Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 8 - CHAPTER 8

Chapter 8 - CHAPTER 8

DONNIE MARIE was up for another disguise. Tatlong araw ang hiningi niyang palugit mula kay Dasher para tapusin ang kanyang current assignment. Nang matapos niya iyon ay tsaka lang siya naghanda para harapin naman ang kaso nito. Napagdesisyunan niyang pasukin ang kumpanya nito para sa kanyang misyon.

Malakas kasi ang hinuha niyang nagta-trabaho sa kumpanya nito ang stalker na ipinapahuli nito dahil nga madali nitong nailalagay ang mga sulat sa mga lugar na tanging mga nakasasalamuha lang nito ang nakakaalam. Napag-usapan na nila kagabi sa telepono na siya muna ang papalit sa nagresign nitong sekretarya habang nilulutas niya ang kaso.

Two weeks, aniya sa kanyang sarili. Iyon ang palugit na ibinigay niya sa kanyang sarili para tapusin ang ugnayan niya sa aroganteng binata. Sa tuwing naaalala niya si Dasher ay hindi niya maiwasang kabahan. She has to admit, natatakot talaga siya sa panlalanding ginawa nito sa kanya. He was a master of seduction. There'd be no way she could win over him!

Ngayon palang ay pinaghahandaan na niya ang nalalapit nilang muling pagkikita. Hindi pa man sila nagkakaharap ulit ay pinamumulahan na siya ng mukha. Hindi niya alam kung paano niya ito pakikitunguhan gayong alam niya kung ano ang balak nito sa kanya. He wanted her. IN. HIS. DAMNED. BED. He was blatant in telling her that. Napabuntong-hininga siya bago inayos ang kanyang super mega shinning dark red lipstick. Iinayos niya ang suot niyang salamin.

Malinis na nakatali ang kanyang nangingintab na buhok, parang dinilaan ng kalabaw ang tuktok ng ulo niya, nakakubli ng pagkalinis-linis ang bangs niya. Pinakapal niya rin ng kaunti ang kilay niya. Ang suot niyang damit ay halos kasing-luwang ng suot ng mga rapper—dangan lamang ay isang pencit cut na palda na lampas tuhod ang haba at isang puting blouse iyon.

Naka-black shoes siya, iyong makapal ang takong at parang bota. Isang itim at malaking bag ang nakasabit sa kaliwang balikat niya. And she was set to go—ang bagung-bago at napaka-espesyal na sekretarya ni Dasher Claus. Bagamat may halong takot ay excited na rin siyang makita ang magiging reaksiyon nito sa oras na makita siya nito.

She composed herself. Kinindatan niya ang kanyang sariling repleksiyon bago nagpasyang lumabas sa comfort room. "Kaya mo iyan, Donnie Marie," pagpapatibay niya sa kanyang nanghihinang loob. Naroon na siya sa Claus Artist Center. Dumaan lang siya sa comfort room para muling ayusin at para kalmahin ang kanyang sarili bago harapin si Dasher.

"How may I help you?" medyo nagtataka at hostile na tanong ng receptionist hustong tumigil siya sa harap nito. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

She eyed the girl back. Maganda ito. Matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata at pula ang medyo pouty na mga labi nito. Malakas ang arrive nito, tipong artistahin—iyon nga lang, mukha itong mahadera. Kung bibistahan, hindi ito mukhang empleyada.

Kung ibabase niya sa kinis ng kutis nito ang estado nito sa buhay, malamang ay isipin niyang anak mayaman ito. But who knows, baka laking gluthathione lang ito? Uso naman sa mga Pinoy iyon. Eh ang halatang mamahaling alahas na suot nito? Hmmm...

"I am here to see Mr. Claus." Nagpanggap siyang nahihiya, yumuko pa siya ng bahagya.

"Do you have an appointment?" nananantiya at may pagkamataray nitong tanong.

"Yes. In fact, he's expecting me right now. Ako iyong papalit kay Mrs. Solis."

"Y-you are Danica Mae?" hindik nitong bulalas.

Kiming iniipit niya ang imaginary bangs sa kanyang kaliwang tenga na para bang kinikilig siya. "Yes," she nodded. She could almost hear the gritting of the girl's teeth.

Muli siya nitong tinignan mula ulo hanggang paa. Ni hindi nito itinago ang pag-ismid nito matapos siya nitong kilatisin na para bang may x-ray vision ito. Habang tumatagal na tinitignan siya nito ay para bang lalo itong nabu-bwisit sa kanya.

"You may come in," paasik na wika nito mayamaya.

She murmured a polite thank you before walking inside the CEO's office. Nang makapasok siya at maisara ang pinto ay hindi niya napigilang mapalunok. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Kinakabahang lumapit siya sa isa pang pinto na batid niyang magdadala sa kanya sa kinaroroonan ni Dasher at mahinang kumatok roon. Pigil ang hiningang hinintay niya ang pagsagot ng kanyang magiging amo.

"Come in," sigaw ng nasa loob.