THE GIRL WHO CAN'T DATE
14
Isang oras ang lumipas at natapos din ang pagse-setup ng teachers and coaches sa stage. Inunat ni Mr. Tibs ang kanyang mga braso at humikab. "Haaaay! Natapos din tayo! Good job, team!"
"Nakakapagooood!" pahayag naman ni Leo, isang PE instructor.
"Sana may libreng pagkain..." paiyak na bulong ni Ira kasabay ng pagtunog ng tiyan niya.
"E di magpabili ka ng pagkain sa boylet mo! Oh cellphone mo!" pang-aasar ni Skye sabay abot sa cellphone.
"HINDI – KO –SIYA –BOYLET!!!" muling nanggagalaiti si Ira sa mga banat ni Skye. Lalo pa 'tong nainis ng tingnan nito ang phone at ni isang mensahe mula kay Stelios ay wala siyang natanggap. "Pinakialaman mo ba cellphone ko?"
"And why would I do that? I don't even know your password. DUhhh!"
"Bakit wala man lang kahit isang message?"
Bahagyang natawa si Skye. "At kasalanan ko pa kung di ka na nirereplyan ng boylet mo? Nakakatawa ka!"
Makikipagtalo pa sana si Ira. Ngunit biglang dumating si Miss Corazon na tuwang-tuwa sa trabaho ng team.
"Wow! Ang ganda ng set up ng stage. It's perfect!"
"Magandang gabi, Miss C." Bati ng lahat!
Panay ang kanyang palakpak at pagpupuri sa trabaho ng MAPEH Department.
"Teachers, maraming salamat for going the extra mile. I know you did this for the department, ngunit bilang huling programa na hahawakan ko as the coordinator, isang malaking tulong ito. Pasensya na at di ako nakatulong. Matagal kasing natapos ang meeting ko with the judges for tomorrow. How can I make up to you guys?"
"Gutom po kami, Miss C." pangiti-ngiting pahayag ni Gela.
"Alright! I'll treat you all to dinner. Let's go!!!"
Masayang lumabas ng gym ang mga staff ng MAPEH Department. Umaalingawngaw ang boses sa kwentuhan, biruan at tawanan ng mga guro sa madilim at tahimik na hallway nang palabas na sila ng campus. Nang dumating sila sa parking lot, dalawang sasakyan lang ang makikita mo, ang maliit na auto ni Miss C at motorbike ni Skye.
"Tatlo lang ang pwedeng sumakay sa auto ko because my husband is driving. So, sinong sasakay with us?"
Agad na nagpataas ng kamay si Gela, Mr. Tibs at Leo, samantalang abala naman sa kakatingin sa phone si Ira.
"Ira? Okay lang ba sayo aangkas ka sa motor ni Skye?"
"H-ha? Po? Aangkas ako sa motor ni Skye?" Nang tingnan ni Ira ang mga kasama, nakaupo na ang mga 'to sa loob ng sasakyan at nakangiti na kumakaway sa kanya. "Teka! Paano naman ako?"
"Ang busy mo kasi sa phone mo kaya naunahan ka tuloy namin." Sabi ni Gela.
"Teka! Yokong umangkas sa mokong na 'to."
"Eh di maglakad ka!" pamimilosopo ni Skye.
"Mr. Tibs, ikaw na lang, please!" paiyak na apela ni Ira.
"Naku, Ira! Matanda na ako."
"Leo? Please?" pagmamakaaawa nito.
"Sorry, Ira, pero may trauma ako sa motor eh."
"Gela?"
"Magagalit ang asawa ko kapag nalaman nila na umaangkas ako sa ibang lalaki."
"Married ka na???" gulat na tanong ng lahat.
"I'm sorry, Ira, but mukhang wala kang choice kundi umangkas sa motor ni Skye."
Napapakit na lamang si Ira at nilunok ang pride habang marahan itong lumapit kay Skye.
"Wag ka ng mag-inarte dyan. Oh, helmet! Suotin mo."
Ipinasuot ni Skye ang extra helmet. Sinigurado niyang maayos ang pagkakasuot nito saka sumakay sa motor upang paandarin. Pagkatapos ay sumunod na rin si Ira sa pagsakay.
