"GOOD MORNING MRS. HIDALGO." Bati niya sa directress pagpasok niya sa opisina nito.
"Good morning Ms. Mendez, have a seat."
"Thank you!"
"Nagkaroon ng conflict sa schedule mo kaya kita pinatawag. Thirty units ang kukunin mo this coming semester at ang start ng pasok mo ay seven-thirty am until four pm. Nahihirapan kami kung saan ka ia-assign. We need a student that have a vacant time starting eight am until two pm or twelve noon."
"Ma'am like what you've said my class will start from seven-thirty am until four pm. What I'm going to do?" Malumanay na tanong niya ngunit itinatago niya lang ang pagkainis dito. Sana bago nito sabihin na nakapasa siya ay okay na ang schedule niya. Hindi man lang nag-set ng tamang expectation para hindi siya umasa.
"Well, if you really want to take advantage of the opportunity just take the subjects starting twelve noon."
"Ma'am you know that I can't do that. Marami akong maiiwan na subjects na maaaring hindi na i-offer next academic year."
Bumalik siya sa pag-aaral dahil nakatanggap siya ng liham mula sa SMC tungkol sa mga nag-aral ng kolehiyo ngunit hindi nakapagtapos. Sangayon sa Memorandum mula sa Chairperson ng CHED noong July 3, 2015, na binibigyan na lamang ng dalawang taong pataan upang magbalik sa pag-aaral. Kung hindi, makalipas ang academic year 2017-2018, ang mga naghinto hanggang taong 2016 at nagnanais na magpatuloy sa pag-aaral ay mapapasailalim sa kurikulum ng K to 12 at nangangailangan dumaan sa Grade 11 to 12 bago makapagkolehiyo.
Ngayong academic year ang unang taon kung saan ang mga nagtapos ng K to 12 ay first year college na. Hindi niya pwedeng iwan ang ibang subject na pang-second year dahil sa susunod na academic year ay mawawala ang mga subjects na pang-second year sa lumang kurikulum.
"I-tutorial mo na lang."
Hindi niya mapigilang mapabuga ng hangin. Ang purpose ng pag-aapply niya bilang student assistant ay upang malibre ang tuition fee niya tapos ngayon magsu-suggest ito na mag-tutorial siya.
"Ma'am mapapamahal po ako sa suggestion mo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Thank you na lang po."
Tinalikuran niya ang directress at nagmartsa siya palabas ngunit natigilan siya nang mapagtantong hindi lang silang dalawa ng directress ang nasa loob ng opisina ng huli.
Ano kayang ginagawa ng buwisit na lalaki na nakatagpo niya kanina sa loob ng opisina ni Mrs. Hidalgo? Ipinagtataka niya kung paano ito nakapasok doon dahil wala naman ibang pumasok doon maliban sa kanya. Posible ring naroon na ito bago pa man siya dumating subalit hindi niya lang napansin.
"Hi!" Nakangiting bati nito sa kanya. Prente itong nakaupo sa sofa.
"Tss!" Inirapan niya ito. Wala siyang pakialam kung kilala ito ng directress. Walang lingon-lingon na lumabas siya sa opisina. Dumiretso siya sa restroom at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.
Ang haggard ng itsura niya. Halatang wala siyang tulog dahil nanlalalim ang mga mata niya. Maputla din ang mukha niya dahil nakalimutan niyang magpahid ng lipstick at hindi siya nakapag-blush on.
"Bakit bigla kang na curious sa itsura mo?"
Nagugulumihang tanong niya sa sarili. Dati-rati naman ay wala siyang pakialam kahit magmukha siyang zombie. Baka kaya siya nagkakaganoon dahil sa gwapong lalaki kanina?
No way! Bakit ang lalaking iyon ang iniisip niya? Dapat ang isipin niya ay kung paano makakabayad ng tuition fee dahil magre-resign na siya sa trabaho. Kailangan niyang makahanap ng home-based job or part-time job upang magkaroon siya ng income. Madami pa namang umaasa sa kanya kaya hindi siya puwedeng magpabaya.
Napapikit siya dahil sa dami ng problema. Kakayanin niya kaya lahat ng iyon? Imbes na sagot ang maisip niya sa tanong ay mukha ng gwapong binata ang rumihistro sa isip niya. Bigla niyang idinilat ang mga mata.
"Ano ba Chloe? Bakit mo siya iniisip?" saway niya sa sarili. At bago pa siya tuluyang mabaliw sa kakaisip ng kung anu-ano at kung sinu-sino ay minabuti niyang lumabas na ng restroom.
"What took you so long?"
Nagulat siya nang bigla na lang may nagsalita. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Nangunot ang noo niya nang makita ang binata na kanina ay laman ng isip niya.
"Anong bang ginagawa sa loob ng restroom? Kailangan ko bang i-explain sa'yo? Isa pa, hindi naman ito ang palikuran ng mga lalaki." Kung makapagtanong ito sa kanya akala mo naman close sila.
"Ang sungit mo talaga." He chuckled and a mischievous smile formed on his lips. "But I like it."
Unti-unti itong lumapit sa kanya dahilan upang mapaatras siya. Sa kasamaang-palad, napaatras siya pabalik sa restroom. Isasara niya sana ang pinto nang bigla itong pumasok sa loob at ini-lock ang pinto. Mabuti at walang nakakitang pumasok sila doon.
Thanks for reading.
Please leave a comment.
It's highly appreciated.
Thank you!