Chereads / Ai Loves Yu / Chapter 3 - CHAPTER 3 : Ang Paghihiganti ni Yu

Chapter 3 - CHAPTER 3 : Ang Paghihiganti ni Yu

Parang detective na pasilip-silip si Aira mula sa pinagkukubliang pulang Toyota na nakaparada sa maluwang na parking lot ng Maliboot Market nang hapong iyon. Wala sa loob na nakagat niya ang kuko ng kanyang tintuturo. Habang mukhang tangang naka-squat, sumandal diya sa kotse at napahinga ng malalim.

Napalunok siya. She saw Yu standing in front of his new silver Montero. Napakagwapo ng bruho! Mukha itong bagong paligo. Napahawak siya sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahang makaharap ito? Ngayon ang nakaambang sagupaan nila.

"Ah hinde! Bat ako matatakot? Sa ganda kong ito? Ano ngayon kung amoy isda ako? Magkaalaman na kung magkakaalaman! Dapat makuha ako!" parang sirang kinausap niya ang sarili. Kailangan niyang makapasok sa pageant dahil iyon na lang ang milagrong inaasahan niyang paraan para makakuha siya ng pera na ganon kalaki at kabilis.

Kahit kasi ano'ng pagkakayod ang gawin niya ay hinding hindi niya mabubuo ang isang daang libong piso sa loob lang ng isang buwan. Mabuti nga at anibersaryo ng talipapa kaya naisipan ng mga Hanagami na magpa-contest ng ganon eh.

"What on earth are you doing here?"

Yu's eyes glinted surfeit amusement. Kulang na lang ay yumukyok ito at ituro siya habang mukhang baliw na tumatawa sa harap niya. Eksaheradang ipinilig niya ang ulo. Diyata't lumalawak ang bangag niyang imahinasyon? Kusang nagbuhol ang mga kilay niya.

Don't english engslish me!" sigaw niya. Mabilis siyang tumayo at nakapamaywang na hinarap ito. How she wished she could rub off that devilish grin on his face. Kumukulo ang dugo niya! Kaya ba namumula ang mukha niya ngayon? Aaaaaaaaaah!

"Why not?" nakangising inilapit nito ang mukha sa kanya.

She flinched back. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa nakakalokong mukha nito. Ibang iba sa seryoso at tila laging galit na mukha nito noong nagdaang araw.

"T-teka. What on earth are you doing?" she hissed. Awtomatikong napaangat ang mga kamay niya at nanginginig na pumatong iyon sa malapad na dibdib ni Yu nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya.

His grin grew wider when he obviously felt her shiver. Tila napapasong inalis niya ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. She heard his mocking laugh when she did that. Mukhang gumaganti ang sakang ah! He's making fun of her.

"S-siraulo ka! Get away from me!" buong lakas niyang itinulak ang binata ngunit ni hindi man lang ito natinag. "I said get away! Get off me!"

"Funny huh? Biglang umayos ang grammar mo," nanunuyang puna nito.

Dagli siyang natigilan sa pagtulak rito. Ang matalim nitong mga mata ay nagsabing hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pang-tri-trip dito. Napakagat labi siya. Uh-oh. Busted. Alam na nitong inaasar niya lang ito sa pamali-maling English niya.

"W-waiting in vain Mr. Sa- este Mr. Pogi. I is just shocking to say those word in fronting you. I mean, my nose is blading! Oh no!" umangat ang kamay niya na tila sinasalo ang nahuhulog na dugo mula sa ilong niya. Ngunit sa halip na matawa ay mas lalo pa yatang nagalit ang binata dahil sa ginawa niyang ka-OA-han. She grimaced.

"Madami ka nang atraso sa akin," matigas na sabi nito. "Unang una, you bathed me with your fish!" muli itong lumapit sa kanya. She stepped back and then swallowed. "Pangalawa, you splashed me with cold and dirty water." Lumapit pa itong lalo. She stepped back again. "At pangatlo, pinagmukha mo akong tanga dahil sa pag-eenglish mong mali mali. You had my head hurt like hell for nothing!"

Sagad na ang espasyo sa likuran niya. She was sandwiched between the car behind her and his sturdy and delectable body. He was now leaning over her and she's got nowhere to go. Nasukol na siya ng tuluyan. Napalunok siya. Pinigil niya ang paghinga. Homaygolay!

Napakalapit ng mukha nito. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya makahinga. Napahawak siya sa kotseng nasa likuran niya. "Bwiset na kotse! Hindi pa umalis para makatakas na ako sa gwapong lalaking ito," piping reklamo ng isip niya.

"Kaya ito ang tandaan mo, Miss Fishy Wishy. Wala pang atrasong pinalampas si Yuri Hanagami. I let every single soul pay. Kaya mag-iingat ka. For now, this serves as a warning. If you want to play, I'll be on it. Pero sinasabi ko na sa'yong ako ang mananalo at hindi ikaw."

