Chereads / BEAUTIFUL IN WHITE (Tagalog) / Chapter 2 - Episode 2- SAID I LOVE YOU BUT I LIED

Chapter 2 - Episode 2- SAID I LOVE YOU BUT I LIED

"Hello, Kathleen, pasensya ka na kasi nagpunta kami ni Henry sa ospital. Naaalala mo iyong ikinuwento ko sa iyo noon na may dinala kami ni Henry sa ospital na biktima ng pananaksak? Hangga ngayon ay wala pa rin siyang malay, kaawaawa naman siya", paliwanag ni William kay Kathleen.

"Paano, eh di hindi na tayo tuloy sa lakad natin?" Ang sagot ni Kathleen na halata dito na Siya ay naiinis.

"Pasensya ka na at babawi na lang ako next time... hello... hello"

Magpapaliwanag pa sana si William, subali't ibinaba na ni Kathleen ang telepono na halata siyang galit kay William.

"Ano, William, sabi ko na sa iyo na tiyak magagalit si Kathleen eh. Sino namang hindi magagalit, pinaghintay mo siya ng matagal sa tagpuan ninyo at tapos hindi ka sumipot. Kahit ako ang lumagay sa katayuan niya ay malamang ganoon din ang magiging reaction ko", ang nangingiting sabi ni Henry.

"Oo nga eh, kaya kung minsan hindi kami magkaintindihan ni Kathleen. Sa kaunti kong pagkakamali ay lagi niya akong pinagsasalitaan. Kasi alam niya na mahal na mahal ko siya kaya laging ako ang nagpapasensya."

"Mahal mo nga ba siya o nagsisinungaling ka lang. Sinasabi ng bibigmo subali't wala sa puso mo, hindi iyon nanggagaling sa puso", ang sabi ni Henry.

"Hindi ko nga alam, Henry, kapag magkausap kami at nangangarap para sa kinabukasan namin at sasabihin niyang mahal na mahal niya ako, at tutugunin ko din na mahal na mahal ko siya, subali't sa pakiramdam ko ay para akong nagsisinungaling lang sa kanya."

"Ano ngayon ang balak mo?"

"Hindi ko alam, Henry, ang iniisip ko na lang ay ang tatlong taon naming pagiging magkasintahan."

"Hindi puwede iyon, William, hindi kayo magiging maligaya kung patuloy ka sa pagkukunwari sa kanya. Alam ko naman kung bakit ka unti unting nagbabago ng damdamin sa kanya eh. Iyon ay ang pagiging obsession niya sa iyo. Para bang ayaw ka niyang bigyan ng space upang makahinga. At dahil natural lang sa tao ang nagbabago ng damdamin ay doon nga mauuwi ang lahat sa kabiguan."

"Bahala na."

"Hindi puwede ang bahala na, William, hanggat maaga ay bigyan mo ng kalutasan ang magiging problema mo sa hinaharap kung sakali't kasal na kayo ni Kathleen. Hindi magiging maligaya ang pagsasama ninyo, mark my words, William."

Sa pag-uwi ni William sa bahay

"William, tawag ng tawag si Kathleen at itinatanong kung saan ka raw naroroon? Sabi ko na lang wala kang nabanggit sa akin", ang sabi ng ina nito.

Hindi na kumibo si William at nagtuloy na ito sa kanyang kuwarto. Paghiga niya ay ipinikit ang mga mata subali't kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay parang buhay na larawan ni Helena ang kanyang nakikita.

"Ano itong aking nararamdaman kay Helena? Naaawa lang ba ako sa kanya dahil sa kalagayan niya ngayon o may iba itong kahulugan sa puso niya? sa damdamin niya?" ang naitanong ni William sa kanyang sarili.

At sa paglalakbay ng diwa ni William ay tuluyan na itong nakatulog hanggang sa siya'y managinip. Nanaginip siya na nakita niya si Helena na nagsasayaw na parang isang prinsesa at siya ay tinawag.

"William, halika at magsayaw tayo."

"Okay"

"William, how much do you love me?" tanong ni Helena kay William habang sila ay nagsasayaw sa saliw ng isang malambing na awitin.

"Helena, I love you not because you are you, but because you saved my life. I'm not sure if you knew this, but when I first met you, I got so nervous. I couldn't speak at that moment. I've found the one and my life had found it's missing piece. Ang from now 'till my very last breath, this day I'll cherish you. Helena, you look so beautiful in white. I love you from the bottom of my heart."

"Hoy! William, gising, nananaginip ka at umuungol", ang sabi ng ina ni William.

"Terible ang panaginip ko ah, pero ayoko ng ganoong panaginip... ayoko", ang matinding sabi ni William.

"William bangon na at maaga ka pang papasok. Graduating ka na sa college kaya pagbutihin mo ang pag-aaral."

"Opo, 'nay"

Si William ay magtatapos na sa college sa susunod na semester kaya ngayon pa lang ay marami na siyang plano sa buhay. Gusto niyang sa ibang bansa maghanap-buhay. Kung matutupad ang balak niya ay makakaipon siya ng sapat na halaga upang makapagpatayo ng isang negosyo.

Tinawagan niya si Henry sa cell-phone.

"Henry, sabay na tayo sa pagpasok, magkita tayo sa kanto."

"Okay"

"William, maaga kang umuwi mamaya at sabi ni Kathleen ay pupunta daw siya dito sa bahay."

Sa ibinilin ng kanyang ina ay parang nawalan ng gana si William. Hindi niya alam kung bakit.

Pagkatapos ng klase at pauwi na si William ng tawagan siya ng hepe ng pulisya at pinapupunta sila ni Henry doon.

