Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 18 - CHAPTER 18

Chapter 18 - CHAPTER 18

"THERE YOU ARE! Kanina ka pa namin hinihintay," malambing na salubong ni Juliet kay Dasher hustong makapasok sila sa hotel.

She almost rolled her eyes from irritation. Ang bruha, kung makapaglandi naman! Lihim niyang ikinatuwa ang pag-iignora ni Dasher sa kalandian ni Juliet. Ngunit natigilan siya nang mapansin ang benda sa kaliwang kamay ni Juliet. Napatingin siya sa sariling kamay. May benda rin ang kaliwang kamay niya dahil nga nakipag-agawan siya ng pinto sa stalker na nasukol niya noong araw na iyon. Ibig bang sabihin ay nahanap na niya ang stalker ni Dasher?

"U-uh, Juliet," nahihiyang tawag niya rito. "A-ano'ng nangyari sa kamay mo?"

"May isang baliw na naglagay ng nakausling pako sa hawakan ng pintuan ng kotse ko," ismid ni Juliet. "Nakakainis nga eh! Baka magkapeklat ako," reklamo pa nito.

Lihim na naningkit ang mga mata niya. She eyed Juliet speculatively. Ngunit gayon na lamang ang pagkalaglag ng panga niya nang biglang mahagip ng tingin niya si Krisstine na papalapit sa kanila—may bandage din ito sa kamay! What the hell was happening?

"Ano namang drama mo at gumagaya ka sa fashion statement ko," sarkastikong bungad ni Juliet sa pinsang si Krisstine nang mapansin din nito ang benda ng huli sa kamay. Juliet gave her a warning look too. May benda nga rin naman kasi ang kamay niya.

Umigkas ang kilay ni Krisstine sa tinuran ng pinsan nito. "Sumabit sa nakausling pako kahapon. Nakakainis nga eh. Panira. Ano na lang magiging hitsura ko sa press-con mamaya?" iritableng sagot nito. "Hi Dasher!" pagkunwa'y masiglang bati nito sa katabi niya.

"It's gonna be fine. Hindi mo naman kailangang ipakita ang kamay mo mamaya sa press," nakangiting sagot ni Dasher.

Napansin niyang maging ito ay nakatingin sa kamay nina Juliet at Krisstine. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nagkaunawaan agad sila—isa sa dalawa ang stalker nito.

"Hi guys, the press-con is about to start," nakangiting balita ng kadarating na si Homer.

"Meron na ba sina Blitzen at Donder?" nagtatakang tanong niya. Palinga-linga siya sa paligid. She wanted too see Dakila too.

"Halos kadarating lang din nila. Ayun sila, oh!" sagot ni Homer sabay turo sa kinaroroonan ng kambal na Claus.

Kasama ng dalawa si Dakila. Pinanghinaan siya ng tuhod nang mapadako ang tingin niya sa kaliwang kamay nito. Positive. May benda rin ito sa kamay. Ibig sabihin...Hindi makapaniwalang napalingon siya kay Dasher. He looked stricken too. Nakakainis! Ganon ba katalino ang hinahanap nilang stalker para magawa nitong lituhin sila ng ganoon? Ang tanging sign na meron siya para malaman kung sino ang stalker ay nagawang ikalat ng totoong stalker!

"Oh, ikaw rin, nakikiuso? Bakit may benda rin iyang kamay mo?" nanggagalaiting angil ni Juliet nang makalapit sila sa kinaroroonan ng kambal at ni Dakila.

Nakataas ang kilay na tinapunan ni Dakila ng tingin ang kamay nilang may benda. "Some lunatic poured hot coffee on my hand yesterday. Sobrang init ng kape niya kaya ang laki ng paso ko sa kamay!" inis na pagkukwento nito.

"What's wrong with your hands?" kunot-noong tanong ni Donder. Pinaglipat-lipat nito ng tingin ang mga kamay nilang apat.

"Mga gaya-gaya lang sila," iling ni Juliet. "Tara na nga!" asik nito sabay nagpatiunang naglakad patungo sa stage kung saan naghihintay ang uupuan ng mga artistang iinterviewhin ng mga taga-media. Ilang minuto lang ang lumipas at nag-umpisa na rin ang press-con.

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Ilang beses niyang pinag-aralan ang bawat kilos ng tatlong pinaghihinalaan niyang stalker. Wala naman siyang makitang kakaiba sa mga ito maliban sa madalas na pagsulyap ng tatlo kay Dasher. Maaari kayang wala sa tatlo ang stalker ni Dasher?

