THE GIRL WHO CAN'T DATE
19
Ira went home with a heavy heart. Hindi kasi siya kinausap ni Maggie nang umuwi ito. She can vividly remember how cold Maggie was when she tried to approach her. Sinubukan niya itong kausapin to apologize but she pretended she didn't hear anything.
She slowly entered the house with heavy shoulders. Halatang-halata ang lungkot at pagsisisi.
"IRA!!!" bati ni Eros sa kanya. He was fuming when he faced his sister.
"Not now, kuya! Pagod ako!"
"Anong sinabi mo kay Maggie?
Biglang nabuhayan ng loob si Ira, but not the joyful kind of energy though.
"I didn't say anything to her. In fact, di nga kami nag-usap today eh."
"WOOOW! 25 ka na pero napaka-immature mo pa rin. Alam mo bang hindi sinasagot ni Maggie ang mga tawag at text ko? She's completely ignoring me!!! And I think it's your fault!"
Hinagis ni Ira ang bag niya sa upuan at sinagot ang kapatid.
"How is that my fault, kuya? Paanong naging kasalanan ko?"
"I don't know. I-figure out mo kaya."
"Ha! Ako pa talaga ang magfi-figure out? Kuya, are you even aware na napaka-silly ng tantrums mo?" Ira tried to walk away from her brother para maiwasan ang sagutan.
"Ah talaga? Mas silly yung tantrums mo. Di nga kita maintindihan why you're acting like that eh. And don't you dare take a step on the stairs and walk away. Di pa tayo tapos!"
"Kuya! I DON'T WANT TO ARGUE! I AM FREAKIN' TIRED!" sigaw ni Ira.
"Wala akong paki, Ira! Let's finish this conversation."
"Wala tayong kailangan pag-usapan, kuya. Kung meron man, it wouldn't make sense kasi hindi ka rin naman nakikinig."
"Really? Ako pa ang di nakikinig? Eh ikaw nga diyan ang sarado ang utak at judgemental eh. Akala mo ba di ako aware sa kung anong tingin mo sa kin? Na tingin mo sa 'kin at playboy? Fuckboy? Casa nova?"
Ira shut up. True. That's what she thought about her brother but she never said a word about it. It was a preconceived opinion but never mentioned.
"Di ba? Tama ako?"
"Bakit? Di ba totoo? Whenever I go to your workplace laging may mga babaeng umaaligid sayo. Every time na nagkikita tayo sa daan, iba-iba lagi ang babaeng kasama mo. You even go to parties and clubs. What do you expect me to think about you?"
Eros cupped his face and pulled his hair in frustration.
"My goodness, Ira! Nasa modeling industry ako. Mga kasama at kaibigan ko lang ang mga yun. Bakit ba ang judgemental mo? Palibhasa kasi sayo, ang boring mo. Masyado kang anti-social at..."
"EROS! TAMA NA YAN!"
Napatingin ang magkapatid sa matandang kapapasok lang ng sala. Pops looked different that night. Yun ang pinakaunang beses na nakita namin siya na seryoso, tila nawala ang maamo nitong mukha.
"Ira, pumasok ka na sa kwarto mo."
Ira was on the verge of crying. Nang umakyat ito, tuluyan na ngang pumatak ang mga luha nito. Naiwan namang nag-uusap ang mag-ama.
"Kahit kailangan hindi kita narinig magsalita ng ganyan sa kapatid mo. Anong nangyayari?
"Pops! She's just too much. Kailangan din siyang pagsabihan minsan."
"Eros, anak, hindi mo pinagsasabihan ang kapatid mo. Inaaway mo lang siya, pinagsisigawan, at nakikipagtalo ka lang. All for what? Dahil hindi ka kinausap ni Maggie? All for a woman na ilang linggo mo lang naging kaibigan?"
"Pops naman!"
