Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 14 - CHAPTER 14

Chapter 14 - CHAPTER 14

HINDI MAPAKALI si Dasher habang palakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina. Nanliliit ang mga matang lumipad ang tingin niya suot niyang relo. Alas-nueve na ng umaga ngunit wala pa rin si Donnie Marie. He stared at his office's door like an idiot.

He'd been like that since he came to his office this morning. Ano'ng karapatan nitong paghintayin siya nang ganoon katagal? Mariin siyang napapikit para lamang muling mapamulat ng mata. Then he cursed under his breath. Whenever he closed his eyes, all he could imagine was Donnie Marie—her eyes shut, moaning and writhing underneath him.

Nanggagalaiting naikuyom niya ang kanyang mga palad. Bakit hindi mawaglit sa isip niya ang ang halik na pinagsaluhan nila kahapon? That kiss has been haunting him like a creep ever since she went home and left him having a hard time—really really hard—time.

Sa tuwing naaalala niya kung gaano kalambot at katamis ang mga labi ni Donnie Marie ay awtomatikong bumibilis ang tibok ng puso niya. It felt weird but not creepy as he'd imagined it would be. And it was something that has never happened to him before. Marahan niyang nahaplos ang kanyang mga labi. He groaned. That kiss' effect was driving him crazy.

Subalit hindi lang ang halik nito ang nagpapasira sa utak niya. He's been calling her since he woke up that morning but she never answered his calls. Kung tutuusin ay kagabi pa niya ito dapat nakausap. He specifically told her that she must call him the moment she got home.

Ngunit matigas talaga ang ulo nito. She never called. Buong gabi siyang naghintay ng tawag o kahit man lang sana text mula rito na nakauwi nga ito ng maayos ngunit ni isa man sa mga iyon ay wala siyang natanggap. Hinugot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at muling idinayal ang numero ni Donnie Marie. Malutong siyang napamura nang operator ang sumagot sa tawag niya. He still couldn't reach her damned phone!

Inaasar ba siya nito? He clenched his fists. Nagtatalo ang isip niya kung dapat ba niya itong puntahan sa bahay nito o hindi. He knew her address. Hindi siya nagbibiro nang sabihin niya dati rito na ipapa-imbestiga niya ito malaman lang niya kung nagsisinungaling ito sa kanya o hindi. Fortunately, hindi naman ito nagsinungaling sa kanya.

Napailing siya. He opted not to go to her. Hindi niya gustong isipin nitong naghahabol siya. He was Dasher Claus. Women always knocked on his door, not the other way around. Hindi niya rin gustong isipin na iba ang ikinikilos niya pagdating kay Donnie Marie. He must not treat her in a very special way. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.

He's only known her for such a short time. Kelan pa siya nag-alala sa isang taong hindi naman parte ng pamilya niya? Did he really treat her as his friend now? He smirked. He's never had real friends before. Kung may pinakaayaw man siyang ginagawa, iyon ay ang pakikipaglapit sa ibang tao maliban sa mga kapatid niya. He's never trusted anyone but his family.

Pero bakit kay Donnie Marie ay nagawa niyang sabihin ang mga bagay na dati-rati ay hindi naman niya sinasabi sa iba? What's with her that it made him bare his soul to her? His eyes flew to his cellphone that he was holding. He was tempted to call her again. Damn! That was another first for him—ang tumawag ng paulit ulit sa isang babae.

Napatigil siya sa pag-iisip kay Donnie Marie nang may biglang kumatok. His heart suddenly beat faster. Seriously, kelan pa siya na-excite nang ganon nang dahil lang sa isang katok sa pinto? He cleared his throat. He composed himself before walking towards the door.

"Bakit ngayon ka lang?" asik niya matapos niyang buksan ang pinto.

"W-were you expecting me?" gulat na tanong ni Krisstine.

"I-I'm sorry. I thought you were someone else," nahihiyang paumanhin niya. "Come in," yakag niya rito.

"S-so, you were expecting someone else?" namumulang usisa nito. "I'm sorry kung nagpunta ako rito nang walang pasabi."

"Hey, it's okay," alo niya rito. "To what do I owe the pleasure of this unexpected visit?"

"W-wala lang. Napadaan lang ako rito sa office mo para mag-hello since dinaanan ko na rin naman si Juliet. I h-hope you don't mind?"

Napatitig siya sa nakayukong dalaga. Could Donnie Marie be right? Ganon na ba siya kamanhid para hindi maramdamang may gusto nga si Krisstine sa kanya? He shook his head. Dammit, kung anu-ano'ng ipinapasok ni Donnie Marie sa isip niya.

"N-no, I don't," iling niya.

Napaangat ito ng tingin. The she beamed at him. "Really? A-are you free this lunch? I mean, I discovered at new restaurant just a few blocks away. B-baka kako gusto mong itry ang food nila roon. I was told that they have really delicious foods there."

"I'm s-sorry but I need to go somewhere. Isa pa, aren't you gonna prepare for tomorrow's event? Hindi ba't bukas na ang presscon ng pelikula ninyo ni Blitzen?"

