Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 16 - CHAPTER 16

Chapter 16 - CHAPTER 16

"I D-DON'T KNOW. Does this look like a confession to you?"

Napalunok siya. She was too overwhelmed to hear what he's just said. But she has to be sure of what he really felt for her. "D-do you love me?" matapang niyang tanong.

Inasahan na niyang matitigilan ito, mako-confuse at mahihirapang tumingin ng diretso sa kanya dahil sa prankang tanong niya. A man like him must have been scared as shit when she asked him that "love" question. But he didn't even budge.

"I don't do love, sweetie. Kaya hindi ko alam kung love na ba itong nararamdaman ko. We've only known each other for a few weeks. But whenever I'm with you, it felt like I've been with you for a lifetime. Ngunit isa lang ang natitiyak ko. I like you. A lot. And I am willing to do everything just to protect you from any harm."

She didn't know what to say kaya napaiyak na lang ulit siya. Oh, she liked him too! Or maybe, she loved him. Hindi niya rin alam. She's never been in loved before too.

"Please don't cry," alo nito sa kanya. He bent his head and kissed away her tears. "I don't want to see you crying, ever again," he said in between his sweet kisses.

He rained tiny and sweet little kisses on her face. He was such a tease. Iniiwasan nito ang mga labi niyang kanina pa nasasabik na muling matikman ang halik nito. She heard him chuckle before claiming her lips. His kiss has never been that sweeter.

Binitiwan nito ang kamay niya. He raised his both hands and cupped her face while he kissed her—passionately, fervently and sweetly. Gumanti siya ng halik rito—kasing-alab, kasing tamis at kasing sidhi ng halik na ibinibigay nito sa kanya. She clasped her hands on his nape. She moaned when she felt his tongue invade her mouth again.

She felt his hand travel across her bared back. She shivered when he caressed her there. Pakiramdam niya ay nag-aalab ang kamay nitong masuyong naglalakbay sa katawan niya ngunit nanginginig naman siya dahil sa ginagawa nito na tila ba nilalamig siya. Hinapit siya nito palapit sa katawan nito. Then she felt him there—poking at her belly, hard as a rock. She gasped.

"You're making my buddy crazy again," ngisi nito. "I wanted to make love to you right now, sweetie. God knows how much I wanted to do that..." he said, half-moaning-half-grunting.

"I could sense the coming of a but," she commented while she suppressed a smile.

"But I don't want you to think that all I wanted from you is sex. I mean, things have changed now, right? Hindi na—"

"Thank you," maluha-luhang sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. "I don't feel rejected. I feel so respected and grateful. You know how to make women feel like heaven."

"It's because you're an angel, sweetie. And you belong with me," ngiti nito bago siya niyakap. "Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng sitwasyong ito. But there's one thing I'm certain, you will never get hurt because of me. I'd rather die that let you get hurt."

"Silly. I would never get hurt. Malakas kaya ako," biro niya.

"Hindi ka si superwoman," simangot nito.

"Pero ako si Mystique Agent," pagmamalaki niya.

"Can't you quit your job?" seryosong tanong nito. Nang mapakunot ang noo niya ay agad itong napailing. "No, I'm not trying to pressure you to quit."

She sighed. "It'll be hard for me to quit, Dash. This is my life. This is me."

"I'm not asking you to change yourself for me. I just want you to be safe. At all times."

"I'll be safe. Just for you," she smiled at him.

"Siguraduhin mo lang. Kasi maghahalo ang balat sa tinalupan kapag may nangyaring masama sa'yo," ismid nito. "But for now, gusto kong magpalit ka muna ng damit. Damn, I may not be able to get hold of myself. This is really hard for me, you know."

Napatingin siya sa harapan nito. Naka-flag ceremony pa nga ang alaga nito. Kitang kita niya iyon sa suot nitong slacks. She grinned sardonically. Lumapit siya rito at tsaka ikinawit ang dalawang kamay sa leeg nito. She ground her body flat on his belly. Napaungol ito.

"How hard is it for you, sweetie?" she asked sweetly.

"I'll give you ten seconds to get off me. Kapag hindi ka pa rin umalis sa harap ko, wala na akong pakialam pero hihilahin na talaga kita pababa sa sahig na ito. And I will take you right here, right now, on this darned terrazzo. I will make you cry out my name until the sun comes out again. I will make you regret playing with fire," he warned through blazing eyes.

Napangisi siya. She was not afraid of him. Ngunit kahit alam niyang nirerespeto siya nito ay umalis na rin siya mula sa pagkakayakap nito. She couldn't trust herself. Baka siya pa ang sumunggab rito. Bago siya lumayo ay hinalikan muna niya ito sa labi.

