THE GIRL WHO CAN'T DATE
4
"Sorry!"
Hindi sinasadya, isang binibining marikit ang bumunggo kay Skye mula sa likuran. Even if she was dressed up prettily, Skye immediately recognized his colleague dahil sa clumsiness at boses nito. Samantalang di naman siya nakilala ni Ira because he was too formal in his polo and he was wearing eyeglasses too.
"Ano kayang ginagawa niya dito? Oh yeah! The dinner date! Teka..." Skye peered through his eyeglasses at nanibago sa anyo nito. "...nasaan ang hoodie jacket niya?"
"Hey, Skye!" another beautiful lady called his attention. "Kanina ka pa?"
Marahang umiling si Skye. "Kararating ko lang. So... where do you wanna eat?"
"I have a favorite resto here..." sinuyod ng tingin ng dalaga ang mall hanggang sa mahanap niya ang resto. "Ah!There, Bachmann's Bistro!"
"Mukhang mahal diyan, Mandy. Jollibee na lang kaya tayo."
"Hay naku! Hanggang ngayon kuripot ka pa rin. Naka-polo ka't naka-dress ako tapos sa Jollibee lang tayo kakain? At isa pa, ako naman ang magbabayad. Halika na!"
"Ikaw bahala."
Mandy dragged her childhood friend inside the restaurant. Agad naman namataan ni Skye si Ira at ang kasama niya sa mesa malapit sa glass wall.
"Mandy, dito tayo." Hinila niya ang kaibigan malapit kung saan nakaupo sina Ira at umupo sa likuran nila."
Habang abala sa pag-oorder si Mandy, abala din si Skye sa pang-iispiya kay Ira. Nakatalikod ito kay Ira. Sa sobrang lapit lang niya, madali lang niyang maririnig ang pag-uusapan nila.
"Ate Seah is inviting you to her wedding."
"Huh? Bakit?"
"Anong bakit ka diyan? Naging magkaibigan rin naman kayo ni ate noh."
"Won't she remember her ex if nandoon ako?"
Mandy crossed her arms. "Duhh! Siyempre maaalala niya kasi magkamukhang magkamukha kaya kayo ni Kuya Claude pero nakapag-move on na yung tao noh. What they have was so 10 years ago. At kung sakaling di ka updated, good friends silang tatlo ni Kuya Aries and he's also invited sa wedding."
Uminom ng tubig si Skye. He wasn't actually paying attention to Mandy. Nasa kabilang mesa ang atensyon niya.
"So Ira, have you been dating?" Hindi agad nakasagot si Ira dahil sa pag-daydreaming nito. "Ira?"
"Tsss! Siguradong tumanganga na naman siya." Bulong ni Skye habang binababa ang baso mula sa pagkakainom.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong ni Mandy.
"Wala akong sinasabi." Palusot nito. Patuloy ito sa pakikinig sa dalawa.
"Aaah, talaga? Pero, wala bang nagpaparamdam sayo? O kaya nanliligaw?"
Natawa si Skye at umiiling na nakangiti. "Sinong manliligaw diyan, eh napaka hot-tempered at bayolente pa magalit?"
"Sinong bayolente magalit? Ako ba?" Mandy is really confused right now.
"H-ha? Ah hindi, hindi! Sorry! May naalala lang akong tao. It's not you."
Mandy shook her head in disappointment. "Hay naku! Mag-order na lang tayo! Waiter!"
"She's actually my younger sister." Joey said.
Nang marinig iyon ni Skye, pilit na nagpipigil ito sa pagtawa. "Hahahaha! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Tsk! I warned you!"
"Yung lang po order namin, sir. Thank you! Skye, ano ba? Are you with me or may iba kang ka-date diyan sa utak mo?" Mandy snapped at Skye nang mahuli niya ulit itong kinakausap ang sarili.
"Sorry! Last na yun. Promise!"
Kinabukasan sa Grayson University...
Kapansin-pansin ang pagiging matamlay ni Ira sa trabaho. Hindi man lang ito kumain during lunch time. Nag-alala si Maggie kaya nilapitan niya ito at kinumusta.
"Iraaaa! What happened ba kahapon? Anong nangyari sa date mo?" pag-aalala ni Maggie.
Ira faced Maggie with puppy eyes and pouted lips. Maya-maya ay naiyak ito na parang bata. "Alam mo kung anong mas worse sa friendzoned?"
"Ano?"
"Yung masibling-zoned ka! Hnnnnnggg! MAGGIE! Kapatid lang ang tingin niya sa kiiiiin!!! Kapatid laaaang! Hnnnnnggg!"
