Hi! Welcome to my story! Yiii ^_^ Sana mag-enjoy kayo!
Support naman diyan! Yiiii!
Thank you!
- 11th11
THE GIRL WHO CAN'T DATE
1
"Titooo!!!" Ashley, my 14-year-old niece, called from the living room. "Tita Ira is on the phone. Tinatanong niya if you're coming for the reunion ba daw."
I was at the kitchen cooking lunch, kaya pasigaw kong sinagot ang pamangkin ko.
"YES! TELL HER NA SASABAY AKO PAG-UWI NIYO NG SANTA BARBARA THIS WEEKEND!"
Minutes later, Trisha, my brother's 13-year-old bunso, joined me with a bag of chips in her hands.
"Ano ba yan, Trish! Junk foods na naman! Kaya ka tumataba, eh. Magla-lunch na tayo in few minutes. Naku! Kapag nalaman talaga yan ng Daddy mo, lagot ka!"
Trish just smiled at me at patuloy pa rin sa pagkain ng chips.
"Titooo! Hindi niya malalaman kung hindi ka magsusumbong."
I shook my head in dismay. Alam ng batang 'to na di ko siya kayang isumbong kay Kuya Aries.
"By the way, Tito, why is it every time na may reunion tayo, Tita Ira always calls you? Like she always asks if you're coming."
I turned off the stove nang maluto na ang niluluto kong sabaw.
"Because I'm her favourite brother. Baby niya ako, eh."
"I thought si Daddy ang favourite niya." pahayag ni Ashley who came in to join us. "May napansin ako, Tito. Tita Ira is old na but she's not married pa and I never saw her with a guy or knew if she's dating anyone. Is she... a matandang dalaga or something?"
Nagtaka din si Trish. "She has a daughter though, Ate Raine. But we don't know anything about her Dad."
"The last time na tinanong ko si Ate Raine about it, sabi niya di daw nila pinag-uusapan yan."
"Girls ha. Napaka-chismosa niyo sa buhay ng Tita Ira niyo." Ate Seah, Kuya Aries' wife came in.
"Curious lang naman kami, Mi!" depensa ni Ashley.
Then they both looked at me.
I took my apron off at hinanda ang tanghalian sa mesa. Everyone gathered to eat, while my nieces are still anticipating a story.
"Actually, Ate Ira can't date... or shall we say incapable of dating."
Ayaw maniwala ng mga bata sa sinabi ko.
"Huh? Impossible naman na incapable siya, Tito. She's gorgeous kahit 48 years old na." batid ni Ashley.
"And if she can't get herself a man, how did she have Ate Raine?" tanong naman ni Trisha.
"Haaay! Okaaay, fine. Iku-kwento ko sa inyo ang buhay ng Tita Ira niyo."
____________________________________________
23 years ago...
"AAAAAAAAAAHHHH!"
Isang malakas na sigaw mula sa kusina ang gumising sa mga Pardilla isang umaga ng Biyernes. Unang nagising ang magugulating si Eros, 29-year old na model, at ang second-born ni Mageneo and Lyxyn Pardilla.
"Awwww!" hinimas nito ang kanyang pwet sa sakit nang mahulog ito mula sa kama.
Bumaba siya ng kusina to check kung anong problema. Nakasabay niya sa pagbaba si Orion, 20-year old at pang-apat na anak, ang pinaka-vain at skin-care-is-life sa magkakapatid.
Natunganga si Eros nang titigan niya si Orion habang bumababa sila ng hagdan.
"What the fudge is on your face?"
"Face mask. Ano pa ba? Napaka-ignorante mo namang modelo."
"Alam kong face mask yan, tanga! Ang pinagtataka ko is if you woke up like that."
"Yup. I did!" sagot ni Orion habang minamasahe ang mukha with his knuckles.
"Overnight???"
"Yuppp!!!"
"Proud ka pa! Bobo! Huy, di pwedeng i-overnight ang face mask. Pwedeng ma-irritate ang skin mo niyan. Hay naku! Bobo talaga! Buti na lang may itsura kang bata ka."
"Excuse me! Di ako bobo! Outdated ka lang!" Nang-aasar ang mukha nito. "FYI, available na ngayon ang face mask na pwedeng i-overnight. Palibhasa Boomer!"
Naasar si Eros. He snatched the face mask from Orion's face and crumpled it. "Itapon mo na nga yan. Dry na nga eh ginagamit pa."
"Uy, waaag! May moist pa yan." Kinuha ni Orion ang face mask at muling nilagaysa kanyang mukha. "Epal talaga ng boomer na 'to!"
