Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 10 - CHAPTER 10

Chapter 10 - CHAPTER 10

"IT CAN'T be J-Juliet. Nang mangyari ang insidenteng panggugulo ay kasalukuyan siyang nasa ibang bansa kasama si Homer. They were on a business meeting in Hong Kong."

She stared at Dasher. Seryoso ang mukha nito. He really was appalled at the idea of Juliet being his stalker. In denial, iling niya. Fine. Hahayaan muna niya ito habang hindi pa siya nakakahanap ng ebidensya. Tahimik niyang ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga profile.

Muli siyang natigilan nang makita ang larawan ng isang lalaki. He was cute. Mukha itong mabait, contrary to Dasher's devilish look. Homer Chan. Vice-President.

Bilang isang undercover agent, hindi lang paghahanap ng mga suspect o target ang trabaho niya, she also has to find an ally that could help her finish her job. Malapit ito kay Dasher, malapit din ang opisina nito sa kanila. He could be a an ally.

"Who is he?" tanong niya kay Dasher.

"Just read his profile."

"Sungit!" ingos niya. "Magkasing-edad lang pala kayo. Are you close with him?"

"Why are you interested?" naniningkit ang matang tanong nito.

"Why can't I?" balik-tanong niya. At dahil likas na mapang-asar siya, she pushed farther. How about bruising his gigantic ego once more? "He could be my type, you know."

"Siya type mo pero ako hindi? Inaasar mo ba ako?" asik nito.

"Well, I like good-guys. Mukha siyang mabait at—"

"Donnie Marie!"

Hindi niya napigilang matawa sa panlalaki ng butas ng ilong nito. That was just the exact reaction she'd expected from him. Served him right. Childish!

"Nagbibiro lang ho ako, sir. Masyado ka namang seryoso diyan!"

Napasinghap siya nang bigla na lang itong tumayo, lumapit sa kanya, hinablot siya sa kamay at hinila siya palapit rito. It happened so fast that it took her breath away.

"I am warning you. You are in my teritory. Ako ang nasusunod rito. Nobody laughs at me in my own expense, do you hear me?" pabulong ngunit mariing babala nito.

Her mouth instantly went dry. Hindi niya alam kung dahil sa takot iyon o dahil sa pagkakadikit ng mga mukha nila. She could feel his hot breath caressing her flushed face. He smelled like mint and male. Hot male. Napalunok siya. Ano ba'ng mga pinag-iisip niya?

"B-bitiwan mo ako!" piksi niya.

"This serves as your last warning, lady. Sa oras na may gawin ka pang hindi ko nagustuhan, matitikman mo na ang kaparusahang nararapat sa katigasan ng ulo mo."

Ano'ng kaparusahan ang tinutukoy nito? While he said those words, his eyes raked her face. At nagtagal sa mga labi niya ang nag-aalab nitong mga mata. Kinagalitan niya ang kanyang sarili nang mapagtanto kung saan patungo ang iniisip niyang iyon.

"Curious ka ba kung ano'ng klaseng parusa ang ibibigay ko sa'yo?" bulong nito.

"H-hindi. Wala akong pakilam," pagsisinungaling niya.

Tumawa ito ng nakakaloko at lalong inilapit ang mukha sa kanya. She could feel his hot breath fanning her face. Parang may kwitis na nagsiputukan sa dibdib niya dahil sa ginawa nito.

"I will kiss you, sweetie," he whispered. He grinned when she gasped. "I will kiss you until you ran out of breath. I will kiss you until you'd scream my name, like you wanted me to kiss you forever. I will kiss you until you kiss me back. And then I won't stop."

She gasped. His words threatened and excited her. Umangat ang isang kamay nito at marahang hinaplos ang pisngi niya. She shivered. Her skin tingled at his slightest touch. Her lips parted and she was tempted to close her eyes. Bakit ganon ang nararamdaman niya? Bakit parang gusto niya itong hilain palapit para tuluyan nang magkadikit ang mga labi nila?

"D-Dasher..." naging bulong ang sigaw niya.

