Chereads / The Girl Who Can't Date / Chapter 15 - Bad Mood. Bad Day.

Chapter 15 - Bad Mood. Bad Day.

THE GIRL WHO CAN'T DATE

15

Beeep!

The beeper beeps. Handa ng kunin ang order nilang kape.

"I'll get it!" nag-representa si Skye. He can tell that Ira was uncomfortable.

Nang tumayo siya, tumayo rin si Ira.

"Tutulungan kita." Ira forced a smile.

Tiningnan siya ni Skye for a brief second. He wanted to ask her if she's okay, but yumango na lamang ito and led the way to the counter.

"Order 51!" Skye gave the beeper to the cashier as she hands out their order.

Ira was standing next to Stelios and the girl who were waiting for their orders to be taken. She felt very stiff and cold. Kinuha niya ang mga order at before she left, sinadya niyang huminto saglit at tiningnan si Stelios.

Surprised, Stelios lost his smile habang kausap ang kasamang babae nang makita niya si Ira na nakatitig sa kanya. Ang mga mata nito ay puno ng pagkasuklam tila nagsasabing 'You are such an asshole!'

"Tara na!" Skye placed his hand sa balikat ni Ira at marahan itong inilayo sa binata. Kinakabahan na baka mag-eskandalo ang kasama.

Nanatiling tahimik si Ira hanggang sa labas habang hawak ang dalawang supot ng inorder nilang kape. Malayo ang tingin nito. Bakas sa mukha na ayaw niyang makipag-usap kahit kanino.

Hindi rin nagsalita si Skye. Though he wanted to badly ask her kung okay lang siya but he knows her too well. Alam niya na mas mabuting manahimik na lang muna. Kinuha nito ang extra helmet at maingat na isinuot sa ulo ni Ira. He looked at her with so much concern in his eyes.

Marahan na rin ang pagmamaneho niya ng motor. When they arrived at the campus, mabilis na tumungo ng entrance si Ira at iniwan na naman si Skye. Tumatakbo namang sumusunod ang binata sa kanya habang tinatawag ang pangalan nito.

"IRA!!!" ngunit di siya nililingon nito.

"IRA!!!" tawag nito ulit. "Huy, Ira!"

Ngunit sadyang di nakikinig si Ira. "IRA! Teka nga!"

"Ano???" lumingon si Ira. Galit na galit! "Kung wala kang sasabihing maganda, kung mang-aasar ka lang, pleaaase! Wag ngayon! I don't wanna hear your crap!"

Then she walked out na hindi man lang hinayaan si Skye na magsalita.

Nagkamot na lamang ng ulo si Skye habang patuloy sa pagsunod kay Ira patungong gym. Nakasalubong ni Ira si Leo pagpasok niya ng gym kaya agad nitong iniabot ang mga kape ng walang ibang sinabi.

"Anong problema nun? Bad mood ba yun? Nag-away na naman kayo?" tanong ni Leo nang dumaan si Skye.

"Lagi naman siyang bad mood, di ba? Di ka na dapat nagugulat." Ngumiti si Skye sa katrabaho sabay bawi sa isang supot na may lamang frappe.

Hinabol niya si Ira sa gitna ng maraming tao na nanonood ng pageant. Sinumang nakakasalubong ni Ira ay di mapigilang tumingin sa kanya.

"Excuse me! Excuse me!" Skye tried to make his way through the crowd. "Ang bilis naman maglakad ng babaeng 'to... IRA!!!"

Naabutan niya si Ira sa pintuan papasok ng backstage. Huminto na rin ito at hinarap si Skye. Nagpipigil umiyak, tila ba sasabog na ito sa nararamdaman niyang di maintindihan, naiinis, nagagalit, nasasaktan, nahihiya, nangliliit sa sarili!

"ANO BA??? ANO BANG KAILANGAN MO?" her voice was breaking when she opened her mouth to talk.

Dahan-dahang lumapit si Skye sa kanya til they were inches apart from each other. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Ira. Di niya mawari ang nangyayari. With Skye standing so close to her, she can smell his sweet scent and couldn't help notice his firm and athletic physique.

Ira could see how Skye's hands are moving closer to her face and moved to her jaw.

"Ano bang trip ng lalaking 'to? Bakit ang lapit naman? Is he going to hold my face? Is he going to kiss me? Teka!!!"

Then, click!

Tinanggal ni Skye ang helmet sa ulo niya. Namula ang mukha ni Ira. Hindi niya na-realize na she had been wearing the helmet ever since she entered the campus.