Nauna nang umalis ang auto na siya namang sinundan ni Skye. Halos lumipad ang kaluluwa ni Ira sa bilis ng pagmamaneho niya. Mahigpit ang hawak ni Ira sa helmet dahil tila ito'y nalilipad ng malakas na hangin dala ng mabilis na pagmamaneho.
"SKYEEE! DAHAN-DAHAN NAMAN SA PAGMAMANEHO!" sigaw ni Ira.
Subalit mas binilisan pa ni Skye ang pagmamaneho at lumulusot pa ito sa gitna ng malalaking sasakyan. Sa takot ni Ira, napayakap ito nang mahigpit sa bewang ng binata.
"SKYEEEE! ANO BAAAA!"
Sigaw ng sigaw si Ira, ngunit hindi man lang nabahala si Skye. Sa halip ay sekreto pa itong natutuwa.
Nauna silang dumating sa Prawn House, isang restaurant na seafood ang specialty. Pagkababa nila ng motor, agad na tinanggal ni Ira ang helmet at hinampas sa dibdib ni Skye.
"Ouch! Hey! Is that how you say thank you?"
"Thank you? Thank you sa lelang mo! Kung may plano kang magpakamatay, wag kang mandamay! Grrr! Kainis!"
Galit na galit si Ira. Nauna na 'tong pumasok ng restaurant at hindi na hinihintay ang kasama. Samantala, tumatawa lang ang binata.
When she got in, she asked the reception desk for the reserved seat set by Miss C. The waitress then led her to the table where she sat and waited for the others. Habang naghihintay, tiningnan niya ulit ang messenger niya. The last message Stelios sent her was, "Gtg! Class na!"
Bakit kaya di na nag-chat yun? Mmm... baka busy lang!
When she checked her contacts, napansin niyang active ang status si Stelios.
I-chat ko kaya siya?
Thinking of what to do, she decided to send him a message.
"Nakauwi ka na? How's school?"
Nakakatitig lamang siya sa mensaheng yun, nagbabakasakali na baka mag-reply. Kahit ma-seen man lang ay sapat na.
Dumating na rin ang mga kasama niya na masayang nagkukwentuhan. Nakasunod din sa kanila si Skye. They joined Ira at the table, Skye sitting beside her na hindi man lang niya namalayan. When everyone was settled, they ordered their food.
Abala pa rin si Ira sa kakatitig sa phone. Malalim ang iniisip.
"Stalk ko kaya siya sa FB, Insta at Twitter, no?"
So she started searching for him on different social media. Napansin ni Skye ang pagiging abala ni Ira kaya muli na naman niyang hinablot ang cellphone nito at itinaob sa mesa.
"ANO BAAA!!!" Nagpipigil si Ira na di mapasigaw sa sobrang inis nito sa binata.
"Ira?" Miss C caught her attention.
"Po? Bakit po?"
"Kanina ka pa namin tinatanong. Anong gusto mo?" Miss C was such a gentle old woman na kahit na kanina pa niya tinatawag ang atensyon ni Ira upang hingiin ang order nito, nanatili pa rin itong mahinahon at nakangiti.
"Aye sorry po!" Ira rushed to flip the menu and got overwhelmed sa dami ng nakalistang pagkain at napressure din dahil naghihintay lahat sa kanya. "Uhm... uhm... do you have anything na hindi seafood?"
"She'll have a steak na lang, sir. Well done!" Skye told the waiter. Everyone was surprised when Skye ordered for Ira. However, it was also a relief para sa lahat para maluto na rin ang order nila.
"Same lang po sa inyo, sir?" assured the waiter.
"Yes, please! Thank you!"
"Okay lang ba yun sayo, Ira?" Miss C tried to confirm.
Ira slowly closed the menu and smile sheepishly. "Yes, po! It's my favorite."
"Ayaw mo ba ng crabs? O shrimps?"
Umiling si Ira. "Hindi po ako kumakain ng seafood maliban sa isda, eh."
"Allergic ka ba, Ira?" tanong ni Gela.
"Hindi naman. Di ko lang gusto yung amoy."
"Okay. Sir, that will be all." Miss C told the waiter to return the menus.
"Orders will be ready in 20 minutes, ma'am and sir!" Pahayag ng waiter saka ito bumalik sa kusina.
