THE MOMENT Dasher opened his eyes, a rubbish smile formed his lips. Why, Donnie Marie just gave him the best night of his life. Just by thinking of her made his heart swell with pride and love. Pride for he was the first man in her life. At titiyakin niyang siya rin ang magiging huling lalaki sa buhay nito. And love...
Kagabi niya napatunayan kung gaano niya kamahal ang dalaga. He was willing to do everything for her. It was a first time for him. Simula noong makilala niya ito ay marami nang nagbago sa kanya. He, who used to think the worst in everything, learned how to think positively. Because of her love, all the hate in his heart vanished.
The heavy feeling in his heart was gone. Napalitan iyon ng nag-uumapaw na kasiyahan. Suddenly, he forgot how he'd hated his life. Dahil sa tuwing iisipin niya ang mga kalungkutan sa buhay niya ay mas nangingibabaw ang mga masasayang alaalang nila ni Donnie Marie.
Nang mga sandaling iyon ay nakatitiyak niyang ito na ang babaeng nais niyang makasama habang nabubuhay siya. Ito ang babaeng nais niyang makita sa tuwing magmumulat siya ng kanyang mga mata pagkagising niya sa umaga. Mga ngiti nito ang nais niyang makita bago siya matulog, boses nito ang nais niyang bumati sa kanyang bawat umaga.
His hand automatically reached for her. Natigilan siya nang wala siyang maramdaman sa tabi niya. Agad na kumabog ang kanyang dibdib nang makitang wala ito sa tabi niya. He tried to calm himself. Baka naman nagbanyo lamang ito. Tumayo siya. He snatched the blanket and wrapped it over his waist. He hurriedly walked towards the bathroom.
"D-Donnie Marie?" Sunud-sunod siyang kumatok sa pintuan. "Are you there?"
When nobody answered, he hastily opened the door. It wasn't locked. And nobody was inside. Tumakbo siya palabas ng kanyang kwarto. He was naked, running like a madman while looking for her, but he didn't care. Nang marating niya ang kwarto ni Donnie Marie ay bigla siyang pinanginigan. He silently prayed that his hunch was just a bullshit cracking up his head.
"S-sweetie..." he called out, softly.
Her door wasn't locked too, kaya tuloy tuloy na siyang pumasok doon. Hindi nakapatay ang lampshade agad niyang napansin ang nakatiklop na papel na nasa tabi niyon. With shaking hands, he picked up the paper and opened it.
Matapos niyang mabasa ang laman ng sulat ay hindi niya napigilang mapasigaw sa sobrang inis. Nilamukos niya iyon at galit na ibinato sa kung saan. Dahil sa sunud-sunod niyang pagsigaw ay napasugod sa kinaroroonan niya ang bagong gising na si Blitzen.
"D-dasher! Are you alright?" nag-aalalang tanong nito.
"Do I look fuckin' alright?" he growled.
Mabilis itong nagtaas ng dalawang kamay at tsaka napailing. "Easy, bro. Nagtatanong lang ako. Nakakahiya naman kasing tanungin ka kung bakit ka hubo't hubad sa loob ng kwarto ng bisita mo tapos ay nagsisisigaw ka pa eh umagang umaga," sarkastikong sagot nito.
"What happened?" tanong ng kadarating na si Donder na papungas pungas pa.
"Wala na si Donnie Marie," nanghihinang anas niya.
"So? Edi tawagan mo. Baka naman may pinuntahan lang," sagot ni Donder.
"She left with a note saying she needed to go. At alam ninyo ba kung bakit? Para raw resolbahin ang kaso sa stalker ko. And she said that she would never come back again!"
"Are you saying that Donnie Marie went to look for Homer, alone?" gulat na usisa ni Donder matapos nitong makahuma. "Hindi ba delikado iyon?"
"That dumb girl! Hindi siya nag-iisip! Alam niyang delikado pero nagpunta pa rin siya. At ano ang karapatan niyang basta na lang ako iwan?" he glowered.
Napatigil siya sa pagpaparoo't parito nang biglang may kumatok. Nagkatinginan silang magkakapatid. He held his breath when the door opened. Medyo na-shock si Aling Meling nang makitang hubad siya kaya agad niyang hinablot ang kumot at nagtakip ng katawan.
"Sir Dasher? M-may naghahanap po sa inyo sa ibaba," imporma nito.