Saglit itong natigilan bago pinilit ngumiti. "S-sabagay. S-sige, I have to go."

He somehow felt bad for her. Ngayong alam na niyang may pagtingin ito sa kanya ay hindi niya mapigilang makaramdam ng guilt. He truly treated her as his younger sister. Tumayo na rin siya nang tumayo ito. "Ihahatid na kita palabas," suhestiyon niya.

"Thank you," nakangiting sagot nito.

Kalalabas palang nila sa opisina nang makasalubong nila sina Dakila, Juliet at Homer. Napatigil sila sa paglalakad upang batiin ang isa't isa. "Hey, what are you doing here?" takang tanong niya sa manager ng mga kapatid niya.

"Dakila likes you." Again, he heard Donnie Marie's voice at the back of his head. He noticed the slight flushing of Dakila' cheeks when he looked at her. Parang gusto na niyang magwala sa sobrang inis. Because of Donnie Marie's dumb deductions, he was being paranoid. Baka mamaya, pati si Homer ay paghinalaan niyang may gusto na rin sa kanya. He winced.

"I j-just wanted to confirm kung matutuloy ba ang presscon bukas," sagot ni Dakila.

"You should've just called," wika niya.

"Yun nga ang sinasabi ko eh," ismid ni Juliet na noo'y napakasama ng tingin kay Dakila.

"May dinaanan na rin naman ako sa kabilang building kaya naisipan ko na lang ding dumaan dito. Hindi naman ako nakakaabala, diba?" kinakabahang baling ni Dakila sa kanya.

He shook his head. "Of course not."

"Pero saan pala kayo pupunta ni Krisstine?" nakataas ang kilay na pag-iiba ni Dakila ng paksa. "Nakakapagtaka naman na nandito siya."

Namula si Krisstine sa pang-iintriga ni Dakila. Kung dati-rati, wala siyang napapansing kakaiba sa tatlong babaeng kaharap niya, ngayon ay meron na. Tama si Donnie Marie, the girls were glaring at each other. Nang mapatingin siya kay Homer ay nagkibit-balikat lang ito. Na para bang wala itong pakialam sa tatlong babaeng kaharap nila. Sa kanya lang kasi ito nakatingin, with a smug grin on his face. Did he know about the girls' feeling towards him too?

"Ihahatid ko lang siya. She's leaving right now. Paalis din naman ako," he answered.

"Bakit? Where are you going?" takang-tanong ni Homer.

He shrugged. Wala siyang balak sabihing pupuntahan niya si Donnie Marie.

"Where's Danica Mae?" tanong ni Dakila.

Lahat ay napatingin sa kanya. "S-she called in sick for today," he lied.

"How unfortunate. Bukas na iyong presscon. I hope she could still come," ani Krisstine.

He hoped so too. "Eh kayo, saan papunta?" tanong niya kay Homer.

"Actually, pababa na rin kami. Sabay-sabay na tayo," ngiti ni Homer.

Juliet seemed shocked for a while ngunit mayamaya lang ay napangiti na rin ito kay Homer. Napasimangot siya sa tinginan ng dalawa na para bang may usapan ang mga ito na ang mga ito lang ang nakakaintindi. Napailing siya. They've been like that since college.

They all rode the same elevator. Magkakatabi ang tatlong babae sa likod niya. Nobody wanted to stay in front of him, to which he didn't know why. Habang katabi naman niya si Homer. Pinagmasdan niya ang kanyang kaibigan. Nakatingin ito sa kanya.

Natigilan siya. What's wrong with him? Napaparanoid na nga yata siya. Pakiramdam niya kasi ay pati si Homer, may kakaibang ikinikilos sa harap niya. He shook his head. It was all Donnie Marie's fault! Kung anu-ano kasi ang ipinapasok nito sa isip niya.

MARAHANG inilapag ni Donnie Marie ang telepono ni Dasher na nasa sala. Naalis na niya ang bugging device na naroon. Kahit iyong nasa kwarto nito ay natanggal na. Naayos na rin niya iyong laptop ni Dasher. But she still has to re-inspect the whole place. Kailangan niyang tiyakin na maaalis na niya ang lahat ng bugging device na naroroon.

Hindi siya pumasok sa opisina dahil pumunta siya sa condo ni Dasher. May duplicate siya sa susi ng condo nito dahil nagawa niyang nakawin iyon kaninang madaling araw sa opisina ni Dasher. Napamura siya. Ganon lang kadaling makuha ang duplicate ng susi sa condo nito!

That dumb prick! Tama nga ang hinala niya, malapit lang dito ang stalker nito. Not everybody knew about his duplicate key kept in his office. She had to clean up everything for him. Pinili niyang huwag sabihin dito ang tungkol sa bugging device dahil ayaw niyang mas lalo itong mag-alala. Isa pa, malakas ang kutob niyang makakasagupa niya mamaya ang stalker nito.