Napapikit siya. Her heart pounded like crazy when he leaned closer. Although her eyes were closed, she could sense that his lips were just millimeters away from hers. She could feel the heat from his hot breath. As if on cue, her lips parted and waited for his kiss.

Ngunit imbes na isang nag-aalab na halik ay isang mahina at nakakalokong pagtawa ang natamo niya mula rito. She was forced to open her eyes. Tumambad sa kanya ang ngi-ngisi ngising si Dasher. Parang sinabuyan siya ng kumukulong mantika sa mukha sa pagkapahiya!

His laugh faded even before she could spit fire on him. "I can't kiss you right now, sweetie. Or else, I'd have to take you right here, right now."

Bago pa man siya makasagot ay binitiwan na siya nito. And then he was gone. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Basta ang alam niya lang ay iniwan siya nitong namumula ang mukha, hindi makapagsalita at hindi makapag-isip ng tama. He hasn't even kissed her!

Paano na kapag nagawa na nitong angkinin ang mga labi niya? Nanghihinang umangat ang kaliwang kamay niya at napahaplos sa nanginginig pa ring mga labi niya. Did she really have to feel regret when he didn't kiss her?

DONNIE MARIE was at Acuaverde Beach Resort. Nasa Laiya, San Juan, Batangas iyon. Dasher was invited by Mr. Nakamura, one of his company's major stockholders. Kasal kasi ng nag-iisang anak nitong babae sa isa sa mga sikat na modelo ng artist center ni Dasher.

She loved beaches. She loved how the calmness of water gave her peace. The water was clear and cool. Malinis din ang buong lugar. Halatang well maintained ang resort. Sa loob ng ilang araw ay noon lamang siya ulit nakaramdam ng gaanong kapayapaan.

Napalingon siya sa kanyang likuran nang makarinig siya ng kaluskos. She saw three girls, clad in skimpy beach dresses, who were glaring at her as if they wanted to strangle her.

"Is that really her? Damn! She's one hell of a lucky girl. Malas nga lang ni Dasher," said the one in blue.

She tried hard not to raise a brow. Wala itong karapatang laitin siya dahil buko sa maitim ang tuhod nito ay hamak na mas sexy naman siya rito ano? She recognized the girl as Mocha Lyra, isang baguhang model under Claus Artist Center. Katabi nito ang magkapatid na sina Leanne at Lucy Lim. Models din ang dalawa.

"Totoo bang ikaw ang bagong secretary ni Dasher?" paangil na tanong ni Leanne.

Sa halip na sabunutan ito ay nagkunwari siyang nahihiyang napatungo. Pinaalalahanan niya ang kanyang sarili na hindi siya pwedeng lumaban. "O-oo. Ako si Danica Mae."

"Mabuti na lang at pangit ang secretary ni Dasher. At least walang magseselos kasi impossible namang magustuhan siya ni Dasher, diba?" nakakalokong tawa ni Lucy.

Kung alam lang nito kung gaano kabaliw ang Dasher na yun para gustuhing hilain siya sa kama. Hindi na lang siya nagsalita. She has to act defenseless, paalala niya sa kanyang sarili.

"Danica Mae," tawag ni Mocha. "I will give you my number. Tapos tawagan mo kami kapag may free time si Dasher."

Natulala siya sa sinabi nito. "W-what?"

"Don't act so stupid, girl. Gusto naming magreport ka sa amin ng lahat ng updates kay Dasher. Malay mo, maging friends tayo, diba?" nakakalokong sagot ni Lucy. "Or not. It's up to you," may halong pagbabantang dugtong pa nito.

Umiling siya. "P-pero baka magalit sa akin si sir."

"Idiot! Syempre hindi mo sasabihing magrereport ka sa amin," Lianne rolled her eyes.

Naglabas ng isang maliit na papel si Mocha at tsaka inilagay iyon sa kamay niya. And before she could even blink, nakalayo na ang tatlong bruha sa kanya. Napatitig siya sa maliit na papel na nakapatong na sa kamay niya. Nakasulat nga ang numero ng tatlong bruhilda!

