THE GIRL WHO CAN'T DATE
5
Wedding Day.
For every human in love, a wedding is always one of the most wonderful moments, one of the most beautiful milestones. As Aries and Seah exchanged vows, you can see in their eyes how excited they are to start living a new life together. Mahal na mahal nga nila ang isa't isa.
Dalang-dala ang mga taong nanonood sa kanila. Magkahawak kamay sina Joey at Leanne. Umiiyak si Tita Luz at ang iba pa naming tiyahin. Masayang-masaya si Pops habang hawak-hawak ako. At si Ira... ayon, nangangarap na naman ng gising.
"Kailan kaya ako makakapagsuot ng ganyan kagandang damit no?" tanong nito sa mga kapatid. Napapagitnaan siya ni Eros at Orion.
"KAPAG NAGKA-JOWA KA NA!" sabay na sagot ng dalawa.
Ira looked at her brothers. They were both looking at the newly-weds, pumapalpak at tumatawa.
"Ready ka na mamaya?" bulong ni Eros.
"Ready saan?"
"Sa reception." Sagot ni Orion.
"Kakain lang naman— OMG!" Biglang naalala ni Ira na hindi mawawala sa mga kasalan ang mga pakulo. Ira hated participating in that stuff. It makes her feel uncomfortable. Tiningnan niya ang paligid, sinuri ang mga binatang naroon sa kasal. Ngumiwi ang kanyang mukha. Di niya maisip ang posibleng mangyari mamaya. "Can I skip?"
Sabay na umiling ang dalawa.
"Siguradong hahanapin ka nila."
They were right. Kahit ayaw niya, pinipilit siya ng mga kapatid niya na magparticipate sa mga ganyan, nagbabakasakali na baka may mabuong romance. Hay! Kung pwede lang talaga nilang ipamigay si Ira, ginawa na nila.
At the Reception...
Kung anu-ano na lang ang naiisip ni Ira na palusot para makatakas siya sa pakulo ng reception.
"Pops! Inaantok na ata si Usher. Ako na lang magpapatulog sa kanya sa room." Alok ni Ira nang matapos itong kumain.
Tiningnan ako ni Papa. I was clearly enjoying my food.
"Mmm... mukhang hindi naman, nak eh."
"I'm not sleepy, ate!"
"Oh? Tingnan mo! Kumakain pa ang kapatid mo. Chill ka lang diyan."
Nagkamot ng leeg si Ira at nag-isip ng ibang palusot.
"Ah, Kuya Eros. Pahiram naman ng susi sa room. Naiwan ko ang phone ko eh."
Eros saw her phone at the back of her seat. Hinila niya ito at kalmadong inilatag sa mesa habang kumakain.
Ira weaved a sigh. Hindi umepekto ang palusot niya.
"Excuse me! CR lang ako."
Nobody stopped her. She was glad. Dahan-dahan itong tumayo at kalmadong lumayo sa mesa. Nang biglang tumayo sa harap ang host ng kasal at sinimulan ang pagtawag sa mga dalaga, nataranta si Ira at humanap ng paraan upang makapagtago. She searched for the exit. Ang layo-layo pa. Yumuko ito at naglakad na parang pato. Pinipilit na makapagtago sa bawat mesa na madaraanan at umaasang magsimula na ang laro ng wala siya.
However...
"Uhm, the bride and groom are requesting the presence of Miss Ira Micole Pardilla. Join us in the game, please. Miss Ira? Sorry, but we won't start without you."
"Eeeeh! Bakit naman kasiiiii!" bulong nito sa sarili habang nakayuko sa likod ng mesa.
Malapit na siya sa exit. Konting lakad na lang. Habang naglalakad ito, isang pares ng mga paa ang nakaharang sa daan. Nang tumingala siya, nagulat siyang makita ang isang pamilyar na mukha.
"Skye??? Anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw? Anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Skye.
"Did anyone see Miss Ira?" anunsyo ng host.
Sumesenyas naman si Ira kay Skye na wag siyang ituro.
Skye raised his hand. Ira was begging at his feet. "Pleaase! Wag mong sabihin nasaan ako. Pleaassse!"
"She's here!"
Napapikit sa inis si Ira. Napunta sa kanya ang spotlight and everyone saw her. No choice, tumayo siya sa kanyang pinagtataguan at tiningnan ng masama si Skye.
