Chereads / BEAUTIFUL IN WHITE (Tagalog) / Chapter 5 - Episode 5- THE SECRET ADMIRER

Chapter 5 - Episode 5- THE SECRET ADMIRER

"Amelia, sa palagay mo sino ang naagpapadala sa iyo ng mga bulaklak?' tanong ni Vicky.

"Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko, Vicky, sa tuwing makatatanggap ako ng bulaklak mula sa aking secret admirer ay naroroon ang paghahangad ko na makilala siya. Kasi, sa buong buhay ko ngayon lang may nagbigay sa akin ng mga bulaklak at nararamdaman ko unti unti ng nahuhulog ang damdamin ko sa kanya, kahit sino pa man siya."

"Huwag naman, Amelia, papaano kung hindi siya magandang lalake."

"Vicky, hindi ako tumitingin sa panglabas na anyo ng isang tao. Basta ang mahalaga sa akin ay iyong mayroon siyang pagpapahalaga sa akin bilang babae, sapat na iyon sa akin. Ang pag-ibig kasi kung minsan, mahiwaga. Bigla na lang dumarating sa oras na hindi mo inaasahan."

"Pero, wala ka bang iniisip kung sino talaga ang secret admirer mo?"

"Wala eh, pero alam ko darating ang sandali na magpapakilala din siya sa akin, nararamdaman ko yon."

"Alam mo, Amelia, nakatatakot ang umibig sa hindi mo pa nakikita. Papaano kung isa siyang playboy at naghahanap lang ng mabibiktima na isang magandang babae, tulad mo?"

"Hindi ko alam, Vicky, madali kasing mahulog ang loob ko sa lalaking pinahahalagahan ang aking pagiging babae."

"Amelia, Amelia, tingnan mo iyong lalaking yon o."

"Sino?"

"Iyong may dalang bulaklak na tulad ng mga bulaklak na ibinibigay sa iyo ng secret admirer mo."

"Ayan na, papalapit na sa atin. Wow, Amelia, pogi siya ha, at matangkad, hayy kailan kaya ako magkakaroon ng ganitong kaguwapong lalake."

"Ano ba, Vicky, huwag kang maingay at baka mahalata tayo. Kunwari hindi natin siya napapansin."

"Amelia, hayan na malapit na sa atin, kinikilig na ako."

"Sweetheart Happy Birthday, you're so beautiful today."

"Thank you, darling. Bakit ang tagal mo? Nasaan ang mga bata?"

"Parating na sila, bumili ng ice-cream. Alam mo naman ang mga anak mo mahilig sa ice-cream."

"Ah, o, ayan na sila, kasunod mo na."

"Okay, let's go at kanina pa sabik na mapanood ng mga bata ang pelikulang Frozen."

Nang nakaalis na ang mag-anak

"Ay mali, hindi pala siya ang secret admirer mo. Hoy, Amelia, bakit para kang natulala diyan?"

"Wala naman, kasi may edad na rin ako at nangangarap na magkaroon ng masayang pamilya."

"Ako rin, gusto ko, pero walang magkamali. Ano kaya? Kung ako ang mangligaw, hindi ba uso ngayon iyon? Wala na tayo sa panahon ni Maria Clara", pagkasabi ni Vicky ay sabay silang nagtawanan ni Amelia.

"Vicky, hindi ba holiday sa Lunes, mamasyal naman tayo."

"Sige, gusto ko iyang naisip mo. Pero saan naman tayo pupunta na mag-eenjoy tayo?"

"Teka, alam ko na, sa Tagaytay, hindi ba magandang pasyalan iyon?"

"Okay, buo na ang Plano natin", ang sabi ni Vicky.

"Vicky, dumarating sina William at Henry."

"Alam ko na, Amelia, isama natin sila para may maglibre sa atin."

Natawa si Amelia sa sinabi ni Vicky.

"Ikaw talaga, Vicky, kalog ka talaga."

"Hello, Amelia, Hi! Vicky, kumusta na kayo", ang bati ng dalawa.

"Bakit bigla yata kayong sumupot na dalawa?" tanong ni Vicky.

"Wala naman, gusto lang namin kayong makita", sagot ni Henry.

"Talaga? Ikaw, Henry, nagiging bolero ka na rin, nahahawa ka na sa kaibigan mo", ang biro ni Vicky.

"Teka, bakit naman nasama ako diyan?" ang nakatawang sabi ni William.

"Wala ba kayong lakad sa Lunes na dalawa, kasi yayain sana namin kayo na sumama sa amin sa Tagaytay ni Amelia."

"Holiday iyon ah", sabi ni William.

