THE GIRL WHO CAN'T DATE
7
"Waaah! Salamat sa hapunan, Seah, ha! Nabusog ako!"
Hinimas-himas ni Eros ang tiyan sa sobrang kabusugan. Kahit si Orion ay parang di makatayo sa dami ng kinain. Naparami rin ang kain ni Pops ng kanin dahil talaga namang masarap ang nilagang baka na niluto ni Seah para sa hapunan.
Nasarapan din naman si Ira, pero tulad kaninang umaga, tahimik lang din siya.
"Sayang di natikman ni Kuya Aries ang luto mo." Ani ni Orion.
"Pinagtabi ko na siya ng ulam niya, at darating na rin yun. Kanina pa yun nagtext na pauwi na raw siya." Paliwanag ni Seah.
"I'm already home."
"Baaabe!" The moment Aries announced his arrival, agad na tumayo si Seah upang salubungin ito ng halik. Pinaupo niya ito at pinagsilbihan. Kinuhan ng plato at kinuha rin ang itinabing ulam. "Kumusta? Marami ka bang pasyente today?"
"Medyo."
"Siguradong pagod at gutom ka na. 'Eto, kumain ka na."
"Thank you, babe!"
Habang sweet ang dalawa, napapangiti namang pinapanood sila ng pamilya nila. Kahit si Pops ay natutuwa sa pagiging maalaga ni Seah.
Pagkatapos niyang kumain, nilapitan ni Ira ang super cute nilang bunso upang paliguan. Just right after she took my hand, lumapit si Seah at nagboluntaryong paliguan ako.
"Ira, can I try giving Usher a bath?"
Of course, my sister doesn't want to be rude pero ayaw niya talaga akong ipahiram. Possessive kasi siya.
"Ah, eh kasi, Ate Seah, okay lang naman sa 'kin eh. Pero di ako sigurado if okay lang kay Usher. Medyo mapili kasi siya sa tao, di ba, Usher?"
All eyes on me waiting for my response.
"Okay lang naman ate eh. I like Ate Seah. She's nice!"
Hesitant pero binigay niya rin ako. I like Seah. She's kind and very gentle.
"Talaga, Usher? You like me? Awwe! Thank you!"
Seah was so amused that the kid holding her hand was smiling brightly at her.
"Wow! Himala di lumapit si Usher." Batid ni Orion.
"Isn't this the first time they actually met?" Eros asked. Aries nodded in agreement. Then he looked at Ira. "I remember the first time na binuhat mo siya, he was crying real hard. Tumigil lang siya sa pag-iyak nang kunin siya ni Pops sayo."
Aries wondered too. "And I remember it took you a month to actually win his trust."
Irritated, Ira snapped at her brothers. "So anong gusto niyong sabihin?"
"That it took you a month for Usher to like you but it only took Seah a day to actually win his trust. Ganun!" Orion answered carelessly.
Nagtitimpi man, obvious sa mukha ni Ira na kumukulo na ang loob niya. "SO ANO NGA ANG GUSTO NIYONG SABIHIN?"
"Wala!!!" sagot ng tatlo sabay linis sa kanilang pinagkainan.
They actually wanted to say that she wasn't so pleasant and she's very intimidating kaya naiiyak ako tuwing lumalapit siya. But that was so six years ago. They don't need to tell her that. Andami ng naganap sa araw na 'to. She would explode if she would hear another comment.
Umakyat ng kwarto si Ira. Sinundan naman siya ni Aries. Kumatok muna ito saka pumasok. Nadatnan niya itong nakahilata sa sahig at naglalaro ng ML sa cellphone niya.
"Okay ka lang?" tanong ng kuya.
"Mmm..." sagot nito habang abala sa pagko-collect ng coins at items sa ML.
"Sure ka?"
"Oo nga!" iritado nitong sagot.
