Chereads / The Girl Who Can't Date / Chapter 9 - Morning Talks

Chapter 9 - Morning Talks

THE GIRL WHO CAN'T DATE

9

Tahimik ang paligid at may kadiliman ang daan dahil di lahat ng ilaw sa poste ay umaandar. Pundido na ang iba. Kalmadong naglalakad si Maggie papunta sa bahay nila habang nakikinig ito ng music sa earphones.

Pagdating ng bahay, kinuha niya ang susi mula sa bag at binuksan ang pinto. Sinalubong naman siya ni Sabrina, ang aso niyang Chihuahua.

"Hi, Sabby! Miss me?"

Yumuko si Maggie upang maabot siya ni Sabrina. Masaya namang itong nagtatalon at dinidilaan ang mukha ng amo. Habang naglalaro ang dalawa, tumatawag naman sa cellphone ang mommy ni Maggie.

"Yes, mi?" sagot nito. Marahan naman niyang isinara ang pinto habang nakikipag-usap sa cellphone. "Yes! I'm fine po. Wag mo kong alalahanin. You don't need to rush going home. Enjoy kayo diyan sa Japan. Yes, yes! No worries! Bye, mi! Love you! Pakisabi din kay Dad, I love you!"

Maggie's parents were on vacation sa Japan. Nag-iisang anak lang din si Maggie kaya mag-isa lang siya sa bahay.

Samantala, tahol naman ng tahol si Sabrina sa pintuan. Galit ito tila may nararamdamang kakaiba sa labas.

"Sabby? What's wrong? Wag kang masyadong maingay baka marinig tayo ng kapitbahay at ireklamo tayo."

Ngunit ayaw tumigil ng aso sa kakatahol.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto.

Napatingin si Maggie. Kinakabahan. She wasn't expecting any visitors at this hour. Mas lalo pa siyang kinabahan ng lumakas ang katok sa pintuan.

"S-sino yan?" Dahan-dahang lumapit sa pintuan si Maggie, bitbit si Sabrina sa kanyang mga braso.

"It's me!"

The voice was not familiar to Maggie. Parang narinig na niya 'to pero di niya maalala kung kanino. She doesn't want to sound worried pero obvious na kabadong-kabado siya.

"Anong kailangan nila?"

"Maggie, don't worry. Si Eros 'to!"

Nakahinga ng malalim si Maggie. Binaba niya si Sabrina at madaling binuksan ang pinto. Isang gwapo at nakakahumaling na mukha ang bumungad sa kanya.

Mas gwapo pala si Eros kapag seryoso ang mukha. Sigaw ng isip ni Maggie.

"Eros? Anong ginagawa mo dito?"

"Ira told me about your stalker, and she was really worried about you so she sent me here to convince you na sa bahay ka na lang muna."

Maggie was speechless. She was really touched by Ira's thoughtfulness.

Gago ka talaga, Ira. Kailangan ba talagang ipadala mo pa ang kuya mo? Nakakarupok 'to, girl!

"Uhm! I'm fine..."

"I insist! You should really come with me!"

Sa tono ng pananalita ni Eros, mukhang hindi siya papayag na manatili sa bahay mag-isa.

Huminga ng malalim si Maggie. "Well, nandito ka na, eh! Pasok ka muna while I pack my things."

Kalmadong pumasok ng bahay si Eros, samantalang nagmamadali namang umakyat ng kwarto si Maggie upan kumuha ng mahahalang gamit at damit. Nakabuntot naman sa kanya ang aso niya. After 5 minutes, bumaba siya ng kwarto bitbit ang isang malaking backpack. Nadatnan niyang nakaupo sa sofa si Eros, crossed-arms at nakapikit ang mga mata.

Dahan-dahan itong lumapit sa sofa, tumayo sa harap ni Eros at bahagyang yumuko upang makita sa malapitan ang mukha. Sinamantala niya ang pagkakataon na matitigan ito ng matagal kahit sandali lang.