Pops breathed deeply. "Wag mong isipin na pinapanigan ko si Ira at sinasabi kong tama ang pag-uugali niya. Ang akin lang ay hindi ka na rin nagiging iba sa kanya. Pagod yung kapatid mo at malay mo may pinagdadaanan yun sa trabaho pero anong sinagot mo? Wala kang pakialam! Dahil gusto mong mapakinggan, hindi mo na pinansin na nasasaktan mo na ang kapatid mo. Hindi ka ganyan kay Ira, Eros. Hindi ganyan sa kapatid mo. I hope you understand what I'm trying to say."
"Naiintindihan ko po."
Sa kalagitnaan na kanilang pag-uusap, muling bumaba mula ng kwarto si Ira bitbit ang iilang mga gamit.
"I-Ira Bear? Sa'n ka pupunta, anak?"
Muling naging maamo si Pops.
"Papalamig lang, Pops!" at tuluyang umalis ng bahay si Ira.
She was walking down the street, iyak ng iyak na parang batang nawawala. She kept recalling how her kuya shouted at her and said words that hurt her. Naisip niya rin si Orion na katampuhan niya. Tingin niya rin pagagalitan lang siya ni Aries kaya nagdesisyon itong umalis ng bahay. Buti nga wala pa si Aries sa bahay dahil siguradong di siya papayagan umalis nun lalo na't gabi na. Eros could have stopped her as well but they were still fighting.
Ngayon iniisip ni Ira kung saan siya tutuloy. She had no other friends but Maggie. Naisip niya tuloy ang sinabi ng kuya niya na napaka-boring niya at napaka-antisocial.
"Mag-hohotel na lang kaya muna ako today." Ira checked her wallet and her mobile bank at muntikan nang maiyak sa laman nito. "Hnnng! Bakit ang konti na lang ng natira? Nag-overspend ka na naman ba? Hnnng! Paano na yan? Kahit nga siguro yung pinakacheap na motel, di mo ma-afford. Saan ka pupunta ngayon?"
Naupo sa gutter si Ira at nag-isip. Wala rin siyang kalapit na kaanak. Lahat nakatira sa malayo.
"Alam ko na!!!"
While thinking where to go, nagka-ideya si Ira kung saan siya magpapalipas ng gabi na libre. Sa sobrang tuwa, nagtatalon ito at sumasayaw pa.
"Ang talino ko talaga! Whoooo!" Ira hailed a taxi and sobrang excited ng umalis.
"Sa'n tayo ma'am?" tanong ng taxi driver.
"Grayson University po, kuya!" sagot ni Ira na may ngiti sa mga labi.
At Grayson University...
Sarado na ang gate dahil alas otso na ng gabi. Madalas wala ng guro sa loob ng unibersidad sa ganyang oras maliban na lang kung may important events ang school. Sinilip ni Ira ang loob at tinawag ang tagabantay.
"Mang Hector? Mang Hector?"
Dali-dali namang binuksan ni Mang Hector ang gate nang marinig niya si Ira.
"Ma'am Ira, gabi na po ah?"
"Sorry po. Ano kasi, uhm, may nakalimutan ako sa faculty room at saka... baka mag overtime po ako kasi... may kailangan akong tapusin eh."
Nabuksan na ni Mang Hector ang gate at pinapasok na si Ira.
"Ah sige po, ma'am Ira! Wala pong problema."
"Salamat po Mang Hector. Magandang gabi nga pala hehe."
Agad na umakyat ng rooftop si Ira nang makapasok na ito ng campus. Pagod at hinihingal ito nang dumating siya sa itaas ngunit agad naman napawi nang makita ang city lights na tanaw na tanaw mula sa kanyang kinatatayuan.
"WOOOW! Ang gandaaaaaa! Sana ganito ang view sa labas ng balkonahe namin. Haaay! Nakakawala naman tu ng stress."
Ilang minuto ring tumambay roon si Ira. Mayamaya ay sinuri niya ang lugar at naghanap ng maaari niyang gamitin sa pananatili niya roon.
