SHE STIFFENED. How in the hell would she explain everything to him? Tiyak na magwawala ito sa galit kapag nalaman nitong siya ang nasa harap nito at hindi ang stalker nito. Sangkatutak na eksplanasyon ang kailangan para lang mapahupa ang galit nito—to which she didn't have time for now. She needed to run after that stupid stalker!
Pero paano niya ito matatakasan? She nervously bit her lip as she stared at Dasher. She silently cursed. Pumalpak na naman siya! Nagawa na nga niyang mapakawalan ang stalker nito ay nagawa niya pang magpahuli rito. She took a deep breath. Kailangan niyang makapag-isip ng paraan para makatakas dito. Kung hindi ay malilintikan siya. He would surely throw a fit.
Magmamaktol na naman ito dahil hindi niya sinabi rito ang tungkol sa bugged gadgets nito, sa pagpunta niya sa condo nito ng walang paalam at tiyak na magwawala ito kapag nalaman nitong nakipagbugbugan siya sa stalker nito. Mabilis niyang itinago ang kanyang kamay sa kanyang likuran. Ayaw niyang makita nito ang sugat niya. Maliit lang naman iyon ngunit dahil fresh pa ay nagdurugo pa iyon.
"I will never let you go," mariing banta ni Dasher habang nakatingin ng masama sa kanya. Napalunok siya. Hindi siya makasagot dito dahil natitiyak niyang mabobosesan siya nito kapag nagsalita siya. Dahil sa pananahimik niya kaya mas lalo itong nainis.
Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong humakbang palapit sa kanya—papasok sa condo—at isinara pa ang pinto! Hel be damned! But she only have two ways to go—sa kanan o kaliwa. Handa siyang makipagpatintero makatakas lang siya rito. She chanced on running on his left but he was faster than her. He caught her arm just as she was about to run for the door.
For a few minutes, they stayed like that—siya, nakatalikod dito habang ito naman ay nakahawak ng mahigpit sa braso niya. She didn't try to jerk his hand away but she didn't make a move either. Napasinghap na lang siya nang bigla siya nitong yakapin mula sa likod. Her back pressed onto his chest, she could almost feel his heart beat right behind her.
"Who are you?" mapanganib nitong bulong.
Nanayo ang mga balahibo niya sa batok nang maramdaman niya ang mainit nitong hiningang tila nanunudyong tumatama sa kanyang batok. Her breath became rough. His effect on her was too strong that she felt like her whole body shut down—from too much hotness.
Biglang sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanila kanina sa kwarto nito kahapon. How his hot, wet, soft and sweet lips travelled down her throbbing throat. How her body reacted at his every touch. Napapikit siya. She could feel her defense breaking down. Ipinapanalangin niyang magkaroon ng himala at bigla nga siya nitong bitiwan.
But did she really want him to let her go? Napamulagat siya nang maramdaman niya ang pagdaiti ng mainit na labi nito sa leeg niya. Then he sniffed her—again! Just like before.
"I would never forget your scent, sweetie. This is like a drug for me," he whispered in a very hoarse voice. He sniffed her neck, once more. When he grazed his wet lips on her neck, her breath came short. "What the hell are you doing to me, Donnie Marie?" he asked in between his wet and wild kisses on her throbbing neck. "Hindi mo kailangang magsinungaling. With just one look, I could already tell that it's you. With just one touch, I could already feel my body burning like this. My body knows your body. Your sweet scent would never lie."
"B-bitiwan mo ako," she answered in a querky voice. Naramdaman niya ang pagngisi nito mula sa kanyang leeg nang marinig nito ang walang pagdiriing utos niya.
"Alam kong ayaw mo talagang bitiwan kita," deklara nito.
Muli siyang napapikit. When he kissed her inside his room, she was able to get away from him. Malaking pagpapasalamat niya nang matigil ang muntik nang maganap sa kanila. But deep inside her, batid niyang hindi lubos ang pagpapasalamat niyang iyon. Because she wanted him too. At the back of her mind, she knew that what might happen was inevitable.
"You could feel it too, right?" bulong ni Dasher.
She gasped when he slowly shoved his hips closer to her body. The way he spooned her from behind felt so intimate...and erotic. Napapikit siya nang maramdaman niya ang bagay na "iyon" sa mismong likuran niya. "It's gonna happen tonight!" freaked her mind. She didn't want him to stop but she has to stop him. Kung ayaw niyang magsisisi habang buhay dahil sa isang bagay na alam niyang isang malaking pagkakamali lamang.
"L-let me go..." she pleaded.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya nang marahan nitong kalasin ang pagkakayakap sa kanya. When he let her go, she must be relieved, right? Pero bakit parang nanghihinayang pa siya dahil binitiwan na lang siya nito agad?
"Why are you here?" tanong ni Dasher. His eyes were blazing like fire but she couldn't tell if it was because of desire or frustration. "Tell me everything," he demanded.
