THE GIRL WHO CAN'T DATE
2
"Ira! Ikakasal lang ako. Di ako mamatay."
Aries' voice was sooo kalma. He was fixing his necktie habang nakakapit sa binti niya si Ira na parang koala. Mula kagabi, when Aries announced that he's getting married, matamlay si Ira at iyak ng iyak na parang batang inagawan ng candy.
"Pero bakit sabi nila pagpapakamatay daw ang pagpapakasal?"
"Sinasabi lang yun ng mga taong nagpakasal na hindi handa."
"Pagkatapos ba ng kasal, dito ka pa rin titira?"
"Of course... not!" Nagpupunas ng salamin si Aries nang sagutin niya ito.
Mas humigpit pa ang kapit ni Ira sa binti. "Hnnnggggh! Whyyy? Bakit di na lang kayo dito tumira? Hnnngggh!"
"Seah and I are building a family of our own, Ira. Di pwedeng makisiksik kami dito. Kailangan naming bumukod."
Habang nag-uusap sila, nasa pintuan naman si Eros at Orion, nag-uusap habang pinapanood si Ira.
"Ayeee naku! Tingnan mo nga yang babaeng yan, koala ba siya o ano?" batid ni Orion. "Parang bata! Kaya di siya nagkaka-jowa!"
Umiling si Eros. Dismayang-dismaya ang mukha sa inaasal ng nakababatang kapatid.
"Ira!" tawag nito sa kapatid. "Ilang taong gulang ka na ba?"
Ira's eyebrows furrowed when she answered her brother. "25, bakit?"
"Aaah! Twenty-seven! Kasi akala ko 6 years old, eh. Tingnan mo nga yang ayos mo, parang hindi ka teacher. Tumayo ka nga diyan!"
"Hnnnnggggh! Yoko!" pagmamatigas ni Ira.
"Sige na, Ira! Kailangan ko ng umalis. Please, let go na!" pakiusap ni Aries.
"Ion!" bulong ni Eros. "Asarin mo nga si Ira!"
Orion smirked. He liked the idea of teasing his sister. Favorite hobby niya yan eh!
"Alam mo, Ate Ira! You're very embarrassing... and funny. Isipin mo ha! You're 25 years old. Adult ka na pero yung height mo pang-high school at yung isip mo naman pang-kinder. Yung looks mo babae pero yung kilos mo lalaki. And right now, katawang tao ka pero nagmumukha kang koala! Kaya di ka nagkakajowa kasi isa kang komplikadong nilalang."
"AAAAAAAHHHHH! SHUUUT UP!" bwisit na bwisit si Ira. Sa inis niya, kumawala siya sa binti ni Aries at tumayo upang sapakin si Orion.
"Tumakbo ka na." bulong ni Eros.
Sa hudyat ni Eros, tumakbo ng mabilis si Orion pababa. Naghabulan ang dalawa sa sala. Iritang-irita si Ira sa pagmumukha ng kapatid na ini-enjoy ang pagpapahabol. While Ira is trying to catch Orion, he's making faces to irritate her even more.
Nakatingin naman mula sa itaas ang dalawang kuya.
"Do you think she's going to find a man and get married?" Eros asked his brother.
"I'm actually worried about that." Aries sighed. "I need to go."
Aries walked away but pagkatapos na ilang hakbang, he paused to face Eros again.
"May nakalimutan ka?"
"May naisip ako. Why don't you set her on a date? Expertise mo yan, diba?" Aries flashed a smirk and left.
Eros sniggered and thought about it.
Setting Ira on a date? Parang mahirap ata yan.
At Grayson University (Ira's Workplace)...
"So anong plano mo? Magpapaka-kontrabida ka sa love story ng kuya mo? Ganern?" banat ni Maggie, colleague ni Ira.
Abala silang dalawa sa paghahanda ng mga props para sa kanilang program.
"Ganito na lang. Isipin mo 'to. What if you get married and ganyan din ang magiging reaksyon ng mga kapatid mo? Lalo na si Baby Usher? What will you feel?"
Honestly? Walang pipigil sa kanya. Walang malulungkot. In fact, we all wanted it to happen. And personally? I'll be very happy kapag nangyari yan.
Nagkibit-balikat si Ira and pouted her lips. "Mmmm, di ko alam. Ang tanong, kung ikakasal ako."
"And why not?"
"Di ko rin alam. Wala namang nanliligaw sa 'kin. Wala ring akong nagugustuhan. Kinikilig na nga lang ako sa love life ng iba kasi yung akin parang Arabian Desert, dry na nga, wala pang buhay."
Ngumiwi ang mukha ni Maggie and folded her arms. "Baka naman meron pero friendzoned?"
"Naku, wala talaga!"