He grinned devilishly. She gasped. Isang hibla na lang ng buhok ang layo ng mga labi nila. She could smell his manly breath. Minty iyon at mainit init, parang inihehele siya. Malapit na nga siyang mapapikit eh. Pero mas naaamoy niya ang pananakot nito sa kanya. Ngunit kailanman ay hindi siya tinuruan ng nanay niyang basta basta na lang nagpapatalo!

Baka biglang bumangon sa hukay ang kanyang Inay Ailyn kapag nagpatalo siya sa sakang na ito. Alam niya ang larong hinahabi nito. Dapat niyang ipabatid dito na hindi siya magpapatalo sa panunuksong ginagawa nito sa kanya! He could never use his charms against her. Sapagkat siya si Aira Mercedez, isang amazonang napadpad sa talipapang iyon.

So, without thinking, she kicked him hard—siguro naman, mahuhulaan na ng mga makakakita kung saan niya sinipa ang binata, ah mali, tinuhod pala dahil napasigaw ito sabay napamura sa kanya habang napayukyok sa aspalto—on the balls. Kulang na lang ay maglupasay ito sa kalsada. Taas noong tinignan niya ito.

"For your information Mr. Yuri Walang Pumupuri, hindi ako basta bastang babae. I don't quit. I never quit," may pagdiriing wika niya. "Dahil sa lahat ng labang tinanggap ko, kailanman ay hindi pa ako natalo. As for the pageant, kahit wala kang approval, I can climb my way up to the big boss' office and state my side. Hindi lang ikaw ang judge. Kung gaganti ka sa akin, siguraduhin mo lang na makakatama ka. Dahil kung hindi, zombies will surely eat your brain!" pagkunwa'y mabilis siyang nagmartsa paalis ng lugar na iyon. "That is, if you have any," patuyang habol pa niya matapos niyang linungin ito.

Sinasabi na nga ba niya, may masamang balak sa kanya ang damuho. Gaganti? Haller! Maggantihan sila hanggang sa gusto nito pero hinding hindi siya nito mapapasuko!Sayang iyong pamintang inihanda niya. Nakalimutan niyang ibudbod sa mukha nito. Next time nalang. Tsk.

"You'll pay for this Aira! I swear you'll pay for this!" pahabol pang sigaw nito.

"Ilista mo muna fans! Minsanan na ang magiging bayad ko. Utang muna," tatawa tawang sabi niya. Ngunit hindi niya maitatatwa ang kabang biglang dumunggol sa dibdib niya dahil sa banta nito. Kapag gumanti si Yu, tiyak na gagapang siya paalis ng Maliboot Market dahil anak ito ng pag-aari ng talipapang iyon.

She silently prayed that his father, the other Hanagami, would be fair enough to give her another chance. Kilala sa bayan nila ang matandang Hanagami bilang isang pilantropo. Saksakan ito ng bait at talaga namang iniintindi ang lahat ng taong nakapaligid dito, maliit mang tao iyon o hindi. She smirked. Kabaliktaran ito ng anak nitong sakang.

Pero paano nga kung gumanti ng bonggabels ang bruhong sakang na iyon? Sunud-sunod siyang napalunok. Oh hindeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!

***

"Nani? Dou shita no?"

Napakislot si Yu nang may biglang magsalita sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nakatanaw sa malawak na lupain ng mga Hanagami sa Bayan ng Adikterya. Naroon sila sa veranda at nagpapahangin nang umagang iyon. Napalingon siya kay Kenjie, nakababatang kapatid niya. Mababanaag ang pag-aalala sa mukha nito kaya napailing siya.

"Nothing. Don't worry about me sis," nakangiting sagot niya. Naramdaman niya ang mahinang pagbuntong-hininga nito.

"Mukhang may problema ka yata, bro?" pag-uusisa nito.

Bigla siyang nainis dahil bigla na naman niyang naalala ang amazonang tindera ng isda na iyon. How he hated that girl. Makakaganti rin siya rito. He clenched his fist. Gusto niyang mag-amok lalo na't naalala niya ang ginawa nito sa kanya sa parking lot. That witch!

"Come on bro! Babae 'yan 'no?" nakangising untag ulit nito.

"Shut up! Go away!" taboy niya rito.

Lalong lumawak ang pagkakangisi nito. "I knew it! It was that girl. Iyong babaeng nagpaligo sayo ng mga isda ano?" kantiyaw ng kapatid niya. "Kalat na kalat na kaya ang balitang iyan sa buong bayan. Kahit nga sina Ojisan at Okasa ay natatawa dahil sa nangyari sa'yo eh."

"Damn it Kenjie! I said go away!"