"Dammit, Donnie Marie! Get out of my sight, right now! Or I'm going to loose my head. I'm dead serious here, sweetie. Now!" napipikang sigaw nito.

Natatawang tumakbo siya papasok sa kwarto nito para magpalit. At para na rin mas safe dahil sa pang-iinis niya rito ay ni-lock niya ang pinto. Napahagikhik siya nang marinig niyang sinusubukan nitong buksan ang pinto. Matapos nitong magpakawala ng sunud-sunod na mura ay narinig niya ang mga yabag nito papalayo. Noon na siya napahagalpak ng tawa.

---------------

"ARAY, ano ba? Masakit kaya!" reklamo niya kay Dasher habang dini-disinfect nito ang sugat niya sa kamay. "Hinay hinay ka naman."

Dasher squinted his eyes. "Kasalanan mo naman kaya ka nasugatan, diba?"

She rolled her eyes. Kanina pa siya tapos magpalit ng damit. Ganon din ito. Ngunit simula noong umpisahan nitong linisin ang sugat niya ay wala na itong ginawa kundi ang sermunan siya dahil sa hindi niya pagsasabi ng tungkol sa stalker nito rito. Naroon na sila sa sala.

"Are we back to that topic again?"

"Look at your hand. Hindi na flawless," he snorted.

Napayuko siya. "D-dahil ba hindi na ako flawless, kaya hindi mo na rin ako gusto?"

Natigilan ito. "Don't use that puppy-pleading-eyes with me." He sighed. "Hindi ko lang kasi mapigilang mag-alala sa'yo. Ang dami mong pasa tapos may sugat ka pa. What if..."

"I'm here Dash, safe and sound. Tapos na iyon," masuyo niyang wika.

Niyakap siya nito at masuyo siyang hinalikan sa noo. "Tell me everything please."

Gumanti siya ng yakap rito. "Kahapon ay nalaman kong bugged ang mga telepono mo rito. Even your laptop and your cellphone are bugged too. When I learned about it, hindi ko na sinabi sa'yo kasi alam kong mag-aalala ka lang at baka masira pa ang plano ko. Kaya ako na lang mismo ang umaksyon. I decided to go back here to get all those bugging devices."

"Alone?" he hissed.

She rolled her eyes. "Alam ko na darating ang stalker mo para alisin ang mga bugging devices na nilagay niya. Narinig niya ang lahat ng mga pinag-usapan natin kahapon. She knew about the spare key in your office. At alam na rin niyang hindi mo ako totoong secretary kundi isang private investigator na inupahan mo para mahuli siya."

Dasher gritted his teeth. Napamura ito kaya napangiwi siya. She hugged him tighter.

"At hindi nga ako nagkamali. Noong sinusuyod ko itong condo mo para maretrieve lahat ng bugging devices na ginagamit niya ay bigla nga siyang nagpakita rito. Ayun, nagkasagupaan kami. Nakatakas lang siya nung nasa pinto na kami tapos naihampas yung mga kamay namin sa deadbolt ng pinto. That's when you saw me in front of your door. Susundan ko kasi siya data kaso bigla kang bumulaga sa harap ng pinto." Natigilan siya at biglang napatingala rito.

"Come to think of it. Possible na nagkasalubong kayo sa hallway noong palabas siya tapos papasok ka naman. Wala ka bang nakasalubong that time?"

Saglit itong natigilan at napaisip. "Parang wala naman akong napansing babae na nakasalubong ko. I mean, the suspiciously creepy one."

Napakunot-noo siya. "Ibig mong sabihin, may mga nakasalubong ka sa hallway?"

"Yes. It was a group of people, actually. Mukhang may pupuntahan silang house party."

She silently cursed. His stalker was brilliant. Nagawa nitong ikubli ang sarili nito sa pamamagitan ng paggamit ng ibang tao. Maaaring inupahan nito ang mga taong iyon para lang mapagtakpan ang presensya nito. Hindi na rin siya pwedeng mag-rely sa cctv camera dahil alam niyang nagawan na nito ng paraan iyon. She did her own stunt to avoid the CCTV too, kaya malamang na nagawan rin nito ng paraan iyon.

Pinag-aralan niya iyong CCTV footage na ipinadala ni Dasher kagabi ngunit wala siyang nakita roon. Some of the tapes had been tampered. Nakapasok siya sa condo ni Dasher dahil kilala na siya ng guard sa ibaba bilang secretary ni Dasher. Ibinilin din dati ni Dasher sa guard na papasukin siya agad kapag napadaan siya kahit na wala ito. That's how much he trusted her.

Ngunit paano nakaakyat ang stalker nito sa condo? Iisa lang ang ibig sabihin nun. Kakilala ni Dasher iyong stalker nito at madalas din itong nagpupunta sa condo nito.