"Bwisit ka talaga kahit kailan."
Nakasimangot itong lumapit sa grupo ng mga kababaihan. Naroon ang mga pinsan ni Seah at ang kanyang kapatid na si Mandy. At nagsimula na ang laro.
"Okay ladies. Simple lang ang gagawin niyo. Pipili lang kayo ng rose mula sa kamay ko. Ready? Okay! Go!" All the ladies picked a flower. Huling kumuha si Ira na obviously hindi interesado. "Now! May I know who got the shortest stem?"
Lumapit ang mga dalagang nakakuha ng maikling stem. Isa roon si Ira. Kinumpara nila kung sino ang may pinakamaikli, at nanalo si Ira.
"Congratulations, Miss Ira! You won this game!"
"Couldn't be any happier." Sarkastikong sagot ni Ira.
"If you may, please sit beside the bride. Thank you!"
Naupo si Ira sa tabi ni Seah. Binati ito ng sister-in-law niya at isang pilit na ngiti ang kanyang sagot.
"Now! May I call on the gentlemen." Lahat ng binata lumapit, pati na rin ang mga kapatid niya.
Pinagtutulukan naman ni Mandy si Skye na sumali. "Ano ba! Di ko na kailangang sumali diyan."
"Si Kuya Claude nga oh, sumali. Wag ka ng umarte. Sumali ka na."
"Ayoko nga. Wag kang makulit."
Pansin ni Mandy ang inis sa mukha ni Skye kaya hindi na niya ito pinilit. But the host noticed his presence, at dahil ayaw niyang mag make-a-scene, tumayo ito at sumali.
"For this game, pagpapasa-pasahan ng mga lalaki ang bolang hawak ko while the music is playing. When the music stops, whoever gets the ball is out of the game. Ang matitira sa larong 'to ang siyang makakaparehas ng ating winning lady."
Habang naglalaro ang mga kalalakihan, hinihiling naman ni Ira na sana isa sa mga kapatid niya ang manalo. However, they intentionally embraced the ball kaya agad silang natanggal sa laro. Isa-isa ring natanggal ang mga pinsan ni Seah na hindi kaaya-aya ang mukha. In the end, si Joey, Skye at ang kanyang long-haired na kapatid na si Claude na lang ang natira. Ngunit sa huli, natanggal din si Joey. Ira was so dismayed. Now, it's between the two brothers.
"Who do you want to win? They're both good-looking." Seah whispered.
"Haaa? Uhm, di ko alam eh. Actually colleague ko yung isa."
Nagulat ang dalawa.
"Small world." Komento ni Aries.
"Really? Actually, the other one is his brother. That's my ex." Seah smiled.
Nagulat si Ira sa rebelasyong yun. Napatingin siya sa kapatid niya.
"Don't worry. We're friends. Ako nag-invite sa kanya." Aries assured his sister. "But mas gugustuhin kong manalo yung kapatid niya. It's weird to see my sister being paired with my wife's ex."
And the couple both laughed. But Ira didn't. She felt very uncomfortable and awkward. She doesn't wanna do anything with Skye whom she loathed very much and most certainly not with a stranger either.
Samantala, patuloy naman ang laro ng dalawa.
"Now, for the last round, we will change the rules. Kung sino man ang makakakuha ng bola, siya ang mananalo. Ready boys? Okay! Go!"
Habang naglalaro, nag-uusap ang dalawa. Seryosong-seryoso ang mukha ni Skye na tila naiinis sa kapatid, samanatalang nakatawa at nag-eenjoy lang ang kuya niya.
"The girl is pretty. Pero mukhang mas bata pa sa 'kin. Do you want to win this game?" tanong ni Claude kay Skye.
"She's my colleague... and we don't like each other." Sagot ni Skye habang carefree lang itong binibigay ang bola sa kapatid.
"So... do you want me to win this game?" May ibig sabihin ang mga ngiti ni Claude. He stared at Ira longingly. "Mmm... I think I'd like to date her. I don't mind younger women. Look at her skin, ang kinis kahit morena. And mukhang sexy rin siya. Imagine me holding that waist later once I win this game."