What a perfect face! Grabe! Ang gwapo talaga ng kuya mo, Ira! Ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha, pati yung pilikmata mahaba... at, ang bango pa!

"Busog ka na?" tanong ni Eros habang nakapikit ang mga mata.

Namula ang mukha ni Maggie sa hiya at napaatras ito.

"H-ha?"

Dumilat ang mga mata ni Eros at malalim itong nakatingin sa kanya. Kapansin-pansin ang pagkailang ni Maggie kaya natawa ito. That curve at the corner of his lip looked very sexy to her na parang gusto niyang halikan.

"Wala... Ready to go?"

"Mmm!" Yumango si Maggie.

Tumayo sa kinauupuan si Eros. Dahil di na makaatras si Maggie dahil sa mesa sa kanyang likuran, nagkaharap silang dalawa at nagkalapit ang kanilang mga katawan. Napakalakas ng dating ni Eros na tila nanigas saglit si Maggie. Tila nag-eenjoy naman si Eros sa reaksyon na nakapinta sa mukha ni Maggie.

"Arf! Arf!"

Pumagitna si Sabrina at tinahulan ng malakas si Eros. That broke the ice. Nauna ng lumabas si Eros. Sumunod naman si Maggie with Sabrina in her arms.

"May taxi bang dumaraan dito?"

"Sa oras na 'to wala na. Sa labas ng gate na lang tayo mag-abang."

"Okay!"

Naglakad palabas ng gate si Maggie at Eros. Nakasunod si Maggie sa likuran ni Eros habang tahimik itong naglalakad, his hands rested inside the pockets of his jeans. It reminded her of Ira.

Ang ganda naman ng katawan nito. Parang ang sarap yakapin."

Likod naman ng binata ang pinaghuhumalingan nito.

Nang biglang...

"Maggieeee..." an eerie male voice came from behind her and a man suddenly grabbed Maggie's arms.

Nabitawan ni Maggie si Sabrina. Tahol naman ng tahol ang aso at sinusubukang ipagtanggol si Maggie.

"AAAAAH!"

Napalingon si Eros sa lakas ng sigaw ni Maggie. Paglingon niya ay nakita niya si Maggie na halos maiyak na habang pinipwersang kausapin ng lalaki.

"BAKIT MO BA AKO INIIWASAN MAGGIE? AKALA KO BA OKAY TAYO? AKALA KO BA MASAYA TAYO? DAHIL BA SA LALAKING 'TO KAYA DI KO NA AKO PINAPANSIN?"

"Peter, ano ba? Wala namang tayo, eh! Magka-textmate lang tayo. Ano ba! Bitiwan mo ko! Nasasaktan ako!" Pilit na kumakawala si Maggie sa mahigpit na hawak ni Peter.

Nainis si Eros sa nakikita niya kayang isang malakas na suntok ang inimbay nito sa mukha ni Peter. Sumubsob sa lupa ang stalker. Sinubukan niyang tumayo ngunit di niya nagawa dahil malakas na inapakan ni Eros ang kanyang tuhod. His bones cracked! Siguradong mapipilayan siya sa pag-apak na yun.

"AAAAAH!" napasigaw si Peter sa sobrang sakit. Hinawakan nito ang kanyang tuhod habang umiiyak.

Di pa tapos si Eros. Gusto niya pang manakit. Buti na lang pinigilan siya ni Maggie dahil kung hindi, baka tuluyan ng di makalakad si Peter.

"Eros! Tama na! That's enough!"

Hindi na nagsalita si Eros. Isang nakakatakot na tingin lang ang kanyang ibinilin kay Peter, isang tinging siguradong di niya malilimutan.

Nagulat naman si Maggie sa nasaksihan niya, a side of Eros she never thought he had. Naalala niya, isang sweet at smiling na charmer ang nakilala niya sa daan. But the guy in front of her looked very different. He was rather cold and dead serious... nakakakilabot... nakakatakot!

At Pardilla's Residence...

