Chereads / The Girl Who Can't Date / Chapter 11 - I Really Like You

Chapter 11 - I Really Like You

THE GIRL WHO CAN'T DATE

11

"Prrrrt!"

Ira blew the whistle, isang senyales na tapos na ang laro. Isang basketball game ang practical exam ni Ira sa PE Class niya sa mga sophomores. At masaya ito na nakapaglaro ng maayos ang buong klase kahit hindi naman lahat magaling. Ang importante ay naituro niya ng maayos ang basics ng laro.

"Good game, guys! Expect na malaki ang marka niyo for this quarter. That's all for today. Goodbye, Class C! Enjoy your break!"

Nagpaalam ang mga bata kay Ira at kanya-kanyang kinuha ang bag at umalis ng gym. Sa pag-alis naman ng mga estudyante, nakasalubong nila si Skye na papasok ng gym at inulan ito ng bati mula sa mga highschool girls.

Pagdating niya ng gym, naabutan niyang nag didribble ng bola si Ira. Inagaw niya ito at ipinasok sa ring.

Irritated, Ira crossed her arms.

"Anong kailangan mo?"

"Naglalaro lang ako ng basketball. Wala akong kailangan sayo."

"K. Fine! E di maglaro ka!"

Patuloy pa rin sa pag-shoshoot ng bola si Skye kahit na dahan-dahan ng lumayo ng court si Ira upang kunin ang bag niya sa bleachers. Skye paused for a moment at tinawag na rin niya ang atensyon ni Ira.

"Hoy!" tawag nito.

She knew Skye was calling her pero ayaw niyang lingunin.

"Hoy!" tawag nito ulit.

Feeling annoyed, nilingon niya si Skye with sharp look in her eyes.

"Ano bang tingin mo sa 'kin? Aso? Hoy ka ng hoy diyan. May pangalan po kaya ako."

"Aso? Masyadong cute ang aso para ikumpara sayo." Pang-aasar na sagot ni Skye habang dini-dribble ang bola.

"Alam mo nakakabwisit ka. Pumunta ka lang ba dito para mang-asar?"

Skye sarcastically smiled. Ira rolled her eyes saka kinuha ang bag.

Bago pa man makaalis ng tuluyan si Ira, Skye finally spoke what he intends to say.

"Do you want the coordinatorship?"

Ira paused. Tumingin siya kay Skye, nagtatanong ang mga mata.

"Oo. Ikaw ba hindi?"

"Honestly? I'm not interested. Ayoko ng mabigat na responsibility." Skye rolled the ball away at nilapitan si Ira. "I'm thinking of going to the office and tell Mr. Fuentes na ibigay na lang sayo ang position, and—"

"Wag na wag mong gagawin yan!" Ira's face turned stern. Mata sa mata niyang tiningnan ang chinito habang nakahawak siya sa backpack niya. "Yes I want the position but I don't want an easy way in. Ayokong ibigay sa 'kin ang isang bagay dahil wala ng choice. I don't want to be just an option. Gusto kong makuha ang posisyon dahil pinili ako at dahil karapat-dapat ako. Pinaghihirapan ko ang lahat ng gusto kong makuha, Skye. Sorry but I don't need your charity."

Then Ira walked out.

She went straight to the locker room at padabog na binuksan ito. Tinitigan niya ng matagal ang damit na naroon sa loob, at nag-flashback sa kanya ang mukha ni Skye.

Arrogant scumbag! Parang sinasabi niya na I don't stand a chance against him! Nakakairita talaga ang kayabangan niya!

For Ira, it's not just about getting the position. This is also about her pride. Sa totoo lang, napaka-competitive ni Ira lalo na sa mga kalalakihan. She's an alpha female! She wants to prove that she can win against men, maybe not with her strength, but with her wits and her talents. Gusto niyang patunayan na kaya niyang makipagsabayan.

Pagkatapos niyang magbihis, she checked her phone and got a message from Maggie.

"My class is done. Mauuna na ako sa bahay. I'll prep our things for the outing. See you!"