Nagkatinginan muna ang dalawa at matagal sumagot.

"Sige, okay lang kung ayaw ninyo", ang mabilis na sabi ni Vicky.

"Hindi, hindi, sasama kami sa inyo, gusto nga naming mamasyal din, hindi ba William?"

"Of course, yes na yes ako."

"Sige, basta libre kami ha?"

"Ikaw, Henry, ang kuripot mo", ang pabirong sabi ni Vicky.

"Kung gayon dito na tayo magkikita sa Lunes", ang sabi ni William.

Dating gawi, inihatid muna nina William at Henry, si Amelia.

Dumating ang araw ng Lunes at halos sabay sabay nagdatingan ang apat sa meeting place nila.

"Mabuti niyaya ninyo kami ni Henry."

"Bakit William?" tanong ni Amelia.

"Kasi ang huling punta ko sa Tagaytay ay fourth-year college pa ako."

Dumating ang apat sa Tagaytay ng alas 10:00 ng umaga.

"Hayy! Ang sarap ng simoy ng hangin dito at sobrang lamig, perfect."

"Sinabi mo pa."

"This is Tagaytay now, ang lugar na kung tawagin ay 'The Crazy Tourist'. Tagaytay is a city full of nature. The outdoor parks, plenty of nice restaurants, and even shopping centers take advantage of the attractive views", said William.

Natawa si Amelia sa sinabi ni William.

"Bakit William? Naging tourist guide ka na ba dito?" sabi ni Amelia kasabay ng pagtawa.

"Amelia, nagiging joker ka na ngayon", ang sabi ni William at pareho silang natawa.

"Kung pupuntahan pala natin ang iba't ibang magagandang lugar dito ay kulang ang isang araw", sabi ni Henry.

"Ganito na lang, mag-stay tayo dito ng three days para sulit ang lakad natin, anong say ninyo?" tanong ni William.

"Game ako dyan."

"Ako din"

"Ikaw, Amelia?"

"Siyempre, payag na rin, alangan namang umuwi akong mag-isa tapos narito kayo nag-eenjoy."

Sa sinabing iyon ni Amelia lahat sila ay natawa.

"Hanap muna tayo ng marentahan ng three days at sagot ko na iyon", sabi ni William.

"Okay, sa pagkain naman, share share na lang tayo", sabi ni Vicky.

"Huwag na sagot ko na iyon", sabi naman ni Henry.

"Okay naman pala kayong kasama eh, sa susunod uli ha?" ang sabi ni Vicky na nagpasaya sa grupo dahil sa tawanan nila.

Nakakita naman kaagad sila ng dalawang room na uupahan ng tatlong araw. At mula doon ay inumpisahan na nila ang pamamasyal.

Una nilang pinuntahan ay ang Taal Volcano, the pride and joy of Tagaytay City.

"Henry, gusto kong sumakay sa kabayoo", sabi ni Vicky.

"Tama na at baka mahulog ka pa, sisihin mo pa kami", tugon ni Henry.

Sumunod nilang pinuntahan ang Our Lady of Manaoag sa Tierra de Maria. Nagpunta din sila sa Picnic Grove, na dito ang pasyalan ng mga pamilya upang mag-picnic.

"Amelia, pa-picture tayo", ang yaya ni William.

"Ay, bakit kayo lang dalawa, ang daya ninyo ha, sama kami."

"Okay, Brod, pakikunan mo naman kami dito sa cellphone namin."

"Thank you brod."

"Tingnan mo William mula dito hanggang sa dagat ng Tagaytay, ang gandang tingnan", sabi ni Amelia.

"Oo, pero sa lahat ng magaganda na nakikita ay ikaw ang pinakamaganda."

"He he he bolahin mo ang lola mo."

"Hoy, hindi pa ba kayo nagugutom? Gutom na ako eh", ang malakas na sabi ni Vicky.

"Okay, let's go ng kumain."

Nag-dinner muna sila sa Cafe Veranda Cultural Show bago bumalik sa inupahan nilang room, upang kinabukasan ituloy ang kanilang pamamasyal.

Hindi makatulog si William kaya naisipan niyang lumabas ng kuwarto at sa beranda ng inuupahan nilang kuwarto ay pinagmasdan ang kagandahan ng paligid na kahit sa kadiliman ng gabi ay gumaganda dahil sa mga iba't ibang ilaw sa palidig.

Matagal din si William sa pagmamasid sa paligid ng mapansin niya si Amelia na lumabas din pala ng kuwarto at tulad ng ginagawa niya pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid.

"Amelia, nandito ka rin pala."

"Ikaw pala, William, oo, ang sarap dito sa beranda,masarap ang simoy ng hangin at sobrang lamig, giniginaw ako."