"O baka may nagkakagusto pero manhid ka lang?"
"Wala rin!"
"Kahit paramdam lang, wala?"
"Wala nga!"
"Haaay! Ano ba yan! Babae ka ba talaga?"
"Halaman ata ako eh!"
Totoo naman kasi na wala talagang umaaligid kay Ira. Masyado kasi siyang boyish. Sa gitna ng pag-uusap nila, Maggie noticed their other colleague, Skye Doromal, nakaupo sa katabing mesa at abala sa paglalaro ng Mobile Legends.
"Subukan mo kaya mag-flirt? Try mo kay Skye."
Cringe! That's how Ira felt with Maggie's suggestion. Napahinto din sa paglalaro si Skye at nakasimangot ang mukha nito nang tingnan niya ang dalawang babae. Tiningnan niya rin ang buong itsura ni Ira. Naka-bun ang buhok pero ang gulo-gulo pa rin. Nakahoodie jacket na naman siya at ang dumi-dumi ng sneakers niya.
Skye grimaced and said coldly, "Wag niyo nga akong dinadamay sa kalokohan niyo." at muling naglaro.
Feeling insulted, Ira's upper lip twitched. "Amfeeee nito! Kala mo naman papatulan ko siya."
"Uy, uy... wag mo ng pansinin." Maggie distracted Ira, natatakot na baka uminit ang ulo at kung ano pa ang magawa. Maggie checked her watch and noticed that it's late. "Oooh uwian naaa... I need to go at maghahanap na rin ako ng lalaking papakasalan ako."
Malaki ang ngiti sa mukha ni Maggie at mukhang excited habang nagliligpit ito ng kalat at naghahanda sa pag-alis.
"Sa'n punta mo?" Ira asked.
Maggie glowered her eyes with a meaningful smile. "Hmmm... wait, I have a great idea. Sumama ka kaya sa 'kin!"
Hinila ni Maggie patayo ang kaibigan at inayos ang buhok nito. Nilagyan niya rin ito ng konting make-up.
"Maggie, what are you doing?"
"Kailangan mong magpaganda because we are going somewhere."
At The Foundry...
"Maggieee... sa'n mo ba ako dadalhin?" tanong ni Ira for the nth time.
"Basta!!!" Nakakapit pa rin si Maggie sa braso ni Ira, afraid that if she finds out about her plan, she might run away. "And we're here!!!"
Huminto ang dalawa sa harap ng isang four-story building na gawa sa glass ang mga dingding. Mula sa labas, makikita mo ang mga ganap sa bawat palapag. The first floor is a coffee shop packed with teenagers na tumatambay to drink some milktea. Barber shop ang second floor and boutique naman ang third floor. At sa huling palapag ay ang tinatawag nilang "The Foundry". Maliwanag at malaki ang signage nito sa labas ng building.
"Iinom tayo ng kape?"
"Nope! We're going up there..." tinuro ni Maggie ang fourth floor. "... at The Foundry!"
"Anong gagawin natin diyan?"
"We are going to try speed dating!"
Nanlaki ang mata ni Ira at napanganga ito. "SPEED DATING???? NO WAY!!!"
Aakma itong tatakbo, ngunit mabuti na lang at nahawakan ni Maggie ang hood ng jacket niya at nahila ito pabalik.
"Kulang ka lang sa exposure eh. Mga kapatid mo lang kasi ang laging umaaligid sayo."
True!!! Agree!!!
"Subukan lang natin 'to. It's not as bad as you think."
"I don't find it bad, okay? But I find myself BAD AT IT!"
"Paano mo nasabi? Nasubukan mo na ba?"
"Hindi pa!"
"Hindi pa naman pala, eh! You wouldn't know unless you try."
"Maggie! Maggie! Makinig ka! Sa speed dating na yan, I'll be in a room full of people that I don't know. And I swear, I really suck at making conversation with strangers, even small talk pa yan. Maggie! Ang awkwaaaard!"
"Excuses!!!" Hindi siya pinakinggan ni Maggie. Instead, she dragged Ira going up the stairs hanggang sa umabot sila sa fourth floor. Nang dumating sila roon, bawat round table ay may magkapares na lalaki at babae na kaharap ang isa't-isa. May dalawang lalaki naman ang wala pang kapares.
"Perfect! Kayo lang ang hinihintay namin. Finally, we can start!" the host greeted them cheerfully at hinatid sila sa kanilang mesa.
"Maggieeee!" kinakabahan, natatakot at parang maiiyak si Ira nang mailayo sa kanya si Maggie. She felt more uncomfortable when she looked at her partner. Mapanga ang mukha. Greasy ang buhok. Weird-looking ang bigote. He looked older than her. His body physique reminds her of Johnny Bravo.
