NAPANGANGA si Donnie Marie nang makita ang mga taong nadatnan nila ni Dasher na naghihintay sa kanila sa isang expensive suite na pinuntahan nila. Her eyes settled on the lady in front of her. Ito iyong babaeng walang ginawa kundi ang tumitig sa mga Claus Brothers nang gabing iyon. That girl with those sad and mysterious eyes.
Katabi nito iyong mga kapatid ni Dasher na sina Donder at Blitzen. She was on disguise at that moment. She should feel protected pero taliwas iyon sa nararamdaman niya habang mataman siyang pinagmamasdan ng kambal. They eyed her speculatively that it felt like she was being dissected in front of them. Why was everybody staring at her as if she'd just murdered a saint? She silently squirmed at Dasher's side. Napansin iyon ni Dasher kaya binalingan siya nito.
"Everybody, I'd like you to meet my new secretary, Do—" he cleared his throat. "Danica Mae. Pamangkin siya ni Mrs. Solis mula sa isang malayong pinsan. Danica Mae, these are my brothers, Donder and Blitzen. Right beside them is Dakila, manager ng mga kapatid ko. And this pretty lady here is Krisstine Sandoval, one of our company's new artists."
Hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang pagkislap ng mga mata ni Krisstine nang marinig nito ang papuri ni Dasher dito.
"Please have a seat. In a while ay uumpisahan na natin ang meeting na ito. Homer and Juliet must be on their way," wika ni Dasher. Nagsiupuan silang lahat. "By the way, Krisstine, where's your manager?"
"Rocky is on his way. May biglaan kasing inasikaso kaya hindi agad siya nakapunta rito," sagot ni Krisstine kay Dasher.
Muntik nang maningkit ang mga mata niya nang mapansin ang lalong pagkinang mga mga mata ni Krisstine habang nakatitig kay Dasher. Mahahalata ring masaya itong kausap ang boss niya. At kung iniisip niyang weird na si Krisstine dahil sa inaakto nito ay parang gustong umikot ng ulo niya nang mapansing hindi lang si Krisstine ang may kakaibang ikinikilos.
Dakila was gaping at Dasher too. May kakaiba ring kinang ang mga mata nito habang nakatitig kay Dasher. Napansin niya rin ang matalim at pailalim na tingin nito sa gawi ni Krisstine. Women have this special ability to read through other women's action and stares. And definitely, may ipinapahiwatig ang kakaibang ikinikilos ng dalawang babaeng kaharap niya.
"Nakipag-date na naman ba si Rocky at pinabayaan na naman ang alaga niya?" iling ni Dasher. "So, have you read the script we've sent you?" tanong nito kay Krisstine.
"I already did," tango ni Krisstine.
"How about you?" baling ni Dasher kay Blitzen.
"I already did, bro. Itong si Donder ang hindi pa. Puro kasi chicks ang inaatupag," eksaheradong sagot ni Blitzen.
"Shut up! Kasalanan naman ni Dax eh. Pupunta punta ng Baguio para lang magpahold-up," naiinis na sikmat ni Donder sa kapatid. He threw Dakila a murderous look.
"I didn't ask you to come and rescue me!" ganting asik ni Dakila.
"Enough," Dasher growled. Agad namang natahimik ang dalawa. "Nagpunta tayo rito para pag-usapan ang project, hindi para magbangayan kayo sa harap ko."
"Bakit ba kasi kailangang basahin ko pa iyong script? I am not an actor. Model ako!"
"May cameo role ka," paalala ni Dakila kay Donder.
"Oh gimme a break!" Donder muttered, obviously pissed off.
Ilang sandali munang nagbangayan sa harap nila sina Dakila at Donder bago nakarating si Rocky, manager ni Krisstine. Ang meeting na iyon ay tungkol sa nalalapit na pelikulang pagsasamahan nina Blitzen at Krisstine. Kung sina Dakila at Donder ay panay ang bangayan, sina Krisstine at Blitzen naman, kung makaasta ay parang hindi nakikita ng mga ito ang isa't isa.
