Chereads / DASHER: THE DASHING DEVIL / Chapter 6 - CHAPTER 6

Chapter 6 - CHAPTER 6

TAIMTIM na pinag-isipan ni Donnie Marie ang mga bagay na dapat at hindi niya dapat sabihin kay Dasher. Wala siyang balak na ibunyag ang buong pagkatao niya ngunit paano niya maiiwasan ang pagtatanong nito kung alam nito ang ginawa niyang pagbabalat kayo?

Nagtungo sila sa Airen Lounge, isang coffee shop na nasa kabilang bayan lang. Tahimik ang lugar at very relaxing kaya hindi na siya nagtaka na roon siya nito dinala. She knew that the inevitable has come when he crossed his arms in front of his chest and stared at her.

"What's your name?" tanong nito.

For a second, she hesitated in answering him. Subalit magsinungaling man siya, alam niyang malalaman din agad nito iyon. "It's D-donnie Marie."

"Surname?" he cocked one brow.

Her eyes sharpened. "Plaza."

"I hope you are telling the truth."

"I am," naiinis niyang paninigurado.

Napatango ito. "Bakit kinailangan mong magdisguise? Bakit ka hinahabol ng mga lalaking iyon? And most importantly, bakit mo ako tinakasan?" sunud-sunod na tanong nito. "Hindi mo kailangang magsinungaling. I can easily tell if you're lying or not."

She couldn't lie to him or he could have her investigated. Kapag ginawa nito iyon ay mas marami pa itong malalaman tungkol sa kanya. Hindi niya inakalang pagkatapos ng mahigit limang taong pagtatago sa katauhan ni Mystique Agent ay mabubunyag nang ganon ang tunay niyang pagkatao.

Unfortunately, isang Claus ang nakabangga niya—powerful and shrewd. Marami itong kayang gawin mapaamin lang siya. Isipin palang niya ang mga paraang kaya nitong gawin ay napapangiwi na siya. Napalinga siya sa paligid bago yumuko palapit dito.

"Have you ever heard about Mystique Agent?" bulong niya.

Recognition flashed in his eyes. "Hindi ba't private investigator yun? Narinig ko na minsan ang tungkol sa agent na iyon. In fact, naging kliyente niya iyong dati kong sekretarya. Pinaimbestigahan ni Mrs. Solis iyong asawa niya. Napatunayan ni Mystique Agent na may kabit nga iyong asawa niya kaya hayun, naghiwalay ang dalawa." Napaismid ito. "Dahil doon kaya siya nagresign bigla at umuwi sa probinsiya nila. And I was left without an able secretary."

Kilala niya ang tinutukoy nito. Ito ang huling kliyente niya bago si Mrs. Daguio. Good for her. Mabuti at nakipaghiwalay na ito sa punggok nitong asawa na bukod sa babaero ay sugarol pa. Mabuti nga sa manlolokong iyon.

"So, what about this Mystique Agent? Ano ang kaugnayan mo sa kanya?"

"W-when you found me, I was on a mission," mahinang bulong niya.

"Mission?" kunot-noong ulit nito.

"I am Mystique Agent."

Napaawang ang mga labi nito nang marinig ang tinuran niya. Mayamaya'y sunud-sunod itong napailing na sinundan pa ng mahinang paghampas ng kamay sa mesa. "No way!"

"Noong nakita mo ako ay hinahabol ako ng mga tauhan ni Mayor Daguio. Kliyente ko ang asawa niya. Kung napansin mo iyong camera'ng nakasabit sa leeg ko noong matagpuan mo akong naghihimatay-himatayan sa kalsada, iyon ang dahilan kaya ako hinahabol ng mga lalaking iyon dahil may mga larawan akong nakuha na makakapagpatunay sa pambababae ni Mayor. Speaking of Mayor Daguio, from what I've heard ay hiwalay na raw ang mag-asawa ngayon. And he is being investigated because of his anomalies," iling niya.

Napasimangot ito. "He deserved it. Kung walang aksyon ay baka ako pa mismo ang gumawa ng paraan para maparusahan siya. Hinding hindi ko makakalimutang sinira ng mga tauhan niya iyong bagong kotse ko."

Hindi pala nito alam na mga tauhan ng isang public servant ang nakasagupa nila noong nakaraang linggo. Well, tama ito. Mayor Daguio deserved it. Dapat lang na maparusahan ito, at maalis sa pwesto. Iyon nga lang, kapag nakita siya nito ay tiyak na lagot siya rito.

Baka mapatay siya ng demonyong iyon. She mentally noted that from that time on, she would never let their paths cross, ever again. Kailangan niyang magdoble ingat lalo pa't nagawa siyang makilala ni Dasher. Hindi malayong mahanap din siya ni Mayor Daguio. Bukas na bukas din ay maghahanap na siya ng bago niyang malilipatan bago pa mahuli ang lahat.

"Walang nakakaalam ng identity ko maliban sakin, ikaw palang," nasabi niya.