Under her breath, she whispered. "Lord, ano ba 'tong pinasok ko!!!"
"Good evening, ladies and gents! I am Sherra, your hostess for the night! In speed dating, you'll be given 3minutes to converse with your partner, get to know them, ask questions, whatever. After 3 minutes, the bell will ring and the men must move to the next table. Alright! Are we all set? Let's start!"
As soon as Sherra rang the bell, the speed dating started.
Ira just stood there smiling sheepishly as she waited for the guy to start talking.
The guy in front of her moved slowly as he placed his arm on the table and flexed his muscle. Napangiwi si Ira.
"Hi!" malalim ang boses ng kanyang kaharap.
"H-hello!"
"I'm Alfred. You are?"
"Uh-uhm!" Hindi agad nakasagot si Ira. Nagdadalawang-isip ito sa pagsagot. "J-Jennifer."
"Ang ganda ng pangalan mo, Jennifer!" Alfred said sexily.
Pinipigilan ni Ira ang sarili upang di matawa. It wasn't her plan to lie about her name. It just happened. "S-salamat!"
"So, Jen! Tell me? Do you work out?"
"H-hindi."
Alfred moved and placed his other arm this time, still flexing it sabay himas sa kanyang bigote. "Gusto mo, i-work out kita?"
Napangiwi si Ira. She understood what Alfred meant. She clenched her fist ready to strike. Buti na lang, nag-ring ang bell. Alfred threw a flying kiss at Ira as he moved to the next table.
"Eeeeh! Bwisit na Johnny Bravong yun. Manyak! Sarap upakan!"
"H-ha? D-di ako mmm-manyak! P-please! Wwww-wag m-mo kong u-u-upakan."
The next guy was less intimidating. His hair was very curly like a fuzzball. He had thick eyeglasses and braces. His face was round and his cheeks were red with pimples. Nakasuot siya ng checkered polo na nakainsert sa brown slacks. And he stutters a lot.
"Aye, sorry! I didn't see you there. I wasn't talking about you."
"D-didn't see mmmm-me? K-kahit ba n-naman d-dito invi-invi... invisible pa-pa rin a-ako?"
"N-no! T-that's not it! (Putek! Nauutal na rin ako dahil sa kausap ko!)"
Huminga ng malalim si Ira as she tried to make a conversation with this stranger, nag-iisip ng paraan para hindi bumaba ang self-esteem na kaharap. Saglit ay nag-isip na muna ng pangalang ipakikilalan niya.
"I'm Marie. And I really want to be your friend. What's your name?"
Lumiwanag ang mukha ng binata at ngumiti ng pagkalaki-laki. "Co-conrad! Mmm-my n-name is Co-Conrad."
"So, Conrad... mahiyain ka bang tao?"
"A lil. Mmm-maybe you're www-wondering why ah-ah I talk l-like this. I-it's bbbec-bec—"
"...because" patuloy ni Ira na nagsisimula ng maging impatient.
"... because I..."
Ting! At nag-ring ang bell!
"OKAAAY! Conrad! Time's up! Sayang di tayo nakapag-usap ng matagal. Next time ulit! Bye!"
Pinagtulakan ni Ira si Conrad to the next table. Pakiramdam niya nakanganga lang siya the whole time while waiting for Conrad to finish his words.
Nagpatuloy ang gabing yun and Ira met a lot of different species of men. The next one had a terrible bad breath. She felt like she wasn't breathing the whole time they were talking. Sumunod naman ang isang heartbroken na walang ibang kinuwento kundi tungkol sa kanyang ex. Ira didn't have the chance to talk. May nakapares rin siyang hindi interesado sa kanya dahil mukha daw siyang tomboy. Hindi siya kinausap nito for 3 minutes. Instead, he just looked at his phone and played some games. May nakilala rin siyang ubod ng yabang. He kept bragging about his achievements in college and how he started a business at a very young age.
Throughout in that speed dating, Ira never found anyone she could like. Napagod at nabagot lang siya sa pakikinig. Napagod din siya sa kakaisip ng pangalang ipapakilala. Kaya sa huling lalaking nakapares niya, she doesn't have much energy to entertain him. Abala siya sa pagmamasahe sa kanyang leeg kaya di niya napansin ang binatang pinapanood siya. Nakangiti ito at mukhang naaaliw kay Ira.
"You looked very tired, already!" he said.
"H-ha? Aye! Sorry! Nandyan ka na pala."
"It's okay!" nakangiti lang ito kay Ira. He handed out his hand for a shake as he introduced himself. "I'm Stelios, by the way!"
"Mica!" Ira answered as she took his hand to shake it.
Stelios pressed his lips. "Is that your true name now?"
"Sorry?"
Napatawa si Stelios. Kitang-kita ang maganda at maputi niyang ngipin.