"Ha? Sure ka? Teka! Teka!" Pinatahan ni Maggie si Ira sa pag-iyak at pinunasan ang mga luha nito. "Sinabi mo ba sa kanya na gusto mo siya? Did you tell him how you feel?"
"No. Bakit pa?"
"Aye naku! Girl, di pa tapos ang laban. Pwede pang magbago ang isip niya kapag nalaman niya na matagal mo na siyang gusto. Malay mo gusto ka rin pala talaga niya pero hindi niya lang masabi dahil nirerespeto niya ang kuya mo. If you were just a sister to him, why would he bring you to a restaurant na famous for couples? Pwede namang nag-Jollibee na lang kayo."
Napaisip na naman si Ira. "So what do you suggest?"
"Tell him! You have to tell him how you feel."
"Sigurado ka ba? Paano kung..."
"Paano kung gusto ka niya pero walang nangyari kasi naghintayan lang pala kayo? You only have to try, Ira!"
At that very moment, muling nabuhayan ng loob si Ira. She was totally encouraged to confess her feelings to Joey. She had that "now or never" kind of excitement sa ideyang sasabihin niya ang nararamdaman niya kahit anong mangyari.
"Tama ka, Maggie! I wouldn't know what I'd be missing if I won't try. I'll do it. Sasabihin ko kay Joey ang lahat-lahat."
"Goood! That's the spirit!"
"IRA!!!" biglang sumulpot si Skye na iritado ang mukha. "Yung certificates? Tapos mo na? I need it signed by the principal today dahil bukas na ang event."
Napatayo at nanlaki ang mga mata ni Ira. "OMG! OMG! OMG! Nakuuu! Sorry! Sorry! Sorry! Nakalimutan kong i-print. Tapos ko nang gawin. Print na lang talaga. Wait! Mabilis lang 'to. Promise! Sorry talaga!"
"Hay naku! Inuuna pa kasi ang pakikipag-date. Okay sana kung gusto ka, eh kapatid lang naman ang tingin sayo." Pang-aasar ni Skye.
Napatingin si Maggie at Ira sa kanya.
"Did you tell him?" Maggie asked.
Umiling si Ira. "H-how did you...?"
Hiyang-hiya si Ira. Ayaw na ayaw niyang may iba pang makaalam na nasibling-zoned siya, especially not Skye na sobrang mapang-asar.
Nang-aasar naman ang mga ngiti ni Skye habang nakikita niyang naiinis at nahihiya si Ira.
"Sabi ko naman sayo wag mag-assume diba? Sibling-zoned ka –"
Agad na tinakpan ni Ira ang bibig ni Skye. "Shut up! Shut up! Shuuuut up!"
"HAHAHA! Bakit ka ba nahihiya? Okay lang yan."
"Shut up sabi eh! Paano mo ba nalaman yan ha?"
"Secret." At umalis na nakangiti si Skye, satisfied sa pang-aasar kay Ira.
Nanlilisik naman ang mga mata ni Ira at humihingal sa inis.
"Maggie? Bakit nakakabwisit si Skye?"
Tumabi si Maggie kay Ira na crossed-arms. "Siguro dahil natural na siyang nakakabwisit?"
And they both sighed at the sight of him walking away with a satisfied smile.
Later that afternoon, nag-ayos ng buhok si Ira at nagsuot din ng slight make-up.
"This is it, Ira! You have to tell him no matter what."
She looked like sunshine in her mustard yellow hoodie jacket and skater skirt. Nakipagkita siya kay Joey sa hotel kung saan nanunuluyan ang binata. Standing in front of his door, kabadong-kabado siya sa gagawin niya. Ito ang unang beses na magco-confess siya.
"This is going to be okay. Kung ire-reject ka niya, ang importante nasabi mo, diba?" Huminga ng malalim si Ira saka pinindot ang doorbell. Kinakabahan pero nakangiti pa rin.
"Hi, Ira!" Joey greeted with a beaming smile. "Mukhang mahalaga nga yang sasabihin mo ha? Ikaw pa mismo ang pumunta dito. Mmm, but I don't think it would be nice to let you in my room. Sa café tayo?"
"Sure!" nahiya si Ira saglit. Bakit nga ba sa hotel pa siya sumulong? Pwede namang nakipagkita na lang siya sa café. Hay naku!
The café was just at the ground floor of the hotel. Nang makababa sila, Ira sat at the closest table while Joey ordered two cups of coffee.
"So, what is this that you want to tell me?"
"Uhm..." Nanlalamig ang mga kamay ni Ira. Gusto niyang magsalita pero tila siya'y nauutal. "Joey... kasi, I..."
"Sorry, Ira! I have to take this call. Sandali lang."
"S-sure. No problem."
