THE GIRL WHO CAN'T DATE
17
Kirsten smiles like an angel. Maaliwalas ang mukha at tunay na maganda. Mapupungay din ang mga mata nito. Kahit man ang kulot nitong buhok ay maayos na nakalugay sa kanyang balikat. She's also slim and petite.
"No wonder he can't let her go!" takbo ng isip ni Ira.
Soft-spoken and gentle din siyang magsalita. Kahit ang kilos man ay mahinhin din. In other words, she's close to perfection.
"Hi, po! Nagagalak po akong makilalaya kayo." Kirsten greeted handing out her hand for a shake.
"Wow! Po talaga? Di naman ako ganun ka tanda, girl! Kalerky!"
Ira shook it and faked a smile.
"Well, I hope na magkakasundo kayo ng pamangkin ko, Miss Pardilla."
"Sana nga po, Mr. Fuentes!" sagot ni Ira kay Mr. Fuentes. Pilit na pilit ang ngiti nito nang harapin ang boss.
"Alright! K, isang buwan kang magiging intern ni Miss Pardilla sa subject na PE, then lilipat ka kay Mrs. Gonzales for Art at sa huling buwan mo, you will be with Mr. Hillario sa Music. Miss Pardilla, please show Miss Pilar the things she needs to do."
"Okay sir! Noted."
Ira beamed a smile to the two people in the room and as soon as she headed for the door, nagbago ang itsura nito. Nawala ang ngiti at napalitan ng simangot.
"Uhm, ma'am..." tawag ni Kirsten kay Ira habang naglalakad sila sa hallway.
"Hep!!!" tumigil si Ira sa paglakad at itinaas ang palad to stop Kirsten from talking. "Please! Don't call me ma'am! Nakakatanda eh! Here in Grayson, we call each other 'teacher' or Miss and Mister."
At nagpatuloy siya sa paglakad.
Kirsten smiled. "Okay po, Miss..."
Muling napatigil si Ira and halted her again. "And also... wag mo kong i-po, please? Nakakatanda talaga eh."
"Sorry po! Nasanay lang po talaga ako."
Ira breathed in deep. She slowly clenched her first at gigil na gigil. Tumalikod ito at nagpatuloy sa paglakad papuntang faculty room. There, she introduced Kirsten sa mga guro na naroon and was warmly welcomed by everyone.
"You'll be staying here for three months, Miss Kirsten..."
"Uhm, Miss Ira. Pwedeng K na lang po para di masyadong mahaba." Kirsten suggested.
Ira looked at her blankly.
Matigas na nga ang ulo mo, ang arte mo pa. Grrr! Kagigil ka!
"Okay! As I was saying, MISS K, magiging intern ka namin for three months. Wala tayong time in and time out dito. You can come anytime, but make sure you're not going to miss any class. At dahil wala naman tayong tables for interns, you have to share the table with me. Mmm... what else?"
Ira held her jaw, thinking what else she missed telling Kirsten.
"Uhm, Miss Ira, am I going to start today?"
"For now, siguro mag-observe ka na lang muna sa classes ko..." Tiningnan ni Ira si Kirsten mula ulo hanggang paa. Fabulousa ang dating nito sa suot na dress at heels. "... and tomorrow, I'll let you assist but please do wear the proper outfit."
"Okay po, Miss Ira!" excited na yumayango-yango si Kirsten. "Bukas po, magdadala po ako ng extra."
Magdadala ng extra? Ba't di na lang niya suotin agad para di na hassle! Oh well!
Rrrrrnnngggg...
"Time for the next period." Huminga ng malalim si Ira at kinuha ang mga gamit niya. "Let's go to my class! Ito nga pala ang schedule na kailangan mong i-follow."
Ira handed Kirsten her schedule. Piniktyuran ito ni Kirsten saka binalik kay Ira. Binasa niya ito at pinag-aralan habang naglalakad sila patungong classroom. Dahil abala sa pagbabasa ng schedule si Kirsten, hindi nito namamalayan na pinagtitinginan siya ng mga kalalakihan sa tuwing dumaraan sila ng classroom.
"Sino yung kasama ni Teacher Ira?"
"New teacher ba yun?"
"Ang ganda niya!"
"Sana maging teacher din natin siya, no?"
Bulung-bulungan naman ng mga estudyante sa kanyang pagdaan.
"Good morning, Teacher Ira!" bati ng Grade 9 Scorpio nang pumasok si Ira sa loob ng classroom.
"Good morning, Grade 9 Scorpio. This is Miss K, our intern. She will be with us for a month."
"Good morning, Miss K!" bati naman ng mga mag-aaral.
Napansin ni Ira ang mga tingin ng mga lalaki, nahuhumaling ang mga ito sa ganda ni Kirsten. Isa sa kanila ay dumapo pa ang tingin sa maputi at makinis niyang legs. Sa inis ni Ira, binato niya ito ng chalk.
