"SO, THE INFAMOUS Mystique Agent has finally come to meet me. I am so honoured. Please have a seat," nang-uuyam na bati ng dating alkalde sa kanya.
He was at the center of that dim-lit room, standing like a devil while glaring at her. Hindi na niya ito halos nakilala dahil sa biglaang pagtanda ng hitsura nito. Well, hindi niya ito masisisi. Sa dami ba naman ng mga problemang kinaharap nito, malamang na hindi ito nakakatulog ng matiwasay sa gabi.
"W-where is Homer?" direktang tanong niya.
"Namimiss mo na siya agad?" He waved his hand at his men. "Oh, huwag ninyong pinaghihintay ang ating bisita. Nakakahiya naman sa kanya."
Tumalima ang dalawa. Lumabas ang mga ito saglit. Pagbalik ng mga ito ay dala na nila ang nakauklo at nakagapos na si Homer. Duguan ito at halatang nanghihina.
"H-homer!" natatarantang sigaw niya. Agad niyang dinaluhan ang binata. Padarag na binitawan ng dalawang goons si Homer kaya bumagsak ito sa kanya, napaupo tuloy siya sa sahig. May gana pang magtawanan ang mga hayop sa kalagayan nila.
"Oh my God, are you okay?" nahahabag niyang tanong kay Homer. "Please wake up and talk to me. Ano'ng ginawa ninyo sa kanya?" galit na binalingan niya si Ex-Mayor Daguio.
"D-Danica Mae?" nahihirapang anas ni Homer. Mayamaya'y napangiti ito kahit halatang nahihirapan ito. "I mean, Donnie Marie. Y-you came..."
"H-homer..." nahihirapang anas niya.
She didn't know what to say. Hindi niya masabi rito na nagpunta siya rito upang iligtas ito. It clearly wasn't the case. Hindi niya rin maikakaila ang nakaringgan niyang pag-asam sa tinig nito nang banggitin nito ang pangalan niya. He had no one to go to. Base sa gula-gulanit na damit nito at sa mga pasa at sugat nito ay natitiyak niyang pinahirapan ito ng mga hayop.
"It's not that she came here for you," natatawang sabat ni Ex-Mayor Daguio. "Nagpunta siya rito kasi kapag hindi niya ako binisita, ulo ng pinakamamahal niya ang ipapadeliver ko sa harap ng pinto ng bahay niya."
"H-hindi mo basta bastang malalapitan si Dasher!" sigaw ni Homer.
"Bakit? Kasi mayaman siya?" halakhak nito. "Mayaman ka rin Homer, pero kita mo nga iyang hitsura mo ngayon. Mas gwapo pa iyong hardinero mo. Hindi rin ako pwedeng subukan ni Mystique Agent, because I have nothing to lose. Kahit buhay ko, kaya kong itaya makaganti lang sa kanya. Alam niya iyon."
"Ngayong nandito na ako, ano ngayon ang balak mong gawin sa akin?" hamon niya.
"Surprise, para may thrill," nakakalokong sagot nito. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang paghigpit ng paghawak niya kay Homer kaya napahalakhak ulit ito.
"Demonyo ka talaga..." asik niya.
"Hindi ka ba curious kung paano ko nalamang ikaw si Mystique Agent? Wala ka bang itatanong sa'kin bago kita pahirapan?"
Natigilan siya, hindi malaman kung ano'ng sasabihin.
"You are curious, right? Of course I have to tell you. Pinahirapan mo ako sa paghahanap sa'yo eh," madilim ang mukhang angil nito sa kanya.
"Dahil sa kotse ni Dasher kaya nalaman ko ang kinaroroonan mo. Nakilala ng isa sa mga tauhan ko ang kotse ni Dasher na ipinaayos niya sa isang casa na nagkataong suki ko rin sa pagpapaayos sa mga sasakyan kong hindi nakarehistro."
"Nang makumpirma naming ang kotseng iyon ang nagligtas sa taong kumuha ng mga larawan ko na ginawang ebidensya ng misis ko laban sa pangangaliwa ko ay hinanap at minanmanan namin ang may-ari ng kotse. Alam kong sa pagmamanman ko sa kanya ay mahahanap ko ang taong dahilan ng naging pagbagsak ko."
