Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 19 - CHAPTER 19

Chapter 19 - CHAPTER 19

EVERYTHING happened too fast. Kanina lamang ay halos ubuhin siya dahil sa alikabok na iniwan ng humarurot na sasakyan ni Homer, ngayon naman ay para siyang estatwa, nakataas ang dalawang kamay sa ere at nakatitig sa isang lalaking nakatutok ang baril sa mukha niya.

"Huwag kang gagalaw kung ayaw mong mabutasan ang ulo mo," matigas na turan ng lalaking nakauniporme ng puti. He was obviously the guard on duty. Ilang sandali pa, bago pa man siya makasagot, ay nagsidatingan na ang mga kasamahan nito. One of the guards cautiously walked behind her and cuffed her hands on her back.

Hindi niya alam kung paano nangyaring napunta siya sa ganoong klase ng sitwasyon. She didn't know how to react. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nahuli siya. She was caught off guard. At hindi niya iyon mapaniwalaan. Bakit siya ang hinuhuli ng mga ito?

"What the hell is going on here?" dumagundong ang boses ni Dasher.

"Nahuli namin siya sir," sagot ng gwardiyang nasa likuran niya.

"Nahuli? At ano naman ang ginawa niya?" kunot-noong tanong ni Dasher.

"Binasag niya ang salamin sa kotse ni Miss Escueta," direktang sagot ng gwardiya.

Pinanlakihan siya ng mga mata habang si Victoria naman ay biglang napasinghap. Everybody's eyes automatically flew towards Victoria's car.

"N-no! Hindi ako ang may gawa niyan!" maigting niyang iling.

"Huwag ka nang magkaila miss. Ikaw lang ang nandito, alangan namang bigla na lang nabasag ang salamin ng kotse?" sarkastikong sagot ng isa pang gwardiya sa kanya.

"Nagsasabi ako ng totoo! Hindi ako ang—"

"Sige nga! Kung hindi ikaw ang may gawa, sino?" naghahamong tanong ng gwardiya.

Natigilan siya at hindi agad siya nakasagot. Dapat na ba niyang sabihin kay Dasher ang tungkol kay Homer? She looked around. No, hindi pwede. Nobody knew about Dasher's stalker.

"Kita mo na? Hindi ka makasagot," iling ng gwardiya. "Isa pa, nakita ka namin sa cctv camera. Ikaw man o hindi ang may gawa, kailangan mo pa ring maimbestigahan."

Natilihan siya. She couldn't be investigated! Malalaman ng mga ito na peke ang pagkatao ni Danica Mae Solis! Kinakabahang napatingin siya kay Dasher.

"It's okay. She's my secretary. Pag-uusapan na lang namin ang lahat ng nangyari. Would that be alright, Victoria?" malumanay na baling ni Dasher kay Victoria.

Victoria looked so stricken that she wasn't able to answer right away. Napansin niya rin ang panginginig ng mga tuhod nito. Napabuntong-hininga siya. Hindi naman niya ito masisisi, kahit sino namang mapunta sa ganoong sitwasyon ay matatakot talaga.

She was about to say something to comfort Victoria when another group of people swarmed around them. Ngunit sa pagkakatong iyon mas marami na ang pumalibot sa kanila. And the new group alarmed her even more—hindi dahil mas malalaking mga baril ang dala ng mga ito kundi dahil imbes na baril ay mga camera at mikropono ang humarap sa kanya.

Ano ang ginagawa ng mga reporters sa lugar na iyon? Paanong...napakurap siya. Oo nga pala, may media sa lugar dahil sa press-con kanina. Mariin siyang napapikit. Kung minamalas nga naman siya! Ngayon ay hindi na lang ang pagkukwestiyon ng mga pulis ang dapat niyang problemahin, pati ang sunud-sunod na pag-atake ng mga reporters.

"Mr. Claus, ano ho'ng nangyari?" masigasig na tanong ng isang reporter na nakilala niyang nagta-trabaho sa isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon ngayon.

"Mark, please stay out of this," Dasher sternly replied to the reporter.

Nagkislapan ang mga camera nang mapansin ng mga ito ang kotse ni Victoria. Sumunod siyang pinaliguan ng flash ng camera nang mapansin nilang nakaposas ang mga kamay niya. Hindi niya malaman kung paano niya magagawang takpan ang kanyang mukha. Napasinghap na lang siya nang biglang hubarin ni Dasher ang coat nito at itinalukbong iyon sa kanyang ulo.