Lumapit si Aries sa kanya at kumuha ng upuan. Tahimik siyang nakaupo roon at pinagmamasdan si Ira. Hindi siya aalis hangga't di siya kinakausap ng kapatid. Ira started feeling uncomfortable then kaya pinatay niya ang cellphone niya, umupo sa sahig at hinarap si Aries.
"Alam mo? Minsan you're annoying." sabi ni Ira na nakasimangot.
Aries grinned. "Galit ka ba kay Seah?"
"Ba't naman ako magagalit? Di porke masarap siya magluto, magaling maglinis at saka gusto siya ni Usher, magagalit na ako? Ano ako? Bata?"
Obviously, yes!
Natatawa si Aries sa kapatid. Hindi man niya maamin na umaarte siya na parang bata, for him she was definitely a kid in a tantrum.
"Kung ganun, bakit ganyan ang mood mo?"
"Sa totoo lang, okay lang naman sa 'kin na di ako marunong magluto o tamad ako maglinis kasi totoo naman." Huminga siya ng malalim. "Pero naiinis ako sa tuwing naiisip ko kung paano lumapit si Usher kay Ate Seah na walang pag-aalinlangan."
"So ayaw mong lumapit si Usher kay Seah, ganun?"
"Hindi naman sa ganun, kuya... nagseselos lang. Kasi naman eh, ako yung nakakita sa kanya sa basurahan, ako yung nakapulot sa kanya, ako yung nag-uwi pero sa ating lahat, sa akin siya nahirapan mag-adjust. Feeling ko tuloy masama akong tao."
Hinaplos ni Aries ang ulo ni Ira. "Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Nung baby pa si Usher, he was uncomfortable with everyone. Hindi lang sayo. And we have to understand na in his part, he must have felt so unsecured. Ramdam niya na strangers tayong lahat. But in the end, he was closest to you, Ira Bear. And ikaw ang lagi niyang hinahanap kasi nga ikaw ang laging nag-aalaga sa kanya. Yung kay Seah, it's not because who she is. Usher had become comfortable in getting to know new people dahil secured ang feeling niya. Secured ang feeling niya dahil alam niyang nandito lang tayo para sa kanya."
Aries was right. That's how I totally felt. To me, it seems like nothing can go wrong when you're with your family. I feel protected, loved, and secured, especially with Ira around. Napaka-protective niya. Minsan nga lang, possessive masyado.
"Totoo ba yan?" tanong ng nakasimangot na Ira.
"Do I ever bluff?" Ira shook her head. "That's what I'm talking about."
Hinimas ulit ni Aries ang ulo ni Ira na parang tuta. For him, though 27, Ira will always be his baby sister.
The next morning, abala ang lahat sa paghahanda para sa wedding anniversary ng parents ni Seah. It's their 50th Anniversary kaya may renewal of vows na magaganap. It's a grand celebration kaya naman todo ang paghahanda ni Ira. Pressured siya dahil alam niyang classy ang pamilya ni Seah at ayaw niyang mapahiya ang kuya niya dahil lang sa kanya.
So she was there in her room staring at the things she bought with Maggie yesterday. She weaved a long sigh at namomroblema.
"Ano bang gagawin ko sa mga bagay na 'to?"
She was trying to figure out what she's supposed to do nang kumatok si Seah sa kwarto niya.
"Ira? Can I borrow an iron? Wala kasi sa..." Seah paused when she noticed how focused Ira is with her stuff on the bed. Dahan-dahan siyang pumasok ng kwarto at tiningnan si Ira. "May problema ba?"
Nilingon ni Ira si Seah and gave her an awkward smile.
"Nagpatulong ako sa kaibigan ko na bumili ng mga gamit. She bought these but... I had no idea what to do with it."
Seah smiled. Nakukyutan siya kay Ira.
"Kailangan mo ng tulong?"
Ira gently nodded her head.
Seah stepped closer to Ira's bed kung saan nakalatag ang pinamiling damit. Pinili niya ang nude dress with pleated skirt. Pinasuot niya yun kay Ira. When she came out, she looked like a morena doll.