Nakahinga ng malalim si Ira at napatingin kay Skye. Umiinom ito ng tubig kaya nakatingin lang ito sa kanya at the corner of his eye.
"What?" tanong nito nang ibinaba niya ang baso sa mesa. "I just saved you from pressure."
"S-salamat." Ira dropped her gaze when she thanked him. Di siya makatingin sa mata dahil sa hiya. "Anyway, buti naman steak yung naisipan mong i-order para sa 'kin."
"Duhh! Napaka-predictable mo kaya. Halos araw-araw beef steak ang ino-order mo sa canteen."
Nagulat si Ira dun. True that she likes steak so much ngunit hindi niya napansin na wala siyang iba kinakain sa canteen kundi steak. Minsan, sabaw o pancit ang binibili kung nauubusan. There she realized kung gaano ka observant si Skye.
Pagkatapos ng hapunan, nagsiuwi na ang lahat. Sina Miss C na ang naghatid kay Ira dahil nabakante ang sasakyan nang sunduin si Gela ng asawa niya. It was proven that she was really married.
Nang gabing yun, di makatulog si Ira sa kahihintay sa message ni Stelios. She remembered she was about to stalk him earlier kaya ginawa niya yun habang nakahiga na siya sa kama.
She started searching for him on Twitter. Stelios posted a status about 7 hours ago saying, "There's always a chance when you don't give up."
"Mmm... ano kaya ang ibig sabihin nito?" Ira wondered.
Sa Facebook naman siya nag-check. About 3 hours ago, nag-status naman ito ng, "...is feeling happy!"
"Mmm... mukhang masaya siya today, ah! Bakit kaya."
Napapakit si Ira sa kanyang mga mata at tila kinakalma ang sarili.
"It's okay! Di ka naman niya girlfriend. Di ka naman niya kailangan i-chat lagi. Haaay! What am I expecting?"
The next morning, when she woke up, phone agad ang tiningnan niya. Ngunit kahit ang madalas na pa-good morning na bati ay wala rin. Bumangon siya sa kama na walang sigla at tila walang ganang mag-trabaho.
Nakasalubong niya sa hagdanan si Orion nang bumaba ito sa kusina. Hindi pa rin siya iniimik nito. She wanted to talk to him actually and asked about Orion but she thought that it won't be a good idea.
At Grayson University, MAPEH Day!
"Maggie?" Lumapit si Ira kay Maggie upang magtanong. "Ano bang ibig sabihin kapag bigla na lang di ka na china-chat ng taong madalas mong kausap?"
"Ghosting. Ang tawag nila dun ay ghosting. Yung bigla na lang nawala na parang multo, di na nagparamdam, di ka na kinausap, ganun... ghosting!" Napakunot ng noo si Maggie. "Bakit mo naitanong?"
"Mmm... di na kasi nagmemessage si Stelios eh."
Maggie gasped. "OMG! Did he ghost you? That jerk!!!"
"Teka lang naman! Di pa nga tayo sigurado if he really ghosted me. Isang araw pa nga lang ang lumipas eh."
"Aye naku, Ira! If napatunayan mo na that guy is being such a douchebag, wag ka ng mag-sayang ng oras diyan."
Ira forced a smile at her friend. "Let's talk about it later, okay? Maghahanda muna ako for the event.
Ira left Maggie at her table and went to work with the staff of the MAPEH Department. Kahit abala na ang lahat, busy din siya sa kakacheck ng phone niya.
"IRA!" tawag ni Skye nang mahuli nitong nakatingin na naman siya sa phone. His voice was very firm. "Pocket your phone, please! It's a big event today. Pwede dito muna atensyon mo?"
Ira pressed her lips. Hindi na siya nakipagtalo pa. Instead, she followed him at itinago ang cellphone niya sa loob ng bag. Abala sila sa paghahanda ng mga score sheets, program flow, certificates, and medals na gagamitin sa event. Nang handa na ang lahat, sabay na tumungo ng gym ang staff ng MAPEH Department.
The gym was packed with students from freshmen to seniors. Naroon din ang mga guro mula sa ibang department. Nasa backstage naman ang MAPEH Department kasama ang mga participants ng event.