Mabangis itong napangiti. "At hindi nga ako nagkamali dahil natagpuan kita. The moment I've discovered your true identity, I wanted to crush you and make you suffer like I am suffering right now. Ngunit malakas at mayaman ang lalaking kinapitan mo. Hindi ako basta bastang makalapit sa kanya. Mabuti na lang at nalaman ko ang tungkol sa stalker na hinahanap niyo." His gaze went to Homer. "That's how I found a way to get you."
"I pretended to be Dasher's stalker..." nakangising pagtatapos nito.
Napaawang ang mga labi niya. Kaya pala nagkanda-lito lito na siya noon sa pagkakasala-salabit ng mga pangyayari tungkol sa stalker ni Dasher. "Kung ganon ay..."
"Oo, tauhan ko ang nakasagupa mo noon sa loob ng condo ni Dasher. Ako rin ang nagpalagay ng mga hidden camera at nagpa-bug sa mga telepono niya. Ako rin ang nag-set up sa'yo sa parking lot bago tumakas si Homer. Pinlano ko ang lahat para sa pagbagsak mo. See? Nalaman na ng buong mundo ang lihim mong pagkatao. Tapos ay mabubura na kita sa mundo."
She gritted her teeth. Kaya pala litong lito siya noon. Maraming mga bagay na hindi magtugma-tugma dahil nakikialam na pala ito sa pag-iimbestiga niya. He really was smart. Hindi na siya magtataka na pakana nito ang halos magkakapanabay na pagkakaroon ng sugat sa kamay ng tatlong pinaghihinalaan niyang stalker para mapagtakpan nito ang pagkakasangkot nito sa krimen. Bakit hindi niya naisip na maaaring nahanap na siya nito para paghigantihan?
Dahil wala ka ng ibang inisip kundi si Dasher, tuya ng isip niya. She was too busy fighting over her attraction with Dasher that she forgot to see other things around them. How could've she been a fool to let something important unnoticed?
"It's no-time for you to feel sorry for yourself now," he mocked. "Wala na rin namang magagawa ang pagsisisi mo dahil hindi ka na sisikatan pa ng araw."
She cringed. She was ready to give up her life for Dasher but what she was not ready was giving up without a fight. She was born a fighter, not a quitter! Pasimple niyang pinagmasdan ang mga tao sa paligid niya. She was crouched on the floor with Homer.
Ngunit natitiyak niyang sa tamang timing ay mapapatumba niya ang dating alkalde at dalawang goons na kasama nito. Ang kaso, sakali mang mapatumba niya ang mga ito, paano siya makakatakas at makakalabas sa mansion na iyon kung nagkalat ang mga tauhan nito sa baba?
"A-ano ngayon ang balak mong gawin sa'kin?" matapang niyang tanong.
"Nice question," ngisi ng dating mayor. Pagkunwa'y hinagod nito ng tingin ang mukha niya, pababa sa kanyang katawan. "Ano nga kayang magandang gawin sa'yo?"
She scowled at him. "Bakit ako ang mapaparusahan gayong ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sa buhay mo ang lahat ng ito? Nawala sa'yo ang lahat dahil sa kagagawan mo! Ang tanging ginawa ko lang ay imulat ang asawa mo sa mga panloloko mo!"
Natigilan ito at biglang napatitig sa kanya. Mayamaya ay tahimik itong naglakad palapit sa kanya. Bago pa man niya muling maibuka ang kanyang bunganga ay natulilig na siya sa biglang pagsampal nito sa kanya. Her left cheek hurt. Dumugo pa nga iyong gilid ng labi niya.
"Kung hindi ka nakialam, hindi sana mawawala ang lahat ng mga pinaghirapan ko! Kaya magbabayad kang pakialamera ka! Iapaparanas ko sa'yo ang lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko simula noong mawala sa akin ang lahat!" sigaw nito.
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla nitong sinipa si Homer palayo sa kanya. Marahas siya nitong hinila sa kamay at ipinatayo paharap dito. Muli siyang natulilig dahil sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya—that time ay kaliwang pisngi naman niya ang sinampal nito. Her cheeks throbbed, damang dama niya ang sakit ng sampal. Natumba siya at napasubsob sa sahig.