She noticed, Krisstine and Dakila had a lot of oddness in them. Mamanmaman niya ang dalawa. Hindi naman siya mahihirapang gawin iyon dahil sa susunod na mga araw ay madalas na niyang makikita ang mga ito matapos magkapirmahan sa kotrata ng nasabing pelikula.
Napahawak siya sa kanyang baba. Ang pinakaimportanteng dapat niyang alamin sa dalawang misteryosang babae ay ang kakaibang tingin ng mga ito kay Dasher.
"BAKIT ang tahimik mo?"
Napakurap siya matapos marinig ang pagpuna ni Dasher sa pananahimik niya. Naroon na sila sa kotse nito at kasalukuyang bumi-byahe pabalik ng opisina. Juliet and Homer didn't make it pero itinuloy pa rin ni Dasher ang meeting. Napagkasunduan ng dalawang kampo ang tungkol sa pelikula. Magkakaroon na ng pormal na pagpipirma ng kontrata sa susunod na linggo.
"Naisip ko lang sina Krisstine at Dakila," sagot niya rito.
"Bakit mo naman sila naisip?"
"Nakita mo ba kung paano ka nila titigan kanina?"
"Ano naman ang mali sa paraan ng pagtingin nila sa akin?" natatawang iling nito.
She rolled her eyes. "It's a girl-thing. Alam kong may gusto sila sa'yo."
"That's impossible," he frowned.
"Their eyes told me otherwise."
Hustong tumigil ang sasakyan dahil sa red light. Hinarap siya nito. "Krisstine is just a little sister for me. Si Dakila naman ay isa lamang kaibigan."
"Para sa'yo siguro oo pero para sa kanila, hindi. Hindi ganon tumingin ang mga nakababatang kapatid sa mga itinuturing nilang kuya. Dakila hated Krisstine's guts. Nakikipag-agawan siya ng atensiyon mo mula kay Krisstine."
"Stop it," naiiritang saway nito sa kanya.
"Tell me more about them," pamimilit niya. "I need to know everything about them. Who knows? Baka isa sa kanila ang—"
"No, please don't say that. Hindi ako magagawang guluhin nina Krisstine at Dakila ng ganon," sansala nito sa iba pa niyang sasabihin.
Hustong naging green na yung traffic light kaya pinaandar na ulit nito ang sasakyan. Nanghihinang napahilot siya sa kanyang sentido at tsaka napapikit ng mariin.
"Paano ko malulutas ito kung ayaw mo namang makipag-cooperate?"
"They can't be my stalker. End of discussion," he said in a very rigid tone.
"Hindi si Juliet, hindi si Krisstine tapos hindi rin si Dakila. God, Dasher! Kung hindi sila, eh sino? Yung janitor ng kumpanya mo? Iyong mga empleyado mong ni hindi magawang makalapit sa'yo kasi natatakot sa'yo? O baka naman ako?" naiinis niyang bulalas.
She was really frustrated. Ang dalawang linggong palugit niya sa kanyang sarili para lutasin ang problema nito ay tila hahaba pa. Mukhang kailangan na niyang mag-isip ng ibang paraan para makakalap ng impormasyon dahil ayaw naman siya nitong tulungan. She's never had a client as stubborn as this man was! Sabagay, wala pa siyang nakakasamang kliyente. She always worked alone. She always solved her assignments alone.
Hindi siya sanay na may kasama kaya nahihirapan talaga siyang makisama. Other than her decesead father, wala na siyang ibang kasundo. She didn't have any friends. It's always been her, all alone. Siya lang ang nagdedesisyon para sa sarili niya. Sabi ng iba, hindi raw siya marunong tumanggap ng opinion ng iba. She didn't need those. Kasi alam niyang sa huli, siya pa rin lang naman ang titingin sa sarili niya. She might even die alone.
