Chereads / The Girl Who Can't Date / Chapter 8 - Stalker

Chapter 8 - Stalker

THE GIRL WHO CAN'T DATE

8

"Does that mean na may sakit ang sister-in-law mo?" tanong ni Maggie sa nag-aalalang kaibigan.

Ikinuwento ni Ira ang nasaksihan niya kagabi habang namamasyal sila ni Maggie sa Department Store sa isang mall. Attentive naman sa pakikinig ang kaibigan habang nakakapit ito sa braso niya.

"Sa pagkakaintindi ko..." sagot naman ni Ira, marahan itong naglalakad sa tabi ni Maggie habang ang mga kamay ay nakatago sa bulsa ng hooded jacket niya.

Huminto saglit si Maggie nang may naalala siya.

"Wait! Parang familiar sa 'kin ang sakit na 'to. My cousin was like that, eh! She had, mmm, ano ba tawag nun, En... End... Endometriosis!"

"Endo what?"

"Endometriosis! Disorder sa ovaries. Every menstruation period, sumasakit ang puson ng babaeng may endometriosis. Pero hindi normal na sakit tulad ng dysmenorrhea. Mas malala pa!"

Nalungkot ang mukha ni Ira.

"Nakita ko nga kagabi na parang hirap na hirap si Ate Seah. It must be very painful. So anong nangyari sa pinsan mo?"

"Mmmm, she got married but she couldn't bear a child. Isa sa effect ng endometriosis ay infertility."

Mas lalong nalungkot si Ira. Naalala niya ang sinabi ni Seah noong isang gabi na pangarap niyang maging isang ina. Naisip din niya si Aries na gustong-gusto ng bumuo ng pamilya. Masakit isipin na may mga pangarap na mahirap tuparin.

Malalim ang iniisip ni Ira ngunit bigla itong nabulabog nang bigla siyang hilahin ni Maggie upang magtago sa sulok ng istante.

"Hey!!! Maggie! Awwww!"

Sa lakas ng paghila ni Maggie, bumagsak ang pwet ni Ira sa sahig at nasaktan ito. Aakma itong tatayo ngunit tinulak ni Maggie ang ulo niya pababa.

"Wag kang tatayo!" bulong nito sa naiiritang kaibigan.

"Aray naman! Bakit ba..."

"Ssssssh! Wag kang maingay baka makita tayo!"

"Bakit kasi tayo nagtatago?"

Aligaga at di mapakali ang mukha ni Maggie habang pinapanood niya ang isang lalaking kaduda-dudang umaaligid sa mall tila may hinahanap. Napansin din ito ni Ira. Sinuri nito ang mukha at bigla siyang may naalala.

"Teka! Isn't that the guy you exchanged numbers with? Si Peter?"

Takang-taka si Ira. The last time she remember, kinikilig si Maggie sa kanya. But now... it doesn't seem to be like that anymore.

"Wow! Naalala mo pa pangalan niya ha. I'll explain it to you later. For now, let's go!"

Nang lumabas ng Department Store si Peter, dali-dali namang tumayo si Maggie at lumihis ng daan para makaiwas. Hawak-hawak niya ang kamay ni Ira habang mabilis itong naglakad palayo.

Sa KFC...

"Bakit mo ba siya pinagtataguan? Noong nakaraan lang lagi ka namang nakangiti kapag nagtetext kayo ah." Pag-uusisa ni Ira habang binubuhos ang gravy sa kanin.

"Yes kinilig ako for a while pero habang tumatagal nagiging creepy na siya. One time, nagulat ako nasa labas na siya ng school. Sabi niya gusto niya raw akong isurprise and he wants to ask me out for dinner."

"Wala namang masama dun, ah?"

"Cute naman yun pero kasi napansin ko na parang he's everywhere kung nasaan ako. Like, when I was out with my cousins at a coffee shop, nandun siya."

"Grabe ka! Di ba pwedeng coincidence lang? Nagkataon na gusto niya rin magkape?"

"Girl!!! He once told me he hates coffee shops kasi he doesn't like the smell of coffee. Weird diba? And 'eto pa, three days ago, nagkomyut ako pauwi. Sa loob ng jeep may napansin akong familiar na person. I knew it was him but I wasn't so sure kasi may suot siyang cap and shades. The next day, he knows where I live kahit di ko naman sinabi. So I'm sure na siya talaga yung nakita ko! And what's creepier, he's been sending photos of me while nasa bintana ako ng bahay namin! Who knows what else he has been doing? Baka sinisilipan na ako!"

