THE GIRL WHO CAN'T DATE
10
Habang naglalaro for the finals si Orion at ang kanyang mga barkada, nanonood naman ng livestream ng laro sina Ira, Maggie at Eros. Nakaka-relate at naiingganyo sa panonood si Ira at Eros dahil naglalaro din sila ng ML. Samantalang, sinusubukan namang intindihin ni Maggie ang kanyang pinapanood.
"Anong kulay ba sila?" tanong nito.
"Sila yung pula. Kita mo yang naka-blue na parang bakulaw na robot? Atlas ang pangalan ng hero na yan at si Orion ang kumukontrol." Paliwanag ni Eros.
Namangha si Maggie. Kanina pa niya napansin na andami nilang kills dahil sa set ng hero na yun. 30 minutes ang lumipas, natapos ang laro at naging maingay ang bahay sa pagkapanalo ng kupunan nila Orion.
"Panalo sila? Wooow! Ang galing!!!" pumalakpak rin si Maggie kahit di niya naiintindihan, ramdam naman niya ang tuwa ng lahat.
"Masayang pinagsaluhan ng lahat ang hapunan. Bumili na rin ng pizza at mga inumin si Eros dahil nadala sa tuwa ng magbabarkada. Feeling niya barkada niya rin ang mga kaibigan ni Orion. Sa bagay, people person naman talaga si Eros at mahilig pumarty.
Pagkatapos kumain, hinayaan ni Ira na magsaya si Orion kasama ang mga barkada kaya nagboluntaryo na itong hugasan ang mga pinggan. Tinuturuan naman ni Eros si Maggie maglaro ng ML.
Habang hinuhugasan ni Ira ang mga pinggan, bigla na lang sumulpot si Stelios, malaki ang ngiti at mukhang tuwang-tuwa. Nakasandal ito sa counter ng kusina kung saan naghuhugas si Ira.
"Sooo! Ira is the name!"
"Congrats! Nalaman mo rin pangalan ko." Sarkastikong sagot ni Ira habang sinasabunan ang mga pinggan.
"Let me help!"
Tumabi si Stelios at tinulungan si Ira sa pagbabanlaw ng mga sinabunang pinggan.
"Huy! Ano bang ginagawa mo?"
"Tinutulungan kang maghugas!"
"Pumayag ba 'ko?"
"I wasn't asking for your permission."
UNBELIEVABLE! Sigaw ng isip ni Ira! Hindi niya inaasahan na ganito si Stelios, straightforward, confident, at medyo matigas ang ulo.
But for me, mmm, he's more like mahangin na mayabang kind of guy. I guess magkaiba lang talaga ang impression ng babae at lalaki.
"Alam mo! Siguradong hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Bumalik ka na sa loob!"
Hindi nabahala si Stelios.
"They won't look for me. I told them na tutulong ako dito."
"You did?"
"Yeah. Why?"
"Di sila nagtaka?"
Stelios paused at tiningnan si Ira ng may pagtataka.
"Why would they? Wait! Natatakot ka ba na baka pag-isipan tayo ng masama?"
"Hello! Babae ako at lalaki ka tapos tayong dalawa lang ang nandito. Pwede nilang bigyan ng malisya yun."
Stelios sniggered.
"They won't! But if they do, okay lang din." Ngumingiti-ngiti pa si Stelios, tila inaasar si Ira. "Ang tingin ng lahat sayo ay Ate, and they thought I look at you the same, but they had no idea that I don't. At hindi nila alam na we met at the speed da..."
"Sssssssssh! Shut up! Shut up! Shut up! Ayokong pag-usapan yan."
"But I wanna talk about it!"
"And whyyyyy?"
"Because it's where I met you. It means a lot to me!"
Hay naku! Pa-fall ang putcha!
My sister was speechless. Her face looked like a crumpled paper sa naririnig niya kay Stelios. Cringe ang feeling niya!
"You're out of your mind! Tapusin mo na nga lang yan!"
Nagpunas ng kamay si Ira at iniwan si Stelios mag-isa. Nagsusuplada man ang dalaga, aliw na aliw pa rin ang binata sa kanya.
At Graysons University...
"Mr. Doromal and Miss Pardilla, in my office now please!"
Nagtinginan si Skye at Ira nang bigla silang pinatawag ni Mr. Fuentes, ang head ng MAPEH Department, sa office niya. Habang naglalakad patungong office, halatang kinakabahan si Ira. Panay ang paglalaro nito sa string ng hoodie jacket niya. She easily gets intimidated by the way.
"May nagawa ba tayong kasalanan?" tanong nito sa kasama.
"Ako, siguradong wala. Ewan ko lang sayo." Pananakot ni Skye.