"B-babae ba talaga si Mystique Agent?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

"My dad was originally Mystique Agent. Pero noong namatay siya eh ako na ang pumalit sa kanya," paliwanag niya.

"Niloloko mo ang mga tao? Bakit ka nagpapanggap na isang magaling na private investigator?" akusa nito.

"Hindi ako tatagal sa industriyang ito kung hindi maganda ang serbisyo ko. Kahit pa sabihin kong ako si Mystique Agent kung hindi ko naman kaya ang trabaho, sa tingin mo ba ay may kukuha pa sa serbisyo ko? I am where I am right now because I can do this job. Hindi man ako kasing galing ng daddy ko, masasabi ko namang may karapatan ako sa industriyang ito. Isa pa, I had always been my father's partner kaya alam ko ang pasikot sikot dito."

"I can't believe this! Kung ganon ay ikaw ang inirekomenda sa akin ni Mrs. Solis?"

"Ano?" Binistahan niya ito. "May patitiktikan ka rin sa akin? Bakit, kinakaliwa ka rin ng jowa mo?" pinagtaasan niya ito ng kilay.

Agad na nagsalubong ang kilay nito. "Walang maglalakas ng loob na mangaliwa sa akin," asik nito. "I wanted to find out who my stalker is."

"Bongga! May stalker ka?" sarkastikong tawa niya.

"Fuck yeah," he said through gritted teeth. "Siya ang gusto kong ipahanap at ipahuli dahil hindi na nakakatuwa ang panggugulo niya. Kaya nagpahanap ako ng private investigator. Bago nga umalis si Mrs. Solis ay nasabi niyang kontakin daw kita para kunin ang serbisyo mo. In fact I've already sent you an email, doon sa website na ibinigay niya."

"Hindi ko pa nache-check ang email ko dahil naging busy ako ngayong araw."

Ito naman ang matamang bumista sa kanya. Hindi maikakaila na nagdududa pa rin ito sa isiniwalat niya. "Kung ganon ay ikaw ang aasahan kong lulutas sa problema ko?"

"Teka, wala akong sinasabing pumapayag akong lutasin iyang probelamang sinabi mo."

"Are you even aware that your secret identity is at my mercy?" maangas na ismid nito.

Biglang sumulak ang dugo niya. Iyon na nga ba ang sinasabi niya eh. He would take advantage of her situation. "Parang ayoko yatang marinig ang susunod mong sasabihin."

Humalukipkip ito. "Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ng mga tao na si Mystique Agent ay isang babae? Paano kaya kapag—"

"Bina-blackmail mo ba ako?" nanggagalaiting asik niya.

"Of course not," painosente nitong sagot. "Ang totoo, gusto ko lang makipagkasundo sa'yo. I want us to make a deal. Tatahimik ako kung pagbibigyan mo ang gusto ko. Tapos ay hindi ko pa pababayaran sa'yo iyong kotse kong pinagbabaril ng mga humahabol sa'yo. In return, you have to find my stalker. And then we're done."

"You're such a devil," she gnashed her teeth.

"A dashing devil," matamis na ngiti pa nito. "I know."

She gritted her teeth. "At kapag hindi ako pumayag?"

"Then I'll tell the world that you are Mystique Agent."

He was a Claus, she reminded herself. Magagawa nitong pahalughugin ang Pilipinas mahanap lang siya. And if he really wanted to ruin her, madali lang nitong magagawa iyon dahil mayaman ito at isang demonyo. A dashing devil indeed, she irately thought. Of all people, bakit ito pa ang kailangang makaalam ng sikreto niya?

"I hate you," she snarled.

"I suppose that's already a yes," he grinned.

"We have to put this into paper. Kailangan nating gumawa ng kontrata na sa oras na malutas ko ang lecheng issue sa stalker mo ay tatantanan mo na ako at hinding hindi ka na magpapakita pa sa akin kahit na kailan!" mabalasik niyang wika.

His eyes lit with amusement. Nagpangalumbaba ito sa mesa at tsaka siya pinagmasdan ng maigi. "That's fair enough," he shrugged. "But hey, you know what? May naisip akong paraan para mapadali ang paghahanap mo sa stalker ko."

"I don't get suggestions from my clients."

"Well, I am not an ordinary client. Baka nakakalimutan mong hawak kita sa leeg."

Malagkit ang tinging ipinukol nito sa leeg niya. Hindi paghawak ang nais ipahiwatig ng tinging iyon, it was something else, something carnal. Her body was traitor for she instantly felt hot when she realized what his eyes were trying to say. Lalo na noong maalala niya kung paanong dumampi ang namumulang labi nito sa leeg niya kanina. Unti-unti na namang bumabangon ang inis niya para rito. "Pervert!" her mind shrieked.

"Huwag mong isiping susundin ko iyon kapag alam kong hindi naman makakatulong sa ta-trabahuin ko," halukipkip niya habang pasimpleng itinatago ang makamundong reaksiyon ng traydor niyang katawan. "At ano namang plano ang naisip mo, Mr. Genius?"

"Be my girl," walang gatol nitong deklara.

Napaawang ang mga labi niya. "W-what?!"