THE GIRL WHO CAN'T DATE
18
At the field...
"ALRIGHT! LINE UP, GRADE 9 – LEO! PRRRRT!"
Maluwag ang field at kailangang sumigaw ni Ira upang marinig siya ng lahat. Sa isang sipol lang, nagkandarapa sa pagpila ang mga estudyante, isang pila ng mga lalaki at isang pila ng mga babae.
"Today, tatlong set ng activity ang kailangan ninyong i-accomplish – flexibility exercises, muscular exercises at cardio. Handa na ba lahat?"
"YES, MISS IRA!" sabay-sabay na sagot ng lahat.
"Miss K!" kinausap niya na rin sa wakas ang intern na kanina pa naghihintay ng directives. "Lead the Exercise!"
Kinabahan saglit si Kirsten. Hindi siya sigurado kung kaya niya. Gayunpaman, tinanggap niya pa rin ang task ni Ira.
"Okay po!"
Kirsten positioned in the middle where everyone can see her.
"Alright! Begin with breathing exercise and then warm-up! PRRRT!"
Sumipol si Ira, isang hudyat na pagsisimula ng exercise. Sinisigaw ni Ira ang routine na kailangan i-execute ng klase, habang pinamumunuan ni Kirsten ang execution. Minomonitor naman ni Ira ang mga estudyante kung lahat ba ay sumusunod. Pagkatapos ng warm up, sinimulan nila ang flexibility exercise. Nagagawa pa ni Kirsten ang routines dahil madali lang naman sa kanya ang mga lunges, stretches at at lifts.
"PRRRT! Very good, class! Now, proceed to muscular strength routines. Everybody, drop for 20 push-ups!"
Agad na sumunod ang mga bata. They dropped on the ground and positioned for the push-up.
Samantala, aligaga namang nakatayo si Kirsten at di alam ang gagawin. Napansin ito ni Ira.
"MISS K!!! Anong ginagawa mo? Drop on the ground!"
"A-uhm! Miss Ira, medyo basa po ang lupa. Madumi..."
"What the f-! DROP ON THE GROUND AND DO THE ROUTINE!"
Sa takot ni Kirsten kay Ira, dumapa ito and positioned for push-up.
"My goodness! Miss K! Lalaki ka ba? Do the knee push-up! Ano ba!!!"
"K-knee push up?"
"Di mo alam? My god! Kumopya ka na lang sa mga bata. Tingnan mo ang mga babae kung anong itsura ng knee push up."
Kirsten looked stupid in front of the class. Palihim namang nagtatawanan ang mga babaeng estudyante.
"S-sorry po!" Kirsten looked at the girls and copied their position. Samantala, gigil na gigil naman si Ira sa inis.
"Alright! Do the push ups! 20 lang muna. Go! PRRRT!"
Hindi man sabay-sabay ang pagbilang, hindi na pinansin ni Ira yun. Ang mahalaga ay magawa nila ang routine. Umiikot-ikot ito to monitor the class. Nang bumalik siya sa harapan, nahuli nitong nakahilata na sa lupa si Kirsten.
"Miss K! Are you done?"
"Miss Ira! Di ko na kaya!" reklamo ni Kirsten na hinihingal na parang naiiyak.
Ira rolled her eyes. "Ilan na ang na-execute mo?"
Kirsten raised her hand and showed her five fingers.
"Whut? Lima pa lang ang nagagawa mo tapos ganyan ka na ka pagod? Tumayo ka nga diyan. Pinagtatawanan ka ng mga bata oh! Mahiya ka nga. Para kang di guro."
Kirsten slowly stood up at nagpatuloy sa pag push-up. Pagod man ay pinilit pa rin ang sarili na ma-execute ang routine.
"PRRRT! WATER BREAK! 5 MINUTES!"
Nagpahinga saglit ang lahat at uminom ng tubig.
"Miss Ira! Can I get my water bottle at the Faculty Room? Naiwan ko kasi!"
Napairap si Ira sa katangahan ni Kirsten. She was totally pissed off. Feeling awkward, napayuko ng ulo si Kirsten. "Wag na lang po pala."
"Just go and get your water, will you? Tumakbo ka kung kailangan!"
At tumakbo nga si Kirsten patungong faculty room para kunin ang water bottle niya. When she got back, nagpatuloy sila sa klase.
Everyone slowly positioned in the oval.
"For the last exercise, lahat tayo ay magja-jog sa oval ng 10 laps. Naiintindihan?"
"YES, MISS IRA!"
"Alright! Everyone position..."
"Miss Ira?" Kirsten hesitantly raised her hand. "Kasali pa rin po ba ako?"
"Sasali TAYO!" Ira answered her coldly. "Ready! Get set! Go! PRRRT!"
Sa hudyat, lahat ay tumakbo sa oval. Pinangungunahan ito ni Ira at Kirsten. Ngunit lumipas ang ilang lap, nahuhuli na si Kirsten dahil obviously, hindi naman talaga siya fit at athletic. Hindi tulad ni Ira na tila hindi man lang napagod sa pagtakbo kahit napakainit ng panahon.
