Chereads / BEAUTIFUL IN WHITE (Tagalog) / Chapter 8 - Episode 8- GOOD-BYE MY LOVE

Chapter 8 - Episode 8- GOOD-BYE MY LOVE

Sa ospital, biglang nagkagulo ang mga nurse at ang mga doktor na tumitingin kay Harry.

"Dok, iyong pasyente sa ICU, nag-flat na ang monitor sa kanya."

"Dali, bigyan kaagad ng electirc shock", ang sabi ng doktor.

Ilang beses ding binigyan si Harry ng electric shock, subali't wala ring nangyari, hindi rin na-revive ang pulse beat nito.

"Ipaalam kaagad sa mga kamag-anak ng pasyente."

"Opo, dok"

Kaagad ngang ipinaalam sa mga kamag-anak ni Harry ang pagpanaw nito at kaagad namang nagdatingan sila, maliban kay Helena na hindi nakarating dahil sa hirap pang maglakad sa sinapit na aksidente.

Kaya ng malaman ni Helena na pumanaw na si Harry ay wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang.

"Inay, wala na po si Harry", ang nasabi na lang ni Helena sa ina habang patuloy ito sa pag-iyak.

"Bayaan na natin siya, Helena, hanggang doon na lang ang buhay niya, kung tutuusin ay tapos na ang kanyang paghihirap", ang paliwanag ng ina nito.

Sa burol ni Harry ay maraming nakiramay, mga kaibigan, mga kakilala at malalapit na kamag-anak. Nakiramay din sina William, Henry, Amelia at Vicky. Lahat sila ay hinagpis ang naramdaman sa pagkamatay ni Harry.

"Harry, bakit mo ako iniwan?" ang umiiyak na sabi ni Helena habang pinagmamasdan si Harry sa loob ng kabaong.

Ang hindi alam ni Helena ay noong kausapin niya si Harry sa ospital ay nadinig siya nito sa pamamagitan ng pagpatak ng mga luha nito, hindi lang siya makapagsalita at masabi kay Helena na mahal niya ito at pasalamatan siya sa ginagawa niyang pagtitiis. At siguro dahil ayaw ni Harry na patuloy si Helena sa kanyang pagtitiis at kalungkutan ay minarapat na lang niya na huwag ng mabuhay pa, kahit gusto pa niyang mabuhay. upang bigyan na rin si Helena ng kalayaan na hanapin nito ang sarling kaligayahn sa piling ng iba.

"Helena, nakikiramay kami, mga kaibigan mo."

"Salamat sa inyo,William."

"Tatagan mo ang loob mo, lahat tayo kahit dumating ang matitinding pagsubok sa buhay ay tiyak na mayroong pag-asa at saya na darating sa buhay natin."

"Salamat, William, sa inyo na naging malalapit naming mga kaibigan ni Harry",ang nasabi ni Helena na bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

Anupa't maayos na nailibing ang labi ni Harry. At kay Helena, panibagong pagharap sa yugto ng kanyang buhay maging sa kapalaran ng panibagong pag-ibig niya.

Nababahala naman ang ina ni Helena sa nakikitang pagdadalamhati ng anak na baka ito naman ang magkasakit.

"Anak, Helena, kalimutan mo na ang nakaraan. Maaaring ginusto na ni Harry ang nangyari sa kanya upang bigyan ka ng panibagong pag-asa upang harapin mo ang iyong napabayaang kinabukasan."

"Opo, inay, maaaring tama po kayo at kung mananatili akong ganito ay alam ko pong hindi rin magugustuhan ito ni Harry."

Nakapag-isip din si Helena, kaya muli niyang hinarap ng husto ang may kinalaman sa kanyang propesyon. Nagkaroon siya ng mga painting exhibit at naging matagumpay naman.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkita sila ni Arnold sa isinagawa niyang painting exhibition. Si Arnold ang tumulong kay Helena ng mabuwal ito dahil sa humahagibis na sasakyan na muntik ng makasagasa sa kanya.

"Helena, natatandaan mo pa ba ako?"

"Of course, Arnold, bakit ka nandito?"

"Napag-utusan kasi ako sa upisina na bumili ng painting at hindi ko inaasahan na makita ka dito."

"Ganoon ba? Sige pumili ka na at bibigyan kita ng malaking discount."

"Huwag, hindi ko naman pera ang ipambibili ko, pera ng upisina. Ganito na lang anyayahan kita mamya na mag-dinner kung papayag ka lang naman."

"Okay"

Pagkatapos ng exhibit ay nagpunta sila sa Max's. Pinili nila ang puwesto na puwede silang makapag-usap ng tahimik.

"Arnold, matagal na nga pala iyong pangyayari sa akin ah, pero hindi ako malilimutin, salamat sa ginawa mong pagtulong sa akin."