Inirapan ni Ira si Skye. Kahit kailan, wala talaga siyang maaasahang maganda sa cold and sarcastically blunt na colleague.
They stood in front of the Dep. Head's Office and breathed in deep bago kumatok at pumasok.
"Good morning, sir!" bati ng dalawa.
"Have a seat!" Mr. Fuentes offered.
Umupo sa magkabilaang upuan ang dalawa in front of Mr. Fuentes' table. The Dep. Head wiped his glasses first bago nagpaliwanag sa kanyang pakay.
"Miss Corazon, our Department Coordinator is resigning in her position. She needs to fly to America to send her Mom an immediate medication. Thus, the position will be vacated and open for a replacement."
Nagliwanag ang mga mata ni Ira. She always wanted that position dahil pride, honor and salary increase ang nakasalalay. She was holding herself not to be overjoyed habang di pa tapos sa pagpapaliwang si Mr. Fuentes.
"The reason why I called you is to inform that you two are the chosen candidates to replace Miss Corazon. You've been working here in Graysons University for 7 years already and among all teachers, kayo ang seniors. Other department heads also made a good evaluation sa performance ninyo."
"So, ibig po bang sabihin na Miss Pardilla and I will be in a competition?" Skye clarified.
"Let's not call it a competition. I don't want my staff to compete with one another. Ang mangyayari is oobserbahan namin ang kalidad ng trabaho ninyo, pati na rin ang pakikisalamuha at relasyon niyo sa mga estudyante and other staff ng school. Saka namin iaanunsyo kung sino sa inyo ang magiging new coordinator. Is that clear?"
"Got it, sir!" sagot ni Ira.
"Opo, sir F!" sagiot naman ni Skye.
"You may go back to your classes now! Thank you for your time!"
Nagpasalamat ang dalawa saka lumabas ng office. The moment the door closed, kumaripas ng pag-alis si Skye at iniwan si Ira na naglalakad mag-isa sa corridor.
Umasim naman ang mukha niya sa pinapakitang asal ni Skye.
"Tsk! Tingnan mo nga 'tong mokong na 'to. Wala talagang pakikisalamuha sa colleagues niya. Suplado!" Ira complained.
Pagbalik niya ng office, sinalubong siya ni Maggie sa pintuan na tuwang-tuwa, kilig na kilig, at nagtatalon sa excitement.
"IRAAAA! OMG! Iba ka girl!"
Does she know already? Di pa ako pinipili ah?
Tiningnan ni Ira si Skye, wondering if he told everyone about what they discussed in the office! But Skye's table was empty. He's already in the class.
"Bakit?"
"Looook! Di mo sinabi sa 'kin na may manliligaw ka na pala ha!"
Hinila ni Maggie si Ira papunta sa kanyang mesa. Ira's jaw dropped when she saw a bouquet of flowers and a box of pizza on her table. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa at kinuha ang mga bulaklak. It was very lovely, too lovely na di niya mapigilang ngumiti. First time niyang makareceive ng bulaklak.
"Ang ganda naman nito. Para sa 'kin ba talaga 'to? Kanino galing?"
"Diniliver kanina. Nakapangalan nga sayo eh. Tingnan mo yung card kung kanino galing."
Napansin din ng ibang staff ang bulaklak and started teasing Ira.
"Finally! May nanligaw na!"
"Naku! May magkakajowa na ata ah!"
"Uy, Congrats Miss Pardilla!"
"Sagutin mo na yan!"
Lahat ng atensyon ay na kay Ira. She felt uncomfortable about it but she chose to ignore it anyway. She checked the card na naka-attach sa flowers and read the message.
A woman like you deserves a bouquet of lovely flowers. – S.
"S? Sinong S?" Maggie wondered.
Alam ni Ira kung kanino galing ang flowers at pizza. But she doesn't want to tell anyone about Stelios. She thinks hindi naman kailangan. Besides, she's determined that she doesn't want to do anything with the kid.
"Di ko alam! Maybe S means secret admirer? Ganun!"
Buti na lang hindi na kinulit ni Maggie si Ira or else mapipilitan talaga siyang magkuwento.
"Awwwe! Ang ganda talaga ng mga bulaklak!" pamamangha ng kaibigan.
"Gusto mo? You can have it!"
Maggie's eyebrows furrowed in disbelief. "Ha? Bakit mo ipamimigay? Di mo ba na-appreciate?"
"Appreciated naman. Pero kasi di naman talaga ako mahilig sa bulaklak. Di ko alam kung anong gagawin diyan. But if you'll have it, pwede mong idecorate yan sa TLE Room mo and sigurado ako na mapapahaba mo pa ang buhay niyan for a week."