"Sana all may stalker no?"

"Anong sana all ka diyan? Nakakatakot kaya, baliw!"

Naiintindihan naman ni Ira ang frustration ni Maggie. She also understood na natatakot ito. Habang sarap na sarap si Ira sa chicken at gravy na kinakain niya, nilalaro lang ni Maggie ang mashed potato niya dahil sa pag-aalala.

"Bakit di mo na lang ipa-blotter? Magsumbong tayo sa pulis."

Maggie looked at Ira like it was the first time she suggested something right. Pagkatapos nilang kumain sa KFC, tumungo sila ng police station to file a complaint.

Sa Police Station...

Kapansin-pansin na tila di pa rin mapakali si Maggie.

"Huy! Relax ka nga! Nakapag-blotter ka na. Magiging okay ka na."

"Why do I feel like parang this won't stop him from following me? I mean... hay ewan! Di ko alam!"

"Gusto mo bang sa bahay ka na lang muna? Sa bahay namin, sigurado ako na safe ka."

Pinag-isipan ni Maggie ang alok ni Ira. But after a minute of thinking, she refused.

"No! I should go home. Sabrina is waiting for me. Kawawa naman ang aso ko mag-isa lang sa bahay."

Kahit si Ira ay hindi rin mapakali para kay Maggie.

"Sure ka ba?"

"I'll be okay. Natatakot ako but I'll be okay. Thank you, Ira!"

The two girls decided to leave the police station. Malapit lang ang subdivision nila Maggie sa istasyon kaya naglakad na lang ang dalawa papuntang Misty Village.

"Thank you for today, Ira! So paano ka uuwi?"

"Will ride a taxi from here. Wag mo na akong hintayin makaalis. Umuwi ka na. Alam kong maglalakad ka lang sa loob."

"Right! Sige, I'll go ahead! Bye!"

Nagbeso ang dalawa and they separated ways. While waiting for the taxi, isang lalaki ang biglang umakbay kay Ira mula sa likuran. Nagulat ito ng sobra kaya mabilis itong dinipensahan ang sarili. Gamit ang kaliwang braso, siniko nito ang tiyan at sinapak ang mukha ng lalaki.

"Araaaaay! Kaya siguro di ka nagkakajowa dahil nakakatakot kang babae ka!"

"Kuyaaaaa!!!" Nanlaki ang mga mata ni Ira nang makita si Eros, bahagyang nakayuko at hawaka ang tiyan. "Sorrrry! Eh kasi naman eh! Nanggugulat ka!"

"Lagi ko namang ginagawa sayo yan ah? Bakit ngayon ka lang nagulat?"

"Sorry! Paranoid lang. Siguro medyo natakot lang ako dahil sa mga kwento ni Maggie tungkol sa stalker niya." Paliwanag nito.

"May stalker si Maggie?" seryosong tanong ni Eros.

"Oo. Galing nga kami ng Police Station eh. Pinablotter namin!"

"Pauwi ka na ba?" tanong nito sa kapatid.

"Oo. Ikaw?"

"You should be. It's not safe for you na nasa labas ka pa at this hour. Gabi na!"

Pinara ni Eros ang taxi at pinasakay ang kapatid. Hindi ito pumasok at nagtaka naman si Ira.

"Kuya? Di ka ba sasabay?"

"Una ka na! May gagawin lang ako. Manong, Roseville Subdivision po."

Sinara ni Eros ang pinto ng taxi at kinatok ito ng dalawang beses. Kumaripas ng alis si Eros samantalang naiwang nagtataka si Ira. Umandar na rin ang taxi at hinatid ito sa bahay nila.

At Pardilla Residence...

"I'm home!" pahayag ni Ira nang makarating ito ng bahay.

Pagpasok niya ng bahay, maraming tao sa loob. Naroon ang mga kaklase ni Orion sa sala, naglalaro ng Mobile Legends. Seryosong-seryoso ang mukha ni Orion sa paglalaro, ganun din ang apat niyang kasama. Tahimik na pumuslit ng kusina si Ira kung nasaan abala sa paghahanda ng hapunan ang tatay niya. Naroon din ang super cute ng bunsong kapatid, tahimik na nanonood sa kanila.

"Ang seryoso naman ata nila?"

"Semi-finals daw po kasi yan sa tournament, ate eh!" sagot ko kay Ira.

"Tournament? Wow! Ganun sila kagaling?"

Kumuha ng coke si Ira sa loob ng ref at umiinom habang pinapanood sila.