"Henry, nasaan ka ngayon? Pumunta daw tayo sa police station ngayon."

"Okay, magkita na lang tayo doon."

Sa police station

"William, may mga dinampot kaming mga suspects at tingnan ninyo kung mamumukhaan ninyo sila."

"Sige po"

"PO1 Jack, papilahin sila paharap diro."

"Yes, boss"

"Ayan sila William, tingnan ninyong mabuti kung mayroon kayong natatandaan sa kanila."

Matagal ding pinagmasdan ng dalawa ang mga nakahilerang mga suspects, subali't wala silang mamukhaan sa kanila.

"Sige, William, Henry, puwede na kayong umuwi. Salamat sa inyo at sa inyong cooperation", ang sinabi ng hepe ng pulisya.

"Wala pong anuman iyon."

"At sana huwag kayong madadala."

Pag-uwi ni William sa kanila

"William, matagal na naghintay si Kathleen dito at ng mainip ay umuwi na", ang sabi ng ina nito.

"Nagpunta po kami sa presinto mommy, at may mga itinanong tungkol sa ginagawa nilang imbistigasyon sa kaso ng biktima."

"Hindi pa ba nahuhuli ang mga taong iyon?"

"Hindi pa po 'nay"

"Kumusta naman iyong biktima?"

"Komatos pa rin po."

Dahil sa hindi na naman nagkita ang dalawa ay tiyak na kung ano ano na naman ang sasabihin ni Kathleen kay William.

Sa school kinabukasan ay nagkita ang dalawa at nag-usap.

"Ano ba William, tapatin mo nga ako, iniiwasan mo na ba ako dahil may iba ka ng babaing kinalolokohan?" ang medyo pagalit na pagtatanong ni Kathleen.

"Hindi sa ganoon, Kathleen, hindi ba sinabi ko sa iyo noon na tumutulong kami ni Henry sa paglutas sa ginagawang imbistigasyon sa kaso ng taong dinala namin sa Ospital", ang paliwanag ni William.

"Kahit na, sa pakiramdam ko ay binabalewala mo na ako eh."

"Kathleen, hindi kita maintindihan, lagi ka na lang galit sa akin.Sa kaunti kong pagkukulang ay inaaway mo ako. Samantalang kapag ikaw ang nagkukulang ay lagi kitang inuunawa. Bakit?"

Sa sinabi ni William ay medyo nag-isip si Kathleen at pagkatapos ay humingi ng sorry kay William.

"Kathleen, gusto na mag cool-off na muna tayo. Bigyan natin ng space ang ating mga sarili at baka sakaling bumalik na muli ang dati nating pagtitinginan."

"Ayoko William, mahal kita, pangako magbabago na ako."

"Ganoon din ang sinabi mo noon ng minsan tayong hindi nagkaunawaan, subali't heto ka na naman, nangangako na hindi naman natutupad. Buo na ang pasya ko Kathleen, nakikipag break na ako sa iyo."

"Ano? Iyon ba ang gusto mo na mangyari sa atin? Break? Okay, sige break kung break, bakit sa akala mo ba ikaw lang ang lalake sa mundo?"

"Hindi sa ganoon Kathleen, ng pumasok tayo sa relasyong ito ay mga bata pa tayo at habang tumatagal ay nakikilala natin ang isa't isa at nagkakaroon iyon ng maraming pagbabago, sa pag-uugali, sa personal nating emotion, at higit sa lahat sa damdamin at sana maintindihan mo iyon."

Umiiyak si Kathleen dahil naisip niya nasayang lamang ang tatlong taon nila bilang magkasintahan ni William.

"Sige, William, kung iyan ang gusto mo ay hindi kita pipilitin, sana kahit papaano ay maalala mo ako."

At pagkasabi niyon ay biglang tumakbo si Kathleen na umiiyak. Tumawid siya sa kalsada na parang wala sa sarili kaya hindi niya napansin ang paparating na sasakyan at siya ay nasagasaan at namatay.

Biglang nagkagulo sa pagkakataong iyon at dumami ang mga tao na nag-usyuso. May dumating din na ambulansya at mga pulis upang mag-imbistiga sa nangyari.

"Ikaw ba ang driver na nakasagasa sa biktima?"

"Opo, subali't hindi ko po kasalanan sir, bigla po siyang tumawid ng hindi tumitingin kaya ko po siya nasagasaan."

"Sige, sumama ka sa akin sa presinto at doon ka na magpaliwanag."

Natulala si William at walang nagawa kundi lapitan si Kathlenn na wala ng buhay na nakahandusay sa gitna ng kalsada.

"Patawarin mo ako Kathleen, hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa iyo. When I said I love you, I was wrong. I said then that I love you, but I lied. Sorry, may you have peace in the afterlife", said William na hindi niya napansin na tumutulo ang kanyang luha dahil sa isip niya kahit papaano ay minahal din niya si Kathleen in anyways.

Totoo na napakasakit ang ganitong pangyayari sa paghihiwalay ng dalawang naging magkasintahan, dating nagmahalan. It's sad between parting lovers.

Madaling lumipas ang panahon at unti unti na ring lumilipas ang mga hindi magagandang nangyari sa buhay ni William.

Graduate na si William at Henry. Si William sa kursong engineering at natanggap na rin siya na makapagtrabaho sa ibang bansa.

"Henry, I'm leaving for Canada in a month. Just kept me informed of whatever news you have especially in the case of Harry, But before I leave I'll try to see Helena, just for the sake of friendship", ang sabi ni William.

"Huwag kang mag-alala William, babalitaan kita, para saan pa ang pagiging magkaibigan natin."