"FYI, millennial ako. Di ako boomer! Gumagamit ka ng term diyan pero wala namang alam. Bobo talaga!"
"Di mo lang matanggap na matan... WOAAAAAH!"
Tumigil ang dalawa sa pagtatalo nang salubungin sila ng nanlilisik na mga mata... yung tinging ayaw mong salubungin... yung tinging parang kakainin ka ng buhay. What's scarier is may hawak pang kutsilyo ang may-ari ng mga tinging yun.
And that's my sister right there, folks! Ira Micole Pardilla, the ever-notorious sibling ng magkakapatid. She has the worst temper and scariest response to anger. Di niya kasi alam kung paano ihandle ang temper niya.
"Uy, bunsoooo! Good morniiiing!" Eros gave a huge smile na obviously fake. "Aga-aga, bad mood tayo, ah!"
"Uuuy, ate kong maganda. Nagluluto ka ng breakfast? Wow ha, hi hi!" awkward din ang ngiti sa mukha ni Orion sabay bulong sa kapatid, "Patay! Ano kayang lasa niyan?"
"WAG NYO KONG MA-GOOD MORNING, GOOD MORNING!" sigaw ni Ira sabay hampas ng kutsilyo sa chopping board. "At ano na naman yang nasa mukha mo, Ion? Tanggalin mo nga yan! Nakakairita!"
"Ayoko nga! Sayang eh! May moist pa."
"TANGGALIN MO SABIII!"
Naaasar man, sinunod pa rin ni Orion ang kapatid.
"Kainis naman! Palibhasa kasi di gumagamit nito kaya mukhang palayok!" bulong ni Orion.
"WHAAAT? Anong sabi mooo?"
"Ang sabi ko, mukha kang palayok—"
"Orion! Shut up!" tinakpan ni Eros ang bibig ni Orion at bumulong. "Ginagalit mo siya lalo eh!"
"At paanong naging palayok ang mukha ko? Haaaa?"
Hindi nagpaawat si Orion. Sapilitan niyang tinanggal ang kamay ni Eros at inasar lalo ang kapatid.
"Kasi Ate, negra ka na nga, magaspang pa yang mukha mo. Parang palayok lang."
"AAAAAAAAH! PATAY KA SA 'KIN, BATA KA! HALIKA KA DITO!" nilapitan ni Ira si Orion upang sabunutan. Pumagitna naman si Eros sa dalawang kapatid.
"Uuuy! Tama na nga yan! Uy! Ano ba kayo!" pang-aawat ni Eros.
"Ano bang nangyayari dito?" kalmadong-kalmadong pumasok ang 30-year old na panganay ng pamilya, the doctor, the health conscious, the peacemaker, ang lodi ng lahat, si Aries.
Nakasuot siya ng polo at necktie. Kakauwi niya lang from the hospital.
"Ira, tama na yan!"
Agad namang tumigil si Ira sa pang-aatake sa kapatid. Sa lahat ng kapatid, si Aries lang ang pinapakinggan niya. Mas nakikinig pa siya sa kanya kesa sa tatay niya.
"Haaaaay! Buti na lang dumating ka na, Aries! Sinusumpong na naman si Ira!" sumbong ni Eros. Napagod ito sa pag-awat sa dalawa.
"Ano bang problema, Ira?"
"Si Orion kasi kuya eh. Tinawag akong palayok dahil negra at magaspang daw yung mukha ko. FYI, morena ako! MO-RE-NA! Masyado kang colorist diyan!"
Sa aming magkakapatid, si Ira lang ang dark-skinned. Nagmana siya sa tatay namin, samantalang kaming lahat ay kasingputi at kasingkinis ng nanay namin.
"Colorist?" pagtataka ni Aries.
"Yung ano, yung mga taong dinidiscriminate ang kulay ng tao." Sagot ni Ira.
"Imbento ka na naman ng salita diyan." Eros folded his arms. "Pero actually, Aries, bago pa siya inasar ni Orion, bad mood na yan. Nagsisigaw nga yan kaninang umaga."
Aries looked at his sister for an explanation.
Ira folded her arms. "Sino ang naka-schedule na maglalabas ng basura this week? Bakit may sako pa ng basura dito sa kusina?"
"Oy! Last week, ako ang nagtapon!" lumusot si Eros.
"A-ako!" sagot ni Orion. "Pero nilabas ko naman ang basura kagabi, ah!"
"Bakit may laman 'tong sako? Anong nangyari? Magic? Naglakad ang basura pabalik?"