"Sino?" he asked.
"Si ma'am Juliet po."
"Magbibihis lang ako," aniya bago nagpasyang bumalik sa kanyang kwarto.
Habang nagbibihis ay hindi niya mapigilang isipin si Donnie Marie. Noong una niyang kinuha ang serbisyo nito, aaminin niyang hindi siya kumbinsido sa kakayahan nito. Wala siyang tiwala sa kakayahan nito noon. But for entertainment purposes, he kept her beside him. Tutal naman ay hindi siya gaanong naalarma sa stalker niya noon. He had his privacy to protect too. Magagawa niya pang pahirapan at paghigantihan ang dalaga dahil sa pagtakas nito.
The bullet holes on his car created havoc when he came home that day and his brothers saw it. Malaki ang nagastos niya, bukod pa iyon sa katakutakot na pagpapaliwanag ang ibinigay niya sa mga kapatid niyang ipinaglihi sa kakulitan nang malaman ang nangyari sa kotse niya. But things had changed now. Hindi na isang simpleng stalker lang ang kinakaharap nila.
A murder had happened. His privacy has been comprised—hinahabol na siya ng media tungkol sa insidente. Donnie Marie's secret identity has been revealed too, kaya tiyak niyang mas nailagay sa peligro ang buhay nito. He had to protect her, no matter what.
Kaya hindi niya maintindihan kung bakit kinailangan siya nitong iwan gayong nagkakaintindihan na sila na sabay nilang lulutasin ang kaso. Hadn't she told him how much she loved him? Tulirong lumabas siya sa kanyang kwarto matapos niyang magbihis.
"D-dasher..."
"What are you doing here?" agad niyang naitanong matapos makalapit rito.
"I'm sorry," nakayukong sagot nito.
Lalong kumunot ang noo niya. Nagtatakang napatingin siya sa kambal na naroon din sa sala. "What are you talking about? Bakit ka nagso-sorry sa'kin?"
Nanghihinang napaupo sa sofa si Juliet. "I k-know about Homer," nanginginig na umpisa nito. "M-matagal ko ng alam na siya ang stalker mo. I was just glad that he was trying to scare all the bimbos that flirt at you. Ginagawa niya ang mga bagay na dapat ay ako ang gumagawa. I also wanted to scare those bitches around you too. You know that I love you too, right?"
"Kaya kahit na may gusto rin sa'yo si Homer ay hindi ako nagalit sa kanya. Tutal naman ay hindi ka niya maaagaw sa'kin dahil alam kong imposibleng magustuhan mo siya. Besides, he had no intention of revealing his love for you. Napag-usapan na namin iyon."
"H-how did you know that Homer is my stalker? Sinabi niya sa'yo?" he asked.
"No. Nahuli ko siya noong binasag niya iyong bintana ng kotse ng malanding model na balak umagaw sa'yo. I followed you that day dahil gusto kong pagbantaan ang babaeng iyon na layuan ka. Pero naunahan ako ni Homer. Then the next day, I confronted him. Pagkatapos ay umamin siya sa'kin tungkol sa pagiging stalker niya sa'yo. I allowed him to stalk you sa kondisyon na lahat ng malalaman niya tungkol sa'yo ay sasabihin niya rin sa 'kin."
"Kaya lagi mo siyang pinagtatakpan..." hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Yes. We didn't go to Hongkong for a business meeting. Lahat ng excuses na iyon ay hindi totoo. B-but then, things got unimaginably awful. Hindi ko inakala na aabot siya sa puntong papatay siya dahil lang sa pagmamahal niya sa'yo. When Victoria Escueta died, I hated Homer. Pareho lang kaming nagmamahal sa'yo but I never thought that he would kill someone just because he loved you so much. Pero kagabi ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya..."
Nakuha ng huling sinabi ni Juliet ang atensyon nilang lahat. They held their breaths as they all gazed at Juliet with apprehensive eyes.
"H-humihingi siya ng tulong sa'kin. Alam niyang pinaghahanap na siya ng mga pulis. And that he would go to jail for what he did. P-pero natakot ako na baka kapag tinulungan ko siya ay madawit ako sa mga kasalanan niya."
Then Juliet started to cry. It was a soft cry at first until it turned into sobs. Then she grew frantic. Lumapit ito sa kanya at tsaka lumuhod sa harap niya.