Natigilan siya sa kanyang naisip. Hindi iyon ang oras para magself-pity siya. Ayaw lang namang makipag-cooperate ni Dasher ah? Bakit pakiramdam niya ay sinigawan siya nito ng, "Kaya mo ng mag-isa iyan, diba? Eh 'di lutasin mo ng mag-isa!" Napayuko siya.
She maybe fearless in her dangerous work—kaya niyang makipaghabulan sa mga goons, magpanggap na pulis, na isang magnanakaw at kung anu-ano pa pero aaminin niya sa kanyang sarili na may isang bagay siyang higit na kinatatakutan sa buong buhay niya.
Iyon ay ang pag-iisa. Siya nga lang ang nakakaalam nun. Nobody cared about her anyway. Wala siyang mapagsabihan kapag may problema siya. Kapag gutom siya, kakain siya ng mag-isa. Whenever she's sick, walang mag-aalaga sa kanya. She clasped at her hand and rested it over her shaking lap.
She wanted to solve other people's problem because she couldn't solve her own. Gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakakalutas siya ng problema ng iba, feeling niya kasi ay problema na niya iyong nasolve niya. But because of Dasher, she suddenly felt afraid again. Sa buong buhay niya bilang isang imbestigador, noon lang siya nagduda sa kanyang sarili kung malulutas ba niya ang kasong idinulog sa kanya o hindi. What if she failed?
"Stockholder ang pamilya ni Krisstine sa SBC. She's the only daughter of Conrad Sandoval. Nasubaybayan ko ang paglaki niya dahil magkaibigan ang mga tatay namin. In case you'd want to know, pinsan ni Krisstine si Juliet. Si Dakila naman ay matagal ng manager ng kapatid kong kambal. Nakilala ko siya dahil sa mga kapatid ko."
Natigilan siya nang marinig ang mahinang pagku-kwento ni Dasher. She didn't know what to say or what to react, kaya nanatili siyang tahimik habang nakatitig sa magkasaklob niyang kamay sa ibabaw ng hita niya. She tried to control her feelings—especially her fear.
"Ano pa ba'ng gusto mong malaman sa kanila?" tanong nito nang hindi siya nagsalita.
Again, she didn't answer him. Natatakot kasi siyang baka kapag nagsalita siya ay bumulanghit siya ng iyak. Ayaw niyang mangyari iyon. Minsan palang siyang umiyak sa tanang buhay niya, iyon ay noong namatay ang daddy niya. Ah mali, minsan palang siyang umiyak sa harap ng ibang tao pala dapat. Kasi ang totoo, gabi gabi siyang umiiyak sa bahay niya sa tuwing naiiwan siyang mag-isa. Walang paltos iyon. Pampatulog na niya ang pag-iyak.
"I'm sorry, okay? Hindi ko lang kasi talaga maisip na isa sa kanila ang stalker ko. I mean it. Hindi nila magagawa iyong mga ginawa ng stalker ko."
"You don't trust me," puno ng pait niyang sagot.
Natahimik ito. He didn't trust her. Now why did it sting her heart? Funny. Ni minsan ay hindi niya naisip na magiging mahalaga sa kanya ang opinion nito ukol sa kanya. But what the hell? Her clients' trust was what kept her doing her job. Kung walang tiwala ang kliyente niya sa kanya, kahit kailan ay hinding hindi niya malulutas ang kasong idinulog nito sa kanya.
"W-what if I fail?"
Hindi niya alam kung paano niya nagawang itanong ang bagay na iyon rito. But she did. Her hands shook harder. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi sa sobrang pagpipigil sa pag-alpas ng kanyang mga luha. What the hell was she doing?
Then the car suddenly stopped. Shocked, she turned to him. Paglingon niya kay Dasher ay nakita niya kung paano itong matamang nakatitig sa kanya. She wanted to look away and hide the tears that were swelling up her eyes but she couldn't. His stare was too strong. Naramdaman niya ang paggagap ng kamay nito sa nanginginig niya mga kamay. Marahan nitong pinisil iyon.
