Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 24 - CHAPTER 24

Chapter 24 - CHAPTER 24

NAKIKINIG lang si Donnie Marie kay Blitzen habang ipinapaliwanag nito sa bagong dating nitong mga kapatid na sina Rudolf, Prancer at Dancer ang nangyari kay Dasher, kung bakit ito nasa ospital at kung bakit ito nasangkot sa isang napakalaking gulo.

"Apparently, nakatunog si Victoria na balak din siyang dispatsahin ni Mr. Daguio pagkatapos siyang gamitin. Kaya bago pa may mangyaring masama sa kanya ay isiniwalat na niya ang lahat baho ni Mr. Daguio sa video na na iniwan niya sa isang kaibigan nitong inutusan niyang magte-turn over sa mga pulis sakali mang may mangyaring masama sa kanya. Malaking ebidensya ang video na iyon laban sa dating mayor kaya wala na itong lusot sa kaso."

"I'll make sure that that bastard will rot in jail!" asik ni Rudolf.

"Pasalamat ang Daguio na iyon na wala ako, kundi ako mismo ang nagpasabog sa bao ng ulo niya," nanggigigil na wika ni Prancer. Nagsi-ilingan na lang ang mga kapatid nito. Sa pagkakaalam niya ay magaling sa martial arts si Prancer at magaling din itong humawak ng baril.

"Have he heard about Dasher?" tanong ni Donder na biglang nagpatahimik sa lahat.

Napalingon siya saw along Claus na nagkalat sa loob ng hospital room kung saan naroroon si Dasher. Everybody avoided Donder's gaze. Donder shrugged.

"Ni wala siyang balak bumisita?" nang-uuyam na tanong ni Blitzen.

"You know him. Kelan ba nagkaroon ng pakialam sa'tin iyon? Pupunta lang 'yun kapag burol na natin kasi maraming media ang darating. He only cares about his reputation and his investors," puno ng pait na wika ni Comet. Vixen sneered beside him.

It didn't have to take a crystal ball to figure out who they were talking about—Sebastian. She could feel the tension whenever somebody talked about him. Napatitig siya sa mga ito. Kung totoo ang sinabi ni Dasher na may isang pekeng anak na nagmula sa sperm donation sa mga ito, alin kaya sa siyam iyon? She turned to Dasher.

Alam niyang darating ang panahon na malalaman niya rin kung sino. Kung hindi pa handa ang magkakapatid na ibunyag kung sino iyon, handa naman siyang maghintay. Kailangan niya ring hintayin kung ano'ng klaseng paghihiganti ang inihanda ng taong iyon para kay Sebastian. She sighed. Everything was settled now.

Wala na si Mr. Daguio. Maliban sa ilang bali ng mga buto ay ayos na si Homer. Nalinaw na rin ang tungkol sa pagiging stalker nito. He admitted that he was gay and that he was madly inloved with Dasher since they were young. Hindi lang nito magawang umamin dahil natatakot itong malaman ng ibang tao ang kasarian nito at mahusgahan ito ng ibang tao.

Habang si Juliet ay kinumpirma ang pagtulong kay Homer sa pag-i-stalk kay Dasher. At ayon kay Juliet, na minsan na ring dumalaw kay Dasher ay babalik na raw sa abroad si Homer, at sasama si Juliet dito. Magpapakalayo na ang dalawa dahil sa sobrang hiya nila kay Dasher. Humingi ng tawad si Juliet sa mga nagawa nito sa kanya. Nang dumalaw sina Krisstine at Dakila ay humingi na rin siya ng tawad sa mga ito dahil sa kanyang pagdududa noon.

Until Dasher woke up, hindi pa nila alam kung mapapatawad pa ba ni Dasher ang ginawa ng dalawang panggugulo sa tahimik na buhay nito. Hindi na rin naman magsasampa ng kaso ang pamilya ni Dasher laban kay Homer para hindi na lumaki ang gulo. Samantalang siya ay tuluyan nang titigil sa pagiging si Mystique Agent. Marami sa kanyang mga naging kliyente ang nagulat sa kanyang naging rebelasyon lalo pa at naipalabas pa sa national television iyon.