"M-marami akong natuklasan dito sa condo mo. Your phones and laptop were bugged."
Napayuko siya nang bigla itong napamura. Padabog itong naglakad palabas ng kusina at nagtungo sa sala. "Bugged? And yet, you never told me about this?" sigaw nito.
Sumunod siya rito. "It's because I knew you'd throw a fit. Just like this!" rason niya.
"Of course I'd throw a fit! Hindi mo sinabi sa'kin ang development ng kaso. Tapos itinago mo pa sa'kin ang katotohanan na mas delikado pala ang stalker ko. Kung hindi ko pa naisipang magpalit ng damit bago pumunta sa bahay mo eh baka hindi ko pa nalaman ang tungkol dito. My God, Donnie Marie. I wanted to wring your sexy neck right now."
"P-pupunta ka dapat sa bahay?" kunot-noong tanong niya. "Why?"
Unti-unti itong kumalma. "Because you suddenly didn't show up at work. Pinatayan mo pa ako ng cellphone."
"At alam mo kung saan ako nakatira?" Nang hindi ito agad nakasagot ay agad na naningkit ang mga mata niya. "Pina-imbestigahan mo nga ako!" galit na akusa niya.
"H-hey! Hindi iyan ang issue rito. Ang dapat na—"
Hindi na niya ito pinatapos magsalita. Itinulak niya ito palayo bago siya pumihit patalikod. Aalis na siya kesa naman makipag-away pa rito. Ngunit agad siya nitong napigilan.
"Bakit ka nagagalit? Sinabi ko naman dati pa na paiimbestigahan talaga kita ah? Isa pa, napaimbestiga na kita bago pa man tayo naging malapit sa isa't isa. Eh ikaw, nagawa mong maglihim sa'kin kahit pa alam mong dapat na malaman ko ang katotohanan. Aren't you being unfair here?" sunud-sunod na reklamo nito. "I should be the one acting angry here, not you!"
Natigilan siya. He was right. Kung may kasalanan ito, meron din naman siya.
Umupo ito sa sofa. "Come and sit with me," yakag nito. Pnagpag nito ang espasyo sa tabi nito. "Then tell everything."
"C-can I change first? Medyo masikip ang suot ko ngayon." At pakiramdam niya ay hubad na ang tingin ni Dasher sa kanya. Halos parang second skin na kasi niya iyong coveralls.
"No. Mas magandang makipag-usap kung ganyan kaganda ang suot ng kausap ko," ngisi nito. Nang mapasimangot siya ay bigla itong natawa. "Where are your clothes anyway?"
"Nasa labas," irap niya. "Doon sa likod ng halamanan mo. Itinago ko."
Napailing ito. "Just like what you did when you first ran away from me, huh?"
"That's my style," ngisi niya. "Sige, magpapalit muna ako." Paalis na siya nang bigla siyang matigilan. Nahihiyang napalingon siya rito. Then she blushed.
"What?" kunot-noong tanong nito nang mapansing nakatitig siya rito.
Nahihiyang napakamot siya sa ulo. "A-actually, nasira iyong zipper ng suot kong coverall kanina dahil sa pagmamadali ko. I used to wear this alone pero dahil nga nasira yung zipper, mahihirapan akong ibaba yung zipper sa likod. C-can you help me with it?"
"Y-you want me to..." Napalunok ito at napatitig sa katawan niya.
"H-hey! Ibababa mo lang naman iyong zipper, kapag medyo abot ko na, ako na ang bahala," she snapped at him. Napangisi ito. Nakasimangot na lumapit siya rito at tumalikod. "B-basta ibaba mo lang iyong zipper. Huwag nang masyadong maba—"
"I know, sweetie. Para namang sisirain ko itong damit mo at huhubaran kita. Not that I didn't think about doing it," nakakalokong sabi nio.
Pigil ang hiningang hinintay niya ang pagbababa nito ng zipper. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Her heart pounded like crazy. She started shivering too. "H-huwag na lang kaya—" napatigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang mapasinghap. "D-Dasher..."
"Relax," he hushed.
How could she relax when he was touching her like that? Napapikit siya nang nanunudyong dumantay ang kamay nito sa balikat niya. She could feel his hot breath all over her nape. Biglang nanayo ang mga balahibo niya sa batok. He was standing too close.
Napakagat-labi siya nang magsimula itong ibaba ang zipper ng overall niya. When cold air touched her bare back, her skin automatically pebbled. She cursed under her breath. Damn! He was torturing her. Bakit ba ang bagal nitong ibaba—Bigla siyang napamulagat nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong mga labi sa likod niyang na-expose na.
"D-Dasher..." she shrieked when his hot lips started moving.
Mainit, masuyo, mabagal, nanghihimok, nanunudyo. Pinaliguan nito ng mumunti ngunit maiinit na mga halik ang kanyang likuran. Hindi siya nakasuot ng bra dahil may foam na iyong suot niyang coverall. Habang paunti-unti nitong ibinababa ang zipper ay sinusundan naman nito ng halik ang bawat dinaraanan niyon.