"Pervert!!!" Skye got so angry sa pinagsasabi ng kapatid niya. Sa galit niya, napalakas ang pagtapon niya ng bola. Siguradong masasaktan si Claude kung tinamaan siya sa dibdib.
However, Claude caught very well. Then, the music stopped. Claude smiled pleasantly. "Thanks, lil bro!"
Skye was so pissed off. Nagsisi siya na pinasa niya ang bola.
"And we got our winner. Hello sir, what's your name?"
"I'm Claude." Napaka-sexy ng pagpapakilala ni Claude. At napakagwapo rin. Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok at maangas ang mukha dahil sa balbas nito. Kahit ang host ay nahuhumaling sa kanya.
"Alright, Miss Ira, please join us here."
Parang gustong maiyak ni Ira. Tumingin ito sa kapatid upang humingi na tulong.
"Kuyaaaa!"
"That's okay. You're just gonna dance."
"Sure ha?"
"Don't worry. If something unpleasant happens, we'll surely stop it." Aries assured Ira.
Lumapit si Ira kay Claude at sa host. Napakatangkad din ni Claude na halos nakatingala si Ira sa kanya.
"Hi! I'm Claude." Pakilala ng binata, offering his hand for a shake.
Ira accepted it. "Ira. Groom's sister."
Biglang napawi ang ngiti sa mukha ni Claude. He didn't expect she would be Aries' sister.
"Wow! Di kayo magkamukha."
Napawi rin ang ngiti sa mukha ni Ira.
"Is that a compliment or an insult? Di ko alam paano mag-react."
Ngumiti na lang si Claude.
"Simple lang ang gagawin ng mga winners natin." Pagpapatuloy ng host. "Bubunot sila ng tatlong dares dito sa loob ng jar at kailangan nilang gawin ang mapipiling dare. Game?"
"Can I pick first?" nag-volunteer si Claude.
"Sure!" bumunot ng papel si Claude at binigay sa host. "Okay! Ang unang dare na gagawin nila is... bubuhatin ng binata ang dalaga for 5 minutes. Alriiiight!"
Naghiyawan sa kilig ang audience. Samantalang nakasandal lang at hindi natutuwa ang magkapatid sa kanilang kinauupuan.
"You know what! Usually ini-enjoy kong makita si Ira na may nakakaparehas eh. But I don't know why I do not like this." Eros grimly said to his brother.
"Dahil si Claude ang kapares niya. We know who he is kaya di natin nagugustuhan ang nakikita natin." Dagdag ni Orion. "Bakit ba kasi inimbita pa ni kuya yan."
Claude looked at Ira waiting for her permission na buhatin siya.
"I don't have a choice, do I?" Ira said.
With no further ado, binuhat ni Claude si Ira for 5 minutes. Sa loob ng limang minutong yun, nakatingin lang si Claude sa mga mata ni Ira. Ira couldn't look away. His eyes were too deep and beautiful just like Skye's. Hindi niya maalala kung kelan niya napansin o may pagkakataon bang nagkatitigan sila but Ira sees Skye in those deep-set eyes.
"5 minutes is up!" Marahang binaba ni Claude si Ira at nagpalakpakan ang mga tao. "Wow naman! Ang lakas ni Mr. Claude. But our game is not yet done. May dalawang dare pa silang gagawin."
Ira picked the paper this time at simple lang ang dare na nabunot niya. Isang sweet dance ang kailangan nilang gawin. Claude may look creepy but his gestures showed that he was a complete gentleman. Somehow, di naman nakaramdam ng pagkailang si Ira.
At sa huling dare, muli si Claude ang bumunot ng papel.
"For the last dare..." the host opened the paper. "Ooooh! It's a kisss!"
Napanganga si Ira. Napatayo si Skye. Nagtinginan ang magkakapatid. Nanatiling kalmado si Aries ngunit halatang nagpipigil lang. Nagsigawan at kinilig naman ang lahat.
"Kiss sa lips! Kiss sa lips!" The crowd cheered.
Mabilis na umangal ang natatarantang si Ira.
"Don't you dare!" bulong ni Skye while holding his fists.
Naghihintay naman ang mga kapatid niya sa maaaring mangyari. Claude faced Ira while she was still shaking her head in rebel. Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Claude sa mukha ni Ira, nakangiti at natutuwang nakikitang lumalapit ang magkapatid sa kanya.