Sabado ng umaga, nasa kusina si Eros at Ira umiinom ng kape. Nagbabasa ng newspaper si Eros habang humihigop ng kape, samantalang nakatitig naman sa kanya si Ira, nagdududa. Those sharp eyes shot at him made him uncomfortable kaya binaba niya ang newspaper at kinompronta si Ira.

"What is it? Ano bang nagawa ko?"

"Ooooh! You really know what this look means, huh?"

"Baliw! Kapatid kita at alam ko yang tingin na yan. You're accusing me of something!"

Ira crossed her arms in front of her brother not dropping her gaze.

"Hindi naman sa inaakusahan kita, kuya. Curious lang ako."

"Curious saan?"

"Kung paano ka napadpad sa bahay ni Maggie." Her eyebrow raised.

Umirap si Eros at muling kinuha ang dyaryo.

"Aye naku! Yun lang ba? Sus! Pwede ko namang i-explain sayo kung gusto mo, no!"

"So paano nga?"

"Simple lang. Alam kong may sumusunod kay Maggie kaya inunahan ko na. I know she was in danger that night, kaya nag-initiate akong sundan na rin siya at puntahan siya sa bahay nila. Actually, at first I thought that man was following you kaya inakbayan kita kagabi. When you told me about Maggie's stalker, ayun nagets ko na hindi pala ikaw ang pakay niya."

Ira surrendered her defense at nagulat sa kwento ng kuya niya.

"Reaaaally? So he was following us all along? Bakit di mo sinabi sa 'kin ang plano mo? Di sana sumama ako sayo."

"Kaya nga di ko sinabi sayo kasi alam kong sasama ka." Ira's eyebrows furrowed sa sagot ni Eros. Tiniklop ulit ni Eros ang dyaryo upang harapin si Ira at ipaintindi sa kanya ang kanyang motibo. "Look, Ira Bear! I'm not trying to look like a hero parang maging appealing kay Maggie if that's what you think. That night could have been more dangerous and if you were there, I can't promise I can protect you both."

Ira understood. Kung sakali mang naroon siya at nagkaloko-loko nang gabing yun, Eros will surely prioritize her safety, and since napaka-stubborn niya, she will surely sacrifice herself to protect Maggie.

"Good morning!" bati ni Maggie sa dalawang nagkakape. Umupo ito sa tabi ni Ira.

"Morning! Coffee?" bati ni Eros sa dalaga.

This time, isang sweet at charming na Eros ang nakikita ni Maggie sa kanya. Ibang-iba kagabi. She felt more comfortable with this persona.

"No, thank you!" sagot niya.

"Alright! Maiwan ko muna kayo. Need to prep for an appointment today." At umalis si Eros, iniwan ang dalawa.

"Kumusta tulog mo?" tanong ni Ira.

"Okay naman. Medyo naaalala ko lang kung anong nangyari kagabi. Di ko maisip kung ano kayang nangyari kung di ako pinuntahan ng kuya mo. I'm really thankful, Ira!"

Hinawakan ni Ira ang mga kamay ni Maggie at ngumiti. That give Maggie an assurance that everything will be okay.

Dumating naman galing ng hospital ang mag-asawa na may dala-dalang breakfast from Jollibee. Binati din nila ang bisita.

"Hello, girls! Good morning! Nag-breakfast na ba kayo? We have pancakes and eggs here. Oh by the way, I'm Seah! I heard about you from Eros last night." pakilala ni Seah kay Maggie. "I'm sorry I can't shake hands with you right now kasi galing ako ng ospital. Di pa ako nakapag-disinfect."

"Okay lang po. Nice to meet you po!" Maggie knows that Seah is five years older than her pero naiilang itong tawagin siyang ate or i-po dahil mukha naman siyang bata at ang ganda pa niya.

"And that's my brother, Aries! Masyadong introvert kaya ako na lang ang magpapakilala."

Natawa si Seah dun. "True! Most people misunderstand him na suplado daw kesyo ni nagsasalita, ganyan lang talaga yan."

"Wag kang maniwala sa kanila, Maggie." Nagsalita si Aries. "I was about to introduce myself. Inuunahan lang talaga ako ni Ira." disclaimer ni Aries.