"Nasaan ka na? Nandito ka na? Where? Oh! Can you come and see me here at the café? Nasa ground floor lang ng hotel. Yes! Can't wait to see you. Bye!"
Joey looked very excited and happy pagkatapos ng call na yun. Ira has never seen him that happy at di niya mapigilang macurious sino ang kausap ni Joey sa phone.
"Sino yun?"
"Ira, someone is coming here with us. Do you mind?" tumingala si Joey sa likuran ni Ira and ngumiti. "Oh, nandito na pala siya."
When Ira looked around to see kung sino ang dumating, nakaharap niya ang isang magandang binibini. Nakasuot ito ng black dress na fit na fit sa kanyang balingkinitang katawan. Lalo pa siyang tumangkad dahil sa suot niyang heels. Light make up lang ang suot niya ngunit maganda at maaliwalas pa rin ang kanyang mukha.
She looked classy, sexy and smart.
"Hi, babe!" Bati ni Joey. Nilapitan niya ang babaeng yun, hinawakan sa bewang, at niyakap ng mahigpit.
"I miss you!" Niyakap din siya ng babae ng napakahigpit sa leeg. Nang kumawala sila sa pagyayakapan, hinalikan naman nila ang isa't isa.
They looked so in love and they were both lost in their own worlds.
Torture. Feeling ni Ira na tino-torture siya.
"Who is she?" tanong ng babae ng mapansin niya si Ira sa upuan.
"Oops, sorry! I forgot. Halika, ipapakilala kita." Napatayo si Ira at humarap sa kanila. "This is Ira. Remember the girl na kinukwento ko sayo? Yung kapatid ni Aries?"
"Ow! Siya ba yun? You're right, babe! Ang cute nga niya."
"Ira, this is Leanne, my girlfriend."
"H-hi! Ang ganda mo... sobra!" Ira felt so awkward at that moment, na parang gusto na niyang magdisappear agad-agad.
"Ira came to see me because she wanted to tell me something." Joey explained to his girlfriend.
Nanlaki ang mga mata ni Ira at kinabahan. She can't confess in the presence of his girlfriend. Anong ipapalusot niya? Anong sasabihin niya?
"Ah, uhm, actually..." Think Ira, think! Biglang nagbeep ang cellphone ni Ira at nakatanggap ng text mula sa kuya niya tungkol sa wedding preparation. "Gusto ko lang sabihin na handa na ang damit natin for the wedding. Pwede na nating sukatin today para kung sakaling may adjustments pang gagawin, pwede pang tahiin."
Nakalusot din! Wiw!
"That's great!" ani ni Leanne. "We're planning to find a dress na isusuot ko sa wedding. Why don't we just go to the shop together, then go to the mall to buy a dress at magbonding. I would love to get to know you, Ira."
"H-ha?" She was so dumbfounded.
"That's a wonderful idea, babe! Let's go?"
Trapped in the scenario, walang magawa si Ira kundi ang sumama at ang magmukhang third wheel ng dalawa. Eyesore pa sa kanya na makita ang sweetness overload ng dalawa kahit saan sila magpunta. Sa loob ng taxi, sa front seat nakaupo si Ira, habang ang dalawa ay nasa likod. Nakasandal si Leanne sa balikat ni Joey habang ang kamay nito ay nakayakap sa kanya. Iniimagine naman ni Ira na siya ang katabi ni Joey ngayon at siya ang kayakap nito.
Sa shop naman, malambing na inaayos ni Leanne ang tuxedong susuotin ni Joey sa kasal. Bawat haplos nito sa kanyang balikat ay puno ng pagmamahal. Iniimagine ulit ni Ira na siya mismo ang kaharap ni Joey ngayon.
Haay! Hanggang imahinasyon na lang talaga si Ira.
"You looked very dashing, babe!" komento ni Leanne sabay yakap sa leeg.
"I would look better if you were beside me wearing a white dress."
Ngumiti lang si Leanne sa sinabi ni Joey. Kumawala ito sa pagyakap at kinuha ang bag niya. "I think okay na yang damit mo. Kunin mo na and let's go. Gutom na ako babe, eh."
Nagbago ang mukha ni Joey. Tila, biglang naging mapakla. He quietly went inside a room and changed clothes. Tumabi naman si Leanne kay Ira.
"Okay ka na sa damit mo?" tanong nito.
"Mmm... oo." Ira answered. "Uhm, Leanne, pwedeng magtanong?"
"Sure. What is it?"
"Gaano na kayo katagal ni Joey?"
"Mmm... turning 7 this November. We've been together since college."
"Ang tagal niyo na pala. Wala ba kayong planong magpakasal?"
Hindi inasahan ni Leanne ang tanong na yun. She felt a bit awkward.