"But that last call didn't let me sleep. His voice never left my mind. He was crying and he was very scared, Dasher. Habang humihingi siya ng tulong sa akin ay umiiyak siya. Si Homer iyon, Dasher. We've been together for so long. He's become my friend and confidante. But I refused him. Paano kung totoong may sumusunod sa kanya? Paano kung may gustong pumatay sa kanya? Hindi na ako makatulog dahil sa kaiisip kung kamusta na siya. I kept on calling him since this morning but he never answered my calls." Juliet clasped his hands and cried harder.
"Nasabi mong may sumusunod sa kanya?" biglang tanong ni Donder habang inaalalaya itong muling maupo. "Nasabi ba ni Homer kung sino ang sumusunod sa kanya?"
Umiling si Juliet. "Hindi. Pero ang sabi niya ay ilang araw na niyang napapansin na parang may sumusunod sa kanya. Hindi lang niya iyon pinansin."
"Nasabi ba ni Homer kung nasaan siya ngayon?" he asked.
Muling umiling si Juliet. "Hindi, pero may ideya ako kung nasaan siya."
"S-saan?" halos magkakapanabay nilang tanong sa dalaga.
"Sa Laguna. Homer has a rest house there. Sa tuwing may problema siya ay doon siya madalas magpunta. Ako lang ang nakakaalam ng bahay na iyon dahil ako palang naman ang nadadala ni Homer doon. It could be a great hideout for him."
His shoulders sagged. Now he even has Homer to think about. May problema na nga siya kay Donnie Marie, meron pa kay Homer. "Hindi ko na alam ang gagawin ko," anas niya.
"Me too," Juliet sobbed. "B-but, where is Donnie Marie? I have to talk to her."
Noon siya napaangat ng tingin. "Bakit?"
"Dahil kailangan naming tulungan si Homer."
"I have a bad feeling about this..." narinig niyang turan ni Blitzen sa tabi niya.
"Bakit kailangang tumulong siya kay Homer?" ismid niya. "Ipinahamak ni Homer si Donnie Marie," aniya na hindi itinago ang galit para sa kaibigan.
Juliet shook her head. "Homer swore that he didn't know a single thing about Donnie Marie's set up. Nagulat din si Homer dahil sa biglang pagbabago ng mga pangyayari. All he intended to do was wreck Victoria's car and throw a hate card."
"But he killed Victoria!" asik niya.
"No, he didn't. Kanina ko lang narealize na hindi pa alam ni Homer na patay si Victoria dahil ilang beses niyang nabanggit ang pangalan na iyon," giit ni Juliet.
"Kung ganon, sa tingin mo, sa lahat ng paghihirap ni Donnie Marie ngayon dahil sa gulong iniwan ni Homer ay handang tumulong si Donnie Marie sa kanya?" sarkastikong wika ni Blitzen. Napaismid naman si Donder.
"S-she is Homer's last hope," bulong nito. "Well, naging close silang dalawa bago pa magkabukuhan. P-pagkatapos ko siyang tanggihang tulungan ay nasabi niya sa'kin na si Donnie Marie na lang ang kakausapin niya. I doubted if he'd do that. Sabi ko, makapal na ang mukha niya kapag ginawa niya iyon. But who knows? Desperate people could do desperate things. B-baka kako tumawag si Homer sa kanya. Kaya gusto kong makausap si Donnie Marie. I need to know that Homer is alive," pagmamakaawa ni Juliet.
Parang sinipa ng kabayo ang dibdib niya. "B-but she's gone. Just this morning."
"H-hindi kaya..." natutop ni Juliet ang kanyang bibig at biglang pinanlakihan ng mga mata. "...totoong humingi ng tulong si Homer kay Donnie Marie?"
"At pinuntahan ni Donnie Marie si Homer?" pagtutuloy ni Donder.
"At kung totoong may masamang taong naghahabol kay Homer, tiyak na nasa panganib sila ngayon..." anas ni Blitzen.
"Hell and damnation!" bigla niyang sigaw. "Eh ano pa'ng ginagawa natin dito? Summon everyone who could help us out, pulis, sundalo o kahit na si superman! Donder, call Comet and tell him to get his fucking helicopter right now. I have to go to Laguna as fast as I could!"