"Sinu-sino ang mga madalas magpunta rito sa condo mo?" she asked Dasher.

"Iyong mga kapatid ko lang naman ang madalas magpunta rito."

"Are you sure? Eh sa mga katrabaho mo sa opisina, wala? Nakapunta na ba rito sina Krisstine? Si Dakila? How about Juliet?"

"Nakapunta na rito si Dakila ng ilang beses dahil isinasama siya ng kambal. Krisstine has never been here but her family owns this building. Si Juliet naman ay madalas dito sa building dahil narito ang condo ni Homer, tatlong pinto ang layo mula rito. We are in the same floor."

Kung iisipin niya, si Juliet ang may pinakamalaking posibilidad na nagpunta roon dahil nga madalas ito roon. Ngunit may posibilidad din na si Krisstine dahil kung sakali ay mas madali itong makakapasok dahil hindi na ito kailangang interogahin ng mga gwardiya. Mahihirapan siyang matukoy ang stalker nito dahil magaling ang taktika nito. The only thing that would let her discover Dasher's stalker was the wound that stalker had during their fight at the door.

Hindi ganon kalaki iyong sugat ngunit alam niyang may markang naiwan doon. Bukas ay magkakaroon ng press conference. May pagkakataon siyang makita ang kamay ng mga bisitang naroroon. Napailing siya. She would be relying on a wound on a hand. What the hell?

"Naging mabilis ang pangyayari. Ni wala na akong time para kilatisin siya dahil nagkasukatan kami agad ng lakas. Naka-coverall din siya kagaya ko. Her face was covered. Ni hindi nga siya nagsalita dahil ayaw niyang mabosesan ko siya. Dahil sa ginawa niya kaya nakatitiyak akong kilala niya ako." Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Marahan niya itong hinaplos sa likod nito. "Hey, I'll be alright. Kaya ko naman ang sarili ko."

He didn't say anything. Sa halip ay mas hinigpitan nito ang pagyakap sa kanya. She could feel how worried he was to her. Napangiti siya. She hugged him back.

"Alam mo bang hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako?" mahinang tanong niya.

"Saan? Sa akin ba?"

"Of course not. It's just that, I'm so used to being alone. But now that you're here..."

"Sshh," he hushed. "From now on, I will always be here for you."

"Thank you," she smiled. She pressed her flushed cheeks on his broad chest.

"Stay with me," bulong nito. Napatingala siya rito. "Hindi ako makakatulog kapag pinayagan kitang umalis sa tabi ko. Mababaliw ako kapag hindi kita nakitang ligtas. I'm begging you, sweetie. Please stay with me."

"Y-you want me to stay here?"

"No, hindi tayo mag-i-stay dito dahil unang una, alam kong mahihirapan akong pigilan ang sarili kong huwag kang angkinin sa oras na makasama pa kita ng mas matagal. You know I respect you, right? But I'm not a saint. And my buddy right here," turo nito sa harapan nito. "Is going mad whenever I see your goddamned lips. That's why I've decided to go back to Sebastian's house. Doon muna tayo titira hangga't hindi pa nalulutas ang kaso tungkol sa stalker ko. That way, alam kong mas magiging ligtas tayong pareho."

"W-we are going to the Claus Mansion?" hindik na bulalas niya. "No!" tigas ang pag-iling niya. "I can't stay there. Nakakahiya! I mean, ano na lang ang iisipin sa'kin ng mga kapatid mo kapag pumayag akong mag-stay dun?"

"Then I'll tell them that you are my woman," kumpiyansang sagot nito.

She blushed. "Am I your woman?" nahihiyang tanong niya.

"The moment I kissed your neck, I have already marked you as my woman," he grinned.

"Ano ka, vampire?" nangingiting ismid niya.

"Vampires suck blood on their victim's neck. I didn't suck yours. Although, I have quite imagined sucking it for so many times whenever I go to bed."

"D-Dasher!" nae-eskandalong bulalas niya.

Napahagalpak ito ng tawa dahil sa pamumula niya. Nanggigigil na hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at tsaka siya binigyan ng isang matunog at mabilis na halik sa mga labi. Masuyo nitong ikiniskis ang ilong nito sa ilong niya. Then he closed his eyes.

"I like you, Donnie Marie. I like you a lot."

Napangiti siya bago napapikit na rin. "I like you too, Dasher. A lot."

Hindi pa man sila nakatitiyak kung mahal na nila ang isa't isa ay natutuwa pa rin siya. Tama na sa kanyang malaman na nag-aalala ito sa kanya at gusto siya nitong protektahan. That moment, all they ever did was hug each other. And smile like an idiot.