"Eyes on the board, Mr. Navarro!"
"Aray naman, Miss Iā" magrereklamo sana siya ngunit pinili na lang niyang manahimik dahil nakatingin ang killer eyes ni Ira sa kanya, ang mga titig na ayaw tingnan ng mga estudyante sa tuwing nagagalit siya.
"I know she's still an intern but she will be a future teacher too. Kaya kung anumang respeto ang ibinibigay niyo sa 'kin, ibigay niyo rin sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes, Teacher Ira!" sagot ng mga bata.
Lunch Time...
"Girl! I heard my intern daw sa department niyo?" usisa ni Maggie nang umupo ito sa tabi ni Ira with a tray food. Yumango lang si Ira while munching her food. "So how is she?"
"Okay lang. Mukhang mabait. Kaso distracting."
"Distracting? Bakit?"
"Tingnan mo yun, oh!" gamit ang nguso niya, tinuro ni Ira si Kirsten na nakaupo sa kabilang table.
Tahimik itong kumakain ng lunch nang biglang lumapit at nakisabay sa kanya ang iilan sa mga male teachers ng university.
"Masyadong maganda! Di na nakikinig sa 'kin ang mga lalaki sa klase ko dahil tingin ng tingin sa kanya."
Napanganga naman si Maggie nang tingnan niya si Kirsten.
"Aye naku, girl! Maganda nga siya! Kahit man ang mga lalaki sa faculty, oh, parang ngayon lang nakakita ng maganda. Kung lumandi parang walang mga jowa at asawa. Nakuuuu! Ansarap tusukin ng tinidor!!!"
Natawa naman si Ira sa komento ni Maggie tungkol sa mga kasamahan. Naging maasim ang mukha nito at inis na inis sa kinikilos ng mga kalalakihan. Sa gitna nang pagmamasid at pangungutya, dumaan si Skye sa mesa kung saan nakaupo si Kirsten at ang ibang mga guro. Niyaya ni Leo si Skye na sumama sa kanila ngunit ngumiti lang ito.
Nang mapansin niya ang nag-iisang dalaga sa mesang yaon, napatingin siya at napatitig ng matagal, tila pinag-aaralan ang mukha.
"Eto pang isa oh! Kung makatitig naman. Kailangan talaga ganyan ka tagal? Nakuuu! Iba din 'tong si Skye kung mahumaling, eh!"
Umalis ito na kulubot ang noo, para bang may tanong siya sa isipan na di niya masagot. Pagkatapos niyang bumili ng pagkain, sumama siya kina Maggie at Ira.
"Ba't dito ka kakain? Sumama ka kaya dun!" mataray na pambubugaw ni Maggie.
"Bakit naman ako kakain dun eh di ko naman sila close." Sagot ni Skye habang kinukutsara ang kanin.
"FYI! Di rin tayo close!" pambabasag-trip ni Ira.
"Di nga! Pero nandito kasi yung taong favourite kong asarin."
Ira stared at him grimly. "Mabulunan ka sana!!!"
"Wow! Look at that skin!" inuuyog ni Maggie si Ira para tingnan si Kirsten. Sa kanang kamay, hawak-hawak niya ang kutsara na nakatangag sa labi niya. "Halatang anak mayaman!"
"Alam mo bang pamankin yan ni Mr. Fuentes?"
Napanganga ulit si Maggie. Dilat na dilat ang mata nito nang iharap niya ang mukha sa kaibigan. "Whuuut? Are you saying na siya yung anak ng sikat na business tycoon dito sa Santa Barbara?"
"Huh?" halatang di alam ni Ira ang pinagsasabi ni Maggie.
"Kevin Pilar! Siya ang pinakamayaman dito sa Santa Barbara. Siya ang may-ari ng Luxurious Hotel, Town Center, at ng building ng The Foundry. Ang asawa niya ang nag-iisang kapatid ni Mr. Fuentes. At ang mag-asawang yan ay mag nag-iisang anak. And that must be Kirsten."
"How do you know all these things, Maggie?" pagtataka ni Ira na patuloy lang sa pagkain.
"Tsissssms..." parinig ni Skye.
"Duh! Usap-usapan kaya yan sa faculty dati." Muling sinuri ni Maggie ang itsura ni Kirsten, ang buhok, ang kutis at kahit man ang kanyang mga kuko. "Naku, girl! Di sa pangdya-judge ano, pero mukhang masyado naman 'tong sosyal. Kaya niya kayang mag PE teacher?"
Nilagok ni Ira ang isang bote ng coke at dumighay. "We'll see! Malalaman natin yan bukas!"
Minutes later, the bell rings and lunch break is over. Nagkanya-kanya sa pag-akyat ng faculty room ang mga instructors. Magkasabay pa rin si Maggie at Ira habang nakasunod naman sa likuran nila si Skye.