Binalingan niya si Juliet. "Sumama ka dahil kailangan mong ituro kung nasaan ang bahay ni Homer. Kapag may nangyaring masama sa babaeng mahal ko, all hell will break loose."
Hindi siya makapapayag na may masamang mangyari kay Donnie Marie. He would kill himself if anything bad happened to her. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang dalaga. Ngayon pa na natiyak niya sa kanyang sarili na mahal niya ito? Hindi siya makakapayag!
Nagkatinginan ang mga kapatid niya. He scowled at them. "I love her, okay? I fuckin' love her! At wala akong pakialam sa iisipin ng iba. I need her,: nanghihinang anas niya.
"Panalo ako sa pustahan!" natatawang iling ni Donder.
"Fuck you!" Blitzen nodged his twin brother.
"What the heck?"he growled.
"Wala! Ang sabi ko, bilisan nating kumilos! Ililigtas pa natin ang mahal na prinsesa mo. Don't worry bro. She'll be fine," wika ni Donder na nakapagpapangiti sa kanya.
"Thanks. Kailangan niyang mabuhay. I need her in my lonely life."
------------
SA BUONG BUHAY ni Donnie Marie ay noon lamang siya nakaramdam ng ganoong klase ng takot. She was about to end her life right after having the best night of her life with the man she loved. EPIC. Napalunok siya. Well, she was doing it for the the man she loved.
Must she complain about it? She shook her head to shoo away the shards of cowardice in her head. She had to do it. Kung hindi ay mapapahamak si Dasher. Ayaw niyang mangyari iyon. She'd rather die than put Dasher's life in danger. Nakapagdesisyon na rin siya.
Makaligtas man siya sa sinuong niyang problema ay hinding hindi na siya babalik pa sa buhay ni Dasher. It was better that way. Alam niyang bukod kay Ex-Mayor Daguio ay marami pa ang maghihiganti sa kanya. Marami pa ang tutugis sa kanya. Ayaw niyang madamay si Dasher sa lahat ng iyon. Kaya habang maaga pa ay lalayo na siya.
Iginala niya ang kanyang paningin sa lugar na sinabi ni Ex-Mayor Daguio na pupuntahan niya. Hindi niya naitago ang bahagyang pagkunot ng noo niya sa kanyang nakita. She was expecting to see an empty garage or building na kadalasang ginagamit kapag may kinidnap ang mga goons—o kapag may isa-salvage ang mga ito.
The place was absolutely different from what she's imagined it to be. Napakaganda ng lugar na pinuntahan niya. The house was huge and beautiful. A rest house, perhaps. She stood in front of the equally huge gate. She heaved a heavy sigh before ringing the bell.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumukas ang gate. She recognized the guys with leather jackets who opened the gate as the goons who chased her before, kasama si Dasher. Napalunok siya nang pasadahan siya ng nakakalokong tingin ng dalawa. Itinaas niya ang dalawang kamay nang lumapit ang isa sa mga goons. Kinapkapan siya ng mga ito. The brute even had the nerve to cop a feel on her ass. She gritted her teeth.
"Kanina ka pa hinihintay ni Mayor," nakangising sabi ni goon number one.
Tahimik siyang tumango at sumunod sa mga ito papasok. Habang naglalakad sila papasok ay palinga-linga siya sa paligid. Napakaraming goons sa loob ng mansion. She gulped. How in the hell would she escape from that battalion? At nasaan si Homer? Nasaan sila? Sa pagkakaalam niya ay wala namang property ang mga Daguio sa Laguna. The place looked new, untouched. She controlled the shaking of her knees by taking deep breaths as they went up stairs.
"Pasok," maangas na sabi ni goon number two nang makarating sila sa pinakadulong kwarto ng ikalawang palapag. She guessed that it was the master's bedroom.
Binuksan ni goon number one ang pinto at tsaka siya marahas na itinulak papasok. Naniningkit ang mga matang binalingan niya ito. "Kailangan mo pa ba akong itulak?" sikmat niya. Lalo siyang nanggalaiti nang ngumisi lang ito.
"Wow pare, palaban. Ayos! Sarap hinging balato nito kay boss," said goon number two.
"Boss, nandito na siya," nakangising anunsyo ni goon number one.
Natuon ang pansin niya sa tinawag nitong boss. Ex-Mayor Daguio.