"MISS IRA!" tawag ni Henry, ang class president ng Grade 9 Leo.
Ira paused. Lumingon ito at nasaksihang hindi na tumatakbo ang mga bata. Instead they were gathering in a circle, pawisan, madungis at mukhang kinakabahan.
But Ira cared less about how they look. She was rather irritated at the fact na tumigil sa pag-jogging ang mga estudyante niya.
"Anong kaguluhan na naman yan?"
She walked slowly to the crowd with an irritable mood.
"Miss Ira, si Miss K po, hinimatay!" anunsyo ni Henry.
"Whaaat?!"
Kinabahan at nag-alala ng matindi si Ira dahil alam niyang may pananagutan siya kay Kirsten. Nilapitan niya ang nakahilatang katawan ni Kirsten sa lupa.
"Miss K? Miss K!" marahang tinapik ni Ira ang pisngi ni Kirsten, nagbabakasakaling magising niya ito. Nang hindi ito sumagot, tinawag niya ang president at ang pinakamalaking estudyante sa klase at nakiusap. "Ramirez! Pakibuhat si Miss K. Pupunta tayo ng clinic. Lastimosa, please lead the class back to your classroom."
The students did as they were told. Bumalik sila ng classroom, habang sinugod naman nila Ira si Kirsten sa clinic. Papasok sila ng clinic nang biglang nakasalubong nila si Mr. Fuentes na kabababa lang ng hagdan. He immediately recognized his niece carried at the back of Ramirez.
"Is that???" Mr. Fuentes, worried, dropped his jaw and snapped at Ira. "Miss Pardilla, anong ginawa mo sa pamangkin ko?"
Ira stood there frozen. Tongue-tied. Hindi niya alam kung anong ipapaliwanag kay Mr. Fuentes.
At the office...
"THIS IS VERY RECKLESS, MISS PARDILLA!!!" umuusok sa galit si Mr. Fuentes nang malaman niya ang nangyari. Ikinuwento ni Ira ang kaganapan. "Di ka ba nag-isip? Di mo man lang ba napansin na nahihirapan yung tao? Oo, magiging guro siya balang araw pero wag mo naman sanang kalimutan na estudyante pa rin yan. I can't believe you let this happen!!!"
Ira couldn't even look at him in the eyes. Nakatayo ng tuwid, nakayuko ang ulo at nakatingin ang mga mata sa sahig. Hindi niya maipagtanggol ang sarili.
"Sorry, sir!"
"Just get out of my office!"
Hindi na rin nagtagal sa loob si Ira at agad itong lumabas. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na di maiyak, ngunit sa kanyang paglabas ay bumaha ang luha sa kanyang mga mata. She felt so disappointed, hurt and angry at the same time. Her vision blurred by the tears flooding in her eyes, tumakbo ito paakyat ng rooftop kung saan makapag-iisa siya.
Mataas din ang palapag na inakyat niya kaya siguradong hindi siya maririnig kung sakaling magsisigaw man siya. At pumunta nga naman siya roon upang ilabas ang bigat na nararamdaman.
"OO NA! MALI NA AKO! LAGI NAMAN AKONG MALI, DI BA? WALA NA AKONG GINAWANG TAMA!" sigaw nito. Humagulhol ito na parang bata. Mukha lang matibay at matapang si Ira pero ang totoo niyan, napaka-iyakin niya.
Tumingala sa langit si Ira. Galit ang mukha niya. "Nagtatrabaho lang naman ako ng maayos, ah! Bakit di nila makita yun? Nag-aalala lang ako sa kaibigan ko. Mali ba yun? Nakitungo naman ako ng maayos pero bakit ako ginagago? Ano bang kasalanan ko at bakit parang ang malas-malas ko? May nagawa ba ako, Lord? Bakit naman ganito!!!"
Biglang napatigil sa pag-iyak si Ira nang makaramdam siya ng kakaiba sa ibabaw ng ulo niya. Isang malamig na bagay ang pumatong sa ulo niya at naramdaman na may tao sa kanyang likuran. Naaamoy niya rin ang pamilyar na baho, isang sweet-smelling perfume na panlalaki.
"Magpalamig ka nga ng ulo mo!"
Kinapa ni Ira ang nakapatong sa ulo niya. She held on to it and when she checked it, she was looking equally surprised and wondering at the can of apple juice. She turned around and there she saw the calm and relax Skye Doromal.
"Ikaw na naman?" mangiyak-ngiyak man, her eyebrows always furrowed each time Ira sees him. "Why is it every time I'm in a mess lagi kang nandyan? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot! Sinusundan mo ba 'ko?"
"Luh! Asa ka! FYI! Kanina pa ako dito. Nauna pa nga ako sayo, eh! Natutulog ako dito tapos bigla ka na lang darating at magsisigaw na parang baliw."
Tiningnan ni Ira ang paligid. Under the shade of a big umbrella is a wide bench na may unan sa ibabaw. Sa katabing mesa ay may nakapatong na mga pagkain at empty can of juice.
Nakakunot ang noo nito nang ibinaling muli ang tingin nito kay Skye. "Ano bang ginagawa mo dito?"