Kung tama ang sapantaha niya ay magpapakita mamaya iyong stalker nito. Alam niyang narinig nito ang lahat ng mga pinag-usapan nila ni Dasher kahapon kaya alam na nitong si Danica Mae ay isang private investigator na inupahan ni Dasher para hanapin ang stalker nito.

Malapit na niyang malaman kung sino ang stalker nito. Iyon ay kung magpapakita nga ang stalker ni Dasher sa condo. Napatingin siya sa kanyang cellphone na nakalapag sa mesang nasa sala. Ilang beses ng tumawag si Dasher sa kanya kaya napilitan siyang patayin iyon.

She needed to concentrate on what she's doing. Hindi basta bastang nakikita ang mga bugging device na naka-install sa condo ni Dasher kaya masasabi niyang propesyonal ang inutusan ng stalker ni Dasher na maglagay niyon. Yes, she believed that Dasher's stalker had an accomplice. Hindi biro ang manloob sa bahay ng isang mayaman at makapangyarihang taong kagaya ni Dasher. She was about to re-check Dasher's room when she stiffened. She felt something weird. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Napalunok siya.

Has Dasher's stalker finally come?

"Kung nandito ka pa, lumabas ka!" she hissed.

Naging matalas ang kanyang pakiramdam. She may not be the best fighter but she has great senses. Kaya naman nang may marinig siyang kaluskos mula sa kusina ay agad siyang napatakbo roon. Panandalian siyang naparalisa nang makita niya ang isang taong nabigla rin nang makita siya. Nakasuot ito ng itim—tanging ang mga mata lang nito ang makikita. They wore almost the same clothes! All black fitted coveralls. But damn, mas matangkad ito!

"Sino ka?" mapanganib niyang tanong. Nanatili itong tahimik. Naramdaman niya ang kagustuhan nitong makaalis. Agad na naningkit ang mga mata niya. "I would never let you go!"

Naging alerto siya nang gumalaw ito. She was standing by the door, kaya mahihirapan itong basta na lang makatakas. Marahan itong naglakad patungo sa kaliwa niya, tinatantiya kung makakatakas ba ito. She grinned sardonically. Gagawin niya ang lahat mahuli lang ito.

Magsasalita pa sana siya nang bigla na lamang itong tumakbo palapit sa kanya. Napakabilis nito! Sinubukan niyang manlaban ngunit huli na siya. Nasa harap na niya ang stalker at nagawa na nitong suntukin siya sa tiyan. Napauklo siya sa sobrang sakit.

"H-hindi ka makakatakas," nahihirapang anas niya.

Damn, sobrang lakas ng pagkakasuntok nito sa sikmura niya. Halos hindi siya nakahinga. Pero hindi siya papayag na makatakas ito. Kaya naman kahit nahihirapan ay tiniis niya ang sakit. Tumayo siya nang tumalikod ang stalker at nag-akmang aalis.

Walang pagdadalawang-isip na inatake niya ito. Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang hindi nakahuma sa pag-atake niya. Sinapak niya ito sa mukha dahilan para mapaatras ito. Hindi siya kasing-laki nito pero malakas din naman siyang sumuntok. Sinundan niya ng sipa sa tiyan ang suntok na pinakawalan niya. Ito naman ang napauklo sa sahig.

Nang akmang susugurin niya ulit ito ay bigla siya nitong pinatid sa paa dahilan kaya napasalampak din siya sa sahig kasama nito. The next thing she knew, nakatayo na ito habang siya ay iniinda ang sakit ng balakang niya dahil sa pagkakabagsak niya sa sahig. Damn! Bakit sobrang lakas naman yata nito? Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito bago naglakad patungo sa pinto. Nanlaki ang mga mata niya. May balak itong tumakas!

Hindi siya makakapayag na basta na lang itong makakaalis nang hindi man lang niya nalalaman kung sino ito. Kaya bago pa man nito tuluyang mapihit ang sedura, out of sheer desperation to stop the stalker, ay mabilis siyang tumayo at hinablot ang kamay nito para pinipigilan. Hindi sinasadyang sumabit ang kamay nilang pareho sa deadbolt ng pinto habang naghihilaan sila. Nagbabanggaan sila ng katawan para mailayo ang isa't isa sa pintuan.

Kahit pareho ng dumudugo ang mga kamay nila ay hindi pa rin sila tumitigil hanggang sa nagawa siya nitong maisalya sa pinto. Tumama ang likod niya. Dahil sa sobrang lakas ng pagkakasalya nito ay nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa sahig. Sinamantala iyon ng stalker. Binuksan nito ng tuluyan ang pinto at tsaka ito tumakbo palabas ng condo.

Napamura siya. Hinding hindi niya ito tatantanan! Tumayo ulit siya upang sana habulin ang stalker. Ngunit eksaktong palabas na siya nang bigla siyang matigilan dahil sa lalaking nakaharang sa pintuan. He was bloody glaring at her! And even before she spoke, he cut her off.

"Finally, nahuli rin kita! Ngayon ay malalaman ko na kung sino ka bang talaga"