"Amelia, sandali lang at may kukunin lang ako sa kuwarto."

Paglabas ni William ay may dala na itong jacket at inilagay sa likod ni Amelia.

"Salamat, William. Alam mo kung meron man akong gustong maka-partner sa buhay ay yong tulad mo, William."

"Bakit?"

Hinahanap ko kasi sa isang lalake ay iyong maalalahanin at may pagpapahalaga sa akin bilang isang babae."

"Bakit, Amelia, wala ka pa bang nakikitang lalake na magpapaligaya sa iyo?"

"Meron na, kaya lang mayroon siyang ibang napupusuan."

"Puwede ko bang malaman kung sino siya?"

Naputol ang pag-uusap ng dalawa ng lumabas din si Vicky.

"Hinanap kita Amelia ng magising ako, nadito ka lang pala, o pati pala si William nandito rin."

"Masarap kasing magpahangin dito at ang lamig", sabi ni William.

"Ganoon ba? Eh nasaan si Henry?"

"Iniwan ko sa kuwarto at hindi ako makatulog sa lakas ng hilik", sabi ni William at nagtawa.

"Alam mo William? Mayroon ng secret admirer si Amelia."

"Ha? Totoo?"

"Oo, at pinadadalhan siya ng mga bulaklak, kaya lang hindi pa nagpapakilala ang kanyang secret admirer."

"Ikaw talaga Vicky, walang lihim sa iyo", at sabi ni Amelia na nakatawa.

"Totoo Amelia? May nagbibigay sa iyo ng mga bulaklak?"

"Meron, pero iba siyempre iyong kilala ko na dahil may advantage na kaagad sa puso ko. Subali't hindi ko naman isinasara ang puso ko sa kanya, kung sino man siya. Mahirap din iyong nagsasalita ng patapos."

"Sasabihin ko sa iyo, Amelia, na napakasuwerte niya sa iyo."

"Bakit mo naman nasabi iyon?"

"Dahil sa totoo lang, ikaw ang babaing masarap pagukulan ng tapat na pag-ibig ng sino mang lalake. Isa kang babaing disenteng kumilos, simple lang ang pangarap sa buhay, at higit sa lahat magandang ngumiti."

"Natatawa naman ako sa iyo, bakit pagngiti pa ang binigyan mo ng diin eh puwede namang maganda na lang", ang sambot ni Amelia na patuloy sa pagtawa.

"Ewan ko, kasi ako bukod sa ganda ng isang babae, ang nagbibigay sa akin ng saya ay iyong may magandang ngiti."

"Wow ha, ang suwerte naman ng babaing iibigin mo. Ano nga ang pangalan niya? Helena ba? Bakit maganda ba siyang ngumiti?"

"Oo, tulad mo rin siya and I can say that she is a perfect woman for me."

"Naiinggit naman ako sa kanya."

"Bakit?"

"Wala naman, ako na lang ang nakakaalam sa sarili ko."

Kinabukasan, matapos silang mag-breakfast sa Antonio's ay pinuntahan nila ang Sky Eye Ferris Wheel. Sumakay sila dito at totoong nag-enjoy sila dahil sa mga nakita nilang magagandang views na tanawin sa Tagaytay, daig pa nila ang nag-sightseeing. Pagkatapos ay nagpunta sila sa Museo Orlina, at ang huli nilang pinuntahan ay ang Peoples Park i the Sky na nagbibigay ng magagandang tanawin sa Taal Volcano at Lake Taal.

Anupa't sobrang nag-enjoy ang apat sa pamamasyal sa Tagaytay kaya hindi nasayang ang pagpunta nila doon.

Pagdating nila Amelia at Vicky sa shop ay medyo nasermunan sila ng kanilang boss dahil two days silang absent after the holiday. At kahit nasermunan ay pangiti ngiti lang ang dalawa.

"Nasermunan tayo ah."

"Eh, sino naman ang hindi magagalit, hindi man lang tayo nagpaalam sa boss natin."

"Kasi naman iyong dalawang iyon eh, parang walang iniintindi sa buhay", ang sabi ni Vicky.

"Pero okay na rin, nag-enjoy naman tayo, hindi ba?" sambot ni Amelia.

"Sabagay nga, kaya ko lang naman sinisi iyong dalawa ay parang hindi ako pansin ni Henry eh."

"Hindi ba sabi mo sa akin noon na puwedeng mangligaw ang babae sa panahon ngayon, eh bakit hindi mo niligawan si Henry doon, pagkakataon mo na, hindi ba?"

"He he he ikaw Amelia, siyempre sabi ko lang iyon."