"Claude!" tawag ni Aries mula sa kinauupuan nito.
Ngumiti na pararang natutuwa sa pag-aalala ni Aries, muling hinarap ni Claude si Ira at hinalikan sa ulo.
Nagulat si Ira dun.
"People may think otherwise but I'm actually a gentleman." Bulong ni Claude sa tenga ni Ira na kabadong-kabado pa rin. Akala niya mananakaw na sa kanya ang first kiss niya.
When the host announced the end of the game, nakahinga ng maluwag si Ira. Dumiretso siya sa mesa kung nasaan ang pamilya niya. Uminom ito ng tubig at kumalma.
"Okay ka lang, nak?" tanong ng Papa niya.
"Yeah. But I think I need some fresh air."
"There's a beach outside the hotel." Eros suggested.
"Just what I need right now. I need to breathe."
Dali-daling lumabas patungong beach si Ira. She loves the beach so much. It's her kind of peace, the breeze, the sound waves, the sand, and the water. The moment na nahanap niya ang beach, agad-agad niyang hinubad ang sandals niya at tumakbo palapit sa tubig.
Habang naglalaro siya sa tubig, pinapanood naman siya ni Skye.
"Para talaga siyang bata..." lumapit siya kay Ira at tinawag ito. "Huy, Ira!"
Tumigil sa paglalaro si Ira at napatingin sa tumatawag sa kanya. Nang makita niya si Skye, umasim ang mukha nito. "Ano? Anong kailangan mo?"
Hinawakan ni Skye ang tenga niya. Halatang naiilang. "W-wala! Gusto ko lang itanong... kung... okay ka lang."
Kumunot ang noo ni Ira. "Bakit naman di ako magiging okay?"
"D-dahil kanina... hindi ba't di ka hiyang sa di mo kilala? Di ko dapat ipapasa yung bola eh."
Ngumiwi ang mukha ni Ira. "I was told kuya mo yun. Actually, he was fine. Gentleman naman siya eh. Medyo nakakainis lang ng konti, parang ikaw lang. But I think it was better na siya yung partner ko. Kasi kapag ikaw yun, feeling ko kukulo lang ang dugo ko."
Nagsisi si Skye na nilapitan at kinumusta niya si Ira. Kahit kailan, hindi talaga sila nagkakasundo.
"Alam mo... ang hirap mong—"
"A-a-achiiing! Achiiiing! Achiiing! Ano ba yan! Bakit bigla-bigla na lang akong sinisipon?"
"Paanong hindi ka sisipunin niyan eh ang lamig-lamig ng hangin tapos ang nipis ng suot mo. Kita pa ang likod at balikat. Tapos naglalaro ka pa sa tubig. Lumayo ka na nga diyan!"
Nakinig naman si Ira. Patuloy pa rin ito sa paghatsing dahil sa lamig.
Feeling concerned, Skye took off his coat and covered it around Ira.
Nagulat naman si Ira sa ginawa ni Skye kaya tiningnan niya ito na nagtataka ang mukha.
"FYI! Kung gentleman ang kuya ko, mas gentleman ako. Pero yung gestures ko, walang malisya."
"So sinasabi mong may malisya ang mga ginagawa ng kuya mo? Naglalaro lang naman siya no." depensya ni Ira.
"You don't know him."
Skye suddenly became serious. Hindi na rin nakipagtalo si Ira. Nang makarating sila sa loob, everyone was celebrating. Joey and Leanne were in front of the crowd kissing.
"Congratulations to the newly engaged!" anunsyo ng host.
"So she finally said yes." Bulong ni Ira. Masaya man siya para kay Joey, may kirot pa rin sa puso niya.
Nanatiling nakatayo sa likuran si Ira habang pinapanood ang kasiyahan ng madla. Nanatili rin si Skye sa tabi ni Ira. Hindi niya mapagtanto kung bakit pinili niyang dumamay kahit na hindi naman niya alam kung paano maibsan ang sakit na nararamdaman ni Ira sa mga oras na yun.
But Ira appreciated it.
Napahawak siya sa polo ni Skye, isang senyales na manatili lang siyang nakatayo kahit na tahimik lang.
For some, a silent presence can be enough comfort for a wounded heart.