Ira got a point. Magaling si Maggie sa arrangements, designs, creativity at kung anu-ano pa dahil expertise niya yun as a TLE Teacher. Mahilig din sa bulaklak si Maggie. Hindi man niya ito muling maitatanim sa lupa, at least kaya niya pang iprolong ang buhay nito for a week or two.
"Okay fine! I'll have it. Sayang din naman kung itatapon mo lang. Ilalagay ko na lang 'to sa vase and place it in the TLE Room. Ooor, idecorate na 'tin sa bahay niyo..."
"WAAAAAG!" nataranta si Ira. Kapag nakita ng pamilya niya ang bulaklak, uusisain nila si Maggie at malalaman nilang sa kanya yun at siguradong iha-hot seat siya ng mga yun.
"Why?"
"Uhm... kasi, ano... allergic si Usher sa flowers."
Pft! Di kaya!
"Aaah, ganun ba? O sige na nga. I'll place it in the TLE Room na nga lang."
"Thank you!" nakahinga ng maluwag si Ira. She was paranoid for a second.
Ira smiled at Maggie as she left with the flowers. Samantala, sumasakit naman ang ulo niya sa pinanggagawa ni Stelios. Di niya inaasahan ang mga galawang 'to.
Later that night, Ira received a message request from Stelios. When she opened it, she saw a photo of him smiling so wide.
"Nababaliw na ata 'tong batang 'to." She whispered.
"Did you like the flowers?" mensahe nito kay Ira.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Baliw ka ba?"
"Oo! Baliw sa'yo!"
"Sira ulo 'to ah!" Napapikit sa inis si Ira. Feeling niya pinagtitripan siya ni Stelios. Sa inis, parang masisira na ang cellphone niya sa madiin na pagpindot ng cellphone. "Huy, bata ka! Kung wala kang magawa, maghanap ka ng ibang babaeng pagtitripan mo! Wag ako!"
"I maybe younger than you pero di ako bata. And definitely di kita pinagtitripan. Wait and you'll see that I'm serious about you."
Seenzoned! Hindi na nag-reply si Ira.
"Serious your face! Eh, hanggang Facebook ka lang naman! GRRRRRR!!!" sinigawan niya ang cellphone niya, feeling frustrated and confused at the same time.
Nasa loob sila ng kwarto at napansin ni Maggie na kanina pa nakatayo at nakatutok sa cellphone si Ira. Nakukunot ang noo at inis na inis ang mukha habang kinakausap ang sarili.
"Huy! Okay ka lang diyan?"
"Okay lang. May mga wild pokemon lang sa buhay."
"Huh? Anong wild pokemon?"
"Yung mga tipo ng lalaki na bigla-bigla na lang sumusulpot para magpapansin!"
Maggie glowered her eyes. Tapos nilapitan niya si Ira para usisain.
"Naks! Anong meron? Si secret admirer ba yan? Nagpakilala na ba? Nanliligaw na? Ano?"
Ira sat floppily at the foot of her bed and weaved a long sigh.
"Parang ganun pero eeeh, ayokong patulan. Di naman ata 'to seryoso."
"Paano mo naman nasabi na di seryoso, aber?" Maggie crossed her arms irritated.
"Ah basta! Feeling ko lang." Sagot nito. She lied on her bed and covered her face with a pillow.
"Feeling mo lang? Nubayan! So anong plano mo diyan sa secret admirer mo?"
"Wala! Pagsasarhan ko ng pinto."
Kinuha ni Maggie ang unan at hinila siya patayo.
"Wag ka ngang ganyan. Wala ka na ngang jowa, di ka pa exciting. Paminsan-minsan, lagyan mo naman ng kulay yang buhay mo. Give men a chance, Ira! Sarap kaya kiligin."
"Sarap nga kiligin pero masakit naman kapag nasaktan."
"Girl! Crush yung pinag-uusapan natin. Hindi love! Pag-crush, crush lang. Wag mo munang mahalin agad. Kikilalanin mo pa nga lang eh."
"Maggie! If you decide to get to know someone, ibig sabihin mag-iinvest ka nun. Mag-iinvest ka ng oras, ng panahon, ng feelings, ng pera. At kung nag-invest ka sa maling tao, lugi ka. It's like business. You don't invest kung alam mo namang babagsak lang."
"Girl! Sa business, you take risks! Walang businessmen na di tumaya patungong success. Ganun din yun sa love. We take risks! At paano mo naman malalaman kung tama o mali ang tao kung di mo naman binigyan ng chance, kung di mo man lang kinilala, di ba?" nagkibit-balikat lang si Ira. "Ira, please! Just try it! Paminsan-minsan, magbukas ka naman ng pinto!"
True! Ira is really walled. She had a lot of fears and doubts when it comes to love. Kaya nga single siya. But on the other side of the wall, she's waiting. She's waiting for that man to prove to her that love is worth all the risk.