"Alam ko naman iyon, joke lang. Vivky, may sasabihin ako at huwag mo agad sasabihin kahit kanino ha?"

"Ano iyon? Bakit bigla kang naging seryoso?"

"Approved na ang aking petisyon, ang tita ko kasi sa state ay kukunin ako at ready na akong umalis sa makalawa."

"Ha? Binigla mo naman ako, Amelia."

"Pasensya ka na, ayaw ko kasing ipagsabi hangga't hindi pa approved."

"Paano ang trabaho mo dito?"

"Nag-submit na ako ng letter of resignation noon pang isang buwan."

"Bakit naman ngayon mo lang sinabi kung paalis ka na? Nalulungkot naman ako."

"At, Vicky, may ipabibigay akong sulat para kay William pero pakiusap ko sa iyo na ibibigay mo kapag wala na ako. Mangako ka sa akin Vicky."

"Oo na nangangako ako kahit masama ang loob ko", ang sabi ni Vicky na medyo naiiyak.

Dalawang linggo ang lumipas bago muling nagpunta si William sa shop na pinagtatrabahuhan ni Amelia at Vicky.

"Vicky, bakit tila wala si Amelia, hindi ba siya pumasok ngayon?"

"William, bakit mo hinahanap si Amelia?"

"Bilang kaibigan siyempre hahanapin ko siya. Bakit parang seryoso ka sa pagtatanong mo?"

"Ganoon ba? Kasi umalis na siya noon pang isang linggo patungong state, sa tita niya doon at baka hindi na siya bumalik dito."

"Ano?"

Sa nalaman ni William na iyon ay parang may kumirot sa puso niya na kanyang naramdaman. Hindi niya alam kung bakit, pero ramdam niya bigla siyang nalungkot at ngayon niya nadama na mahalaga pala sa buhay niya si Amelia, hindi lamang isang kaibigan, kundi isang puwede niyang ilapit sa puso niya.

"Hoy! William, bakit ka natulala diyan?"

"Ha? ah eh wala lang bigla kasi akong nalungkot sa biglang pag-alis ni Amelia."

"At isa pa mayroong ipinabibigay na sulat sa iyo, heto o."

Kinuha ni William ang sulat at ibinulsa, sa bahay na lang niya babasahin pag-uwi niya.

Pagdating sa bahay ay tinawagan ni William si Henry.

"Henry, umalis na pala si Amelia papuntang state, sa mga tita niya at baka hindi na raw babalik ang sabi ni Vicky."

"Ha? Nakalulungkot naman, ngayon pa na palagay na ang loob natin sa kanya bilang isang mabait na kaibigan", ang malungkot na sabi ni Henry.

Sa sinabi ni Henry na isang mabait na kaibigan si Amelia ay nag-isip si William. Inarok ang kalooban nito. Tinanong ang sarili kung isang kaibigan lang ang turing niya kay Amelia o isang babaing natutuhan na niyang mahalin ng higit sa kaibigan.

Nasa ganoon siyang sitwasyon ng maalala ang sulat na bigay ni Vicky galing kay Amelia. At ng buksan niya ay ganito ang nilalaman...

"William, pasensya na kung hindi na ako nagpaalam sa inyo ni Henry. Nagpapasalamat ako sa iyo dahil kahit papaano nadama ko sa iyo ang pagpapahalaga sa akin bilang isang babae. Noong nasa Tagaytay tayo at sa sobrang lamig ng gabi ay inilagay mo sa likod ko ang jacket na kinuha mo na hindi mo alam ay na-touched ang puso ko at hindi ko iyon makakalimutan. At isa pa sa mga pag-uusap natin doon ay natiyak ko na ikaw ang lihim na nagbibigay sa akin ng bulaklak dahil nasabi mo na ang nakapagbibigay sa iyo ng saya ay iyong may magandang ngiti at naalala ko sa pagkakataong iyon ang nakasulat sa card na kasama ng mga bulaklak ang salitang 'to the beautiful woman with a perfect smile' at ganoon ang pang-unawa ko kaya siguro kahit ayaw kong pumunta sa state ay napilitan na rin akong pumunta at hindi na babalik. Hindi na kita tinanong kung ikaw ang secret admirer ko dahil ayaw kong malagay ka sa alanganin. Magkagayun man salamat sa lahat, hindi kita malilimutan.

Pero ngayong malayo na ako at baka hindi na tayo magkita ay sasabihin ko ang totoong nararamdaman ko sa iyo, napalapit ka na sa puso ko at dahil sa alam ko na si Helena ang nasa puso mo ay pinili ko na ang lumayo kaysa masaktan ang damdamin ko. At upang hanapin ko sa malayong lugar ang aking kapalaran sa pag-ibig.