Unang-una niyang tsinek ang beddings at unan ni Skye na siyang pinagpapasalamat niya. "Aaaye! Buti na lang di kinuha ni Skye ang beddings niya."
Gamit ang flashlight ng phone, nilibot niya ang buong rooftop. Sa kanyang paglilibot, nakita niya na ang gripo, balde at tabo.
"Uuuy! May magagamit akong panligo bukas. Ayos!"
Lumapit si Ira sa pintuan at tsinek ang lock.
"Uuuy! Okay. Di sira ang lock."
Sinara niya iyon at nilock upang masiguradong walang makakapasok. Matutulog n asana siya nang biglang tumunog ang tiyan niya. Hindi pa pala siya naghahapunan.
"Buti na lang uso ang Food Panda."
Naupo si Ira sa bench kung saan siya matutulog at binuksan ang phone upang mag-order ng Jollibee sa Food Panda. Pagkalipas ng tatlumpong minuto, tumawag na ang delivery boy. Mabilis itong bumaba upang kunin ang pagkain.
"Napakasipag niyo naman magtrabaho, Ma'am Ira!" batid ni Mang Hector nang makita siya nito.
"Burger po? Gusto niyo?" alok niya.
"Aye naku! Salamat na lang po. Okay lang ako. Tapos na akong maghapunan. Mas kailangan niyo po yan."
"Hehe! Sige po. Akyat na ulit ako."
"Sige-sige po!"
Muling umakyat ng rooftop si Ira at lalo pang nagutom. "My gawd! Nakakapagod din pala tumira sa rooftop! Pero okay lang yan, Ira! Pansamantala lang 'to! Pansamantala lang."
That night, Ira enjoyed her dinner with the lovely scenery. Pagkatapos ay nagpahinga na rin siya. Dahil kulang sa space ang higaan, namiss nito ang kanyang malaki at malambot na kama sa bahay.
"Pansamantala lang 'to, Ira! Pansamantala lang! Tiis lang muna!"
Nakatulog rin si Ira sa pangungumbinse nito sa sarili.
Kinabukasan, nagulat naman ang lahat dahil siya ang pinakaunang staff na dumating sa faculty.
"Wow! Aga natin ngayon ah?" bati ni Sir Tibs na siyang madalas na first honor sa punctuality.
"May kailangan po kasi akong tapusin eh kayang ang aga ko today."
"Nice!" sagot ng matanda saka naupo at naghanda para sa klase.
Isa-isang na ring nagdatingan ang mga guro. Nagbatian ng magandang umaga at kanya-kanyang nagsihanda para sa kanilang klase.
Nang dumating si Skye, nagulat siya nang Makita si Ira.
"Ang aga mo naman yata. Second period pa klase mo diba?"
"Anong araw ba ngayon?"
"Friday na kaya. At bakit naka-uniform ka? Wash Day ngayon."
Saka lang narealize ni Ira na puro uniform ang hinablot niya sa cabinet. May kakaonting damit ngunit halos pambahay lahat.
"Kulang ka ata sa tulog eh."
"Baka nga." Ira leaned on her table and closed her eyes. She actually feels so sleepy.
Dumating si Maggie ngunit hindi siya kinikibo nito. Skye noticed it. Pinagmasdan niya lang itong pumasok ng tahimik upang kumuha ng gamit at muling umalis para sa klase.
"Ira!"
"Mmmm?" umiidlip sa mesa si Ira.
"Yung intern mo? Papasok pa ba yun?"
"D'ko 'lam. At la kom paki."
"Ano bang ginawa mo kagabi at mukhang pagod ka?"
"Secret."
Napansin ni Skye na mukhang antok na antok nga si Ira kaya hindi na niya ito ginambala pa.
During class...
"Good morning, Miss Ira!" bati ng mga estudyante.