"Shooot! I forgot about the helmet. Is that the reason why people had been staring at me? Shooocks! Kakahiyaaa! But my gaaaawd! My thoughts are more embarrassing! I can't believe naisip mo yun, Ira Micooole!"

Napapikit na lamang ito sa inis at hiya. Ira gritted her teeth as she stood there frozen. Mayamaya ay nakadama ito ng lamig sa ulo. Something cold was placed on top of her head. Kinapa niya ito at nahawakan ang isang baso ng frappe. When she opened her eyes, she could see Skye's arms holding the frappe on her head.

"Magpalamig ka nga ng ulo mo!"

Skye let go nang hawak-hawak na ni Ira ang frappe, saka niya ito iniwan para pumasok sa loob ng backstage. Ira looked at the drink at saka naalala na nag-order din pala siya ng mint chocolate frappe.

"Seriously, Ira!" kinausap nito ang sarili. "Get a hold of yourself!

Lunch Time...

Napansin ni Maggie ang pagiging tahimik at matamlay ni Ira.

"Ira? You okay?"

"Yeah?" Ira forced a smile as she played with her food.

"Sure ka?" paniniguro ng kaibigan na di kumbinsido sa kanyang sagot.

Yumango lang si Ira sa kanya. Wala na naman itong ganang kumain. She was at her phone again stalking Stelios' timeline. She noticed that his post about feeling happy had one heart reaction from a certain 'Kirsten Pilar'.

Curious, she clicked the name and started stalking her instead. Namukhaan niya agad ang babae. She was the pretty girl na kasama ni Stelios sa coffee shop. Marami silang mutual friends including her brother, Orion. She checked the album to see her photos. Marami silang sweet pictures ni Stelios together since three years ago. Nang tingnan niya ang timeline niya, may post ito kahapon na nagsasabing, "I love you and I love you still."

Agad niyang pinatay ang phone at pabagsak na itinaob ito sa mesa. Samantala, tahimik na nagmamasid si Skye. Nagulat naman si Maggie sa kanya.

"Okay ka lang ba talaga?

Isang fake na smile ang iniharap niya kay Maggie. "Sorry! Napalakas lang."

"Ira!" tinawag siya ni Skye.

Biglang nagbago ang expression nito sa mukha from a fake smile to the annoyed face. "What?"

"Basketball Game ang next event." Paalala nito.

Ira weaved a sigh. She stood up and excused herself. "Excuse me! Maghahanda pa pala ako para sa Basketball Tournament."

Ira excused herself from everyone at tumungo ng gym. Nakalutang ang isipan niya habang naglalakad ito sa hallway. Di maalis sa isipan niya ang larawan ni Kirsten. Maganda, maputi, mahinhin, dalagang-dalaga kumilos, at mukha ring matalino. She can't help but compare herself. When she passed by the glass wall ng canteen, tiningnan niya ang kanyang sarili mula ulo hanggang paa. Nadismaya ito sa nakitang repleksyon. Hoodie sweater and jogging pants? Tapos ang gulo pa ng buhok? She doesn't feel pretty at all.

She shook her head in disappointment as she looked at her reflection.

"Hay naku, Ira! Kaya di ka nagkakajowa kasi ang lousy-lousy mo. Tingnan mo nga yang pananamit mo. Nakakaumay!" she told herself.

Habang pinupuna ni Ira ang kanyang sarili, dalawa sa kanyang mag estudyante ang tumatakbo papalapit sa kanya.

"Coach Iraaaa!!!"

"Oh! Dennis! Mike! Bakit?"

Hinihingal ang dalawa at nababahala.

"Coach! Kailangan niyo pong pumunta ng court ngayon din."

Nagsimula ng kinabahan si Ira sa dalawa. "Bakit? Anong nangyayari?"

"Nag-aaway po ang mga sophomores at juniors."

Napatakbo si Ira patungong gym dahil sa narinig niya. Kabado siya sa gulong nagaganap dahil alam niyang mananagot siya bilang coach. Nang dumating siya sa loob ng gym, mainit ang sagutan ng dalawang estudyante, isang sophomore at isang junior.

"Huy boy! Bawas-bawasan mo yang kayabangan mo! Second year ka pa lang." sabi ng isa na may suot na green jersey.

"Ah talaga? Di porke third year ka, di kita papatulan! Yabang mo! Supot naman!" sagot naman ng isa na may suot na yellow jersey.

"Anong sabi mo? Sinong supot ah!"