At kung nagulat na siya sa ginawa ng tatlo, mas lalo siyang nagulat nang halos sunud-sunod na nagsilapitan ang mga babaeng modelo at artista sa kanya na nagsipagdalo sa wedding ceremony na iyon. Tila binuksan ng tatlong bruha ang oportunidad na makalapit sa kanya. Everyone did the same thing those girls did—ibinigay ng lahat ang contact ng mga ito sa kanya. And she would report to all of them? Hindi makapaniwalang napailing siya.

"Care to tell me what's with that look?" Napalingon siya sa kanyang tabi. Dasher eyed him curiously. Dumako ang tingin nito sa kamay niya na punong puno ng maliit na papel.

"Your fans are crazy," hindi niya napigilang ibulalas.

"What fans?" kunot-noong tanong nito.

Naiinis na inilagak niya sa kamay nito ang hawak niyang mga papel. "Ayan! Bigay sakin ng mga fans mo. Magreport daw ako sa kanila kapag may free time ka. Gagawa yata ng script para makasama ka nila," ingos niya.

Amused itong napatitig sa kanya. "Tinanggap mo ang lahat ng ito?"

"Malamang! Ni hindi kaya nila ako hinayaang magsalita. Tinakot pa nila ako na kung gusto ko raw na maging tahimik ang buhay ko ay susunod na lang ako sa kanila," ismid niya.

"So balak mo talagang magreport sa kanila?"

"Syempre hindi. Ano ako, bale?"

Natawa ito. "Good. Magkakasundo tayo."

"Pero infairness, mas okay na rin iyong ganito. Tingin sa akin ng lahat ay kakampi. Walang nagseselos sa akin kasi pangit ako. Imposible raw na magkagusto ka sa akin," tawa niya. Nang tumaas ang isang kilay nito ay mabilis niyang dinugtungan ang sinabi niya. "Buti na lang talaga, ganito ang disguise ko. Everybody thinks I'm their ally!"

Napangisi ito nang makita ang pamumula ng mukha niya. Bakit ba kasi kung makatingin ito sa kanya ay parang may gusto itong gawing kababalaghan sa kanya? She should be used to that kind of teasing look from him, right? Kaya bakit naaapektuhan pa rin siya? He didn't say a word but his naughty grin and teasing eyes made her blush even harder.

She looked away. "P-plus, mas madali kong mahahanap ang stalker mo dahil nakalatag na sa akin ang pangalan ng mga maaaring stalker mo." For a moment, she debated whether she'd get the papers out of his hand or she'd just let him hold it. She chose the latter.

Napailing si Dasher. "Why are you acting shy like that? You're turning me on, sweetie," nakakalokong sabi nito matapos niyang hablutin ang mga papel. When she glared at him, he burst our laughing. "Gutom ka na ba?" nailing na pag-iiba nito ng paksa.

Nalukot ang ilong niya. "H-hindi pa."

"Kanina ka pa rito. Ni hindi kita nakitang kumain kanina. The party is almost over," naiinis ngunit may halong pag-aalalang sambulat nito. Nagdududang tinignan niya ito. He automatically raised his hands and explained. "Hey, I'm just trying to be a gentleman here."

Naningkit ang mga mata niya. "Ano ang next step mo, flowers? Chocolates? Dates? Tapos ano? Feeling mo kapag nagpakabait ka sakin ay madadala mo na ako sa kama mo?"

Eksaheradong nahawak ito sa dibdib nito. "Ouch. Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?"

"Oo," walang gatol niyang sagot.

Napakamot ito sa ulo. "It's already late. Hindi ka pa kumakain simula kaninang lunch. Bilang boss mo, responsibilidad ko rin namang siguruhin na hindi mo napapabayaan ang kalusugan mo habang nagta-trabaho ka sa'kin. Come on, hindi naman naman sa lahat ng pagkakataon ay "iyon" ang iniisip kong gawin sa'yo. Grabe ka naman."