"Ah- uhm! Actually, Joey proposed to me a couple of times already. Pero ilang beses ko rin siyang tinurn down."
Ira faced Leanne with a worried face. "Bakit? Di mo ba siya mahal?"
"Of course I do. I couldn't imagine myself loving someone else. Siya lang talaga ang mamahalin ko habang buhay. Pero kasi Ira, love is not enough reason for marriage. Kailangan siguraduhin mo rin sa sarili mo na handa ka, handa ka financially, mentally and emotionally. Kasi kapag dependent ka lang sa feelings mo pero di handa ang isip at katawan mo sa pwedeng mangyari, it won't just break you, but It'll break both you and the person you love. Ayokong umabot kami sa punto na maghihiwalay na lang just because we don't meet at a certain point."
"Pero wala naman talagang handa sa buhay, hindi ba? Kung hindi kayo magmi-meet sa isang punto, di ba pwedeng sundan niyo na lang ang isa't-isa? At saka, love is a choice."
Ngumiti lang si Leanne. Lumabas na rin ng dressing room si Joey.
Sa buong oras na magkasama sila, walang ibang inisip si Ira kundi si Joey. Iniisip niya how patient he is, and wondered how someone can wait that long. He must love Leanne very much!
Habang namimili ng damit si Leanne, nagkausap naman si Ira at Joey.
"Mukhang napaka-seryoso ng pinag-uusapan niyo kanina, ha!" tanong ni Joey.
"Naikuwento sa akin ni Leanne kanina ang tungkol sa paulit-ulit mong proposal."
Huminga ng malalim si Joey. Tila nahihiya, pangiti-ngiti lang ito kay Ira.
"Oo nga eh. So... what do you think about it?"
"Napaka-amazing mo dahil hindi mo siya sinukuan."
Joey crossed his arms feeling relax. "Alam mo Ira... kapag mahal mo yung tao, no matter how many times that person says no, hindi-hinding mo siya susukuan. Leanne... she's everything I want and I need. Someday she'll be ready, and I'll be patiently waiting for that day."
The way Joey looks at Leanne, Ira can tell how much he is in love with her. Senyales na yun that she should let go now, that she should just give up.
Pagkatapos bumili ni Leanne ng damit, nagyaya itong kumain. But Ira couldn't bear it anymore. Kailangan niyang mag-isip ng excuse upang makaalis.
"So where are we eating?" tanong ni Joey.
"Uhm, I need to go..." Ira declared.
Leanne checked the time. "But it's still 6 PM. Ang aga pa, Ira. Kain muna tayo and let's talk more."
"Ah, kasi..."
Biglang dumaan si Skye at ginamit niya ito as an excuse. Hinila niya ito bigla at hinarap kina Joey at Leanne.
"... andito na yung colleague ko, sinusundo ako. Meron pa pala kaming kailangang tapusin sa school."
Si Skye naman na abala sa pagti-text ay nagulat at naguguluhan sa pangyayari. Nakatingin ito kay Ira sumisenyas. Ano 'to
Sumenyas din si Ira gamit ang kanyang mga mata. Sumakay ka na lang.
Biglang namukhaan ni Skye si Joey at napansin si Leanne na mahigpit ang kapit sa braso ng binata. And there, Skye understood the scenario.
"Ah oo. Sorry kung kailangan ko nakawin si Ira sa inyo. May mahalaga lang kaming tatapusin."
"Sayang naman. Sige, Ira. Thank you for today ha." Sabi ni Joey.
"It was lovely meeting you, Ira." Leanne hugged Ira. "See you soon. Bye!"
Holding hands while walking at nag-uusap ng napakasweet, tiniis ni Ira yun habang naglalakad palayo ang dalawa.
"Masokista ka rin noh? Nagawa mo pa talagang magpaka-third wheel sa first love mo."
Sa pang-aasar ni Skye, umasa itong sasapakin siya ni Ira. Sa halip ay tahimik itong umiiyak habang pinapanood ang dalawa.
"Huy! Umiiyak ka ba?"
"Alam mo, sabi niya sa 'kin... kapag mahal mo di mo susukuan." Hinarap ni Ira si Skye na basang-basa ang mata sa tumutulong luha. "Pero hindi naman lahat pwedeng ipaglaban... lalo na't alam mong talo ka na sa simula pa lang."
Umiyak lang ng umiyak si Ira.
"Haay! Ano ba yan? Dito ka pa talaga sa public iiyak? Baka isipin ng mga tao na inaway kita." Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Ira. Hindi na niya ito inawat at hinayaan na lang. Kinuha niya ang hood ng jacket niya at isinuot sa ulo ni Ira upang matakpan ang mukha.
And gently, he tapped her head like she was his puppy.