Natatawang umalis ang kanyang kapatid. He clenched his fists. Isa pa iyon sa ikinaiinis niya. Bakit hindi man lang siya magawang maipagtanggol ng mga magulang niya? Imbes na siya ang kampihan ay iyong babaeng iyon pa ang kinakampihan ng mga ito. Kilala daw ng mga ito si Aira bilang isang babaeng tapat at may magandang pag-uugali.

Samantalang siya na anak ng mga ito ay kilala raw bilang mayabang, masama ang ugali at childish. Dang. Parang baliktad yata, ano? Siya ang anak ngunit siya ang nilalait lait ng pamilya niya. He shook his head. Sabagay, sanay na siya. His family always thought the worst in him—well, sa pag-uugali lang naman. He's still a Hanagami so his family loved him whatever he did—wrong or not. They always forgave him. He grinned.

"Magbabayad talaga ang babaeng iyon! Sa lahat ng atraso niya sa akin. Maniningil ako ng malaki!" banta niya sa isip. Pagkunwa'y isang maluwang na ngisi ang umukit sa napakapulang labi niya.

***

"Ano, kamusta naman ang babaeng amazona?" nakataas ang kilay na tanong ni Dessery, ang dakilang kontrabida na tindera ng tinapa na katapat ng pwesto niya.

Kasama pa nito ang mga dakila nitong ka-friendsters na sina Sweetdarz, Rona Joyce, Rose at Yesha. Ang mga ito ang tinaguriang Team Mahadera sa talipapa. Nakapamaywang na bumalandra ang grupo ng mga naka-mini skirt na babae sa harap ng pwesto niya.

"Eto, tuwang tuwa kasi dinalaw ako ng Team Mahadera. Nakaka-touch," sarkastikong sagot niya. Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang ng mga kontra bida.

"Ambisyosa ka, alam mo ba iyon? Ang kapal ng mukha mong sumali sa pageant!" ani Rona Joyce na halatang inis na inis dahil naglalabasan pa ang mga litid nito sa leeg.

"Korek! Akala mo kung sinong maganda," sang-ayon ni Yesha.

"Iyon eh kung makakasali pa ba 'yan matapos ng ginawa niya kay Papa Yu?" bira ni Rose na napaismid pa habang tinitignan siya ng masama.

"A-huh! Siya kasi ang dakilang pasikat dito sa talipapa," natatawang kantiyaw ni Dessery. Nagtawanan ang mga magkakasama. Habang ang bagong recruit na si Sweetdarz ay halatang hindi mapakali. Ambisyosa kasing mapasali sa Team Mahadera, ayan tuloy ang napapala. Napaismid siya. Hindi niya talaga magets kung bakit gustong gusto ng mga tao sa talipapa ang mapasama sa grupo ni Dessery. Puro kamalditahan lang naman ang mga ito.

"Pwede ba! Tantanan ninyo nga si Ai," biglang sumingit ang matinis na boses na iyon ni Phoebe.

Nasa likod naman nito ang mga kasamahang sina Xel, Gerryjane at Angelica. Sila naman ang tinaguriang Maliboot Angels—kalabang mortal ng Team Mahadera. Kung ang Team Mahadera ay lupon ng mga pasosyal na tindera, ang Maliboot Angels naman ay lupon ng mga abogada ng talipapa. Tagapagtanggol ng mga inaapi ng Team Mahadera.

Oh diba, ang susyal? Parang may gangsters ng mga kikay sa Maliboot Market!

"So so so, naririto na naman ang mga abogaga de kampamilya. Ipagtatanggol ninyo itong si Ai?" mayabang na sikmat ni Dessery.

"Oo, bakit? Natatakot ka?" sabi ni Angelica.

"Aba! Mayabang ka na ah!" ani Yesha.

"Talaga! Dahil kami ay matatalino! Hindi gaya ninyo!" sabat ni Gerryjane.

"Maganda naman hindi kagaya ninyo!" sigaw ni Rose.

"Teka teka mga babaeng hindi ko maintindihan ang mga ipinaglalaban sa lupain ng mga tindera rito sa Adikterya. Pwede ba, kung mag-aaway kayo, doon kayo sa malayo? Doon sa hindi ko nakikita. Try ninyo kaya sa Police Station?" napipikang singit niya.

Parang iisang kutsilyong biglang tumalim ang mga tingin ng dalawang grupo sa kanya. "Fine, ako na lang ang aalis. Basta tantanan ninyo ako," sumusukong sabi niya nang mapansing walang balak umalis ang mga busangot sa buhay niya.

"Hindi ka aalis hangga't hindi ka nangangakong uurong ka sa pageant," matigas na pigil ni Yesha sa kanya. Tumango-tango ang mga kasama nito.

"Tama! At layuan mo si Papa Yu," sabi naman ni Angelica.