"Is everything okay?"

Nahihiyang napalingon siya kay Homer nang tumabi ito sa kanya. "W-wala namang problema, sir. Okay lang po ako," kiming sagot niya.

"Mabuti naman kung ganoon," nakangiting wika nito.

Nasa gilid sila ng stage, tahimik na pinapanood ang press-con kung saan naroroon sina Krisstine, Donder, Blitzen at Dasher. Sina Juliet at Dakila ay nasa kabilang dulo, kaharap nila. When Homer sighed, napalingon siya rito. His eyes were forcused on something...or someone. Sinundan niya ang tingin nito. Napakunot-noo siya. His eyes were lost. Parang wala naman itong tinitignan? Ikiniling niya ang kanyang ulo. Bakit ba kung anu-ano'ng napapansin niya?

"Have you ever been in loved?" malungkot nitong anas.

Napakurap siya. Love? Was he really talking about love?

"Siguro hindi pa," nasabi nito nang hindi siya makasagot. "Huwag ka na lang magmahal, lalo na kung alam mong bawal at walang katugon. Masasaktan ka lang." Malungkot itong napangiti. "Pero mahirap pigilan ang pagtibok ng puso eh. Kasi ang puso natin, siraulo. May sariling pulpol na utak. Magmamahal pa rin siya kahit sabihin nating bawal."

"H-how would you know if you're already in loved?" hindi niya napigilang itanong rito. Nababaghan siya sa ikinikilos at mga sinasabi nito ngunit interesado rin siyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito.

"You know you're in loved when you know that it's already time to stop and stay away but all you ever did is stay and love that person from far away," sagot nito. Nahigit niya ang kanyang paghinga. "You can never say stop your heart, Danica Mae. It won't ever stop, kahit pa takutin mo ang puso mong itatapon mo siya sa kanal."

Sinundan niya ang tinging tinutumbok nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nasa stage. Si Juliet? Hindi niya napansing umakyat pala si Juliet sa stage na mukhang may ibinubulong kay Dasher. Kung ganoon ay umiibig ito kay Juliet?

But Juliet liked Dasher. Hindi niya mapigilang mahabag sa kalagayan ni Homer. She reached for his hand and gave him a reassuring squeeze. Then she offered him a smile.

"Malay mo naman, mahal ka rin niya," she heard herself say.

He returned her smile. "Alam ko namang hindi niya ako mamahalin kahit kailan."

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

He answered her question with a gentle squeeze. "I have to go. I'll see you around. And Danica Mae, thank you for listening. Sana lang ay atin atin na lang ito."

She was left speechless. Napakagulo pala talaga sa mundo ng pag-ibig. Dumako ang paningin niya kay Juliet. Hindi maampat ang tingin nito sa stage. Of course, she knew why. When she threw her gaze on the stage, she was shocked to see Dasher looking her way—in a very deadly manner—na tila ba may ginawa siyang krimen. Ano na naman'g problema nito?

_____________________

HANGGANG matapos ang press-con ay hindi na naalis ang matalim na tingin ni Dasher sa kanya. She tried to ignore it but his seething stare burned her skin. Kaya nang maglakad ito palapit sa kanya ay batid niyang aangilan siya nito. Bagamat hindi niya alam kung ano ang naging kasalanan niya ay inihanda na niya ang kanyang sarili sa nakatakdang pang-uusig nito.

"Congratulations, sir!" masayang bati niya nang makalapit ito.

He answered her greeting with a smirk. Dahil maraming tao sa paligid nila ay nginitian na lang niya ito. Mamaya, sa oras na mapag-isa sila, ay tiyak niyang makakatikim ito sa kanya dahil sa pag-iinarte nitong hindi naman niya maintindihan.

"Let's all go to the next room," nakangiting wika ni Homer na lumapit sa kanila. Nasa likod nito sina Juliet, Krisstine, Rocky, Dakila, Blitzen at Donder. "A party was prepared for us to celebrate this day. Naroon na ang iba pang casts ng pelikula."

"Oo nga, tara Dasher! Tagal din nating hindi nakakapag-party, diba?" nanunuksong yakag ni Juliet kay Dasher.

Humawak pa ito sa braso ni Dasher. Palihim niyang pinaningkitan ng mata ang ginawa ng haliparot na si Juliet. Makakatikim na talaga sa kanya si Dasher! Sisimangutan na sana niya si Dasher nang bigla niyang maalala si Homer. Her eyes automatically flew towards Homer.