"You look pretty!" Seah smiled at her. "Halika! Aayusan kita."
Pinaupo ni Seah si Ira sa harap ng malaking salamin at sinuklayan ang mahaba niyang buhok. She braided some of Ira's hair at ginawa itong headband. Nilagyan niya rin ito ng hairpin na may disenyong silver flower. Seah was obviously amused with taking care of Ira.
"Ang galing mo naman mag-braid, Ate Seah!"
"Pinag-aralan ko talaga paano gawin 'to. I've always dreamed of having a daughter na aayusan ko at bibihisan na parang manika."
Ira beamed at her. "Matutupad din yan. Kapag nag-honeymoon na kayo ni kuya, gumawa na kayo agad ng baby."
Hindi sumagot si Seah. Mapakla ang ngiti sa kanyang mukha. Ibinaling niya na lang ang kanyang atensyon sa mga make up.
"Make-upan na kita ha?"
"Okay!"
Habang pinapaganda ni Seah si Ira, malalim naman itong nag-iisip.
At the event...
Maraming bisita ang dumalo sa golden wedding ng parents ni Seah. Malaki talaga ang pamilya Regalado. Imbitado lahat ng kamag-anak nila, kapatid, pinsan, pamangkin at apo. Kapansin-pansin din ang dami ng mga batang naroon, mga anak ng kapatid at pinsan ni Seah na panay ang laro at takbuhan.
"Ang dami nila no?" bulong ni Ira kay Orion.
"Oo nga eh. Siguro kung nakapag-asawa lang ang lahat ng tiyahin natin, baka ganito rin tayo karami." Sagot ng kapatid.
"Tingin ko rin." Sang-ayon ni Eros.
Salu-salo na at nalibang ang mga panauhin sa pakikipagkwentuhan at pangungumusta sa isa't isa. Dinumog din si Seah at Aries ng mga iilang kamag-anak upang makipagkuwentuhan.
"Seah! Aries! Congratulations sa inyoooo!" excited na bati ni Candice, pinsan ni Seah. Nakipagbeso-beso ito habang hawak-hawak ang kanyang baby.
Matamis na ngiti ang salubong ni Seah sa pinsan. "Salamat, Candice!"
"Sorry ha! Di kami nakapunta sa kasal niyo." Paumanhin ni Bobby, asawa niya. "Yun din kasi ang araw na nanganak si Candice, eh."
Napatingin ang dalawa sa baby na hawak ni Candice.
"Oh, you mean! This baby..." gulat na tanong ni Aries. Yumango ang mag-asawa. "Wow! Congratulations din sa inyo. Pang-ilan na ba 'to?"
"Panglima na nga eh. At sisiguraduhin namin na last na!" biro ni Bobby.
Lumapit si Seah sa baby upang makita pa ng malapitan ang mukha nito. Her eyes glowed the moment she saw the baby. "Awwe! You've got a very adorable angel right here! What's the name?"
"Macy! Our only girl!" Bobby answered with wonder in his eyes.
Tinitigan ni Aries sa Macy at napangiti sa ganda ng bata. "Ang ganda niya!"
"Salamat!" bulong ni Candice.
Tinapik ni Bobby ang balikat ni Aries and cheered. "Magkaka-baby din kayo."
The tone in his voice was a bit downcast that made Ira wonder. Nakaupo siya sa harapan ni Seah kay kitang-kita nito ang mukha niya at nakita niya kung paano biglang nagbago ang mga tingin nito. Biglang itong naging mapakla.
"B-but of course, no pressure! Siyempre bagong kasal pa kayo at siguradong di pa nakakapag-honeymoon. Kapag nakapag-honeymoon na kayo, makakabuo na yan."
"Nagpatingin ka ba ulit sa doctor— awww!"
Hindi natapos ni Bobby ang tanong dahil siniko siya ng asawa niya. Sinenyasan niya rin ito ng wag magtanong.