Napabaling siya sa likuran nila. Naroon ang party na dinaluhan nila. Halos pitong oras na nga rin sila sa lugar na iyon. Huling kain niya ay noong nag-stop over sila para kumain bandang alas-diyes ng umaga. Mag-aalas singco na ng hapon. Pinakiramdaman niya ang tiyan niya.

"Pero hindi pa ako gutom," sagot niya.

"Huwag ngang matigas iyang ulo mo. Halika, kumain na tayo."

"Hindi ka pa rin kumakain?" kunot-noong tanong niya.

Umiling ito. "How could I eat? Eh ni hindi ka pa rin kumakain?"

Aw. He's acting cute and sweet. It's supposed to creep her out pero bakit parang natutuwa pa siya? Pero hindi niya maiwasang magduda rito. She eyed him speculatively.

"Is this one of your ways to lure me to—"

"Believe me, sweetie. Hindi ko kailangang magpaka-cheesy para lang pumayag ka sa gusto ko. All I'd need would be an earth-shattering kiss that'd make you forget about being fussy." His eyes darkened. "Then the next thing you know, you're saying yes."

She stiffened. One moment he could be sweet, one moment he could act like a normal human being and then he'd go crazy and all-Christian-Grey. Napalunok siya. "I..."

Ngumisi ito. Then he clasped her hand. "Let's go and grab something to eat."

"B-busog pa ako," giit niya kahit na nagpatianod naman siya rito.

"Gutom na ako."

"Edi kumain ka na!"

"Kakain lang ako kapag kumain ka na rin."

Nanghihinang napabuntong-hininga siya. "Sige na, kakain na ako. Pero bitiwan mo na ako, please? Baka may makakita sa atin dito."

"So what?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Ano'ng so what? Baka magduda sa akin ang stalker mo! Alam kong nandito lang siya," paliwanag niya. Sa sinabi niya ay napaisip ito. Mayamaya ay binitawan nito ang kamay niya.

"Do you think my stalker is here?" tanong nitong habang naglalakad sila pabalik sa party.

She shrugged. "Pwede. Pero hindi pa consistent iyong stalker mo eh. Hindi naman siya araw-araw na nagpapadala sa'yo ng sulat o regalo. Nagmamasid lang siya lagi sa'yo. Hindi ba't huli siyang nagpadala ng sulat sa'yo nang makapag-close ka ng isang business deal? Nagpapadala lang siya ng sulat sa'yo kapag may nangyaring maganda sa buhay mo o kaya ay kapag nakipaglandian ka sa iba. And it's only been three months."

"Kaya nga dapat na nating siyang mahuli. Kaso ay paano natin siya mahuhuli kung hindi naman siya madalas magpadala ng sulat? Ni walang nakakapansin sa kanya kapag nagpapadala siya ng sulat. Kaya niya ring takpan ang CCTV camera. Alam niya rin kung saan nakalagay ang mga hidden camera na inilalagay ko," sagot nito.

"Syempre magmamasid lang din muna tayo kagaya ng ginagawa niya. Kailangan din nating makaisip ng paraan para mapwersa siyang magpadala ng sulat sa'yo."

"Kapag ba hinalikan kita ngayon, magwawala iyong stalker ko?" amused na tanong nito.

Napatigil siya sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang napatingin rito. Malapit na sila sa mismong pinagdausan ng party. Napalinga siya sa paligid nila.

"Y-you wouldn't do that!" kinakabahang iling niya.

"Is that a challenge?"

"D-Dasher!" naeeskandalong hiyaw niya.

He chuckled. Mayamaya'y dumukwang ito at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Relax, sweetie. If I were to claim our first kiss, it wouldn't be in a place like this. Gusto ko sa lugar na tayo lang. Kasi alam kong sa oras na matikman ko ang halik mo, mahihirapan na akong tumigil."