Nang makita niya ang sakit sa mga mata nito habang nakatingin sa gawi nina Juliet at Dasher na magka-abriseyete ay hindi niya napigilang malungkot para rito. Her heart instantly went to Homer. She sighed. Hindi niya gustong makita na nalulungkot ito. He didn't deserve it. Masyado itong mabait upang masaktan ng ganoon. Pinilit niyang ngumiti bago lumapit rito.

"A-ano'ng meron sa party?" nahihiya niyang tanong.

Napakurap si Homer at natitigilang napatitig sa kanya. Halatang hindi nito inasahan na lalapit siya upang tanungin ito. After a few seconds, he smiled at her—ngiti ng pasasalamat.

"It'll be fun," sagot nito sa halatang pinasiglang boses.

"Pwede naman akong pumunta, diba?" nagbibirong tanong niya.

Hindi pa man nakakasagot si Homer ay bigla nang tumalikod si Dasher. "Tara na nga!" may kalakasan ang boses na dabog nito.

She rolled her eyes. Nahuli ng kambal na Claus ang ginawa niya kaya bigla siyang natigilan. She blushed. Kinakabahang napaiwas siya ng tingin. They were watching her every move! Hindi rin maikakaila ang malamig na tinging ipinukol ng kambal sa gawi niya. Now it'd be harder to move around. Naiilang na niyakag na lang niya si Homer patungo sa kabilang room.

Pagdating nila sa pagdarausan ng congratulatory party ay hindi na siya nagtakang makakita ng napakaraming bigating mga artista sa loob. Mapa-cast ng pelikula o hindi. Some were there to get Dasher's attention—para makakuha ng malaking role at para mabingwit ito. Of course she knew that. She could even recognize some of the girls who threatened her before—noong umattend sila ni Dasher sa kasal ng isa sa mga naging talent ng kompanya nito.

"Who's that?" bulong ni Dakila sa tabi niya.

Napatingin siya sa tinutumbok ng tingin nito. Isang napakagandang babae ang pumasok. She wore a black silk gown. Hanggang sakong ang haba niyon ngunit may mahabang slit sa bandang kaliwa na halos hanggang singit na nito ang taas ng slit. Nasa limang talampakan yata ang taas ng takong ng suot nitong silver na stiletto. Silver din ang clutch bag nito.

"That's Victoria Escueta," may disgustong turan ni Juliet. "Isang baguhang artista na nagpi-feeling leading lady samantalang pang-extra lang naman ang beauty niya. Kung hindi naman iyan mistress ng isang mayamang tao, hindi naman iyan makakasama sa casting eh."

Her eyes widened in disbelief. She was Victoria Escueta! Iyong mistress ni Mayor Daguio? Napalunok siya. Hindi niya inakala na sa dinami-rami ng taong pwede niyang makasalamuha ulit ay ito pa—isang taong may kaugnayan sa taong binabalak niyang pagtaguan.

Dahil sa trabaho niya ay hindi maiiwasang makahanap siya ng mga kaaway. Kaya maingat siya. Bago pa man siya ma-trace ng mga ibinuko niya ay lumilipat na siya ng lugar. Kaya nga binalak niyang umalis agad pagkatapos niyang asikasuhin iyong kaso ni Mayor. Daguio. Minalas lang siya dahil nasabit siya sa problema ni Dasher.

Marahas kasi ang alkalde, patunay iyong pagpapaulan ng bala sa kanila ni Dasher ng mga tauhan nito. Alam niyang nasadlak sa kahihiyan ang alkade dahil sa ginawa niyang pambubuko rito. Bukod sa iniimbestigahan ang naging pamamalakad nito bilang alkalde ay hiniwalayan din ito ng asawa nito. Mrs. Daguio was an heiress. Pinulot lamang nito sa kung saan ang Mayor.

Ang pera, kapangyarihan at katayuan sa buhay ng alkade ay dahil lamang sa pamilya ni Mrs. Daguio. Kaya nang nakipaghiwalay ang ginang rito ay nawala ang halos lahat dito. Hindi malayong gantihan siya nito kapag nalaman nitong siya ang dahilan ng pagkakabuko ng pambabae nito na siyang naging dahilan upang hiwalayan ito ng tuluyan ng asawa nito.