Biglang nagsilapit ang mga pamangkin ni Seah at dinumog siya. That broke the ice! She was smiling again as she was playing with them. Maya-maya ay panay ang hawak nito sa puson at nag-iba ang timpla ng mukha. Tila di komportable at nahihirapan.
Napansin naman agad ito ni Aries. "Babe, ok ka lang?"
"I think I need to use the washroom. Excuse me mga pamangkin ha! Kailangan ni tita mag- CR eh!"
Hinayaan naman ng mga bata na umalis si Seah. Habang nakatalikod ito, napansin ni Ira ang tagos ng dugo sa dress niya. Nag-alala ito at baka may ibang makapansin at mapahiya pa.
"Kuyaaa! Si Ate Seah..."
Tinuro ni Ira ang tagos kaya agad na lumapit si Aries at tinakpan ang likod ni Seah gamit ang kanyang coat. Sumunod si Ira na bitbit ang kanyang bag.
"Babe, meron ka. First day mo ba?"
"Hindi. Last day na dapat today."
"Last day mo na, Ate Seah pero ganyan pa kadami ang daloy?" pagtataka ni Ira sabay halukay sa bag niya. "Eto oh! May extra napkin akong dala. Baka kailangan mo."
Tinanggap ni Seah yun at pinasalamatan si Ira.
Maya-maya, nagyaya ng umuwi si Aries pagkatapos magpalit ni Seah. Napansin naman nila na maputla at mukhang di maayos ang pakiramdam ni Seah kaya sumunod agad sila. Nagpaalam sila sa mga magulang at kapatid ni Seah at dumiretso ng uwi.
Curious. Nababagabag si Ira. Pakiramdam niya something is going on at gusto niyang maintindihan ang sitwasyon. Habang nakahiga ito sa kama, nakarinig siya ng mga yapak mula sa labas ng kwarto. Tumayo ito upang tingnan kung kaninong mga yapak yaon. Nang lumabas siya, napansin niyang bukas ang ilaw sa kusina. Tahimik itong bumaba at sa pagmamatyag nakita niya ang mag-asawa.
Nakaupo sa silya si Seah, hawak-hawak ang kanyang puson at mukhang nahihirapan sa sakit.
"Dysmenorrhea?" bulong ni Ira sa sarili. "Pero last day na niya ah."
"Sandali lang, Babe! Sigurado akong mag pain reliever kami dito." Aries was rummaging through the first aid cabinet. Alalang-alala ito sa kalagayan ng asawa. "Do you always suffer like this tuwing may period ka?"
"No... ngayon lang 'to sumakit... on the last day of period... arrrgh!"
"I found it!" Kumuha ng isang basong tubig si Aries at inabot ang gamot kay Seah. Nakaluhod siya sa harapan ni Seah. "Here!"
Ininom ni Seah ang gamot ngunit ilang minuto pa ang hihintayin saka magkakabisa ang pain reliver. Masakit pa rin ang puson niya. Maya-maya ay umiyak ito at sumubsob sa balikat ni Aries.
"Magpakita ka na kay, dok! Upang makita natin kung ano na ang kalagayan mo."
"I'm sorry!" bulong nito.
"For what?"
"For being like this..."
Tiningnan ni Aries si Seah sa mata. Inayos nito ang buhok niya at hinaplos ang kanyang mukha. "Nothing is wrong with you, babe!"
Umiiyak pa rin si Seah. Frustrated!
"Paano kung hindi kita mabigyan ng anak, Aries?
"Mamahalin pa rin kita. Di magbabago ang tingin ko sayo, Seah! You will always be enough for me."
"But I always wanted to be a mother, Aries!"
"You will be!" pinunasan ni Aries ang mga luha ni Seah at ngumiti. "Gagawing natin ang lahat ng paraan!"
Seah had never been this grateful to Aries. She had a support system. She had a comforter. She had a motivator. She has everything she needed in Aries.
Hinalikan niya ito sa noo at niyakap ng mahigpit.