"I said stay out of this!" sigaw ni Dasher sa harap ng mga reporter.

"Hindi ba't siya ang secretary mo?" walang habas na tanong ng isang babaeng reporter. "Bakit siya nakaposas? Siya ba ang dahilan kung bakit basag ang salamin sa kotse ni Ms. Escueta?" Then the woman turned to Victoria. "Tama ba, Ms. Escueta?"

Imbes na sumagot ay napaiyak lamang ang aktres. Muling nagkislapan ang mga camera. Nagkaroon ng iba't ibang pahayag ang bawat reporters sa harap ng kani-kanilang mga camera.

"Miss Solis, kailangan mong sumama sa amin sa presinto."

Lalong nagkislapan ang mga camera nang lapitan siya ng mga pulis at iginaya sa patrol car na dala ng mga ito. Wala ng nagawa si Dasher kundi ang sumunod na lang sa presinto.

"I BELIEVE you sweetie."

It was all that mattered to her—Dasher believed her. Pagdudahan na siya ng lahat, huwag lang ito. Napabuntong-hininga siya. Iginala niya ang kanyang paningin sa lugar kung saan siya naroroon. She was at an investigation room—alone.

Katatapos lang siyang tanungin ng mga pulis hinggil sa tunay na nangyari. She was still cuffed, lamang ay hindi na nasa likod ang mga kamay niya. Sinubukan siyang tanungin ng mga pulis kung ano ang tunay na nangyari ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig. Sinabi niyang hindi siya magsasalita hangga't hindi niya nakakausap ang kanyang abogado. But she knew better, hindi abogado ang gusto niyang makausap kundi si Dasher mismo.

"Dasher!" bulalas niya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang lalaking kanina niya pa gustong makausap. "I've been dying to talk to you. Pinipilit nila akong magsalita ngunit ikaw ang naiisip ko. Ikaw at ang sitwasyon mo. Ano'ng gagawin ko?"

Dasher sighed. "Calm down," he urged. Lumapit ito upang umupo sa bakanteng upuang nasa harap niya. "Tell me everything that had happened."

"Homer is your stalker," diretsong sagot niya. Isinalaysay niya ang bawat detalyeng naganap sa engkwentrong kinasangkutan nila ni Homer nang sundan niya ito sa parking lot. "Kahit ako ay hindi makapaniwalang siya ang stalker mo," she shook her head.

"How could he be my stalker? Wala akong natatandaang nagkaroon kami ng alitan o ng kung ano pa man," bulalas ni Dasher. "I still can't believe this."

"Ako man ay hindi makapag-isip ng dahilan. We have to talk to him. Gusto niya akong isama para raw makapag-usap kami pero—"

"He's gone," agap ni Dasher sa iba pa niyang sasabihin. "He couldn't be found."

Nanghina siya sa narinig. "He was about to tell me something," she whispered. "Paano na 'to? Paano na tayo? Paano ka na?" natatarantang untag niya rito.

"Ano'ng ibig mong sabihing paano na ako? Bakit ako pa ang inaalala mo imbes na ikaw? Look at you. Nakaposas ka rito na para bang isa kang kriminal," naiiritang angil nito. "I have to get you out of this mess," mariing wika pa nito.

"But how? Ang tanging paraang maaari mong gawin upang mailabas ako rito ay..." Pinanlakihan siya ng mga mata nang mapagtanto ang nais nitong gawin. "No! Hindi mo pwedeng sabihin sa lahat ang tungkol sa stalker mo. Dasher, masyado ng magulo ang sitwasyon dahil sa mga reporters na nasa labas. Alam kong hindi ka sanay sa—"

"Mas hindi ako sanay na nakikita kang ganyan!" sikmat nito. "Sa tingin mo ba ay mas importante sa'kin ang privacy ko kesa sa kaligtasan mo? Kapag hindi ko sinabi ang tungkol sa stalker ko ay tiyak na bubusisiin ng lahat ang pagkatao mo. And then everybody will know about Mystique Agent. Mas lalo ka lang mapapahamak."

Napipilan siya at hindi makahumang napatitig dito. He held her cuffed hands and softly kissed her knuckles. His eyes captured her wary eyes.

"Huwag ako ang isipin mo. I can take care of myself. Ikaw ang gusto kong isipin sa pagkakataong ito. Wala na akong pakialam sa stalker ko dahil ikaw na ang mahalaga ngayon sa buhay ko. Isa pa, alam na nating si Homer ang stalker ko, diba? So everything is settled. Wala na tayong dapat pang isipin dahil natitiyak kong tapos na ang lahat," paliwanag nito.

