulit ito. Bakit kaya ang ganda-ganda nito at ang bango-bango pa? Bigla tuloy siyang nahiya sa itsura niya. Hindi dapat ito nakikipag-usap sa kagaya niya.

"Ako ng apala si Chloe." Pagpapakila nito. "Anong pangalan mo?"

Imbes na sagutin ang tanong nito ay yumuko siya. Ayaw niyang sabihin ang pangalan niya dahil baka pagtawanan at laitin siya nito gaya ng iba.

"Zacharias Villaraza." Basa nito sa pangalan niya na naka-print sa id. Nakalimutan niyang nakasuot nga pala siya ng id. "Ang cute ng name mo. I like it."

Mataman niya itong tinitigan. Hinihintay niya kung sasabihin ba nito ang salitang "joke".

"May mali ba sa sinabi ko?" takang tanong ni Chloe.

Umiling siya. "Ikaw pa lang kasi ang nagsabi na cute ang pangalan ko." Nahihiya niyang turan.

Tumawa ito. Sabi na nga ba tama ang hinala niya na nagbibiro lang ito kanina. Hindi talaga nito gusto ang pangalan niya. Napayuko ulit siya dahil sa pagkapahiya.

"You know what? Hindi lang ang pangalan mo ang cute, pati ikaw. Siguro pinagtatawanan ng iba ang pangalan mo dahil tunog makaluma pero totoong cute talaga sa pandinig ko."

Muli siyang nag-angat ng tingin. "Totoo ba o baka niloloko mo lang ako?" nagdududang tanong niya.

"Mukha ba akong manloloko?" balik tanong nito. "Hindi naman kita masisisi kung hindi ka maniniwala. Magkaiba ang opinyon ng tao kaya huwag mo akong itulad sa kanila."

"Sorry."

"Huwag kang mag-sorry dahil wala ka namang kasalanan." Inilahad nito ang kanang kamay. "Friends?"

Tinitigan niya lang ang nakalahad nitong palad. Nahihiya siyang makipagkamay dito. Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Hinawakan ni Chloe ang kamay niya at ito na mismo ang nakipagkamay sa kanya. Napakalambot ng kamay nito.

"Friends na tayo."

"O-okay…"

"Wala nang bawian."

"ZACH!" tawag sa kanya ni Chloe. Kumaway ito sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Kunwari wala siyang nakita at narinig. Lumiko siya patungo sa science laboratory upang iwasan ito na makasalubong. "Zach iniiwasan mo ba ako? May problema ba tayo?"

Iling ang tanging naitugon niya dito. Hindi niya namalayang sumunod pala ito sa kanya.

"Bakit mo ako iniiwasan? Bakit hindi mo ako kinakausap?" sunod-sunod na tanong nito.

"Hindi mo dapat ako kinakaibigan. Dapat mga kaklase mo ang kaibigan mo, hindi ako."

"Anong sinasabi mo?" nagsalubong ang kilay ni Chloe. "Matagal na tayong magkaibigan. Kung kailan ga-graduate ka na saka mo sasabihin 'yan."

Matanda siya ng isang taon kay Chloe. Fourth year student na siya samatalang ito ay third year student. Balak ng Mommy niya na sa Amerika siya mag-aral ng college. Pinag-iisipan niya kung sasama ba siya sa ina o hindi. Mas gusto niya kasing manatili sa Pilipinas kasama ang ama dahil may ibang pamilya na ang kanyang ina sa Amerika. At ayaw niya rin mahiwalay kay Chloe.

"Tama, malapit na akong gr-um-aduate kaya dapat magkaroon ka ng ibang kaibigan."

"Tss! Walang sense ang sinasabi mo. Hindi ko naman kailangan ng maraming kaibigan."

"Mas matanda ako sa'yo kaya makinig ka sa'kin."

Kunwari ini-examine niya ang dissected na palaka. Nag-experiment kasi ang mga second year student kanina kaya may palaka sa science laboratory.

"Ano bang ginagawa mo diyan?"

Tumabi ito sa kanya at pinakialaman din ang palaka.

"Hindi ka nandidiri?"

"Hindi. Pangarap kong maging doktor kaya dapat masanay na ako sa ganitong bagay."

"Pareho pala tayo ng gusto."

Namilog ang mga mata nito nito. "Talaga?"

Tumango siya. "Bakit gusto mong maging doktor?" curious na tanong niya.