"Good morning, Grade 9- Leo. Take your seats."
"Teacher!" Michelle raised her hand to get the teacher's attention.
"Yes, Rodriquez?"
"Nasaan na po si Miss K?" tanong nito.
"Mukhang wala ata siya ah?" pagpuna ni Lea, seatmate ni Michelle.
"Baka nag-quit dahil di kinaya ang PE hahaha!" dagdag naman ni Jayson, ang komedyante ng classroom.
"Aye naku! Mabuti pa nga mag-quit na yun. She looks stupid." Michelle stated and the whole class laughed.
"That's enough, Grade 9 –Leo."
Somehow, Ira felt guilty and accountable for how the students look at Kirsten. Alam niyang kasalanan niya kung bakit ganun ang tingin ng mga estudyante sa kanya because Ira treated her like she was stupid.
Bitbit ni Ira ang bigat na yun hanggang lunch time. Mas lalo pang bumigat nang mag-isa lang siyang kumakain sa canteen. Buti na lang dumating si Skye at sinamahan siyang kumain.
"Si Maggie? Nakita mo?"
"Sa labas kumain kasama sina Teacher Andrea at Sir Jake."
"Haay! Buti pa siya. Kahit wala ako sa tabi niya, may mga kaibigan pa rin."
"Bakit ikaw? Wala ba?"
"Sa tingin mo meron?"
Skye dropped his spoon and slowly looked at her with fuming eyes. "Hindi mo ba talaga ako iaacknowledge bilang kaibigan mo? Ang dami na nating pinagdaanan, Ira. Mas nawitness ko pa nga ang mga drama mo sa buhay kumpara kay Maggie eh."
Kumurap-kurap si Ira habang pinapakinggan ang nagrarant na binata.
"Bakit? Gusto mo ba akong maging kaibigan?"
"Can you not ask awkward questions? Basta simula ngayon, official friends na tayo. Naiintindihan mo?"
Ngumiwi ang mukha ni Ira. "Ang weirdo mo talaga no? Kumain ka na nga lang diyan. May pa official, official ka pang nalalaman diyan."
Buong araw na sinubukang kausapin ni Ira si Maggie ngunit mailap ito. Hanggang sa uwian ay hindi niya ito nakausap dahil maaga siyang umuwi. Nang sumapit ang dilim, nagsiuwian na ang lahat, of course, maliban kay Ira. Skye was still there too.
"Ira! Uwi ka na?"
Nagulat si Ira nang tinanong siya ni Skye. "Bakit?"
"Wala. Ihahatid kita."
Kumunot ang kilay ni Ira. "Ba't mo ko ihahatid, ano ba kita?"
"Gagi! Kaibigan lang na nag-ooffer ng free ride. Parang tanga 'tu! Ano? Sasabay ka ba o hindi?"
"Hindi!"
"Bakit?"
"Eh, hindi pa naman ako uuwi eh. Mauna ka na."
"Bakit? Ano pang gagawin mo? Late na ah!"
"Wala. Magwa-wifi lang."
"Wala ba kayong wifi sa bahay niyo?"
"Alam mo? Daig mo pa ang pulis magtanong. Mauna ka na kasi. Mamaya na ako uuwi."
"Bahala ka nga."
Skye grabbed his helmet and left. Sinilip ni Ira sa bintana at siniguradong nakaalis na ang chinito saka umakyat ng rooftop. Bitbit nito ang pagkain na maaga niyang inorder for dinner. Pagdating niya roon ay nagbihis ito ng pambahay. Naghilamos muna ito saka kakain ng hapunan.
Pakanta-kanta pa ito habang naghihilamos ng mukha ng biglang bumukas ang pinto.
"AYE BUTIKI!" napasigaw ng malakas si Ira sa sobrang galit nito. Agad naman itong napatingin at laking gulat niya nang makita ang binatang bigla na lang sumulpot.
"SKYE???"