"Obviously, nagpapahinga. Ang tahimik nga ng buhay ko dito tapos bigla mong binulabog."
Ira went over to Skye's resting place at nakiupo. Binuksan niya ang apple juice at ininom ito.
"Binulabog mo na nga yung tulog ko, tapos ano? Aagawan mo rin ako ng higaan?"
Ira looked at him sharply. "Sorry na nga! Hayaan mo na lang muna kasi ako. Wala ako sa mood."
"Lagi ka kayang wala sa mood."
Umirap si Ira. Skye sat on a chair next to Ira at inusisa ito.
"Ano ba kasing nangyari?"
"Hinimatay kasi si Miss K at nagalit na naman sa kin si Mr. Fuentes." Tumawa si Skye. "Anong nakakatawa?"
"Napagalitan ka? So nasaktan ka?"
"Gago! Ano sa tingin mo?" Tumawa ulit ng malakas si Skye. "Sira ulo, to ah!"
"Eh kasi akala ko simula nung na-ghost ka, naging robot ka na. Biruin mo tinanggap mo bilang intern yung girlfriend ng taong nang-ghost sayo?"
"Huy, tanga! Mukha ba akong may choice? Can I really say no to Mr. Fuentes? Kasi kung pwede lang, di naman ako sadista para tanggapin yung babaeng yun?"
Skye crossed her arms in front of his broad chest.
"Mmm... hindi ka naman siguro naghihiganti ano? O baka naman sinadya mo talagang pahirapan si Miss K dahil galit ka sa kanya."
"Luh, grabe ka! Ano tu? Teleserye? Siya yung bida tapos ako yung sore loser na kontrabida na nang-aapi dahil di pinili ng taong gusto niya? Di ako ganun, ah!"
Ira sounded sad instead of mad. Natawa na naman si Skye because he finds her cute.
"Pero aaminin ko na naiinis ako sa kanya kasi ang lamya at ang arte pero di ako galit sa kanya no. Wala naman siyang kinalaman sa pinanggagawa ng boyfriend niya."
"True. Labas dapat siya sa galit mo para sa iyong boylet."
Ira gritted her teeth. "Will you stop calling him my boylet? Nakaka-cringe! Promise!"
"Okay! Should I just call him Casper?"
"Huh? Bakit Casper?" Tumawa na naman ng malakas si Skye. "Baliw ata 'tong kausap ko eh. Tawa ng tawa! Wala naming nakakatawa."
"Anyway, so Mr. Fuentes lashed at you?"
"Hnnnnng!" Every time she remembers how Mr. Fuentes shouted at her, she gets frustrated. "Napaka-unfair niyaaaa!I expected more from him. I expected he would deal with me professionally! But he didn't. Dahil ano? Dahil pamangkin niya yung intern."
"Hindi naman kasi perfect si Mr. Fuentes. Well, mali siya sa kung paano ka niya pinagsabihan but intindihin mo na lang din na nag-aalala siya para sa pamangkin niya."
"Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Parte ba yan ng trabaho mo bilang coor?"
Skye massaged his forehead. Alam niyang patungo na naman sa argument ang pag-uusap nila. "No, Ira! Hindi ko siya pinagtatanggol. I am just giving the benefit of the doubt."
"Aye, ewan! Ayoko na siyang pag-usapan." Ira crossed her arms and looked away.
Iniba na lang din ni Skye ang topic. "Kung hindi naman pala si Miss K ang reason behind you irritability, anong problema mo? Ang aga naman ng pag-init ng ulo mo kanina. Pati si Maggie inaway mo pa."
Napapikit ng mata si Ira nang maalala na sinimangutan niya si Maggie kaninang umaga. She cupped her face and screamed.
"Hnnnnnng! Ano ka ba, Iraaaa! Yung temper mo!!!" After screaming, she sat back again with a straight face. "Haaay! May problema na nga sa bahay. May problema pa sa trabaho. Yoko ng mabuhay!"
Skye walked closer to Ira. Yumuko ito upang lumibel kay Ira. Saka pinitik ang noo.
"ARAAAAY! Bakit mo ko pinitik?"
"Wag na wag mong sasabihin yan."
"Ang alin ba?"
"Wag sabihin na ayaw mo nang mabuhay."
Ira froze. She wants to keep complaining but Skye looked very serious. Punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata tila nagpapahiwatig ng isang damdaming di niya masuri.
"Kahit gaano pa kabigat yang nararamdaman mo, you should never think of quitting for your life."
"I-it was just an expression, Skye."
"Good! Kasi it'll be boring kapag nawala ka."
Then, Skye smiled. It was a warm one with a blend of sweetness and peace. Nakakagaan ng loob.
Weeeird! Ira thought.
"Mainit ba?" Skye wondered. Tumingala si Skye and realized that they were properly shaded.
"H-ha?"
"Para ka kasin nalechon. Ang pula mo."
"Get lost!"
Tumayo si Ira at umalis. Pinagtatawanan naman siya ng chinito.
"Huuy! San ka pupunta?"
"San pa nga ba? E di magtatrabaho! Duhhh!"
And Skye was left alone smiling.