DONNIE MARIE stared at the letter in front of her. Nasa pulang papel iyon. Pula rin ang envelope at napapalibutan ng iba't ibang kulay na bulaklak. All in all, magandang tignan iyong sulat. Dangan lamang ay natitiyak niyang hindi kasing kaaya-aya ng panlabas na anyo niyon ang nakapaloob na mensahe, base na rin sa nakikita niyang pagkayamot sa mukha ni Dasher. Kinuha niya ang sulat mula sa ibabaw ng mesa at tsaka binasa ng malakas ang laman niyon.
"You are mine. Only mine. I love you so much I could die," basa niya sa mensahe. Napailing siya at napatigil sa pagbabasa. "It sounds too possessive," komento niya bago ipinagpatuloy ang pagbabasa. "You looked great yesterday. You really look good on green. Nakakatunaw ng puso ang ngiti mo kahapon pero hindi ko nagustuhan ang dahilan ng naging pagngiti mo. Someday, I'm gonna be the reason for your smile. I love you, Dasher. FOREVER."
Marahan niyang ibinaba ang hawak na sulat bago muling bumaling kay Dasher. "Alam mo, malala na itong stalker mo. Delikado na ang isang ito," iling niya.
The stalker knew everything that Dasher went to. Pati ang suot at mga kasama ni Dasher, alam ng stalker nito. Natigilan siya at muling binasa ang nasa sulat. Then she realized something.
"H-hindi niya nagustuhan ang naging pagngiti mo kahapon. It sounded like a threat. Ano'ng ibig niyang sabihin?" kinakabahang tanong niya.
Dasher sighed. Mayamaya ay naglabas ito ng tatlo pang sulat. Nanlaki ang mga mata niya. "Ang sulat na binasa mo ay ang una kong natanggap. I received that last night. Ngunit may ipinadala ulit siya kaninang umaga. I've received a total of five letters just for today. Ito ang kauna-unahang pagkakataong tinambakan niya ako ng sulat."
Napailing siya. They were at Dasher's condo. Pinapunta siya roon ng binata dahil sa nakababahalang mga sulat na natanggap nito. Sa nanginginig na kamay ay kinuha niya ang mga sulat na inilapag ni Dasher sa ibabaw ng mesa. Isa isa niyang binasa ang laman ng mga iyon. Nang matapos niyang basahin ang lahat ay nanghihinang napabaling siya kay Dasher.
"A-ako ang tinutukoy niya sa sulat!" bulalas niya.
Dasher nodded. "Kaya nga ipinatawag kita."
"Bakit niya nasabi na—" natutop niya ang bibig. "Nakita niya ba tayo sa loob ng kotse mo?" Pinamulahan siya ng mukha. Then she sighed. "Hindi malayong makatanggap din ako ng threat. But don't worry, kaya ko naman ang sarili ko. I know self-defense kaya—"
"Kailan mo ba mahuhuli iyan?" iritadong sikmat nito.
Dalawang araw na ang ginugol niya sa pagbabasa ng profile, schedules at activities ng mga taong ini-imbestigahan niya na pinaghihinalaan niyang stalker. She's gathered informations about Krisstine, Dakila and Juliet—mga main suspect niya.
Iyong ibang nadagdag sa listahan niya ay agad ring naalis sa checklist niya dahil nakitaan niya agad ang mga ito ng loopholes. Iyong tatlo lang talaga ang consistent sa pagiging kaduda-duda lalo't pare-parehong may gusto ang mga ito kay Dasher.
"I'm trying my best. Hindi ko nga lang na-anticipate na madadamay ako sa pagseselos ng stalker mo. Kasalanan mo ito eh! Kung hindi mo ba kasi sana ako nilalandi, eh 'di sana walang kumplikasyon! Baka masira pa ang plano ko nang dahil sa kapabayaan mo."
"Ano'ng plano iyon?" kunot-noong untag nito.
"We are going to attend the press-con the day after tomorrow, right? Magkakaroon ako ng chance na kausapin iyong tatlong suspect ko. Magmamasid na rin ako sa mga taong dadalo. I have the list of all the invited guests, madali ko na lang mapag-aaralan ang sitwasyon. Kilala ko rin ang lahat ng nasa listahan dahil napag-aralan ko na kagabi ang mga profile nila."
"Malakas ang kutob kong aatake ang stalker mo bukas. Marami siyang pagkakataon para malapitan ka. Magkakaroon din siya ng chance para malapitan ako."
"Talaga ba'ng ipapain mo ang sarili mo?" hindi makapaniwalang iling nito.
"Look, we rarely have this kind of chance. We have to use this!" giit niya. "May CCTV camera ba ang condo mo kung saan makikita ang mga taong pumapasok at lumalabas dito?"
"Syempre meron, bakit?"
"Pwede ba tayong makakuha ng kopya ng footage mula kahapon bago ka pa umalis para sa kasal na dinaluhan natin hanggang sa makauwi ka?"
Saglit itong nag-isip. "Mahihirapan akong humingi ng kopya lalo na't hindi naman official ang imbestigasyong isinasagawa mo but I think, I could do something about it."