"Gusto kong tumulong sa mga mahihirap na walang kakayahang magbayad sa hospital. Ikwenento kasi ni Mama kung anong nangyari kay Lolo at Lola. Namatay sila na hindi nagagamot dahil walang kakayahan ang pamilya ni Mama na magpa-hospital. Kapag naging doktor ako, pipilitin kong makatulong sa mga mahihirap sa abot ng aking makakaya."

Napakaganda ng layunin nito. Lalong tumaas ang paghanga niya dito.

"Eh ikaw, bakit gusto mong maging doktor?"

"Dahil gusto ni Mommy."

"Iyon din ba ang gusto mo o gusto lang ng Mommy mo para sa'yo?"

"I don't know."

Tinuro ni Chloe ang kanyang dibdib gamit ang hintuturo nito. "Sundin mo kung anong laman ng puso mo. Pero siyempre gamitin mo rin ito." sunod naman nitong tinuro ang kanyang ulo.

"Tatandaan ko."

"Good! By the way, may sinabi sa'kin si Leona. Nakita niya na kinausap ka ni Clifford. Totoo ba?"

Yumuko siya. Si Clifford ang dahilan kung bakit ilang araw na niyang iniiwasan si Chloe.

"May ginawa ba si Clifford sa'yo? Sinaktan ka ba niya?"

Umiling siya.

"May sinabi siya sa'yo?"

Umiling ulit siya.

"Sige, kapag hindi ka nagsalita ako ang kakausap kay Clifford." Pagbabanta nito.

"Huwag!" pigil niya dito. "Ang sabi niya sa'kin layuan na kita. Hindi kasi siya sa'yo makaporma ng maayos dahil palagi tayong magkasama. Sagabal ako sa inyong dalawa."

"Nababaliw na talaga ang isang iyon." Komento nito. "Naniniwala ka naman sa kanya?"

"Bakit, ayaw mo ba sa kanya?"

"Never in my wildest dream na magkakagusto ako kay Clifford. Siya na yata ang pinaka-arognte at mayabang na nakilala ko. Wala naman 'yong alam kundi ang pumorma."

Natuwa siya sa sinabi ito. "A-ano pala ang gu-gusto mo sa isang lalaki?" nauutal na tanong niya kay Chloe. Kinakabahan siya kaya siya nagkakaganoon. Bakit kasi naisipan niyang itanong iyon?

"Gusto mong malaman?"

Nahihiyang tumango siya.

"Ipangako mo muna na papansinin mo ako at hindi ka magagalit kapag sinabi ko sa'yo kung anong klaseng lalaki ang gusto ko."

"Pangako hindi ako magagalit."

"Okay!" humugot ito ng malalim na hininga. "Ang gusto kong lalaki ay matalino, responsible, maalaga, mapagmahal, mabait, masipag, at gwapo."

Nalungkot siya sa sinabi nito. Lahat ng katangian na hinahanap nito sa isang lalaki ay nasa kanya na maliban sa pagiging gwapo. Wala talagang chance na magustuhan siya ng isang tulad nito.

"Wala namang perfect na lalaki." Nakasimangot na sabi niya.

"Meron kaya." Nakalabing sabi nito. "Ikaw."

"Ha?" Nabingi yata siya sa sinabi nito.

"Perfect ka sa paningin ko. I like you Zacharias."

Mahina nitong wika ngunit dinig na dinig niya ang sinabi nito. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi siya nakapagsalita. Tama ba ang narinig niya na nagtapat ito ng nararamdaman?

"Sabi ko na dapat hindi ko na lang sinabi sa'yo." Tinalikuran siya nito saka nag-mmartsa palabas ng laboratory.

"Chloe gu-gusto din ki-kita." Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob upang sabihin iyon.

Tumigil si Chloe sa paglakad at unti-unti itong humarap sa kanya.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo."

"Gusto din kita." Hindi niya alam kung paano niya nabigkas nang maayos ang pangungusap na iyon.

Nagliwanag ang mukha ni Chloe. "Hindi mo na puwedeng bawiin ang sinabi mo. Boyfriend na kita simula ngayon." Deklara nito na ikinatuwa niya.

"Sigurado ka?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Ang sabi mo kanina gusto mo ng gwapong lalaki." Yumuko siya. "Hindi naman ako gwapo."

"Zach look at me." Sinunod naman niya ang sinabi nito. Tinanggal nito ang eyeglasses niya saka nito hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Ikaw ang pinakagwapo sa paningin ko. Kahit na anong panlalait ang gawin nila sa'yo hinding-hindi magbabago ang pagtingin ko. Nag-iisa ka lang para sa'kin."

Please leave a comment.

It's highly appreciated.

Thank you!