"Ira!"
"Whut?" Ira lazily turned her head to the guy behind her.
Skye caught up with her. "The intern... she looks familiar."
Ira knew what he meant. Ngunit ayaw niyang ipaalala sa kaniya ang tungkol sa bagay na yun.
"Ugh! Alam mo kung gusto mong kunin ang number ni Miss K, sa kanya mo dapat sinasabi yan, hindi sa 'kin."
"Huh?" Skye was innocently confused. "What the heck are you babbling about?"
"Isn't that how boys try to hit on girls? They say, "Hi! You look familiar. Have we met before?" Ira changed her voice and made an annoying teasing face.
Napapikit si Skye at huminga ng malalim, trying to be patient.
"I AM NOT trying to hit on her. Okay?"
"Whatever, Skye!" Ira pressed her lips to smile and shrugged her shoulders. Then she walked away leaving Skye feeling annoyed.
At Pardilla Residence...
"Yo! Ira Bear!"
"Oh?" Abala si Ira sa paglalaro ng ML sa sala nang tumabi si Eros sa kanya.
"Musta?"
"Ha? Anong kumusta? Bakit ka nangungumusta?"
"I heard you had an intern. Maggie told me. So, how was it?"
You have been slain!
Natalo sa paglalaro si Ira dahil nadistract ito sa sinabi ng kuya niya. Napatingin ito bigla sa kapatid na nagtatagpo ang mga kilay sa gitna.
"Nagtatawagan na naman ba kayo?"
Kumurap-kurap ang mga mata ni Eros, nagtataka. "Yeah. So?"
"SO??? Kuya!!!" Pinabayaan ni Ira ang laro para komprontahin si Eros. "Sinabi ko na sa'yo, di ba? Na wag si Maggie! Kaibigan ko siya!"
"Teka nga, Ira! Ano bang tingin mo sa 'kin?" naging seryoso ang tono ng boses ni Eros. "You know what? Never mind! I don't want to hear about it."
Pissed off, Eros walked away and went to his room. Kakapasok lang ni Orion mula sa labas and he witnessed the little fight Ira and Eros had. Hindi niya tiningnan si Ira. Sa halip, diretso ang tingin, dumaan lang ito at umakyat na rin.
Ira slumped in the couch and got frustrated. "Haaay! So ano na, Ira? Dalawa na silang may tampo sayo! Grrrrr! Kainiiiiis!"
The next morning, breakfast at the table was a bit awkward. Parehong hindi kinakausap ni Eros at Orion si Ira. And this totally made her morning so bad na kahit pagdating sa trabaho ay wala pa rin siya sa mood.
Nakasimangot itong pumasok ng faculty. Pagdating niya sa loob, naroon na si Kirsten naghihintay sa kanya. Binati siya nito ngunit hindi niya ito sinagot. Abala ito sa paghahanda ng gamit na dadalhin niya sa klase. Nagkataon na nakaharap niya si Kirsten at saka lang napansin ang suot. Nakadress na naman ito.
"Bakit naka-dress ka?" kitang-kita sa mukha ni Ira na iritado siya. Kahit si Skye ay napansin ang awra nito at ang bigat ng pananalita niya kay Kirsten. Palihim nitong pinagmamasdan ang bawat kilos niya at pinapakiramdaman ang mood.
"A-uhm! Nagdala po ako ng extra, Miss Ira."
"Ba't di ka pa nagbihis? Our class starts in 15 minutes. Did you check the schedule?"
Napalunok sa kaba si Kirsten dahil sa malditang awra ni Ira.
"S-sorry po! Magpapalit na!"
Kirsten immediately head for the washroom and changed her clothes. Dumating naman si Maggie at masigla niyang binati lahat.
"Good morning, everyone!!! Good morning, Ira Bear!"
Tiningnan ni Ira nang masama si Maggie. Naalala niya bigla si Eros.
"Don't call me, Ira Bear! Pamilya ko lang ang tumatawag sa 'kin niyan."
"Hey! Chill..." Hindi inaasahan ni Maggie yun. She was obviously surprised with Ira's attitude towards her. Gayunpaman, nanatili pa rin itong mahinahon sa kanya. "Di mo naman ako kailangan tarayan eh."
Ira rolled her eyes. She grabbed all her things and left for her class. Dali-dali namang sumunod sa kanya si Kirsten nang matapos ito sa pagbibihis.
"What's up with her?" Maggie asked Skye who was watching her leave.
"Ewan. Dumating siya na ganyan ang mood. Kahit nga ang intern, eh, nakatikim ng pagtataray niya. Kaibigan ka niya, di ba? You should know!" after he said that, Skye left and went to his class.
Naging palaisipan kay Maggie ang huling linyang sinabi ni Skye. Kahit na wala naman talagang ibig sabihin yun, ngunit sadyang napaisip lang ang kaibigan.