"I heard you introduced yourself as Jennifer, then Marie, and Liza."
"Shoot! Narinig mo? Malakas ba boses ko?"
Natawa ulit si Stelios. "Hindi naman. Siguro I find you interesting kaya mas pinapakinggan pa kita kesa sa partner ko."
Habang nagsasalita si Stelios, sinuri ni Ira ang mukha ng kausap. Gwapo. Mapupungay ang mga mata at mapula ang labi. Kamukha niya si Cha Eun Woo. Napakakinis din ng kanyang balat. She finds him very attractive. But...
"How old are you, Stelios?"
"Mmmm... 20 years old."
"Kaedad mo lang ang kapatid ko. Napakabata mo pa."
"I may be young pero mature ako mag-isip. And I believe na age doesn't matter in love."
"Love? Anong love ang pinagsasabi mo? Di ka makakahanap ng love sa speed dating." Ting! And the bell rang. "Time's up! It's nice to meet you, kid! Gotta go!"
She left Stelios without looking back at hinanap si Maggie. She found her exchanging numbers with a guy. She was smiling the whole time na nag-uusap sila. Obviously, they're flirting!
"Hiii! Mukhang interesado kayo sa isa't-isa. Pero sorry ha! We need to go." Hinila niya ang kamay ng kaibigan at mabilis na lumabas.
"Peter, right? Call me!" Sigaw ni Maggie sa kausap habang nilalayo siya ng kaibigan.
"Sandali lang, Ira! Grabe naman 'to! Di ka ba nag-enjoy?
"Hinding-hindi na ako babalik dito! Promise!"
"It's fun kaya."
"Basta! Gusto ko nang umuwi."
Kinaladkad ni Ira pababa ng ground floor si Maggie hanggang sa makalabas na sila ng building. She checked the time. Alas nuwebe na. Nag-aalala siya na baka hanapin siya ng kuya niya.
"Ira?" a familiar voice called her from a distance.
Nang lingunin niya ito, papalapit sa kanya si Eros. Nanlaki ang mga mata nito.
"Kuya!!!" Hinarap niya agad si Maggie at binulungan. "Wag mong sasabihin kung saan tayo galing! Aasarin ako niyan."
"Is that your other brother? Wow, Ira! Di mo naman sinabit na ang gwapo pala ng kuya mo!" kilig na kilig si Maggie sa kagwapuhan ni Eros.
"What are you doing here?"
Tiningnan ni Eros ang building and realized where they are. He's actually familiar with "The Foundry". Then he stared at Ira with a suspicious look.
"Uh-uhm..." siniko ni Ira si Maggie for help.
"Nag-coffee!" Maggie answered. "I invited her for coffee. Hindi kami nag-speed dating."
Napapikit na lang si Ira sa katangahan ng kasama. Parang gusto niyang sumabog, parang gusto niyang kalbuhin si Maggie sa inis.
"And you are?" Eros smiled sexily at Maggie. Don't be surprised. My brother loves flirting.
"Maggie! Maggie Natividad! Ira's colleague. You're Eros, right?"
"You know me?"
"Makuwento kasi si Ira tungkol sa family niya." Maggie said animatedly.
Eros offered his hand for a shake. "Yes. I'm Eros! It's nice to meet you, Maggie!"
As soon as Maggie accepted it, Eros kissed it. Kilig na kilig naman siya.
"Okay! That's enough!" Binuwag ni Ira ang dalawa. She knows what his brother is up to. "Sige na, Maggie! Uwi ka na! Taxi! Taxi! Ayun! Pasok ka na! Bye!"
Pinagtabuyan ni Ira si Maggie. The moment the taxi left, hinarap niya ang kuya niya at namemewang. "Kuya ha! Binabalaan kita! Wag si Maggie!"
Tumawa lang si Eros. "Ano bang pinagsasabi mo? Ano bang tingin mo sa 'kin?"
"Naku! Yang pagmumukhang yan?" Tinuro-turo ni Ira ang mukha ng kuya niya. "Kilala kita! Alam ko yang galawan mo!"
Naputol ang pag-uusap nang dalawa ng sumulpot bigla sa likuran niya ang isang gwapong binata. Napatingala si Ira sa sobrang tangkad nito.
"Hi, Ira Bear!" bati ng binata. Labas ang biloy nito nang ngitian niya ang dalaga.
Ira froze. Nga-nga at parang di humihinga.
"Jo-Joey???"
Hinimas nito ang ulo ni Ira at ginulo ang buhok. "Grabe 'tong batang to! Di pa rin nagbabago! Ang tapang pa rin!"
Di siya nakapagsalita. Bumilis ang tibok ng puso niya. Tumigil sa paghinga. At natulala sa presensya ni Joey Santos, ang first love niya.