Napalingon siya kay Dasher. Unlike her, Dasher looked calm. Kung tignan nito si Victoria ay parang wala lang. Mukhang hindi nito nakilala ang mistress ni Mayor Daguio.

"Good day, Mr. Claus!" magiliw na bati ni Victoria matapos nitong huminto sa mismong harapan nila. "Congratulations! Napakaganda ng pagtanggap ng press at mga fans sa tambalang Krisstine at Blitzen. I'm so honored to be one of the casts in this most awaited film of the year."

Victoria chattered cheerfully. Minsan lang siya nitong tinapunan ng tingin. Kahit paano'y nakahinga siya ng maluwag. Ibig sabihin ay hindi siya nito nakilala. Sabagay, paano nga naman siya nito makikilala gayong hindi naman siya nito nakita? Isa pa, nakadisguise siya.

She was safe, wasn't she? Hindi niya alam kung napaparanoid lang ba siya o ano pero parang may kakaiba siyang pakiramdam habang tinitignan niya si Victoria. Marahan niyang ikiniling ang kanyang ulo. Malapit na niyang mahuli ang tunay na stalker ni Dasher, magpapasira pa ba siya ng kanyang focus sa paglutas sa kaso nang dahil lang kay Victoria?

Pasimple niyang pinag-aaralan ang mga kaharap niya. May kakaiba kasi. Bakit iyong tatlong babaeng pinaghihinalaan niya ay pare-parehong may sugat sa kamay? Maaari ba niyang isiping coincidental ang lahat o sinadya? Hindi umalis sa tabi ni Dasher ang tatlo kahit na kausap na ng binata si Victoria. Those three were throwing dagger looks towards Victoria who seemed uncaring because she still continued to flirt with Dasher. Natigilan siya.

If she felt jealous just by looking at Dasher and Victoria, it could also be possible that Dasher's stalker would be enraged. Kung ganon ay iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon upang mahuli ang stalker. Nararamdaman niyang hindi matatapos ang araw na iyon na hindi gumagawa ng hakbang ang stalker upang gantihan si Victoria.

She kept on watching her suspects. Krisstine's face was flustered—obviously with rage. Si Dakila naman ay bahagyang naniningkit ang mga mata. Juliet, on the other hand was more blatant in showing her anger. Nakikipagpaligsahan ito kay Victoria sa harap ni Dasher.

Patuloy siya sa pag-aanalisa sa sitwasyong nasa harap niya. Nag-isip siya ng scenario na maaring magdala kay Victoria ng panganib kung sakaling aatake ang stalker ni Dasher. She had to think beforehand, para mauna siyang makapunta sa pangyayarihan ng krimen.

May tatlo siyang naiisip na maaaring puntahan ng stalker. Una, sa parking lot kung saan naroon ang kotse ni Victoria. Napailing siya. Maaari bang ulitin ng stalker ang ginawa na nito dati sa isang modelong ginantihan nito noon dahil sa paglalanding ginawa nito kay Dasher? Biglang kumabog ang dibdib niya. Paano kung hindi lang pagbasag sa salamin ang gawin nito?

Paano kung madamay ang hand break ng kotse? Nahiling niyang sana ay huwag namang umabot sa ganon. Bukod sa parking lot ay possible ring masukol si Victoria sa ladies room ng stalker. She was hoping that a cat fight would be all but she knew better. Wala na sa ganoong level ang stalker. Pangatlo niyang naisip ay ang mismong apartment na tinitirhan ni Victoria.

Since Victoria was a rising actress, madali lang mahanap ang tinitirhan nito. Muli siyang napasimsim sa hawak na kopita. Mas magiging mahirap na iyong i-control. Mas delikado na. She has to be quick. Dapat niyang makita kung alin sa tatlo ang may kakayahang gawin ang mga bagay na iyon. Nataranta siya nang biglang nagpaalam si Krisstine.

"I'm so sorry but I have to go. Rocky texted me. Maghanda na raw ako dahil may mallshow pala ako mamayang gabi sa Mall of Asia," apologetic na paalam ni Krisstine.

"I have to go too," sahod naman ni Dakila. "Kailangan na ring umalis ng kambal dahil kasali sila sa mallshow mamayang gabi." Sumang-ayon naman ang kambal.

"Don't worry, Dasher. I'm staying," Juliet grinned. "Hindi ako makakapayag na maiwan kang mag-isa rito kasama itong si Victoria," parinig pa nito.

Victoria threw Juliet a vicious glance. Dasher just shrugged.

"I'm sorry, I h-have to go too," mahinang sambit ni Homer.