"Huy, di kaya! Lagi ka kayang ganyan. Tahimik at kunwari di nag-eexist."

Nagtawanan ang mga tao sa kusina dahil sinusumpong na naman si Ira ng pagiging mainitin ang ulo. Nagising na rin kami ni Orion at sumabay sa pagkain ng almusal. Ipinakilala na rin kami ni Ira kay Maggie.

"Mamaya nga pala championship na namin sa Mobile Legends. Baka dito ulit kami tumambay ng mga kaibigan ko. Okay lang po ba, Kuya Aries?"

When it comes to decision-making, laging kay Aries humihingi ng permiso ang mga tao sa bahay. Si Pops kasi oo lang ng oo pero sumasabit pagdating kay Aries, kaya natutunan nila na kay Aries na lang magpaalam.

"Nagpaalam ka ba kay Pops?" Si Aries naman, lagi niyang binibigyan ng halaga ang pagiging haligi ng tahanan ni Pops. Alam niyang sobrang bait at understanding ng tatay namin pero sinisigurado niyang hindi mawawala ang respeto namin sa ama.

"Yes kuya."

"Okay! Pero..."

Napalunok saglit si Orion. Di niya inaasahang may kondisyong ibibigay ang kuya niya.

"Pero ano po?"

"You buy your own dinner. Wag mong hayaang si Pops pa ang mag-aasikaso sa mga kaibigan mo."

"Aye, opo kuya! Pinag-usapan na po namin yan na magdadala sila ng pagkain."

"Good! And also, wag kayong masyadong makalat."

"Yes po!"

Masayang-masayang kumain ng almusal si Orion at excited sa tournament nila. Pagkatapos nilang kumain, nag-boluntaryo pa itong linisin ang kusina. Ngumiwi naman ang mukha ni Ira sa pagpapakitang-tao ni Orion.

"Naku! Sana lagi mabait. 'Tong si Ion, maaasahan mo lang sa bahay kapag may kailangan."

"Pwede ba wag ka ng epal, ate!" iritadong sabat ni Orion habang hinuhugasan ang mga tasa.

"Teka nga! Di ba kayo busy? Parang ML lang ata kayo ng ML ah?" usisa ng kuya.

"Kuya, sembreak po namin ngayon." Paliwanag ng kapatid.

Tiningnan naman ni Aries si Ira at Maggie. "Kayo rin ba? Sembreak niyo na?"

"Next week pa po!"

Biglang lumiwanag ang mukha ni Seah. "Speaking of next week, di ba birthday na ni Ion?"

"Oooooh! Talaga? So ilang taong gulang ka na next week?" excited na tanong ni Maggie.

"23 na po ako next week."

"Beach po tayo!!!" I suggested.

Nagtinginan si Seah at Aries. Napangiti sa ideya ng outing.

"That sounds nice!" sang-ayon ni Ira.

"Tamang-tama dahil off namin sa araw ng birthday ni Ion." Dagdag ni Seah.

Sa gitna ng pag-uusap, pumasok mula sa backdoor si Pops at nakangiting nakisali sa usapan. "Matagal na rin tayong di lumalabas. Mukhang kailangan natin lahat ng bakasyon at pahinga. Nakakamiss din magdagat!"

Masayang-masaya ang magkakapatid na nakita nila ang ama na sang-ayon at excited sa bakasyon. Gusto din nilang makitang nagrerelax si Pops.

"Kelan pa ba uwi ng parents mo, Maggie?"

"Baka in two weeks pa eh!" nahihiyang sagot ni Maggie.

"You can stay as long as you want, Maggie! Wag kang mahiya. Tsaka, sumama ka na rin sa outing namin." Anyaya ni Pops.

Maggie couldn't be any grateful. This was the first time she met the Pardilla Family but she feels so at home. Ramdam niya na welcome siya sa bahay na yun at ramdam niya rin na ligtas siya at komportable. Minsan napapaisip siya na sana parte rin siya ng pamilyang ito.