Timing...iyon ang kailangan niya para mapigilan ang hayop na dating mayor. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang nasa may pintuan ang dalawang goons, nakangisi habang pinapanood ang pagpapahirap ng dating mayor sa kanya. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makatakas kung hindi ay mas malala pa sa impyerno ang mararanasan niya rito.
"Ipaparanas ko sa'yo ang lahat ng hirap..." nanggigigil na sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya. "Pagsisisihan mong pinakialaman mo ang buhay ko. Titiyakin kong—"
"Mayor! May mga parak!"
Pareho silang napatingin sa biglang bukas na pinto nang may dumating na humahangos na goon. "May mga parak sa labas! Natunton nila tayo!" natatarantang balita nito. Kasunod ng pagbabalita nito ay ang sunud-sunod na putukan sa ibaba.
"Ano!?" growled Daguio. "You really want to die, huh?" baling nito sa kanya.
Napailing siya. "N-no! Wala akong pinagsasabihan na pupunta ako rito..." Napadako ang tingin niya kay Homer. Her eyes widened when Homer smiled. Kung ganon ay ito ang humingi ng tulong? "H-homer..." she gasped.
"It must be Juliet," nanghihinang anas ni Homer, looking pleased. "She's my real friend."
"You bastard!" hissed the ex-mayor.
When the ex-mayor was about to attack Homer, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. She counter-attacked the old man. Sinipa niya ito sa tiyan. Bumagsak ito sa sahig. Hindi agad nakahuma ang dalawang goons kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Isinunod niyang inatake ang dalawa. Nagawa naman niyang maitulak ang mga ito.
"Homer! Tumakbo ka na!" sigaw niya.
Judging at Homer's look, nakapagpahinga na ito at may kaunti ng lakas para tumayo at makatakbo. Tumakbo siya palapit kay Homer at tsaka ito inalalayang tumayo. Ngunit nagawa nang makatayo ng isa sa mga goon. Nahawakan siya nito sa braso at nahila palayo kay Homer.
"Bitiwan mo ako!" sigaw niya sabay sipa sa goon.
She could take them down! With her knowledge in martial arts, she really could. Ngunit hindi niya maaaring ipagsawalang bahala ang armas na dala ng mga ito. Lalo na noong tinutukan na siya ng dating mayor ng baril. Napatigil siya sa panlalaban.
"Come here, princess," Ex-Mayor Daguio coaxed. "Kapag hindi ka lumapit, masasaksihan mo ang pagsabog ng bao ng ulo ng kaibigan mo," banta nito.
She saw how Homer shivered at his threat. Base sa hitsura ng dating alkalde ay kaya nitong totohanin ang banta nito. Napayuko si Homer at biglang napahagulhol. She tightly closed her eyes. With shivering knees, she walked towards ex-mayor Daguio. Napangisi ito.
"That's my agent," nakakalokong sabi nito.
Nang makalapit siya rito ay bigla siya nitong hinablot palapit dito. Pinilipit nito ang isang kamay niya papunta sa kanyang likod at tsaka siya tinutukan ng baril sa sentido. Napaigik siya sa sakit. Matapos nitong gawin iyon ay tsaka naman bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya gugustuhing makita sa ganoong pagkakataon.
"D-Donnie Marie!" sigaw ni Dasher nang makita siya nito.
Nasa likod nito ang isang katerbang mga pulis na pawang may mga dalang baril at nakatutok sa gawi nila. Nakita niya rin ang kambal na Claus, sina Comet at Vixen.
Her eyes widened. Ano'ng ginagawa ng mga ito roon? In just a snap, the two goons who were caught unaware were captured by the policemen behind Dasher. Hindi lang nadakip ang dating mayor dahil hawak siya nito.
"Hello Mr. Claus! How are you?" the ex-mayor grinned. Dasher stiffened when the ex-mayor tightened his grip on her. She almost choked. "Mabuti naman at umabot ka pa?"
"Sumuko ka na habang may pagkakataon ka pa. Let her go," mariing wika ni Dasher. Napakasama ng tingin nito sa dating alkalde, lalo na sa pagkakapilipit nito sa kamay niya.
"Ano ako, bale? Mas gugustuhin ko pang mamatay ngayon kesa ang mamatay ako sa loob ng kulungan. Pero ito ang tatandaan ninyo. Kung mamamatay man ako, isasama ko ang taong dahilan kung bakit nagkasira-sira ang buhay ko!" sigaw ni Mr. Daguio.