"T-tigilan mo nga ako!" halos nauutal nyang angil. Inayos niya ang kanyang sarili at agad na lumayo rito. She narrowed her eyes. "Sabihin mo nga sa akin, ako pa lang ba talaga ang taong nagawang tumanggi sa'yo kaya ang laki ng galit mo sa'kin?"

Sa gulat niya ay bigla itong natahimik. He instantly looked away but the she caught sadness in his eyes. She suddenly wanted to take back her words. Hindi niya alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit bigla itong nagbago ng mood pero hindi pa rin niya maiwasang maguilty. Hindi siya sanay na ganon ito umakto sa harap niya.

"D-Dasher..." mahinang tawag niya rito.

It took him a few seconds before he turned to her and smiled. But she knew it better. Hindi totoo ang ngiti nito dahil hindi iyon umabot sa mga mata nito. There was something that she's said that bothered him. Pero ano iyon?

"Tara na!" masigla nitong yakag.

She wanted to dig futher. Gusto niyang alamin ang dahilan kung bakit bigla itong umakto ng ganon ngunit alam niyang hindi nito magugustuhan iyon. Isa pa, hindi kasali sa trabaho niya na pakialaman ang personal na buhay nito. She shouldn't care about him, right?

"Dasher, b-bipolar ka ba? Nagiging masaya at malungkot ka nang walang dahilan," bigla niyang nasabi.

Parang magic, bigla na lang itong natawa. Naiiling na hinila siya nito sa kamay patungo sa party. Napaismid siya. Bipolar nga. Teka, bakit ba siya nakaramdam ng pag-aalala rito?

__________________________________

KANINA PA nagngingitngit si Donnie Marie sa galit. Her three days in that company was hell. Every soul in that place hated her���lalong lalo na si Juliet. Lahat ay nagalit dahil hindi siya nagreport sa mga taong nagbigay ng numbers nila sa kanya. Wala raw siyang kwenta.

Napatitig siya sa kanyang notebook. Listahan iyon ng mga potential stalkers ni Dasher. Number one on her list of suspects was Juliet, kahit pa sinabi ni Dasher na nasa Hong Kong raw ito kasama ni Homer noong mangyari ang kauna-unahang insidenteng nakatanggap ng blatant threat si Dasher mula sa stalker nito. Basta, gusto pa rin niyang isama sa listahan ang bruha.

Napasimangot siya. Walang pakundagang nakikipaglandian ang hitad sa kanyang demonyong amo. Juliet would deliberately walk inside Dasher's office as if she owned that place. She irately drew a monster beside Juliet's name. She sighed. Si Juliet palang ang naililista niya. Paano naman kasi, maliban kay Juliet ay wala namang kaduda-duda.

Lahat ay ilag kay Dasher. Kung may mga balak mang manladi, lahat ay sa pasimpleng paraan lang. Iyon ngang mga nagbigay ng number sa kanya ay ni hindi magawang lumapit kay Dasher kung hindi ipinatawag ng binata ang mga ito. Hanggang tingin lang ang lahat.

Napatingin siya sa pangalan ni Homer. Ito lang ang pangalang inilagay niya sa listahan ng mga kakampi na dapat niyang lapitan. Every employee loved Homer. Kung ilag ang lahat kay Dasher, kabaligtaran naman kay Homer. It was because the Vice-President was very friendly. Ang swerte ng bruhang si Juliet. May amo itong anghel samantalang siya, Devil.

"You seemed troubled. Are you okay?"

Dumulas ang baba niya mula sa kanyang palad nang may biglang magsalita sa harap niya. Muntik pa siyang mapasubsob sa mesa. Nang mag-angat siya ng tingin ay parang gusto niyang himatayin sa kanyang nakita. There was Homer, the most gorgeous angel she has ever seen, standing in front of her with a very sweet smile on his face. She flushed.

"N-No, I'm o-okay sir," natatarantang sagot niya.

"Since when did you stammer like that?"

Pareho silang napalingon ni Homer sa nagsalita. And there, on the other side of her table, was the most gorgeous and sexiest devil she has ever seen—Dasher. She frowned.