Di na napigilan ng junior player ang sarili dahil tinamaan nito ang kanyang ego kaya isang malakas na suntok sa mukha ang inimbay niya. Di naman nagpatalo ang sophomore player kaya bumawi ito ng sipa sa tiyan. Hanggang sa nagrambolan na ang mga estudyanteng naroon. Nakisali na rin ang mga kaibigan ng mga sangkot sa kaguluhan. Samantala, sinusubukan namang buwagin ng ibang manlalaro ang nag-aaway na mga players.

Tumakbo si Ira papalapit sa kanila. Sumipol na ito ngunit hindi man lang natinag ang mga bata at patuloy sa pagrarambol. Hinila, tinulak, pumagitna, sinubukan niya lahat para suwayin ang mga batang nag-aaway.

"Huuuy! Ano baaa! Tama na! Rivera! Ferrer! Tigilan niyo na yan... ano baaa! Huuy!"

Sa kalagitnaan na kanyang pagsusuway ay aksidente itong nasiko sa bibig na sobrang lakas at natulak pa sa sahig. Sa lakas ng tama, pumutok ang bibig nito at dumugo.

"Gavin! Tama na! Tinamaan mo na si Coach Ira!" pangsusuway ni Mike sa kasama.

"Coach! Okay ka lang?" Inalalayan naman ni Dennis si Ira na tumayo.

"Bwisit tung mga 'to! Ginagalit talaga ako!"

Tumayo si Ira na galit na galit. Sumipol siya ulit ng malakas at dahil di pa rin tumigil ang mga manlalaro sa pagrarambol, hinugot niya lahat ng lakas na meron siya at sinapak sa mukha ang dalawang batang nagsusuntukan at sumigaw ng napakalakas.

"TAMA NAAAA!!!"

Nahinto saglit ang pagsusuntukan nila at nakatingin lahat kay Ira. Saka lang nila napansin na nariyan pala ang guro nila. Paano naman kasi siya mapapansin eh ang liit-liit niya.

Humihingal sa galit si Ira at sinuri ang mga mukha ng mga manlalarong sangkot sa gulo.

"Sinong nagsimula nito?" hindi sumagot ang mga bata. "SINO???"

"Coach! Yang mga third year kasi ang yayabang eh. Dumaan lang kami tapos bigla kaming pinagtawanan!" paliwanag ni Gavin na hinihingal.

"Di po totoo yan, coach. Nagtatawanan po kami dahil sa joke ni Rick. Sila po ang unang sumugod at nanulak." Kwento naman ni Jarred, pawisan at medyo sugatan.

"Eh kasi nga ang yabang mong supot ka!" sigaw ni Gavin.

Ginalit ni Gavin si Jarred kaya tinulak niya ito. "Aah ako pa ang supot? Haa?"

Gumanti naman si Gavin. Tinulak niya rin ng malakas si Jarred.

"TAMA NA SABI EH! ANO??? GUSTO NIYONG MAGPATAYAN? SIGE! DUN KAYO SA LABAS MAGPATAYAN!"

Sa sobrang inis ni Ira, di niya napigilang magsisigaw.

"Miss Pardilla? What is going on here?"

Huminahon si Ira nang makita si Mr. Fuentes na papalapit kasama si Skye at Leo.

"Ira! Yung labi mo." Pagpupuna ni Skye sa dumurugong bibig ng colleague.

Pinahid ni Ira ang sweater nito sa kanyang bibig upang punasan ang dugo.

"Nagkagulo po sila, sir!" Di makatingin si Ira kay Mr. Fuentes. She was obviously embarrassed for not being able to handle the situation well.

Mr. Fuentes investigated the situation. Matapos ang ilang minutong katanungan, in disappointment, kinansela niya ang Basketball Tournament and decided to push the schedule of the Dance Contest.

"Mr. Fuentes!" hinabol ni Ira si Mr. Fuentes na nag-walk out sa sobrang disappointment. Buti na lang nilingon niya pa rin si Ira, and she had the chance to apologize. "I – AM – REALLY – SORRY about this!"

Mr. Fuentes fixed his eyeglasses. "Why don't you go to the clinic at gamutin mo yang sugat mo sa bibig, Miss Pardilla."

Then he left.

Pinanghinaan ng loob si Ira. Napaupo ito sa bench, ibinaon ang mukha sa kanyang palad at dumaing.

"AAAAAH! What a day!!!"

Skye, his hands inside his pockets, watched his colleague groan in disappointment. Ngunit wala siyang magawa. Di niya alam kung papaano dadamayan ang dalaga.

"You should go to the clinic." mungkahi ng chinito.

Ira lifted her head and breathed deep. "Di na kailangan. Di rin naman masakit."

"Paano kung maimpeksyon yan? Mukhang malaki pa naman ang sugat."