"N-No!" sigaw ni Dasher at biglang napahakbang palapit sa kanila.
"Another step, Mr. Claus. Isang hakbang pa at masasaksihan mo ang pagsabog ng utak ng babaeng ito," the ex-mayor threatened. Dasher glared but stopped. "Good boy."
---------------------------
SHE WOULD never forgive herself if anything bad happened to Dasher. Hindi na niya kakayaning mabuhay kapag... Mariin siyang napapikit. It was the most horrible day of her life—ang makitang nasa panganib ang buhay ng taong pinakamamahal niya nang dahil sa kanya.
She looked at Dasher with pleading eyes. She wanted him to get out of that place and save himself. She was afraid for her own life but her fear for Dasher's life was incomparable. Parang nasa lalamunan na niya ang kanyang puso sa lakas ng pagtibok niyon.
"Put that fucking gun down. Sumuko ka na habang may oras ka pa," Dasher coaxed once again. "Mr. Daguio, pag-usapan natin ito. Let her go."
Pinaglandas ni Mr. Daguio ang paningin nito kay Dasher at sa mga kasama nito. "Sa tingin mo ba talaga ay tanga ako para gawin iyang sinasabi mo?" sigaw nito. Nagpanic ang lahat nang biglang higpitan ng ex-mayor ang pagkakahawak nito sa kanya. "I am going to kill this woman for ruining my life! Ipapatikim ko sa kanya ang tunay na impyerno!"
"Wait!" sigaw ni Dasher. "I'll do anything you want, just let her go."
"Anything?" nakataas ang kilay na tanong ng dating alkalde.
"Y-yes," Dasher replied.
"What the hell are you doing?" hindi makapaniwalang siko ni Donder sa tabi ni Dasher.
Ex-mayor Daguio grinned. "I like that. Magkakasundo tayo, Mr. Claus."
She's come that far, kung sarili lang sana niya ay handa siyang mapahamak. Ngunit hindi niya maaaring ipahamak si Dasher—not when she was around to witness it.
"Bakit mo pa ba ako nais iligtas?" she blurted out. Natuon sa kanya ang pansin ng lahat. She felt Mr. Daguio's hold slacken. It was a good sign that he was affected by her outburst.
Dasher's eyebrows furrowed. "Ano ba'ng klaseng tanong iyan?"
"You shouldn't have come here, you fool!" muli niyang sigaw.
Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Dasher. "Why are you running away from me?" he asked in a hurt tone.
"D-dahil iyon ang dapat."
"Dapat?" Napaismid ito. "Bakit, ano ba ang dapat?"
"Don't you understand? Kailangan kong lumayo sa'yo para iiwas ka sa mga panganib na kaakibat ng pagiging isang agent ko! Look at us now! Trapped in this damned room, facing a psychopath ex-mayor who wants me on my death bed! Ayokong madamay ka!"
"Sino'ng psychopath, ha?" growled Mr. Daguio.
"Shut up!" she hissed. "Hindi ka kasali sa usapan namin kaya huwag kang makikialam! Alam mo, kasalanan mo ito eh! Aalis na dapat ako at hindi na ulit magpapakita sa kahit na sino kung hindi mo ako pinapunta rito. You said you wanted to give me a taste of hell? You should've just let me go. Dahil ang mabuhay na malayo ako sa taong pinakamamahal ko ay mas malala pa kesa sa sinasabi mong impyerno," she howled.
"Sinasabi ko na nga ba! You were running away! Akala ko ba matapang ka? Kaya bakit ka tumatakas? Sinabi mong mahal mo ako, hindi ba? Then why the hell are you trying to get rid of me? Sa lahat naman ng umaming nagmamahal sila, ikaw itong gustong manakit ng taong sinabihan mong mahal mo!" reklamo ni Dasher. His face was as red as a beet.
"Hindi mo ba talaga maintindihan?" asik niya. "I am trying to protect you! Ayokong makita na..." she paused and looked away. "...na napapahamak ka nang dahil sa'kin. It'll kill me, Dasher," she whispered. "Kaya please, umalis ka na. Ayos lang ako."