"Huwag mo ng alalahanin iyon, bale wala iyon, dahil kahit sino naman ay gagawin din ang ginawa ko."

Habang sila'y kumakain ay pumasok din sina William at Amelia na magkaakbay pa ang dalawa. Dahil nakaharap sa entrance si Helena ay kitang kita niya ang dalawa at nakaramdam siya ng kirot sa puso niya, hindi niya alam kung bakit. At naalala niya ang naging pag-uusap nila ni William noon. Nagpahiwatig ito sa kanya ng damdamin nito, na kahit may pitak na rin ito sa puso niya ay nagsinungaling siya na si Harry ang lalake para sa kanya na makapagbibigay ng kaligayahan at sinabi din niya na ibaling na lang sa iba kung ano man ang nararamdaman nito para sa kanya. Ngayong may iba na si William ay bakit siya nasasaktan.

"Helena, bakit para kang natitigilan? Hindi mo ba gusto ang inorder kong pagkain?"

"Hindi naman Arnold, sorry, may naalala lang ako. Sige kumain na tayo."

"Helena, puwede ba kitang yayaing mamasyal? Para maaliw ka naman, alam ko na malungkot ka sa pagpanaw ng katipan mo."

"Ha? Paano mo nalaman?"

Noon una tayong magkita, noong tinulungan kita sa muntik mo ng aksidente ay ikaw iyong nakita ko sa St. James Hospital ng may dalawin akong kaibigan doon. At noon pa humanga na ako sa iyong kagandahan. Ng naisakay na kita sa taxi, ay muli akong nagbalik ng ospital at nalaman ko na naka-confine ang boyfriend mo doon at nasa ICU. Sabi ko pa nga, sana gumaling na siya para sa iyo. Matagal na rin iyon at sa kagustuhan kong makibalita sa boyfriend mo ay napag-alaman ko na namayapa na pala siya. Naisip ko na masakit iyon para sa iyo. Hindi ko nga alam kung ano ang nagtulak sa akin na alamin ang kalagayan ng boyfriend mo doon, hindi ko alam. Kinalimutan ko na nga iyon at ngayon hindi ko akalain na magkikita pa rin tayo at ako'y masaya ngayon", ang pahayag ni Arnold.

Sa mga sinabi ni Arnold ay nangiti lang si Helena. Wala siyang maisip na puwedeng isagot kay Arnold. Hindi pa siya handa na pumasok sa isang relasyon, bagama't alam niya na ang mga sinabi nito ay pagpapahiwatig na may gusto ito sa kanya.

"Arnold, pasensya ka na busy pa kasi ako sa painting exhibit ko."

"Okay lang, Helena, sa ibang pagkakataon na lang."

"Okay"

Lihim na hinanap ng mga mata ni Helena kung saan nakaupo sina William, subali't hindi niya nakita at inakala na lang niya na nakaalis na sila.

"Arnold, thanks for this wonderful dinner."

"Wala iyan, o paano, ihatid na kita."

"Huwag na Arnold, thanks na lang."

"Okay, ingat ka na lang, Helena."

"Thanks"

"Teka, itawag kita ng taxi, ah, ayun, TAXI!"

Ng nakasakay na si Helena ng taxi at ng paliko na ito ay nakita niya sina William. Nagtama ang kanilang mga mata, at tiyak siya nakita niya si Arnold na alalayan siya sa pagsakay sa taxi dahil kung hindi ay hindi siya hahabulin ng mga tingin nito.

Totoo, nakita sila ni William, ayaw lang ipaalam nito kay Amelia. At ng malayo na ang taxi na kinalululanan ni Helena ay nakaramdam ng kirot sa puso si William.

"Bakit ako nagkakaganito? Bakit ang hirap alisin si Helena sa puso ko? Bakit? Papaano ko siya lilimutin?"

"Hoy! William, sakay na."

"Ha? Ah, oo"

"Ano ka ba bakit para kang natutulala diyan?", ang natatawang sabi ni Amelia.

"Wala, Helena, mayroon lang akong biglang naalala."

"Gusto ko William, pasyal uli tayo, kasama sina Henry at Vicky para masaya. Ano sa palagay mo?"

"Gusto ko iyon, sige pagplanuhan natin."

Nang maihatid na ni William si Amelia at ng siya'y nakauwi na ng bahay ay hindi mawala sa isip niya ang tagpong inalalayan si Helena ng isang lalake at nakaramdam siya ng pagseselos.

"Bakit ako nagkakaganito? Bakit ako nagseselos? Papaano si Amelia na tiwalang tiwala sa aking pag-ibig?" ang naguguluhang sabi ni William sa kanyang sarili.