"Shoot! Ngayon nga pala ang biyahe namin papuntang Batangas!"

Realizing that her family is waiting for her, nagmadali itong lumabas ng campus. Halos banggain na niya ang mga tao sa hallway sa pagmamadali niya.

Skye was on his way home when he noticed that Ira was in a rush. Di ito mapakali habang naghihintay ng taxi. Ngunit rush hour nang mga oras na yun. Lahat ng taxing dumaraan ay laging may laman. He was riding his motorbike and has an extra helmet, kaya nilapitan niya ito at inalok ng ride.

"Sumakay ka na! Mukhang nagmamadali ka."

Nagmamadali man siya, naaalala niya na naiinis siya sa taong 'to kaya di niya tinanggap ang alok nito.

"No, thanks! Magta-taxi lang ako."

"Sigurado ka? Mukhang mahihirapan kang sumakay ng taxi ngayon."

"Okay lang." pagmamatigas ni Ira.

Maya-maya, isang red na Aston Martin ang bumusina kay Ira. Ira's eyebrows furrowed in curiosity. Nang ibaba ng driver ang window, Stelios face beamed before Ira.

"Stelios? Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka! We're going to Batangas together."

Ira looked at him with disbelief and confusion.

"Pero—"

"Aaah! Kaya pala ayaw mong umangkas sa 'kin kasi may BOYLET ka!" pang-aasar ni Skye.

"EXCUSE ME! DI KO SIYA BOYLET!"

Skye shrugged his shoulders. "Okay, sabi mo eh!"

He turned his engine on and left Ira with Stelios. Hindi na pinansin ni Ira si Skye. Wala itong pakialam sa kung anuman ang iniisip nito sa kanya.

Ibinaling niya ulit ang atensyon niya Stelios.

"Teka nga! Anong pinagsasabi mo diyang, 'We're going to Batangas together?' No, kid! I'm going to Batangas with my FAMILY! FAMILY! Gets mo?"

Nakangiti pa rin sa kanya si Stelios kahit nagsusuplada ito. "Gets ko! Gets ko na family outing niyo 'to AND birthday celebration ng kapatid mo NA KAIBIGAN ko. Lucky for me inimbita ako ng kapatid mo at pinakiusapan ako na sa akin ka na lang sumabay dahil di na kasya sa sasakyan niyo. Nandun din kasi si Drew eh!"

Pinikit ni Ira ang mga mata at huminga ng malalim.

"So ibig sabihin, I'm stuck with you for 5 hours?"

"Yes, ma'am!" Stelios answered excitingly.

Without a choice, sumakay si Ira sa sasakyan ni Stelios. Inantay muna ni Stelios maisuot ni Ira ang seatbelt bago paandarin ang sasakyan.

"WAIT!" sigaw ni Ira.

"Bakit?"

"How about my stuff?"

"Don't worry! Your friend took care of everything for you." Then he smiled at Ira again. "ALRIGHT! BATANGAS! HERE WE COME!"

He turned on the speaker at nagpatugtog ng music sa Spotify. Napatingin si Ira sa phone. Pamilyar sa kanya ang tugtog.

"Switchfoot?"

"You know about Switchfoot?"

"Uhm... well, they're my favourite band."

Lumiwanag ang mukha ni Stelios. "Really? Ako din eh! Ever since narinig ko yung Dare You To Move nila sa movie na A Walk to Remember, I became a fan."

Lumiwanag din ang mukha ni Ira. "Talagaaa? Me too! Nung 10 years old ako, bumili talaga ako ng CD ng official soundtrack ng A Walk to Remember."

"Kung napanood mo ang A Walk to Remember, napanood mo na rin ba ang The Notebook?" follow-up question ni Stelios habang nagda-drive.

"Oo naman! Nabasa ko na nga rin yan eh. Fan na fan ako ni Nicholas Sparks. Ikaw?"