Nang mga panahong iyon ay hindi na niya napigilang maiyak. She couldn't help it. Masyadong nag-uumapaw ang tuwa at pagmamahal sa puso niya habang tinititigan niya ang matiim na tingin nito. Nobody has ever cared for her like that except her father. Maliban sa kanyang am, wala pang ibang taong naging handang ibuwis ang buhay nito para sa kanya.

She's never been weak in front of a man. She's never been a woman, in front of anyone—espcially a man like him. Suddenly, she felt naked in front of him. Hindi dahil makamundo ang klase ng tinging ipinupukol ni Dasher sa kanya kundi dahil nahubaran ang maskarang nakatabing sa kanyang pagkatao. For in front of him, she was a woman—a woman who, just like other women, has fears, has flaws and needs a man to save her from distress.

She didn't believe in damsels in distress. Ayaw na ayaw niya iyong nagmumukhang kawawa ang mga babae sa harap ng mga lalaki. Ayaw tanggapin ng utak niya na kaya lang nagkaroon ng Happy-Ever-After sina Cinderella, Snow White at Rapuzel ay dahil sa tulong ng mga prinsipe nila. But at that moment, she had admitted to herself that indeed—at some point in her life, she wasn't strong. May kahinaan din siya—ito mismo.

She was as strong as a superhero, she was never afraid of anything when it came to herself, but with Dasher, she was weak. She was human—a woman who needs a man. Dasher was her kryptonite. She bit her lip and stared at him with misty eyes. She loved him. Noon niya napagtanto na mahal na niya ito. She has fallen madly and deeply in loved with him!

He gently wiped away her tears. "Don't cry. Don't worry, sweetie. Everything will be alright." Niyakap siya nito ng mahigpit. "I already told the police everything. Sinabi ko na ang tungkol sa stalker ko. That you had nothing to do with what happened to Victoria's car."

"Pero paano maniniwala ang mga pulis sa'yo?" Her brows furrowed. "Paniniwalaan ka lang nila kung sasabihin mong inupahan mo ako bilang isang..." Natigilan siya. "D-did you..."

"Of course not! Hindi ako baliw para ipahamak ka pang lalo," iling nito.

Nakahinga siya ng maluwag. Magkakagulo lang lalo kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa kanyang pagkatao. Her father was with the police force too, kaya malamang na kapag nalaman ng mga pulis ang tunay niyang pangalan ay maikonekta iyon sa kanyang yumaong ama.

"Kinausap mo na ba si Victoria? Did you explain everything to her? Ano'ng sabi niya?"

"She understood. In fact, siya mismo ang nagsabi sa mga pulis na hindi siya magsasampa ng kaso sa'yo. Kaaalis lang niya para umuwi at magpahinga. And about Homer, ako na ang bahala sa kanya," sagot nito. "We can't still find him though."

"Hindi siya nakapagpaliwanag kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon. Nagmamadali kasi siyang umalis kanina," malungkot niyang wika.

"It's okay. We'll find him. Pero sa ngayon ay kailangan muna kitang mailabas dito. Any moment now, papasok na si Officer Rivera para alisin ang posas mo."

Nasa ganoon silang posisyon nang biglang bumukas ang pinto. Pareho silang natigilan nang imbes na si Officer Rivera lang ang pumasok ay may mga kasama pa itong mga pulis.

Nagkatinginan sila ni Dasher. "W-what's wrong?" kinakabahang tanong niya. Just by looking at those police officer's eyes, she already knew that something was wrong.

"Patay na si Victoria Escueta," anunsyo ni Officer Rivera.

Napasinghap siya. "A-Ano'ng ibig ninyong sabihin?"

"Nawalan ng preno ang kotseng minamaneho niya habang pauwi siya. Pasensya na kayo Mr. Claus ngunit hindi namin maaaring palabasin si Miss Solis hangga't hindi niya sinasabi ang tunay na nangyari sa parking lot. Kailangan niya ring ipaliwanag kung bakit siya naroroon at kung bakit hindi nakuhanan sa CCTV camera ang buong pangyayari."

Hindi na nakaimik si Dasher. Humigipit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Pilit siyang ngumiti rito. Ayaw niya itong mag-alala pa sa kanya.