"Tell me, sweetie. What's wrong?" he whispered.
She has never opened her heart to anyone before. But damn, pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya kapag hindi niya nailabas ang sakit na nararamdaman niya. Just this once.
"Nasubukan mo na ba 'yung pakiramdam na ikaw lang mag-isa sa buhay mo? And that the only thing that makes you feel better inspite of being alone is solving other people's problem?" bulong niya. Not wanting to see his reaction, she closed her eyes.
"Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ako naging investigator ay dahil gusto kong tularan ang daddy ko. That it was because I wanted to continue his legacy. Pero kanina lang, noong tumanggi kang makipag-cooperate sa'kin ay may narealize ako. I am afraid, Dasher. I have always been afraid of my life. P-paano kung hindi ko masolve ang problema mo? This is the only thing I do best—ang magsolve sa problema ng mga kliyente ko. I mean—"
"Yes."
Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla itong sumagot. "W-what?"
"I know the feeling of being alone. Bago ako inampon ni Sebastian, ilang buwan din akong tumuloy sa isang orphanage. Hell, even when I was still living with my mom, I had always felt alone. Do you know why? Because she never loved me. In fact, she hated me. Kasi anak ako ng lalaking hindi naman niya kilala. She got me through a sperm bank."
Napakurap siya. How must she react with his revelations? Nananaginip yata siya. Si Dasher Claus, nagku-kwento ng tungkol sa buhay nito? At sa kanya pa? Nobody has uncovered the Claus Brother's pasts. Nobody knew about them.
"I hate being rejected," bulong nito. "Noong buhay pa ang mommy ko, I always begged for her attention. She never loved me. When she died because of an accident, many people had rejected me too. Nobody wanted to take me in because nobody knew who my father is. Everybody was skeptical about my past because I just came from a sperm bank."
"Bakit a-ayaw sa'yo ng mommy mo? Bakit kinailangan niya pang kumuha ng sperm sa isang sperm bank?" nagtatakang tanong niya. Umiling ito. Lalo siyang napakunot noo.
"I'm sorry but I can't tell you," he said.
"I'm sorry kung masyado na akong matanong," yuko niya.
"No, it's okay. It's just that, me and my brothers have this promise."
"W-what promise?"
"That we will protect each other's secret no matter what." Nang mapaawang ang mga labi niya ay napabuntong-hininga si Dasher. "Our family has a secret."
"M-masyado mo akong nililito. Ano na nama'ng secret iyon?"
Matagal siya nitong tinitigan. Marahil ay tinatantiya nito kung dapat ba siya nitong pagkatiwalaan o hindi. She raised both of her hands.
"If you're not comfortable, you don't have to say it," iling niya.
"One of us didn't come from that damned sperm bank."
She gasped. "W-what did you say?"
"Isa sa aming siyam ang nagpapanggap lang na nagmula sa isang sperm bank. He is really Sebastian's son. Pero nagmula siya sa babaeng sinaktan ni Sebastian ng lubos mahigit tatlumpung taon na ang nakakaraan. And he is in Sebastian's Claus to avenge for his mother."
"A-at kilala mo kung sino siya?" nanghihinang bulalas niya.
He nodded. "Yes."
"O-or he could be you..." anas niya.
Napakibit lang ito ng balikat. "Si Sebastian ang dapat na unang makaalam kung sino sa siyam na anak niya ang pinalaki niya para lamang paghigantihan siya."
"B-bakit ka galit kay Sebastian? I mean, naiintindihan ko na may rason ang tinutukoy mong kapatid mo na nais maghiganti kay Sebastian. Pero bakit pati kayong mga natitirang anak ay hinahayaan ang kapatid ninyong iyon sa mga balak niya?"