"Mmm... napanood ko na rin. Maganda ang mga stories ni Nicholas Sparks but I haven't read any of his books. Di talaga ako nagbabasa. I'm more into movies than books." Paliwanag ng binata.

"They say na mas nakakaaliw daw manood ng movies compared to reading. Pero yung pagbabasa kasi, nakaka-stimulate ng imaginations sa utak and it makes you creative and smart. And sa libro kasi naroon lahat ng detalye ng kwento na di na kaya ipalabas ng movie."

"True naman yan pero nakakaantok talaga magbasa eh!"

Sa buong oras na magkasama silang dalawa, hindi nila namalayan ang oras na dumaan at ang layo ng kanilang narrating. Di rin namalayan ni Ira na unti-unti na silang nagkakakilanlan ni Stelios. Nagiging magaan na rin ang pakiramdam ni Ira sa kanya na parang bang nakahanap siya ng bagong kaibigan. Ang dami nilang napag-usapan mula sa genre ng music, type of movies, hobbies, politics, science, art... Ira admits that she totally enjoyed talking with Stelios. She finds him as a smart person na masarap kausap.

"So bakit Computer Science kinuha mong course?"

"Uhm, actually di kami same course ni Orion. Civil Engineering ako. May iilang minor subjects lang na magkaklase kami."

"Oh? Akala ko since first year college pa kayo magkaklase." Nagulat si Ira dun. She really thought na blockmates sila ni Orion.

"No. This sem lang kami naging mag-kaibigan."

"Aaah... so, bakit Civil Engineering?"

"My Dad owns a firm and I wanna help."

"Wow! May goals!"

"Oo naman. My dad taught me how important goal is. Kung wala kang goal sa buhay, most likely you get lost in the way kasi di mo naman alam kung anong patutunguhan. Excited na nga akong gumraduate eh. I wanna start working, then earn and save money, buy my own car, build a house, get rich, have family... I wanna be successful!"

While listening, di mapigilan ni Ira na bumilib kay Stelios. Maybe she didn't expect that a 22-year-old can be as mature as this. Hindi niya kasi naririnig na ganito magsalita si Orion. Ang lumalabas lang sa bibig nun ay pang-aasar at pag-iinarte.

When they reached the resort, sinalubong sila ng pamilya ni Ira na nauna nang dumating sa kanila.

"They're here!" sigaw ni Seah.

Maggie and Seah run towards Ira para samahan siyang magbihis sa room nila, while the boys helped Stelios carry some of their things na inilagay nila sa trunk ng kanyang sasakyan.

"Did you know that the three of us will be sharing a room?" pahayag ni Maggie.

Ira looked at Seah who looked very sexy in her swimsuit. It was a conservative type, one piece paired up with mini shorts and covered with a cardigan.

"Talaga, Ate Seah? Okay lang ba kay kuya Aries?"

Seah smiled. "Of course! He wanted us to bond din kasi. Tsaka tayo-tayo lang naman kasi ang babae."

"Truelalooo!" Maggie agreed. "And masaya ako na kasama ko si Ate Seah kasi I figured out na we click a lot especially when it comes to beauty products."

"...and swimsuits." Dagdag ni Seah.

Maggie talked animatedly which amused Seah a lot. Natutuwa naman si Ira that her friend and sister-in-law is getting along. Nang makarating sila sa room nila, Maggie immediately opened her bag at kinuha ang isang pair ng swimwear at ipinakita yun kay Ira.

"Speaking of swimsuit, the other day, magkasama nga pala kami ni Ate Seah sa pagbili ng swimwear. And naisip ko na baka wala kang swimsuit, and I was right kasi I checked your cabinet, kaya binilhan ka namin."

Maggie handed Ira a yellow halter swimsuit. Nagdalawang-isip namang tanggapin ni Ira yun. She had never worn a swimsuit before.

"But, Maggie, I don't need a swimsuit. May rashguard ako."

"Pero di niya dinala, Ira, eh!" Seah apologetically explained.

"Whaaat? B-but, I can't wear this!" naiiyak si Ira.