"I'll be f-fine," masuyo niyang sabi kay Dasher kahit na ang totoo ay nanginginig na siya sa takot. Sana nga ay maging okay siya kahit pa alam niyang mabubunyag na ang itinatago niyang lihim sa kanyang pagkatao. Mariin siyang napapapikit.

"Daddy, what would happen to me now?" piping sambit ng isip niya.

_________________________

SA LOOB ng anim na oras ay napakarami nang nangyari. Her life felt like a roller coaster ride. Nanghihinang napatitig siya sa kanyang replica sa salaming kaharap niya. She was at the police station's comfort room, stupidly staring back at her miserable face.

Hindi niya inakala na darating ang panahong mabubunyag ang pinakaiingatan niyang lihim na pagkatao. She was back at being Donnie Marie. No disguise, just her plain self that other people seldom see. Hindi na siya makakabalik sa dating buhay niya.

Mystique Agent would be ruined forever. Her agency and secret identity have been out in the open—her life was in danger. Natitiyak niyang lahat ng may nasagasaan niya dati ay maghihiganti sa kanya. Her father's legacy would be gone—forever. And it was all her fault.

She clenched her fists. Parang ayaw na tuloy niyang lumabas sa restroom na iyon. Ayaw niyang makaharap ang mga taong kanina pa naghihintay sa kanya sa labas—mga pulis para kwestyunin siya, mga taga-media para kuhanan siya ng panayam at mga usisero't usisera. Nasapo niya ang kanyang ulo. Ano ba'ng klaseng gulo ang kinasangkutan niya?

Kung alam lang niya, sana ay...

Napailing siya. No, hindi niya maaaring pagsisihan ang mga nangyari dahil kundi dahil sa kasunduang iyon ay hindi niya makikilala si Dasher. Amidst those troubles she was facing, there was still a light of hope for her for in those troubles, she found love and her true self.

Sapat na iyon upang maging matapang siya para harapin ang buhay na nakatakda para sa kanya. Unti-unti siyang napangiti. Hangga't mayroon si Dasher sa tabi niya, magagawa niya ang lahat. Ngunit may isang bagay na gumugulo sa isip niya. What happened to Victoria? Bakit humantong sa pagkamatay nito ang pageseselos ni Homer?

When she discovered Homer, he could've killed her or injured her right away. The CCTV camera was blocked, he was taller and stronger than her. Kaya bakit hinayaan siya nitong basta na lang makawala kahit na alam na niya ang lihim nito bilang stalker ni Dasher? Something didn't fit. May mali. Hindi niya nga lang alam kung ano.

If there was only a way she could do to talk to Homer. The police knew about Homer, kaya batid niyang nagtatago na ito dahil ito ang prime suspect sa pagkamatay ni Victoria. And until Homer was found, she would be under police custody. Tanging ang kwento niya lang ang pinanghahawakan ng mga pulis sa ngayon—her and Dasher's words.

Dasher managed to secure a lawyer for her, kaya naman pinayagan na siyang makaalis ng mga pulis pansamantala, sa kondisyong kailangang mamonitor ng mga pulis ang kinaroroonan niya. She just turned into a star witness, while Homer was the suspect.

"Are you ready?" katok ni Dasher sa pinto.

She heaved a heavy sigh. "Y-yes."

Pinasadahan niya muna ang kanyang hitsura sa salamin bago tinungo ang pinto upang buksan iyon. When Dasher saw him, he sucked his breath and then smiled at her.

"Hi," he crooned. "It's nice to finally meet you, Donnie Marie," anito sabay abot ng kanang kamay nito sa kanya. Sa kabila ng lahat ay nagawa niyang mapangiti.

"Hello, it's nice to meet you too," sagot niya. She took his hand. Marahan nitong pinisil ang kanyang kamay. She knew what he meant by that—he was on her side.

"Let's go?" masuyo nitong tanong.

Tumango siya. Habang naglalakad sila palabas ng presinto ay humihigpit ang hawak niya sa kamay nito. Nagulat siya nang bigla itong tumigil sa paglalakad. Binitiwan nito ang kamay niya. She was about to protest when his arm suddenly snaked around her shoulders.

"I will protect you, pangako," he whispered.

She hugged him. Sobra sobra na para sa kanya ang ginawa nitong pag-akbay sa kanya. Whatever happened, gagawin niya ang lahat malutas lang ang gulong kinasangkutan nila. She would find Homer, she would clear everything. Hindi lang para sa sarili niya kundi para na rin sa pagkamatay ni Victoria Escueta—at sa ikatatahimik ng konsiyensya ni Dasher.