"Hindi ba't sinabi kong ako na ang pupunta sa office mo?" baling nito kay Homer.

"What kind of employee am I kung hahayaan kong ang boss ko pa ang pupunta sa opisina ko? Isa pa, medyo curious ako sa bagong secretary mo. She's been the talk of the town these past few days. I haven't seen her, kaya ako na mismo ang nagpunta rito. Ayoko namang isipin na itinatago mo sa akin si Ms. Solis," nagbibirong sagot ni Homer.

"Bakit ko naman siya itatago sa'yo?" mapanganib na tanong ni Dasher.

Homer must have been shocked at Dasher's reaction about his joke, bigla kasing namula ang binata. "I m-meant it as a joke," mahinang sabi nito.

Lihim siyang napaismid. Oo nga ano? Halos lahat ng tao sa kumpanyang iyon ay nakita na niya, si Homer palang ang hindi. Nagdududang tinignan niya si Dasher.

"Let's go," Dasher said in a dismissing tone.

Tumayo na siya upang sumunod rito. May lunch meeting kasi ito sa isang kalapit na hotel kasama ang manager ng isang sikat na artistang balak pumirma ng kontrata sa artist center nito.

"So, ikaw pala ang infamous secretary of the CEO," nakangiting wika ni Homer hustong makapasok sila sa elevator. "I believe we haven't been formally introduced yet. I am Homer."

Napangiti siya nang iabot nito ang kamay sa kanya. "D-Danica Mae sir," she chirped.

His smile was as warm as his hand. Hindi siya nagkamali ng sapantaha, he really could be her ally. Mabilis na lang siyang makakagalaw at makakapagmanman kapag naging kaibigan niya ito. After that meeting, titiyakin niyang may makukuha na siyang impormasyon mula rito.

"It's nice to finally meet you," anito matapos bitiwan ang kamay niya. Nang bumukas ang elevator ay muli siya nitong hinarap. "I'll see you later. I'll have to wait for Juliet. Galing pa kasi siya sa kabilang building dahil nag-attend siya ng birthday party ng ate niya. Sunod na lang kami doon, Dasher," baling ni Homer sa katabi niyang ni minsan ay hindi pa nagsalita simula noong lumulan sila sa elevator.

Isang simpleng tango lang ang isinagot ni Dasher kay Homer bago ito nagpatiunang lumabas ng elevator. Natatarantang tinanguan na lang din niya si Homer bago siya sumunod kay Dasher. Nang makarating siya sa sasakyan ay naka-upo na ito sa driver's seat at tila inip na inip nang nag-aantay sa kanya.

"Ano ba'ng problema mo? May metro ba itong kotse mo at nagmamadali ka?" puna niya matapos sumakay sa kotse.

"Ang bagal mo kasi. Palibhasa, puro ka pacute kay Homer," paasik nitong sagot.

"What?" naguguluhang baling niya rito.

"Sabihin mo nga sa akin, talaga bang may gusto ka sa kanya? Hindi ko matanggap na gusto mo si Homer samantalang ako tinatanggihan mo!"

Napailing siya. Wala siya sa mood na patulan ito. "Magdrive ka na nga lang."

Padaskol nitong binuhay ang makina at pinatakbo ang kotse. "Tapos magpapacute ka sa ibang lalaki, sa harap ko pa. Alam mo ba kung gaano nakakabwisit iyon?"

Talaga yatang wala itong balak tigilan ang topic na iyon. "For your information, kaya ko lang kinakausap si Homer ay dahil kakailanganin ko siya para sa misyon ko."

"Paano'ng kakailanganin?" kunot-noong napalingon ito sa gawi niya.

"Naisip ko lang na pwede ko siyang kaibiganin. I might get some information from him sa mga taong madalas lumapit sa'yo."

Hindi niya napigilang mapangiti nang marinig ang naiinis na bulong nito bago paarangkadang pinatakbo iyong kotseng kinalululanan nila. Minsan talaga ay nakaka-amuse kausap at kasama si Dasher. He may not know it but his being childish made him look cute.