"Good. Hihingi rin sana ako ng kopya ng footage ng CCTV camera sa opisina mo. Hihiramin ko rin ang lahat ng sulat na ibinigay sa'yo ng stalker mo." Napalinga siya sa paligid. She slightly squinted her eyes as she surveyed his condo.
"Do you want something to drink?" alok nito.
"Orange juice would be fine," sagot niya.
"Sandali lang at ikukuha kita."
Nang tumayo ito upang kumuha ng juice sa kusina ay marahan siyang tumayo. Binistahan niya ang buong paligid. Mula sa mga mamahaling paintings na nakasabit sa dingding hanggang sa mga maliliit na halamang nasa may malapit sa bintana.
She carefully examined the place. Iniangat niya ang mga halaman at sinilip ang ilalim niyon. Sinilip niya rin ang likuran ng mga paintings. Lahat ng gamit na madaanan niya patungo sa teleponong nasa pinaadulong bahagi ng sala ay sinuyod niya ng tingin. Binususi niya ang lahat ng mga kagamitang naroon. Napatigil siya sa mga larawang nasa tabi ng telepono.
Larawan iyon ng siyam na magkakapatid na Claus. Nakasuot ang mga ito ng Santa Claus hat, naka-santa pants and boots pero naka-topless atmay suot pang ribbon sa mga leeg. They must be having fun. Nasa background kasi ng picture ang maraming pagkain, nagkalat na beer at mga regalo. It must be their birthday, Chistmas Eve. Wala si Sebastian sa larawan, figured. Kaya pala ang sayang tignan ng magkakapatid. The picture looked perfect. Punung-puno ng buhay.
"We took that picture last year." Napalingon sa kanyang tabi nang biglang sumulpot si Dasher. Nakangiting inabot nito ang isang baso ng grape juice sa kanya. "It was our birthday."
"It's cute," ngiti niya matapos abutin iyong isang basong juice. "You look happy."
He responded with a short shrug and a bright smile. "May tatawagan ka ba?" tanong nito matapos napatingin sa telepono na nasa harap niya.
"Wala. May titignan lang ako," iling niya. Marahan niyang inangat ang awditibo ng telepono at pinakinggan ang dial-tone niyon. Ilang segundo rin niyang pinakinggan iyon bago niya ibinalik sa cradle. "Dati na bang ganito ang ayos ng condo mo?" tanong niya matapos abutin ang isang baso ng juice mula rito.
"Wala namang ibang pumapasok sa condo ko kundi ang girl-friday ko. Hindi ginagalaw ni Aling Meling ang mga gamit ko rito dahil alam niyang magagalit ako. Why?"
"Just asking," she shrugged. "May duplicate key ka ba sa susi ng condo mo? Nasaan? Don't tell me, may susi ka sa ilalim ng halamang nasa labas ng bahay mo?"
Tumawa ito. "Wala ano? It's in my office. Nasa drawer ko. Why?"
"Can I see your room?"
He arched a brow. But after a minute, he grinned...lavisciously. Pinamulahan siya ng mukha nang marealize na binigyan nito ng kulay ang inosenteng pagtatanong niya. Ang bruho!
"Y-you stop it!" sikmat niya. "M-may titignan lang naman ako."
"You can always come inside my room. Kahit kelan mo pa gusto," nakangising muwestra nito sa daan patungo sa kwarto nito. After giving him a glare, she snorted her way through his room. "Hindi ka ba kakain man lang muna bago ka dumiretso dito sa kwarto ko? Kasi kapag pumasok na tayo rito, baka mahirapan na tayong makalabas agad at—"
Inis na siniko niya ito sa tagiliran. "Tumigil ka nga, pwede ba? Hindi ako papasok sa kwarto mo para makipaglandian sa'yo. May titignan lang akong importante," ingos niya.
Natatawang napataas ito ng dalawang kamay. "Oo na. Ikaw naman, hindi na mabiro."
"Kung magbibiro ka kasi, iyong hindi lang ikaw ang matatawa!"
Napakamot ito sa ulo. "Ang sungit naman nito. May red tide ka ba?"
Pinanliitan niya ito ng mga mata. "Sabihin mo lang kung gusto mo ng mamatay."
"Kung mamamatay ako sa sarap, handa akong magbuwis ng buhay ngayon din."
Napailing siya. "Ewan ko sa'yong baliw ka."
Nagpatiuna na siyang pumasok sa kwarto nito. Pagkapasok ay agad niyang iginala ang kanyang mga mata sa paligid. Lahat ng nasa loob ay blue. Ang kobre-kama nito, ang kurtina, kahit iyong ibang mga gamit na nasa loob ay blue. Napakasimple ng silid. Mahahalatang isang busy na tao ang umuukupa doon dahil kakaunti lang ang gamit. Bukod sa isang bedside table, isang sofa, cabinet at maliit na mesa ay wala ng naroon.
Kagaya ng ginawa niya kanina, lahat ng gamit na nadaanan niya ay ini-inspeksyun niya—mula sa picture frames, paintings na nasa dingding, cabinet, sofa at mesa. When she eyed his telephone, she swallowed. Kinakabahang inangat niya ang awdatibo at itinapat iyon sa tenga niya. When she heard that buzzing sound again, she closed her eyes.