Natigilan siya. She could see the sadness in his eyes while he looked at Juliet, who was just beside Dasher. Hindi man sila gano'n ka-close ni Homer, she still felt bad for him. Masakit ang umibig ng isang taong may ibang gusto, lalo na kung sa harap mo pa iyon ipinapakita.

"Are you sure? Hindi mo na ba tatapusin itong party?" tanong ni Dasher kay Homer.

"Hindi na. I'm sorry. Enjoy na lang," paalam ni Homer. When Dasher gave him a curt nod, Homer excused himself and walked towards the door.

Hindi niya napigilang malungkot para kay Homer. Alam niyang wala naman talaga siyang dapat na pakialam pero hindi niya napigilan ang kanyang sariling sundan si Homer. Mabilis siyang nagpaalam kay Dasher, ni hindi niya hinintay ang pagtutol nito.

Naabutan niya si Homer sa parking lot. Hindi niya alam na ganoon pala kabilis kumilos ng binata. Nasa hindi ito kalayuang parte ng parking lot at mukhang hinahanap ang kotse nito nang makita niya ito. Akma siyang lalapit nang bigla siyang matigilan.

Homer was acting strange. Palingon-lingon ito sa paligid, halatang tensed. Napansin niya ring hindi na nito suot ang tuxedo nito. Naka-itim na itong t-shirt, bagamat suot pa rin nito ang slacks nito. Her instinct told her to duck herself behind the car that was in front of her too. Walang dahilan para magtago siya, sabi ng kanyang isip. Ngunit may mumunting boses na bumubulong sa kanyang dapat niyang bantayan ang susunod na gagawin nito.

Homer stopped in front of his car. Napakunot ang noo niya nang hindi pa ito agad sumakay doon. Muli itong napalingon sa paligid. Nagtagal ang tingin nito sa gawing kanan, bandang itaas, medyo malapit sa ceiling, kaya napatingin din siya roon. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing may itim na payong na nakasabit malapit doon.

The umbrella was blocking something—at hindi siya tanga para hindi maisip kung ano iyon. It was the security camera! She shuddered at what she's discovered. Kung ganon ay...

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang lumapit si Homer, hindi sa kotse nito, kundi sa kotseng katabi ng kotse nito. Naglabas ito ng isang itim na envelope. Binasag nito ang salamin ng kotse sa driver's seat at tsaka itinapon sa loob ng kotse iyong sobre. She gasped.

Si Homer ang stalker ni Dasher? She felt betrayed. She trusted him as a friend! Sa matinding galit, hindi na siya nagdalawang isip na lumabas mula sa pinagtataguan niya.

"So it's you," aniya sa nag-aakusang tinig.

Marahas na napalingon si Homer sa kanya. His eyes widened when he saw her. "D-Danica Mae..." bulalas nito.

"Ikaw ang stalker ni Dasher?" hindi makapaniwalang anas niya. "Pero bakit?" Hindi talaga siya makapaniwala. Lalong hindi niya mapaniwalaang nagawa siya nitong saktan noong minsang magpang-abot sila sa condo ni Dasher. "Is it all because of Juliet? Ginagantihan mo ba si Dasher dahil kay Juliet?"

"J-Juliet? What? Paano nasali si Juliet dito?" naguguluhang tanong nito.

"Huwag ka ng magkaila. Alam kong mahal mo si Juliet. I can see it in your eyes. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit mo nagagawa itong panggugulong ito kay Dasher diba?"

"I love Juliet?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Homer, I know you're nice. Pero kailangan mo ng—"

"Sumama ka sa'kin. Mag-usap tayo sa ibang lugar. Huwag dito. And I'll explain everything," natatarantang sabi nito.

She automatically stepped back when he walked towards her. Hindi siya dapat magtiwala rito. Nagkasakitan na sila dati sa condo ni Dasher, hindi malayong magkasakitan ulit sila.

"Sasabihin ko kay Dasher ang totoo!" banta niya rito.

"N-no! Tumigil ka! Wala kang sasabihin sa kanya. Or else..."

"Or else what? Sasaktan mo ulit ako? Papatayin mo ako?" angil niya.

"Or else I'll die!" pasigaw na sagot nito bago ito kumaripas ng takbo pasakay sa kotse nito. Hindi na siya nakapa-react sa ginawa nito.

Lalo na noong may biglang sumigaw sa likuran niya.

"Huwag kang kikilos ng masama!"