"Sa tingin mo ba, kapag umalis ako ngayon at hinayaan kita, magiging masaya ako? Sa tingin mo ba ay gugustuhin ko pang mabuhay ulit kapag nawala ka sa'kin? Sebastian gave me another life to begin with, but you..." he paused and stared at her "...you gave meaning to my life. You let me understand life, you gave me a taste of a happy life with you."
Lalo na siyang napaluha sa mga tinuran nito. It was more than she could bear. She looked at Dasher with so much admiration in her eyes. Mamatay man siya, she would be happy.
"I love you," she whispered.
Dasher's face softened. "I love you too, sweetie. Handa akong magbuwis ng buhay para sa'yo. Because you are my life. Kapag nawala ka, para na rin akong namatay. I can't take it."
"Ha! Tama na ang drama ninyong dalawa!" sigaw ni Mr. Daguio.
Mukhang hindi nito inasahan ang pag-aaminan nila ni Dasher dahil saglit itong napatigil at talaga namang nakinig pa sa drama nilang dalawa. Dahil naramdaman niya ang tila pagpitik ng nanlalabong isip ni ex-mayor Daguio. She felt his grip on her relax a little. But before she knew it, gumalaw na ang kamay ng ex-mayor na may hawak na baril.
Hindi niya kailangang maging genius para malaman kung bakit gumalaw ang kamay nito at kung saan patungo ang baril nito. It was to aim for Dasher! Agad na gumalaw ang isip at katawan niya. She would never, never ever, let anything bad happen to the man she loved. Kaya bago pa tuluyang maitutok ng ex-mayor ang baril kay Dasher ay gumalaw na siya.
With a calculated move, she moved up her free hand and pushed ex-mayor's hand away from Dasher. His hand jerked and he paused for a second—halatang hindi nito inasahan ang kapangahasan niya. She was ready to put her life on the line for Dasher—iyon ang laman ng isip niya habang nakikipagbuno kay ex-mayor Daguio. Nag-aagawan na sila ng baril.
Nobody from Dasher's team could move, sa isang maling galaw lang kasi ay maaaring may mawalang buhay. But Dasher was one hard-headed guy. Dahil sa isang kisapmata ay kasalo na niya si Dasher na nakikipag-agawan sa baril. Hanggang sa bigla silang napatigil lahat nang may kumawalang isang malakas na putok ng baril.
She froze. When her eyes dropped at the guy who laid on the floor, motionless, she started crying and mumbling "Oh no, oh no! Please, no!" over and over again. Habang si Mr. Daguio ay natumba at bigla ring nanigas. Everything happened too soon.
Ni hindi napansin ni Donnie Marie na nakuha na ng mga pulis ang noo'y nagwawala nang si ex-mayor Daguio. All she could think of was Dasher. She blinked when two policemen bent over Dasher and put him on a stretcher. Still, Dasher was motionless. Hindi na maampat ang mga luha niya. Hindi siya makapag-isip ng matino. She couldn't breath.
Lumapit siya sa stretcher. "Oh no! Oh no! Please, don't go!" sunud-sunod niyang sigaw nang malingunang palabas na ng kwarto si Dasher. "Dasher!" she cried out.
Ngunit hindi siya nakasunod nang pigilan siya ni Donder. Umiling ito at tsaka siya hinawakan sa braso. "Come with us. Then we'll follow," malumanay nitong sagot.
"Dasher..." she muttered with trembling lips. Napayakap siya kay Donder.
"He'll be fine," alo ni Blitzen sa kanya.
She looked at Comet and Vixen beside the twins. Halatang takot na takot din ang mga kapatid ni Dasher dahil sa nangyari but still, everybody gave her a comforting smile.
"If Dasher died..." she started.
"No he won't," agap ni Donder. "I'll kill him if he would."
She cried harder. Nagpatianod na lang siya nang akayin siya ng kambal palabas ng kwarto. Ni hindi na niya natanong kung nasaan si Homer at kund paano sila natunton. Ni hindi niya napansin ang mga galos niya dahil sa pakikipagpambuno kanina sa dating alkalde.
Si Dasher lang ang mahalaga sa kanya sa mga oras na iyon. At ang kalagayan nito. What would happen to her if Dasher...she closed her eyes. No, he wouldn't die. He wouldn't, right?