"Alright, everyone! Gather up!" Tinawag ni Miss C ang lahat ng tao sa backstage upang iorient sa magaganap. "Are you ready for today? So this is our event. We have to do an excellent job dahil nanonood ang admin at directors. Our first event this morning is the Mr. and Ms. MAPEH! Teacher Gela? Lahat ba ng kalahok ay nandirito na?"
"Yes, Miss C. Handa na lahat!" Sagot ni Gela.
"Miss C! Miss C!"
Biglang dumating si Leo na hinihingal at natataranta.
"Yes, Sir Leo?" nanatiling kalmado si Miss C.
"Miss C. May lagnat po yung naka-assign na bumili ng snacks at tubig para sa judges. Wala po tayong kape o tubig na maibigay sa kanila. Nakakahiya po sa mga panauhin."
"Bumili na lang tayo sa canteen." Mungkahi ni Miss C.
"Sinubukan ko po pero naubusan daw sila. Hindi nakapag-restock agad."
"Kung sa 7-11 kaya? Malapit lang naman diba?" mungkahi ni Ira.
"No! Mr. Bustamante, one of the judges, hates the coffee from 7-11." Sagot naman ni Miss C.
"Ako na lang po ang bibili, Miss C. May motor naman ako. Saang coffee shop po ba dapat tayo bumili?" nagrepresenta si Skye.
"Sasama ako." Skye was quite surprised with Ira's initiative. "Kailangan ng taga-hawak ng kape. At saka, mamaya pa naman ang sports event. Wala pa naman akong role ngayong umaga."
"Alright! The two of you should leave now. I'll text you the name of the shop, Skye."
Without further ado, agad na umalis ang dalawa. Humarurot na naman sa pagda-drive si Skye and as usual, napakapit na naman ito nang mahigpit sa kanyang bewang.
"Hnnnggg! Pwede wag mo naman masyadong bilisan ang pagpdadrive? Nakakalula kaya!" Tinawanan lang siya ni Skye habang papasok ito sa loob ng coffee shop. "Tawa-tawa ka diyan. Naku mamaya! Ayusin mo talaga yang pagda-drive mo. May dala akong kape!"
"Yes, ma'am!"
Skye and Ira lined up at the cashier to get their orders.
"Dalawang Café Americano, isang Caramel Macchiato, at isang White Chocolate. Hot and Grande."
"Anything else, sir?"
"Uhm. Isang dark chocolate frappe na rin. Ikaw, Ira? May gusto ka ba?" Skye turned to Ira to ask what she wants ngunit nahuli na naman niya itong nakatingin sa phone. "Tigilan mo na kakahintay sa chat niya. Di ka na imi-message nun. He is obviously ghosting you."
"What do you know? And why do you care?" mataray na sagot ni Ira. Then, she faced the cashier with a mood. "Isang mint chocolate frappe na rin, Miss."
"Umiinit na naman yang ulo mo."
"Ikaw naman kasi! Yang mga banat mo nakakainis."
"Nakakainis? O nakakasakit?"
"Both!"
"Well, that's how truth feels."
"Shut up!" umirap na lang si Ira dahil alam niyang lagi siyang talo kay Skye.
"Here's your number, sir! You may get the order once it beeps."
Tinanggap ni Skye ang black beeper at pinasalamatan ang cashier. Then they waited at the table na malapit sa bintana. Habang hinihintay ang order nila, Skye noticed a familiar face na biglang pumasok sa shop. Sobrang pamilyar sa kanya ang mukha. Pumikit siya saglit para alalahanin kung saan niya nakita ang mukhang yun.
Poof! He remembered. He was the guy who drove the red Aston Martin na sumundo kay Ira, si Stelios.
"Hey! Tumingin ka sa likuran mo." Skye nudged the irritable Ira. Nakasimangot ang mukha nito. "Isn't that your boylet?"
Biglang lumiwanag ang mukha ni Ira at ne-excite. Nang lumingon siya, boom! Ang excited niyang mukha ay naging mapakla nang makita niyang may kasamang babae si Stelios na nakahawak sa braso niya. He was smiling and laughing while talking to her. Tiningnan ni Ira mula ulo hanggang paa ang kasama niyang babae. Maputi. Makinis ang balat. Maganda. At napaka-girly niya pa sa suot nitong dress.
Then, she looked at herself.
She felt very lousy in her hoodie sweater.
And she never felt more insecure.