"Because we all hated Sebastian," matigas nitong sagot. "When he accepted me as his son, akala ko noon ay magiging masaya na ako. Finally, somebody has accepted me for who I am," he smiled bitterly. "But I was wrong. Yes, he clothed me, he gave me everything I needed, sobra sobra pa nga. Ngunit ipinagkait niya sa akin ang isang bagay na noon pa man ay matagal ko ng gustong makuha—acceptance."
"He never treated us as his own son. He never loved us. Kung ituring niya kami ay para lamang kaming mga tauhan niyang pinapalaki niya para pagkakitan. Yes, he gave us each of his own companies to manage, pero bayad utang lang namin iyon dahil sa pagpapalaki niya sa'min," puno ng pait na sambit nito. "He was never a father to us."
"Yes, he made you Dasher Claus, but what you think about life and what you feel about everything is entirely your choice. Kahit ano'ng gawin niya, ikaw at ikaw pa rin ang huhubog sa sarili mong buhay. You have your own desires, your own dreams, your own feelings. Material na bagay lang ang naibigay niya sa'yo, diba? Pwes, material na bagay lang din ang pwede niyang makontrol sa buhay mo. What you are now is what you let yourself become."
Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya matapos niyang sabihin iyon.
She smiled at him. "IKaw lang ang pwedeng magpasya sa buhay mo, Dasher. He couldn't let you hate on something that you've always wanted. The way you think about yourself is what defines you. Hindi iyong kung ano ang nakikita ni Sebastian sa'yo. You are not a loser."
"You won't be rejected forever. Darating din ang taong tatanggapin ka at ang nakaraan mo, ang lahat lahat sa'yo. Find love and you will find yourself. Because love is acceptance. Learn to accept yourself first, and then others would accept you too. Doon ka lang makakalaya sa sakit ng nakaraan mo. Kapag naranasan mo ng magmahal at mahalin ang sarili mo."
What she felt for him was far from pity, it was sympathy. Isang bagay na noon niya lang naramdaman sa buong buhay niya. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na haplusin ang mukha nito. With misty eyes, he stared at her. She could feel his lost soul, crying, begging for release. Oh, her poor Dasher. Kung pwede niya lang pakawalan ang lahat ng hinanakit nito.
"Thank you," he murmured. "Sa pagpapagaan mo sa loob ko, sa pakikinig mo sa lahat ng mga sinabi ko at sa hindi mo panghuhusga sa'kin. I-if you don't have someone whom you could run to, you know where to find me."
"B-bakit mo nagawang sabihin sa'kin ang sikreto mo?" she hesitantly asked.
"Because I know you won't tell anyone about my secret."
Hearing him say that he trusted her made her feel proud of herself. Nakatataba ng puso, nakatutuwa. "Paano ka naman nakasisigurong hindi ko ipagsasabi ang sikreto mo?"
"Because I know your secret too. Kapag sinabi mo sa iba ang secret ko, ipagsasabi ko rin ang secret mo sa iba," biro nito.
She frowned. Akala pa naman niya ay may tiwala na talaga ito sa kanya. "Sabagay," matabang niyang sagot. Pasimple siyang lumayo rito. Medyo disappointed.
"Simula ngayon ay sasagutin ko na rin ang lahat ng mga tanong mo. I-if that's what you really want," hindi tumitinging sabi nito matapos ang mahabang sandali.
"T-talaga?" nagdududang tanong niya.
"Siguraduhin mo lang na malalaman natin kung sino ang stalker ko."
"This is what I do best, ang mag-imbestiga. Don't worry, if you'd be cooperative, matatapos ko ang paghahanap sa stalker mo sa loob lang ng dalawang lingo," ngiti niya.
Kung kanina ay inis na inis siya rito, ngayon naman ay natutuwa na siya. Lalo siyang na-excite hanapin ang stalker nito. Her client's trust always fueled her to do her job better. Nang mga sandaling iyon ay may isang bagay siyang napatunayan—Dasher trusted her. Finally!