He kissed her skin like he was kissing her lips. Was that even possible? Napaungol siya nang marahan nitong kinagat ang likod niya. Then he sucked oh so sweetly. Napatingala siya habang nakapikit pa rin at umuungol. Damn, he knew how to tease!
"What's this?" bigla nitong naitanong. Napatigil siya sa pag-ungol nang bigla rin itong tumigil sa paghalik. "Bakit may pasa ka rito sa tagiliran mo?" he growled.
Her eyes sprang open. Uh-oh. Lagot na. He would throw another fit—a more dangerous fit—kapag nalaman nitong nakipagbakbakan siya sa stalker nito.
----------
"TINATANONG kita kaya sumagot ka ng maayos. Bakit ka may pasa?" nagbabantang ulit ni Dasher. Pinihit siya nito paharap. Napasinghap siya nang bigla nitong hablutin ang kamay niya. "May sugat ka!" bulalas nito. Sunud-sunod itong napamura. "Dammit, Donnie Marie! Ano ba talaga'ng nangyari? Bakit ang dami mong pasa?"
"G-galing dito kanina iyong stalker mo. And w-we had a fight. S-sorry kung hindi ko siya nahuli. Mabilis siyang nakatakas eh. T-tapos bigla ka pang dumating," she explained.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at tsaka marahang niyugyog. "Wala akong pakialam sa stalker ko! You could've been killed, you idiot!"
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay bigla siya nitong niyakap. Mahigpit na mahigpit. Hindi siya agad nakapagsalita dahil sa matinding pagkagulat.
"Bloody hell! Don't you ever do this again. Huwag mong ipapahamak ang sarili mo para lang sa iba. Promise me, sweetie," nagmamakaawang bulong nito.
She blinked. She opened her mouth but couldn't speak. She found it hard to breathe. She's never felt that kind of strange feeling since her father died. Simula kasi nang mawala ang daddy niya ay wala nang iba pang nag-alala sa kanya ng ganoon. Kaya ngayong yakap siya nito at sinasabihang ingatan ang kanyang sarili ay hindi niya napigilang maging emosyonal.
"You have to be safe. Kailangan ko pa bang ipaalala sa'yo na hindi ka si Superwoman para makaya mong labanan ang lahat? Oo, magaling kang mag-imbestiga pero hindi ibig sabihin nu'n ay kaya mo ng makipagbakbakan sa lahat. You could've been hurt. Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa'kin kapag nalaman kong nasaktan ka? I will go crazy, sweetie."
Hindi na napigilan ng luha niya ang pagbalong nang marinig niya ang mga tinuran nito. Hearing him say those words made her feel...Napapikit siya. No words could ever describe what she felt at that moment. Ang alam niya lang ay parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang saya. Whenever she tried to breathe, tears poured more from her eyes. He cared for her.
"B-but this is my job," she whispered. "I have to capture your stalker, right?"
"You don't have to risk your life for my stalker. You're far more than important than her."
A smile slowly curved her lips. "Risking my life is part of my work, Dasher."
"You don't have to do that for me. Not anymore."
Natigilan siya. "W-what?"
"I am calling the police."
Bigla niya itong naitulak palayo. "What do you mean?"
"It means that I am cutting you off from this case. Hindi mo na kailangang hulihin ang stalker ko. You don't have to risk your life again," seryosong sabi nito.
Suddenly, all the heavenly feeling she felt when he showed how much he cared for her collapsed—right in front of her. "Y-you're cutting me off?"
"I'm doing this for you, sweetie. I'm—"
"You don't trust me," mabigat sa loob na iling niya. "You never did!" akusa niya.
"Of course I trust you!" giit nito. "You are the only woman I've ever trusted. Alam mo iyan. Kaya nga napakahalaga mo sa'kin. But didn't even it occur to you that it's not you who I don't trust?" Napasabunot ito sa sarili nitong buhok. "I don't trust my stalker. What if something bad happened to you? Hindi ko kakayanin iyon. Can't you understand that?"
Napatitig siya sa mga mata nito. That instant, she was lost into his pleading blue eyes. Painot-inot itong naglakad palapit sa kanya. He held her hands and stared at her misty eyes as if he wanted to embrace her soul. Marahan nitong pinisil ang nanlalamig niyang mga kamay.
"I'm begging you, Donnie Marie, please always stay safe for me. Ayokong mabaliw kapag nawala ka sa buhay ko. Hindi ko kakayanin iyon," he pleaded.
"Why are you doing this to me?" nalilitong tanong niya.
"What are you doing to me? I've never been this scared in my whole life. Lahat ng mga hindi ko dating ginagawa, nagagawa ko nang dahil sa'yo. You made me trust again. You made me come to you and swallow my pride. You almost made my heart bleed for scaring me like this. You make my heart beat fast as if I had been running for a million miles. I don't know."
"A-are you confessing to me right now?"