"I'm Zach Villaraza. I took up Bachelor of Science in Biology in Princeton University, in New Jersey and I graduated as cum laude."
Masigabong palakpakan ang natamo nito mula sa mga estudyante. Hindi siya nakiisa sa ginawa ng mga kaklase pero siya na siguro ang pinaka-proud sa naging achievement nito. Malayo na ang narating ng binata samantalang siya wala pang napapagtagumpayan. Gayunpaman, hindi siya nakaramdam ng inggit dito. Masaya siya para sa binata.
Pangarap niyang maging doktor kaya naman kumuha din siya ng BS Biology. Sa kasamaang-palad, maraming hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya ang dumating kaya nagpasya siyang huwag nang ituloy ang pangarap. Nagdesisyon siya na mag-shift sa BS in Secondary Education major in Biological Science dahil hindi magastos at may connection din naman sa una niyang kursong kinuha.
"Noong umuwi ako sa Pilipinas bigla kong naisip na kumuha ng eighteen units of professional education courses dahil gusto kong magturo. Luckily, I already finished the eighteen units and passed the licensure examination for teachers last May. And this coming August, I will take master's degree in University of the Philippines."
Ibig sabihin mahigit isang taon na pala itong nakabalik sa Pilipinas. Bakit kaya hindi ito nagpatuloy sa pagiging doktor?
"Sir, 'di ba po pang pre-med course ang BS Biology, bakit hindi ka po nagdoktor?" tanong ng isang estudyante.
Ang tanong na naglalaro sa isip niya ay masasagot na kung magsasabi ito ng totoo.
"Dahil may isang taong nagpamukha sa'kin na mahina ako at walang kwenta." Rumihistro ang lungkot sa mga mata nito na napalitan ng galit ngunit dagli rin iyong naglaho at napalitan ng blankong ekspresyon.
"Believe me or not, noon hindi ko kayang magsalita sa harap ng maraming tao. Palpak ako palagi tuwing nagre-report o nagre-recite kasi mahina ako pagdating sa communication skills. Nauutal ako palagi. Kaya bumabawi na lang ako tuwing may written activity or examination. Isang araw hindi ko ine-expect na ikakahiya ako ng taong tanging pinagkakatiwalaan ko. Akala ko iba siya sa lahat pero ganoon din pala ang tingin niya sa'kin."
"Ipinangako ko na kapag nagkita kami ulit, hindi na niya masasabi ang mga sinabi niya noon. Gusto kong malaman niya na ang kahinaan ko noon ay magiging lakas ko ngayon."
Napalunok siya. Nanikip ang dibdib niya at waring tinutusok ng libu-libong karayom ang puso niya dahil sa sinabi ng binata. God knows that she didn't want to hurt him. She only wanted the best for him.
Marami siyang narinig na hindi magagandang komento patungkol sa taong tinutukoy ng professor nila. She wanted to defend herself and tell the truth. Pero bakit niya gagawin iyon? Wala namang nakakaalam kung sino ang tinutukoy ng binata maliban sa kanya. Gusto niyang depensahan ang sarili kahit kay Zach na lang subalit hindi niya maaaring gawin.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ricky. "Namumutla ka."
"I'm not feeling well. Pupunta lang ako sa restroom." Pagsisinuwaling niya.
Mabilis siyang tumayo bitbit ang bag. Narinig niyang may tumawag sa pangalan niya ngunit hindi na niya inalam kung sino iyon. Kapag tumagal pa siya sa classroom ay baka hindi niya mapigilang umiyak.
ILANG MINUTO NA ANG LUMIPAS, NAKATAMBAY PA RIN SIYA SA BOTANICAL GARDEN. Tuluyan na siyang nagcutting-class. Wala na siyang ganang bumalik sa klase ni Zach. Titingnan niya mamaya sa registrar kung may ibang nagtuturo ng subject na iyon dahil balak niyang magpalipat ng klase. Ayaw niyang maging professor ang binata.
Naka-leave ang isang science professor dahil nanganak ito at ang iba naman ay nag-retire na kaya kulang sila ng professor. Pero sa dinami-rami ng professor, bakit ang binata pa na ex-boyfriend niya? Puwede namang iba na lang. Grabe talaga magbiro ang tadhana at napapansin niyang paborito siyang biruin.
Napakislot siya nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Hindi naka-register sa phone niya ang numero ng caller kaya hindi niya iyon sinagot. Subalit makulit ang caller at paulit-ulit siyang tinatawagan kaya napilitan siyang sagutin ang tawag nito.
"Hello?"
"Where are you?"
Bakit alam nito ang cell phone number niya?
"Where are you?" ulit ng binata sa tanong at tila nauubusan na ito ng pasensiya sa kanya.
"Sorry pero hindi kita kilala. Paki double check ng number bago ka tumawag. Nakakaistorbo ka." Puputulin na dapat niya ang tawag kaso bigla itong nagsalita.
"Chloe don't pretend that you don't know me." Mariing sabi ng binata. "Hindi mo agad sinagot ang tawag ko. Bakit bigla-bigla ka na lang umaalis at hindi na bumalik?"
Ikaw ang umalis Zach. Bumalik ka nga pero hindi na kita kayang abutin. Kung sabagay kasalanan ko naman, sinaktan kita kaya wala akong karapatan na sumama ang loob. Mas mabuting dumistansya na lang ako sa'yo para wala na ulit masaktan.
"Hindi mo na ako dapat tinawagan. Bigyan mo na lang ako ng memo or disciplinary action dahil nagwalk-out ako sa klase mo. Pero hindi ako magso-sorry sa ginawa ko." Matapang niyang wika.
"Hindi iyon ang dahilan kung bakit ako tumawag."
"Sir kung puwede sana ihiwalay natin ang personal issue sa pagitan nating dalawa. Hilingin ko man na magpanggap ka na hindi ako kilala ay hindi mamaari dahil professor kita pero may ipapaki-usap ako sa'yo. Ituring mo na lang akong estudyante at kalimutan mo na naging bahagi ako ng nakaraan mo. Hindi ko hinihiling na huwag mo akong kamuhian pero sana burahin mo na ako sa alaala mo. Please."
Paki-usap niya sa binata ngunit hindi niya ito narinig na sumagot kaya ini-off niya ang cell phone. Ayaw na niyang guluhin ang buhay nito. Hindi niya alam ang motibo ng binata sa paglapit sa kanya ngunit may isang bagay na natitiyak niya- may masasaktan ulit sa kanila kung muli silang mapapalapit sa isa't isa.
HE CAN'T UNDERSTAND WHY SHE'S DOING THIS TO HIM. Nararamdaman niyang ipinagtatabuyan siya ng dalaga gaya nang ginawa nito noon. Ano bang nagawa niya dito? Siya ang sinaktan nito pero bakit nahihimigan niya sa boses nito ang sakit?
Napukaw muli ang kanyang kuryosidad. Matagal na niyang itinatanong sa sarili kung bakit siya sinaktan ng dalaga. Totoong masama ang loob niya at nagalit siya dito ngunit kailanman ay hindi niya ito kinamuhian. Hindi niya rin alam kung bakit. Marahil naniniwala siya na hindi iyon kayang gawin ng dalaga sa kanya.
Please leave a comment.
It's highly appreciated.
Thank you!
P. S.
Nadagdagan ulit ang collection ng My Professor Ex. Maraming salamat. Pati ang Last Goodbye at Love Me, Jeffrey ay nakatanggap din ng collection. Salamat sa mga nagbabasa. 😊😘♥️