Napalingon silang lahat sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Dr. Recto, ang doctor na personal na nag-aasikaso sa kalagayan ni Dasher. Napatayo silang lahat nang makalapit ito.

"Kailan ho siya magigising, doc?" kabado niyang tanong sa doctor.

Dr. Recto glanced at Dasher then checked his record book. Then he shook his head. "I am still not certain as to when, Miss Plaza. We need to wait for his other test results."

"But he's been sleeping for three days now!" she almost hissed. She clasped her hands and tried to stop it from shaking. Napayuko siya at agad na kinagat ang kanyang mga labi. Even her lips were shaking from too much stress and fear.

Masuyong ngumiti ang doctor at tsaka siya hinawakan sa braso. "Everything's going to be alright," alo nito. "Anyway, I have to go. If something went wrong, please call me."

Tumango siya at magalang na nagpaalam dito. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pasimpleng tinginan ng magkakapatid na Claus. Mayamaya ay painot-inot na nagpaalam ang mga ito sa kanya, each with a sympathetic smile curved on his lips.

They were sensitive enough to leave her alone when she was about to break down. Nang maiwan siyang nag-iisa ay hindi niya maiwasang muling pagmasdan si Dasher. He was still sleeping. Ito na lang ang lagi niyang tinitignan—ang maamo nitong mukha, ang mapipilantik nitong mga pilik, ang kanyang Dasher. With shaking hands, she carefully held his hand.

"When are you waking up?" malungkot niyang bulong.

For the past three days, wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak sa tuwing pinagmamasdan niya si Dasher. She wanted to kick herself for letting something bad happen to Dasher. Ano ang mukhang maihaharap niya rito kapag nagising na ito?

"Ikaw kasi," hikbi niya. "Sana pinabayaan mo na lang ako. Sana hindi ka na lang dumating. Tignan mo tuloy iyang nangyari sa'yo. Ang tigas kasi ng ulo mo."

Ipinapangako niya sa kanyang sarili na sa oras na masiguro niyang nasa ligtas na kalagayan na si Dasher ay aalis na siya sa tabi nito at hindi na magpapakita pa rito kailanman. Inilabas niya ang isang puting papel na nasa bulsa ng suot niyang pantaloon.

It was her farewell letter for Dasher. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpapaalam na naman siya rito. Kung gaano kahirap niyang tinapos iyong naunang sulat niya three days ago ay dobleng hirap agng dinanas niya para lang tapusin ang sulat na hawak niya ngayon.

It was no turning back. Once she got out from his life, she would never go back into his arms again. Tama ang nauna niyang desisyon, kailangan niyang lumayo rito upang makalayo rin ito sa mga panganib na nakaamba sa buhay niya. Hindi niya kakayanin kung sakali mang may mas malala pang mangyari kay Dasher nang dahil lang sa kanya.

Dasher's second life was her last chance to save him. Hindi niya dapat sayangin iyon. She lifted her hand and touched his face. She lightly touched his closed eyes, his chiselled nose, his red lips. Napapikit siya. She would never forget his lips.

Oh, how she'd give up her own life just to be with him. Paano kaya kung tumigil na siya sa pagiging isang detective noon pa? Paano kaya kung nagkakilala sila sa ibang pagkakataon? Napamulat siya ng mga mata. Then she shook her head.

She wouldn't have met him if she's retired from being a detective. Maybe everything that's happened to them was fated—at wala na siyang magagawa pa roon. Maybe she was really destined to leave him. She wept harder. If loving him was hurting herself like hell, then so be it.

Handa siyang magtiis para sa kaligtasan ng lalaking pinakamamahal niya. Kahit pa ang kapalit niyon ay ang pagkamatay ng puso niya. She would do anything for Dasher...

...because she loved him, more than anyone in this world.