"Retreat, Drew! Wag kang umatake mag-isa. Lev, marksman ka, dapat sa likuran lang kita. Sandali! Hintayin niyo ko. Magse-set ako." Sigaw ni Orion sa mga katabi.

"Nice set, Ion!" sigaw ng isa pa niyang kasama!

"Third skill, Paul! Third skill! Boom! Niiiiice!"

"WIPED OUT!!! Tara PUUUSH!"

"TOWER LOCK!!!"

"VICTORY! WHOOOO!"

Napatayo at nagsisigaw sina Orion at ang mga kasama niya nang manalo sila sa game. Parang ilang minuto din silang hindi humihinga habang naglalaro.

"Grabeee, pre! Epic comeback yun ah!" ani ni Lev.

"Oo nga eh! Buti na lang talaga tumigas na rin si Stelios." Dagdag ni Paul.

"Good game, guys! Good game!"

"Tapos na kayo? Tamang-tama, handa ang hapunan! Hali na kayo. Kumain na tayo." Anyaya ni Pops.

Tumulong si Ira sa paghahanda ng mesa. Lumapit na rin si Orion at ang mga kasama niya at masayang pinagsaluhan ang hapunan. Dahil kulang ang upuan at tapos na rin namang kumain si Ira, nakatayo lang ito sa tabi ng ref at tahimik na umiinom ng can of coke.

"Wooow! Ang sarap naman nito! Sobrang perfect for a celebration!" komento ni Drew.

"Kumusta ba ang laro niyo?" tanong ni Pops.

"Pasok po kami sa finals, Pops!"

"Wow! Ang galing niyo pala maglaro?"

"Aye nako, Tito! Kapag kami talaga ang nagsama, ayeee, iba! Lalo na 'tong si Stelios!"

Napatingin ang lahat sa lalaking katabi ni Orion. Kapansin-pansin naman talaga ang kanyang awra dahil sa kaputian nito. Namumukhaan siya ni Ira at sa gulat, nailuwa nito ang iniinom na coke. Napunta naman sa kanya ang atensyon ng lahat.

"Ate, okay ka lang?" tanong ni Usher.

"Sorry..."

Di mapakali si Ira. Nakatingin lahat sa kanya habang aligaga itong kumuha ng tissue upang punasan ang mukha.

"Uhm, guys! Ate ko nga pala, si Ate Ira."

Napilitang ngumiti si Ira. She felt sooo awkward lalo na't nakangiti sa kanya si Stelios.

"H-hi! Uhm, mga kaklase mo?"

"Oo, ate! Si Drew, Lev at Paul, kaklase ko sa high school. Ito namang si Stelios, blockmate ko ngayon sa college."

"Aaah! Ok. S-sige! Kain lang kayo. Excuse me."

Ira was about to leave the dining room nang biglang nagsalita si Stelios.

"Di ka ba kakain?"

"H-ha?"

"Dinner? Won't you join us?"

Nakatingin ulit ang lahat sa kanya. Hinihintay siyang sumagot.

Madikit at malagkit namang nakatingin sa kanya si Stelios, nakakatunaw ang mga mata.

"N-no! Busog ako. Bye!"

Tumakbo palabas ng kusina si Ira at dumiretso ng kwarto. Sa loob, panay ang kanyang pagtatalon at pagmumura habang kinakausap ang sarili.

"Shit! Shit! Shiiiit! Bakit ang liit-liit ng mundoooo? Hnnnng!!! Girl, hindi maliit ang mundo. Sadyang maliit lang 'tong syudad na tinitirhan mo. Hnnnnggg! Bakit kaklase pa ni Orion? What if he told Orion about the speed dating? What if malaman din ng mga kuya ko? Actually, matutuwa sila, girl! Gusto kaya nilang magkajowa ka na. Oo nga! Pero duhhh, speed dating, they know I don't do that. If nalaman nila na I tried that, siguradong pagtatawanan nila ako at tatawaging desperada. Hnnnnngggg! Kainiiiis!"

Habang nagmomonologue ito sa kwarto, isang katok naman ang maririnig sa likod ng pinto. Nang buksan ito ni Ira, isang nanlulumong mukha ang humarap sa kanya.

"Maggie???"

"Ira!!!"

Agad na yumakap si Maggie kay Ira. Sa talampakan nito ay may nakasunod na aso. Samantalang naguguluhan si Ira sa nangyayari kung bakit bigla na lang nasa bahay nila ang kaibigan, nakatingin ito tila humihingi ng explanation kay Eros na nakasandal sa dingding with crossed arms.