Paalam at sana maging maligaya ka sa piling ni Helena kung itutulot ng tadhana na kayong dalawa ang para sa isa't isa.... I love you.

Amelia."

Hindi napansin ni Williamna habang binabasa niya ang sulat ni Amelia ay tumulo ang kanyang luha dahil ngayon niya nadama ang kahalagahan ni Amelia sa buhay niya, ngayong wala na ito.

"Amelia, I'm sorry, hindi ko nasabi sa iyo na mahalaga ka sa buhay ko. I'm really sorry", ang nasabi na lang ni William sa kanyang sarili.

Isang buwan din ang lumipas at upang malibang si William ay itinuloy niya ang unang balak nito magtayo ng isang negosyo. Itinayo niya ang negosyong auto spare parts and service. At sa loob lamang ng anim na buwan ay makikita na ang unti unti paglaki ng kanynag negosyo.

"William, mukhang asenso ka na ah?"

"Ikaw pala, Henry, halika pasok ka at marami akong itatanong sa iyo."

"Alam ko na kung ano ang gusto mong malaman, tungkol kay Helena, hindi ba?"

"Ikaw talaga alam mo naman na hindi puwede dahil buhay pa si Harry, ang katipan niya."

"Tama ka William, at sabi ng doktor na tumitingin kay Harry ay may senyales na magkakamalay na ito."

"Ganoon ba? Iyon ang gusto kong mangyari para kay Helena", ang nasabi na lang ni William."

"William, wala ka bang balita kay Amelia? Alam mo kahit papaano ay naiisip ko pa rin siya. Lagi kong naalala ang mga sandali na naging masaya tayo, magkasamang namamasyal, kumakain, at sa mga lakad natin naroroon ang mga biruan ba na kapag naiisip ko ay lungkot ang aking nadarama dahil wala na, wala na ang mga maliligaya nating sandali."

"Oo nga Henry, lalo na noong nasa Tagaytay tayo, hindi ko malilimutan ang mga araw na naroon tayo at samasamang namamasyal, masayang masaya ako noon dahil sa umusbong na pag-ibig sa aking puso."

"Pag-ibig? Kanino?"

"Kay Amelia."

"Ha?"

"Oo Henry, hindi mo alam dahil tulog ka noon ng magusap kami ni Amelia. At doon ko nadama na unti unti ko na siyang naipapasok sa aking puso. At ngayon ko lang sasabihin ito sa iyo, na ako ang lihim na nagpapadala ng bulaklak kay Amelia, na alam na rin niya ng mag-iwan siya ng sulat sa akin bago tumungo ng ibang bansa. Ang isa lang na ipinagdaramdam ko sa kanya ay hindi man lang siya nagpaalam sa atin para kahit paano nasabi ko kung ano ang nasa loob ko para sa kanya."

"Ako pala William ang maraming dapat itanong sa iyo eh, hindi ko alam ang mga bagay na sinabi mo ah."

"Pasensya ka na Henry, hindi kasi ako ang tao na showy, sabihin na lang na ako ang taong malihim pagdating sa personal na damdamin."

"Okay lang iyon, naiintindihan ko, at ang hindi mo naman alam sa akin ay matagal ko ng halata na may pagtingin ka na kay Amelia at nahahadlangan ka na magtapat dito dahil kay Helena, hindi ba?."

"Nahalata mo rin pala ako. Tama ka Henry, sumasagi pa rin sa isip ko si Helena,kahit ang pagtingin ko sa kanya ay bawal, sabihin na nating bawal na pagmamahal."

"Alam mo William, ang tingin ko sa iyo, isa kang two-timer. Sinasabi ko ito dahil kaibigan kita at siyempre ayaw ko na magsisi ka balang araw."

"Hindi naman sa ganoon, Henry, naguguluhan lamang ako dahil hindi ko pa tiyak sa sarili ko kung ipagpapatuloy ko ang kalokohan kong damdamin kay Helena o kalimutan na siya ng tuluyan para harapin ang damdamin ko para kay Amelia na biglang naging mahalaga sa akin ng wala na siya."

"Ganoon talaga William, malalaman mo lang na mahalaga ang isang bagay kapag wala na ito."

"Totoo ang sinabi mo, kaya nasa akin ang pagsisisi."

"Maiba ako ng usapan, William, sa linggo dalawin naman natin si Harry. Matagal na tayong hindi nakakapunta doon. Baka naman sabihin ni Helena na wala na tayong pakialam sa kanila."

"Sige, message mo na lang ako kung saan tayo magkikita."

"Okay"