Tumayo agad ang dalaga at huminga ulit ng malalim. Tumingin ito kay Skye na inis na inis. Then she walked away with Skye following behind her. Nang dumating sila sa clinic, Nurse Joy wasn't around kaya sila na lang ang naghanap ng gamot. Skye rummaged through the cabinet while Ira was looking at her face in the mirror.

"Malaki nga pala talaga ang sugat."

"Sabi ko sayo, diba?"

Skye found the medicine. Hinila niya ang dalaga at marahan na pinaupo ito. Tumabi ito sa kanya at tumitig sa mga labi ni Ira, mga labi niyang malambot at mas lalo pang pumula dahil sa dugo mula sa sugat niya. Napalunok ito saglit. Then he composed his self.

Tumayo ang binata at kumuha ng malinis na bimpo mula sa kabinet at binasa ito with soap and water sa sink. Bumalik ito sa tabi ni Ira at sinimulan ang paglilinis sa kanyang bibig.

"Do you even know what to do?"

"Of course. Laging napapaaway si Kuya noong bata pa kami. Sa tuwing nagkakasugat siya, ako ang gumagamot."

Sobrang lapit ng mukha ni Skye sa mukha ni Ira habang ginagamot nito ang kanyang bibig. Ang mapupungay na mga mata, ang tangos ng ilong at mapulang labi naman ang napansin nito.

Huuuy, Ira! Ano bang nangyayari sayo? Close your eyes! Close your eyes!

At pinikit nga niya ang mga mata.

"Masakit ba?" tanong ni Skye nang mapansing nakapikit ang dalaga.

"H-ha? Hindi naman."

"Namamaga ang labi mo. You need to put something cold. Diyan ka lang. I'll be back." He left for a couple of minutes. When he got back, may dala na itong icepop. "Oh! Kainin mo."

Ira looked at him surprisingly. Hindi niya inaasahang magiging ganito ka concern si Skye sa kanya, for all she knows he's a jerk. Tinanggap niya ang ice pop at nilagay ito sa bibig niya.

"Mmm... ansarap naman nito."

"First time?"

"I never tried eating this one. Ngayon lang. Di kasi ako mahilig sa matamis."

"Aaah. Ganun ba?" Yumango si Skye. His face looked bored and uninterested na siyang ikinainis na naman ni Ira.

"Alam mo bang napaka-annoying ng mukha mo? Like nakakairita ka kahit wala kang ginawa."

Skye smirked. "Gusto ko sanang mang-asar kaso naalala ko lang na heartbroken ka pala today."

Napapikit sa inis si Ira. Gigil na gigil ito na parang gusto niyang manapak.

"Hnnnngggg! Nakuuu! Ansarap mong.... grrr!" then she walked out. Tawang-tawa naman ang chinito.

Natapos ang araw na yun na pagod na pagod ang lahat. Pagod man ngunit bawing-bawi naman sa pakain ni Miss C bilang pa-farewell niya. Habang nagsasaya ang lahat, tahimik na umalis si Ira. She doesn't feel like partying after all that has happened to her that day. When she got out, hindi niya inaasahang makita rin sa labas si Skye.

"Skye?" tawag nito sa nakatalikod na binata. Lumingon si Skye sa kanya at tinanggal ang suot na helmet. "Uuwi ka na? Di ka ba makiki-party sa loob?"

Umiling si Skye habang hawak-hawak ang helmet. "Ikaw?"

"Sa tingin mo magagawa kong makisaya after today?" Ira crossed her arms at nalumbay nang maalala niya si Stelios. Lalo pa itong nalungkot nang dumaan si Mr. Fuentes na hindi man lang bumati o ngumiti.

"Wanna drink?" yaya ni Skye.

Ira admittedly doesn't like him. She doesn't even consider Skye as a friend. Ang pakikipag-inuman o pakikipag-bonding sa kanya ay kailanman di niya hinihiling na mangyari. But that moment, it was Skye who witnessed how devastating her day was and she thought siya lang ang makakaintindi sa pinagdadaanan nito.

"Iinom lang ako pero di ako maglalasing. Deal?"

"Of course! Ayoko ring mag-uwi ng lasing na babae sa bahay nila."

"Call!"

Pinaandar ni Skye ang motor at agad na sumakay si Ira.

Boss Grill, inuman sa likod ng Town Center...

Skye took a gulp on his beer, his eyes fixed on Ira who was staring sadly at her own bottle.

"I really want that position you know." Panlulumo ni Ira. Matamlay ito at alalang-alala. "I think Mr. Fuentes is so disappointed with me today. Tingin ko malabo na talagang makuha ko pa ang coordinatorship!"