"What are you doing? Kung tatawag ka lang pala, bakit hindi ka na lang tumawag sa telepono sa sala kanina?" tanong ni Dasher na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kanya.
Marahan niyang ibinaba ang awdatibo at tsaka hinarap ito. "May computer ka ba rito?"
Kumunot ang noo nito. "Wala. But I have a laptop."
Naglakad ito palapit sa isang cabinet at kinuha mula roon ang isang itim na bag. Mayamaya'y umupo ito sa ibabaw ng kama at binuksan iyon. Inilabas nito ang isang mamahaling laptop. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito. When she sat beside him, she felt him tense, kaya nagtatakang napalingon siya rito.
Napalunok siya nang malingunan niya ang matiim na tinging ipinupukol nito sa kanya. Hindi niya maaaring ipagkamali sa iba ang tinging iyon. The way his ablazed eyes raked her flushed face made her heart pound. Sheimmediately looked away.
Nanginginig na inabot niya ang laptop at kinuha iyon mula rito. She has to get a grip of herself. Naroon siya para magtrabaho, hindi para makipaglandian dito.
"M-may internet connection ka ba rito?" disimuladong tanong niya.
Hindi ito sumagot. But he stood up, opened the wifi and connected the laptop to the internet. She came into an abrupt halt when she checked his laptop. There was a spyware installed on his laptop! Dasher's phones and laptop were bugged!
"Can I see your phone?" hirit niya.
Walang pagdududang ibinigay nito ang cellphone nito sa kanya. Hindi na siya nagulat malaman na maging ang cellphone nito ay bugged din. Kaya pala alam ng stalker nito ang lahat ng mga ginagawa nito. Ibinaba niya ang laptop sa kama at tsaka tumayo.
She made a soft sssshhhh sound as she walked towards the light switch. Tsine-check niya kung may hidden camera sa kwarto nito. Ang mga hidden camera kasi ay karaniwang gumagawa ng isang mahinang click o kaya ay buzz sound kapag nakakadetect ng paggalaw.
Wala siyang narinig na click sound kaya itinuluy-tuloy niya ang pagpatay sa ilaw. Bagamat alam niyang imposibleng na-install-an ng camera ang kwarto ang condo nito ay kailangan pa rin niyang makasiguro.
"W-what are you doing?" nabibiglang tanong ni Dasher.
"May flashlight ka ba?" sa halip ay tanong niya.
"Baliw ka na ba? Pinatay mo ang ilaw para lang manghiram ng flashlight?" sikmat nito.
"Just give me the flashlight. May gagawin lang ako," giit niya.
"Woman, you're driving me crazy," he grunted. His voice was too sexy, it distracted her.
"A-asan na yung flashlight?" Kumunot ang noo niya nang wala siyang marinig na sagot mula rito. "D-dasher? I said, nasaan na iyong—" Napasinghap siya nang maramdamang may mainit na palad na dumantay sa balikat niya.
"I'm really going crazy," bulong nito malapit sa tenga niya.
Napakapit siya sa malapad nitong balikat nang maramdaman niya ang paglapit ng katawan nito sa katawan niya. Their position felt so weird. She was pressed between the door and his hard, delectable body. Lalo siyang pinanghinaan ng tuhod nang maramdaman niya ang pagpulupot ng isang kamay nito sa bewang niya, as if angling her body to his.
Damn, it felt so good to be with him that close. Her heart raced as if Sadako chased after her. Habang ang isang kamay naman nito ay masuyong humaplos sa pisngi niya. It was dark. She couldn't see him properly but her body could feel his every touch. Damang dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya.
"Damn, sweetie. I want to kiss you right here, right now," he whispered in a soft, sexy voice. Lalong lumalim ang paghinga niya nang hawakan nito ang leeg niya at hinaplos siya roon.
"D-dasher..."
"I want to kiss you, make you breathless until you breathe the air I breathe. Damn, I really want you I could die. Nararamdaman mo rin naman ito, diba? This thing between us won't go away. We have to do something about it or I'll go crazy," nahihirapang anas nito.
She hated to admit it but he was right. Palakas nga ng palakas ang kakaibang nararamdaman niya para rito habang tumatagal ang pagsasama nila. It felt like her heart and her head would explode whenever he was with her. Maybe she was already crazy. Kasi, naisip niyang gusto niyang matikman ang halik nito. Na gusto niyang malaman kung mase-settle ba nila ang kakaibang damdaming iyon kapag nagawa nilang mahalikan ang isa't isa.
Napalunok siya. She didn't know what to say, kaya imbes na magsalita ay kusang umangat ang dalawang kamay niya upang pumulupot sa leeg nito. Mukhang iyon lang ang hinintay ni Dasher na sagot niya dahil hindi pa man naglilipat minuto ay naramdaman na lang niya ang pagdaiti ng mga labi nito sa mga labi niya.
She sucked on her breath when his lips moved slowly above hers. He was kissing her!