"And why not?" Maggie asked irritatingly.

"Kasi nakakahiya? Di pa ako nakakapagsuot nito. Tsaka di bagay sa 'kin 'to. Ang itim ko kaya."

"Haaay naku! Ayan na naman tayo sa insecurities natin! Pumasok ka ng CR at suotin mo 'to bilis!"

Pinagtulakan ni Maggie si Ira papasok ng CR para isuot ang swimsuit na binili nila para sa kanya. When she was done changing, binuksan niya ang pinto ngunit ayaw niyang magpakita.

"Lumabas ka nga diyan. Let us see!" pamimilit ni Maggie.

"Eeeh! Ang ikli ng shorts tapos kita pa yung katawan at legs ko. Ang itim-itim ng balat ko eh.

Seah understood how Ira was feeling. So she gently held her and softly pulled her out and let her stand in front of the mirror.

"Alam mo Ira, ang kulang lang naman sayo is confidence eh. Don't be afraid of trying new things. Maganda ka. Maganda ang katawan mo. Maganda din ang balat mo. Wag mong ikahiya ang pagiging morena mo. Instead, flaunt it!"

"Baka pagtawanan lang nila ako, Ate Seah!"

"If they will, don't let their words affect you." Seah reassured her.

"Yes, girl! Wag mo silang pansinin."

"We'll let you stay here until you gather all the courage to get out wearing that suit. Pero masyadong matagal ha, we'll eat dinner pa. And magna-night swimming tayo. Okay?"

"Okay, po!"

Seah tapped Maggie's shoulder asking her to go out and leave Ira alone. As she closed the door behind, Seah gave a comforting smile.

Nang wala na ang dalawa, muling tiningnan ni Ira ang sarili sa salamin. Tinitigan niya ito ng matagal.

"Mukhang okay ka lang naman tingnan Ira, eh! Come on! Gabi na rin naman. Di na nila mapapansin ang balat mo. Di rin naman malaki ang tiyan mo. Mag-suot ka na lang din ng cardigan para kung sakali, pwede mong takpan ang katawan mo."

Ira was doing her best to encourage and lift herself, na wag magpalamon sa insecurities. Minutes lates, pagkatapos niyang isuot ang gray cardigan, she tied her hair in a messy bun and gathered all the courage to get out of the room.

"Kaya mo 'to! Wag kang mahiya." Bulong nito sa sarili.

As she was about to leave, biglang bumukas ang kabilang kwarto at lumabas si Stelios. Nagulat si Ira. Di niya inaasahang si Stelios ang unang lalaking makakakita sa kanya in a swimsuit. She felt awkward, uncomfortable, and shy.

Stelios smiled at her, a warm, comforting smile.

"Don't be shy. You look good in it."

"Walang halong char?"

Natawa si Stelios. "Walang halong char!"

"Di ba masagwa?

Stelios shook his head to assure her that she looked fine.

"Okay. Thanks!" Ira answered while tucking her hair behind her ear. "Tara? Sabay na tayo sa restaurant?"

"Sure!" Stelios gladly walked with her going to the restaurant where everybody else is waiting.

Habang naglalakad, panay ang tingin ni Stelios kay Ira. At ramdam ni Ira ang mga tinging yun.

"Wag ka ngang tingin ng tingin diyan."

"Paano namang di kita titingnan, eh ang ganda-ganda mo."

Thinking na baka nanti-trip na naman si Stelios, huminto ito sa paglalakad at hinarap ang binata.

"Stelios, pwede ba –"

"I mean it." Stelios suddenly became serious. "Hindi ako nangti-trip. I mean it when I say you're beautiful. And I mean it when I say I like you. I really like you, Ira!"

Fireworks. Parang may fireworks sa puso ni Ira. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang lumakas ang kabog sa dibdib niya. As he was looking at Stelios, his resolute face and deep-set eyes glowered in the dark. At sa hindi inaahasan, she can't see the irritating kid anymore, rather she sees a man who mean every word he say.