Sobrang expressive niya nang gabing yun. Ni hindi man lang niya naisip na kakompetensya niya sa posisyong coordinatorship ang kausap. But Skye didn't mind at all. In fact, nagagawa pa nitong palakasin ang loob ng colleague.

"Wag ka ngang mag overthink. You may have failed today pero di ibig sabihin failure ka na."

"Hnnnnng!!! Ang sakit sa ulooooo! Dumagdag pa yung gagong Stelios na yun!"

Nanlulumo ito na para bang maiiyak. Habang tinititigan siya ni Skye, di naman niya mapigilang matawa. Mukha kasi siyang aso na iniwan nga amo.

"Marurupok na gagamba, umasa na naman. Akala niya forever na, yan tuloy nasasaktan." kumanta ito para asarin si Ira.

"Shut up!"

"Ano bang nagustuhan mo dun? The first time I saw him in his red car, I can already tell that he's an asshole!" pahayag nito sabay inom ng beer.

"I don't know! Di ko naman siya gusto sa simula eh. He wasn't my type. He's even younger than me." She breathed in deeply. "Pero tingin ko nadala lang talaga ako sa mga salita niya eh. The way he tells me how he likes me, or how awesome I am, or when he says na maganda ako... damn, ang sarap sa feeling eh. Ang sarap isipin na may magkakagusto rin pala sa 'kin, na maganda pala ako... tapos ganito ang mangyayari? Di ko alam kung anong iisipin ko sa sarili ko! Naiinis ako na naaawa. Gusto kong masaktan pero mas nagagalit ako kasi ang tanga-tanga ko!"

Pagkatapos sabihin lahat ni Ira yun, nilaklak niya ang isang bote ng beer.

"Listen!" nilapit ni Skye ang mukha niya kay Ira upang marinig siya nito ng mabuti. Medyo maingay ang paligid nila dahil sa dami ng nag-iinuman. "It's not your fault. Gago lang talaga yung lalaking yun. Anuman ang rason niya, gago talaga siya."

Ira slumped on her seat unconvinced sa mga pinagsasabi ni Skye.

"Ewan! Di ko rin naman siya masisi. That girl, Kirsten? She's really pretty. She dresses well. She's very feminine. And kahit sinong lalaki sigurado magkakagusto talaga sa kanya." Paghanga ni Ira.

Nilaklak ni Skye ang huling bote ng beer. Ininom niya na rin ang beer ni Ira at saka nagyaya ng umuwi.

"Tara na!"

"Maaga pa naman, ah!" angal ng dalaga.

"May trabaho pa tayo bukas."

Skye led the way out of Boss Grill. Pagdating sa labas, pumara ito ng taxi.

"Teka! Ba't tayo magtataxi eh may motor ka naman?"

"Marami akong nainom. I don't think it's safe."

Anim na bote ng beer din ang naubos ni Skye. Hindi naman ito lasing ngunit ramdam nito na tila mawawalan na siya ng bait o control sa sarili.

Habang nasa loob ng taxi, Skye was unusually quiet and serious. Di naman talaga masalita si Skye but that moment was just a bit weird for Ira.

Lasing na ba 'to?

Nanatiling tahimik ang dalawa sa loob ng taxi. Niyayakap naman ng musika mula sa radyo ang katahimikang yaon.

Ilang minutong lumipas, nagsalita si Skye.

"Ira..." Skye's face was looking straight outside. Hindi nito nililingon si Ira.

"Yes?"

"Gusto ko lang sabihin sayo na maganda ka."

Nilagay ni Ira ang daliri nito sa loob ng tenga at sinubukang ayusin ang pandinig dahil baka mali ang naririnig nito mula kay Skye.

"Ha? Anong sabi mo?"

This time, Skye faced Ira. Sumandal ito sa upuan at tiningnan si Ira sa mata.

"Maganda ka. And you don't need a guy to validate that. Di mo rin kailangan baguhin ang pananamit mo, ang kilos at galaw mo, ang kulay ng balat mo o kahit man ang ugali mo para lang magustuhan. Someone will love for you who you are."

Ira was soooo shock, surprised, and confused with Skye kaya bahagya itong napaatras.

"What is up with this guy!!!!???"

Di maintindihan ni Ira ang biglaang pag-init ng kanyang mukha habang nakatingin sa kanya si Skye. Hindi ito sanay na makitang ganito ka-seryoso ang colleague. That moment, she couldn't see his jerkiness, and she hated it. She would prefer him to be a jerk rather than this guy who looks so serious, good-looking... at nakakarupok!

"SNAP OUT OF IT, IRA! THIS GUY IS JUST DRUNK!"