Masalimuot na damdamin ang namamagitan ngayon kina William at Helena. Ano kaya ang kahihinatnan ng mga lihim nilang pagtingin sa isa't isa na hindi nila maiwaksi sa kanilang puso na sumibol sa hindi tamang panahon. Si William ng makilala niya si Helena at ibigin ito ay nakatali na ang puso nito kay Harry at ng lumaya na ito at may karapatan ng tugunin ang pag-ibig ni William ay hindi na puwede dahil nakatali na si William kay Amelia.

"Henry, nasaan ka ngayon? Samahan mo ako mag-inom tayo."

"Alas nuwebe ng gabi, William, bakit? Siguro may problema ka na naman, ano?"

"Wala naman, gusto ko lang mag-inom tayo."

"Sige, kita tayo sa RR Videoke Bar."

Ilang sandali pa ay nagkita na sila sa RR Videoke Bar. Naka-order na si William ng ilang bote ng beer.

"Sige, Henry, inom tayo."

"Alam ko William, may gumugulo na naman sa isipan mo kaya gusto mo akong makausap."

"Wala, Henry, ikaw talaga, basta inom lang tayo."

Apat na bote palang ang naiinom nila ay parang wala na sa sarili si William, kaya kung ano-ano na ang sinasabi nito hanggang mauwi sa lihim nitong damdamin kay Helena.

"Alam mo, Henry, nakita ko si Helena may kasamang lalake sa kinainan naming restaurant."

"O, eh, anong masama doon?"

"Hindi, Henry, naramdaman ko nagselos akong bigla, bakit ganoon?"

"Bayaan mo na si Helena, alam ko na hangga ngayon ay mahal mo pa siya. Subali't iba na ang sitwasyon ngayon. Mayroon ka ng Amelia na nagmamahal sa iyo ng labis. Kaya dapat mo ng kalimutan si Helena. Pakawalan mo na siya sa puso mo."

"Tulungan mo ako Henry, kaibigan kita, hindi ba?"

"Ano namang tulong ang magagawa ko aber?"

"Samahan mo ako kay Helena, gusto ko siyang makausap ng masinsinan at malaman sa kanya kung wala akong pitak sa puso niya at kapag sinabi niya na wala ay kalilimutan ko na siya, promise."

"Lasing ka na William, tayo ng umuwi."

Dahil sa kalasingan ay natabig ni William ang katabing dalawang nagiinuman na ikinagalit ng isa.

"Ano ka ba, bulag?"

"Pasensya na pare, lasing na kasi itong kasama ko." ang sabi ni Henry,

"Umalis na kayo at baka samain pa kayo." ang banta ng natabig na lalake.

"Ano kamo? Gago ka ah", ang sabi ni William.

Tumayo ang lalake at uupakan sana si William kung hindi naawat ng kasama nitong kainuman.

Maagang pumasok si William sa shop at una niyang napagtuunan ng pansin ay ang mga gamit ni Helena sa hindi pa natapos na painting ng kanyang shop. Naisip niya na hindi na siguro babalikan ni Helena ang mga iyon kaya inilagay sa isang maayos na kahon upang itago na ng tuluyan ng bigla, hindi niya inaasahan ay dumating si Helena.

"Hi! William, puwede ko bang ituloy ang ginagawa ko sanang painting nitong shop mo?"

"Hi! Helena, ikaw pala, ginulat mo naman ako, hindi ko inaasahan na darating ka."

"Bakit tila yatang nagiging magugulatin ka na,Williamk?" ang pabirong sabi ni Helena na nakatawa.

"Hindi naman, ewan ko ba kapag ikaw ang kaharap ko nawawala ako sa aking sarili."

"Kumusta nga pala si Amelia?"

"Okay, naman kami, balak na nga naming pakasal sa susunod na taon subali't atubili pa rin ako."

"Bakit naman?"

"Dahil hindi pa nawawala sa puso ko ang unang babaing minahal ko. Kaya gusto ko kapag ikakasal na ako matiyak ko sa sarili ko hindi niya mahal."

"Sino naman siya? Kilala ko ba siya?"

Hindi na nakasagot si William sa katanungan ni Helena dahil may dumating na customer.

"Heto nga pala ang mga gamit mo, Helena. Aasikasuhin ko lang itong customer at bahala ka na lang."

"Okay, punta na lang ako sa dati kong puwesto, harapin mo na lang ang customer mo."

Habang itinutuloy ni Helena ang kanyang ginagawa at si William naman sa patuloy na pagharap sa customer, ay mapapansin si William na pasulyap sulyap kay Helena.

Si Helena naman, dahil sa sinabi ni William na planong pagpapakasal nila ni Amelia ay parang nawala sa mood, kaya ng medyo matagal na ay huminto na siya.

"William, patago uli nitong mga gamit ko, babalik na lang uli ako kasi medyo sumakit ang ulo ko."

"Ha? Teka at kukuha ako ng gamot, sandali lang."