Napataas na ng tuluyan ang kilay niya. Tama ba ang narinig niya? Pinapaatras siya sa paligsahan ng mga ito para kay Yu? Para sa ulupong na iyon? Mas lalo tuloy siyang nainis.

"Managinip na kayo ng gising mga atribida dahil hindi mangyayari yan," pinal na sagot niya. Leche!Diyata't madami pa siyang makakalaban dahil sa sakang na iyon?

"Says who?"

Parang baliw na nagsisisigaw ang mga babae nang makita si Yu na parang usok na nag-puff sa lugar. Pacute pang ngumiti ang lalaki sa mga malalanding bruha. Napa-argh siya sa nasaksikan. NAKAKASUKA! Kadiri to death!

"Don't talk to me!" sigaw niya. Mabilis niyang isinukbit ang beltbag sa bewang at tsaka hinarap ang kanyang mga kasamang tindera. "Mareng Macke, Mareng Jhen, as usual, pakibantay itong mga isda ko. Kapag dumating si Chris, pakibigay nalang iyong order niyang isda. Magkaka-World War III dito kapag nagtagal pa ako," bilin niya.

"Copy! Basta, balato pag nanalo ka Ai," nakangising sabi ni Macke.

"Tama! Kahit isang banyera lang ng isda," sabi naman ni Jhen.

"Sure!" nakangiting lumabas siya mula sa kanyang stall at maarteng hinawi ang mga nagkumpulang babae sa harap ng pwesto niya. Galit na tinabig niya si Yu bilang finale sa pagwo-walk out niya.

Iritableng napasigaw ang mga babaeng halatang nagpapa-cute sa binata dahil sa panghuling ginawa niya. Balewalang tumalikod siya at naglakad palayo sa mga ito. Kumukulo na talaga ang dugo niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang nais niyang kalbuhin ang mga malalanding babae sa harap ni Yu. Mga malalandi!!!!!

"Saan ang punta ng amazona? Naduwag ka agad sa akin?" pigil ni Yu sa kanya.

Halos mapalundag siya nang maramdaman ang tila kuryenteng iyon na dumaloy mula sa kamay nitong humawak sa braso niya. Napakurap siya.

"D-don't touch me!" nabibiglang piksi niya.

"Apat na ang atraso mo. Kapag umabot pa ng hanggang lima. Tinitiyak ko sa'yong isusumpa mo ang araw na nakilala mo ako. And to begin with my vengeance, may inihanda ako para sa'yo," nakangising binitiwan siya nito.

Isang napakalakas na sigaw ang kumawala sa mga labi niya nang biglang may bumuhos sa kanya ng isang banyerang isda. Nakita niya sina Jocarl at Alvin na nagtatawanan habang hawak ang banyera, mga kargador sa Talipapa ang dalawa. Inabutan ni Yu ang mga iyon ng tig-limang daang piso bago umalis. Nanggagalaiting tinignan niya ang tatawa tawang si Yu. Iyon na ba ang unang paghihiganti nito? Bwiset! Magbabayad kang sakang ka!

"How was it? Masarap ba?" nakakalokong tanong nito. Narinig niya ang tawanan ng mga tao sa paligid nila. She suddenly felt her cheeks burn—not with shame but with anger. "At least ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng mabuhusan ng isda," dagdag pa nito.

"Gusto mo ng away? Pwes, pagbibigyan kita!" mabalasik niyang sigaw.

"Ihanda mo na ang sarili mo, dahil tiyak kong matatalo kita," kumpiyansang sagot nito. He looked like he was really ready to fight. Para itong lalaban sa boxing ring!

"Dream on! Wala pang nakatalo sa akin," pagmamayabang niya. Hah! Kung inaakala nitong uurong siya sa mga pinaggagagawa nito, pwes nagkakamali ito.

"Tignan natin," he said through gritted teeth.

"Huwag na! Dahil kapag hindi ka pa umalis sa harap ko ngayon ay malamang na madukot ko na iyang eyeballs mo at mabulag pa kita!"

"Try me. Dahil oras na dumikit ni isang daliri mo sa akin, kahit na amoy isda ka pa, hahalikan kita," diretsong pagbabanta nito.

Parang tulad sa ferris wheel, umakyat ang dugo niya patungo sa ulo niya. Ramdam niya ang eksaheradong pamumula ng kanyang makinis na mukha. Mas matindi ang naging pamumula niyon dahil pinaghalong pagkapahiya at galit na ang dahilan ng pamumula ng mukha niya. Ang manyak na ito!

"See? Sa kiss ko pa lang, talo na kita," tatawa tawang tumalikod ito at iniwan siyang parang basing sisiw sa gitna ng talipapa.

Wala na siyang nagawa kundi ang imagine-in na hinahampas niya ng palakol ang likod nito. Ang walanghiya! Nakaisa na sa kanya!