Sa gitna ng diskusyon, biglang dumating ang tatay namin, hinihingal, nag-aalala at bitbit ang isang napaka-cute at tabatsoy na 3-year old baby. Yup! That's me! Baby Usher!
"Ira! A-anong problema? Rinig na rinig mula sa bakery ang sigaw mo. Okay ka lang ba?"
Napakacute ng tatay namin. Nag-aalala man siya, nakangiti pa rin ang mukha nito.
"Eh kasi naman, Pops! Yung sako, puno na naman ng basura. Dumaan na kagabi ang garbage truck. Next week pa ulit daraan yun."
"Aaaye! Sorry, nak! Ako ang may kasalanan! Kaninang madaling araw kasi dito ako nagbake ng ititinda ko sa bakery." His face looked very apologetic.
"See? Sabi ko naman diba na inilabas ko na ang basura. You owe me an apology, ate!"
"E di sorry!" Inirapan ni Ira si Orion. Huminahon na rin siya at naawa sa tatay. "Bakit naman andaming basura? Marami po ba kayong niluto?"
"Aye, oo!" muli na naman siyang nakangiti. "Tayo kasi ang maghahanda sa dessert table mamaya sa reunion."
The moment our father mentioned the reunion, lahat ng mata namin nakatingin kay Ira.
"What? Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Reunion mamaya. Paalala lang." Eros said.
"Pwede bang..."
"IT'S A NO!" Aries cut her off. "You have to be there because I have an announcement to make."
She weaved a sigh and crossed her arms.
"K. Fine!"
My sister reaaaally hates family reunions.
Why?
This is why.
At the Reunion...
"Oh myyyy! Hello there my sweet, sweet brother!" bati ni Tita Luz kay Pops as soon as we arrived at the venue. Sinalubong niya ito ng yakap at halik. Nang mapansin niya kami, inulan niya rin kami ng kanyang mga yapos. "Mga pamangkiiiin ko! Ang lalaki niyo naaaaa!"
Si Tita Luz ang youngest sister ng tatay namin. Sa sobrang cheerful at lively niya, minsan nakakaintimidate na. At grabe! Ang daldal niya. Halos di na kami makapagsalita sa kadaldalan niya.
"Why is she always surprised to see us? It's not like she hasn't seen us for years. Eh, taon-taon naman tayong nagkikita." Bulong ni Orion.
"Gusto mong itanong sa kanya?" sarkastikong sagot ni Ira.
Orion wouldn't want to ask that. In fact, he doesn't want to start a conversation with her. Kasi kapag nasimulan, aye naku, hindi siya matatapos sa kakakwento.
"Naku, naku! Ang gagwapo talaga ng mga pamangkin ko! Lahat kayo maitsura!"
"Lahat gwapo? So, kasali ako? Gwapo din ako, ganun? So lalaki rin ba ako?" Ira said coldly.
"YES!" sabay-sabay na sumagot ang tatlong lalaki.
Nandilat ang mga mata ni Ira at napanganga sa mga kapatid.
"W-WHAT?"
Her brothers sniggered at her reaction. Nakakatawa naman talaga siya. Pissed off na pissed off!
"Oh my Ira dear! I'm sorry! I didn't see you there..." Nilapitan ni Tita Luz si Ira. Napaatras siya saglit at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. She was a bit disappointed at how she looks. "What are you wearing?"
Napatingin si Ira sa sarili niya. Naka-hoodie jacket, skater skirt and sneakers siya.
"Damit. Bakit po?"
"Uh-uhm! We are at the party. Why do you look so, mmm... ordinary?"
"Di ko alam na may dress code po pala sa reunion."
Kung titingnan mo ang mga tao sa paligid, mostly nakasuot sila ng dress at formal outfit. Kahit ang pamilya niya looked presentable in sleeves. Si Tita Luz naman, she was wearing a skimpy gold dress adorned with jewelries. Nakakasilaw nga, eh! But she looked terribly odd with her thick make up.
"Ahee! Tama ka nga naman. Wala naman talagang dress code sa reunion." Tita Luz smiled sheepishly. "Aaaaye, Ira! Come with me. Punta tayo sa iba mong mga tita. Siguradong miss ka na nila. Halika! Halika!"
At magsisimula na ang kalbaryo ni Ira. She hated being surrounded by our Tita because of their unending pang-iintriga. Paano naman kasi, favourite talaga nila ang ate ko. That's because in the family, rare ang magkaanak ng babae. And Ira is the only dalaga sa pamilya Pardilla. The rest are still babies.