"Huwag na William, maaabala ka pa, mawawala din ito."

"Sigurado ka ba na okay ka lang?"

"Oo, salamat, sige tuloy na ako."

"Helena sandali lang, puwede ba tayong mag-usap? Sabay na tayong umuwi, isasara ko lang itong shop."

"Maaga pa ah."

"Kasi may nalimutan akong gagawin sa amin", ang alibi ni William dahil ito na ang magandang pagkakataon na makausap niya si Helena ng puso sa puso, matiyak niya na hindi siya mahal nito.

"Okay"

Sa dating lugar na kung saan sila huling nagusap noon ay muli nabuksan ang nilalaman ng kanilang mga damdamin sa isa't isa.

"Helena, noong isang gabi, niyaya ko si Henry na mag-inuman kami, noon bang makita kita na isinakay ng isang lalake sa taxi sa Max's na pareho nating kinainan."

"Bakit naman kayo nag-inuman? Alam ko kapag nag-yaya ka ng inuman ay may problema ka, tama ba ako?"

"Totoo, Helena, itong sarili ko ang problema ko."

"Ha? Bakit?"

Huminga muna ng malalim si William, iniisip niya kung tama ba na tapatin niya si Helena o pabayaan na lang na huwag ng sabihin at iibahin niya ang usapan. Subali't gusto niyang maging panatag sa kayang gagawing pagpapakasal kay Amelia, kaya binuksan niya ang laman ng kanyang puso, at kung talagang bigo siya at least nailabas niya kung ano ang nasa puso niya.

"Oo, Helena, tatapatin kita, nagselos ako sa lalaking kasama mo noon, hindi ko ipinahalata kay Amelia."

"Natatawa naman ako sa iyo William."

"Hindi, Helena, totoo ang sinasabi ko."

Kaunting katahimikan bago nagsalita si Helena.

"William, alam ko naman na noon pa ay may lihim ka ng pagtingin sa akin, halata ko iyon sa mga kilos mo at pananalita, bukod pa sa madalas kitang nahuhuling nakatitig sa akin. subaloi't iba ang sitwasyon noon. Ngayon ko lang aaminin sa iyo na nagkakaroon ka nang pitak sa puso ko dahil sa hirap at sakit ng kalooban ko para kay Harry. Tao lang ako upang hindi matukso, subali't nanindigan ako. Nagsinungaling ako sa iyo noon na hindi kita mahal dahil ayaw kong maging taksil kay Harry. Pinigilan ko ang aking sarili, gusto kong maging tapat kay Harry sa kabila ng matagal ko ng pagtitiis. At upang ibaling mo na sa iba ang iyong pag-ibig, nagkataon namang si Amelia ang napili mo. Mabait si Amelia huwag mo siyang bigyan ng sama ng loob o pasakitan man lang siya."

Hindi makapaniwala si William sa ipinagtapat ni Helena. Tinatanong niya ngayon ang kanyang sarili kung bakit ito nagsinungaling dahil puwede naman siyang maghintay kahit gaano pa katagal.

"Helena, bakit ka nagsinungaling? Bakit hindi mo sinabi ang katotohanan, puwede naman akong magtiis, maghintay sa kapalarang darating sa akin."

"Hindi ko sinabi sa iyo ang katotohanan dahil ayoko na manatili ang nararamdaman mong pag-ibig sa akin dahil alam kong walang kasiguraduhang magkakaroon iyon ng katuparan."

"Helena, ngayon mo ako tapatin, tatanungin kita uli. May pitak pa ba ako sa puso mo hangga ngayon?"

Hindi kaagad sumagot si Helena sa tanong ni William. Iniisip niya si Amelia na labis na nagmamahal kay William. Kaya naging matatag ang kasagutan nito sa itinatanong ni William sa kanya.

"I'm sorry, William, wala na akong nararamdaman sa iyo at isa pa mayroon na akong katipan."

"Iyon bang lalaking kasama mo sa restaurant?"

"Oo, si Arnold."

"Kung gayon, hangad ko na maging maligaya ka sa kanya."

At ganoon na lang ang naging pag-uusap ng dalawa. Ang kay Helena ay upang harapin ni William ang totoong takbo ng buhay niya, mahalin niya ng tapat si Amelia, kahit muli siyang nagsinungaling kay William, isinakripisyo niya ang kanyang sariling kaligayahan alang alang kay Ame;lia.

Kay William naman, sa naging katugunan ni Helena sa gusto niyang matiyak ang totoo ay buo na sa kanyang loob na ituloy na ang balak nilang pagpapakasal ni Amelia sa susunod na taon.

Ang ganitong masalimuot na sitwasyon sa pagitan nila William at Helena,, na lihim pa ring umiibig sa isa't isa ay kapalaran na lang ang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan nilang dalawa.