Pilit na hinihila ni Tita Luz si Ira. And while she was being dragged over, she looked at her brothers with pleading eyes while mouthing the words, "HELP! PLEASE! RESCUE ME!"
Subalit, tiningnan lang siya ng mga kapatid at tatay niya. They even smiled and waved goodbye.
Paiyak na ang mga mata niya habang nilalayo siya ni Tita Luz sa amin.
As soon as she arrived at the table where our titas are sitting, dinumog siya ng mga ito. Malalaki ang ngiti sa mukha at tuwang-tuwa na makita si Ira. Samantalang pinipilit naman ni Ira ang ngumiti sa kanila. Aside sa ayaw niyang makipag-chikahan sa kanila, ayaw na ayaw niya rin ang dinudumog siya. Suffocating yun para sa kanya. But still, she had to put on a smile para di siya maka-offend.
"Iraaaa! How are you?"
"Ira! Kumusta ka na?"
"Ira! Ilang taong gulang ka na?"
"Ira! Tapos ka ng mag-aral?"
"Ira! May trabaho ka na?"
"Ira! Ira! Ira! Ira! Ira!"
Andami naming kamag-anak, you know. Imagine these tens of titas who will hug and kiss her one by one while asking random questions. Wow! Nakakapagod!
Hilong-hilo na si Ira sa dami ng tumatawag ng pangalan niya. And alam niyo ba kung ano ang pinakaayaw niyang topic?
"So Ira, siguro naman may boyfriend ka na."
LOVE LIFE!
Ayaw na ayaw niyang pag-usapan yan!
"P-po? Boyfriend? Di ko pa po iniisip yan eh!"
"Anong hindi? 25 years old ka na. Dapat iniisip mo na yan!" Mommy Ding remarked. Siya naman ang eldest nila Pops.
"A-aaah! Dapat po ba?"
"Oo naman! Kelan mo ba planong mag-asawa?" sang-ayon ni Tita Mary. "Oh baka naman gusto mong maging katulad ng Tita Luz mo? Matandang dalaga!"
"Po? M-matandang dalaga?" umiling si Ira. Of course! She doesn't want to be an old maid.
"My dear Ira! Please..." naging dramatic si Tita Luz. Umupo siya sa tabi niya at hinawakan ang mga kamay, ang kanyang mga mata ay nalumbay. "Don't be an old maid like me. Napakalungkot! Kung pwede lang bumalik sa pagkabata, di na talaga ako magiging choosy!"
"Ira, anak!" sambit ni Mommy Ding. "Mag-date ka kaya!"
Nanlaki ang mga mata ni Ira at mabilis na umiling.
"Oo nga!" sang-ayon ng ibang tita.
"Yes! Yes! Yes! You should try dating, my dear Ira! Kung di mo alam kung paano, leave it to me. I'll set you up!" munkahi ni Tita Luz.
Malulunod na ata si Ira sa mga suhestiyon ng mga tita namin. Mabuti na lang at inagaw ni Aries ang atensyon ng lahat ng bigla itong pumunta sa harap at kinuha ang microphone.
"OH LOOK! SI KUYA!"
Tinuro ni Ira si Aries. Lahat ng atensyon napunta sa kanya kaya dahan-dahan at tahimik na tumakas palayo si Ira sa mga tita niya.
"Ahem! Magandang gabi po sa lahat! I'd like to take this opportunity to make an announcement. Napakahalaga ng bagay na 'to sa akin and I want to involve everyone here because you are my family."
Habang nagsasalita si Aries, hinahanap ni Ira kung nasaan nakaupo ang mga kapatid niya.
Sa wakas, nahanap niya rin ito at umupo sa tabi ni Pops.
"Ano bang iaanunsyo ni kuya?"
"Sssh! Makinig ka na lang!" suway ni Orion.
"It's big!" dagdag ni Eros.
"I'm... getting married!" Anunsyo ni Aries.
Napanganga si Ira!
"WHAAAT?"
Di siya makapaniwalang ikakasal na ang kuya niya. Halo-halo din ang feelings niya. Masaya siya na may forever sila ng girlfriend niyang si Seah. They've been together for 9 years since college. Pero at the same time, nakadama din siya ng lungkot at selos. Ira is so possessive of Aries. He is her favourite kuya, after all!
"Ikakasal na si kuya?" bulong nito sa sarili habang tulala sa hangin "Ikakasal na siya? Ikakasal na ang kuya ko? HNNNNNNNG!"
At di napigilan ni Ira ang umiyak nang napakalakas.
Sa sobrang lakas, pinagtinginan siya ng lahat.