"Inay, aalis po kami ni Henry, pupunta po kami ng ospital dadalawin po namin si Harry.
"William, nasaan ka na?" ang text message ni Henry.
"Papunta pa lang, wait na lang me", replied William.
"Okay"
Pagdating ng dalawa sa ospital ay wala roon si Helena at ang nagbabantay ay ang ina ni Harry.
"Magandang araw po, kumusta na po si Harry", tanong ni William sa ina nito.
"Nalulungkot nga ako at hangga ngayon ay wala pa rin siyang pagbabago", ang malungkot na tugon ng ina.
"Huwag po kayong mawalan ng pag-asa at gagaling din ang anak ninyo."
Habang nag-uusap sila ay dumating si Helena.
"William, Henry nandito pala kayo."
"Oo, Helena, dinadalaw namin si Harry. Kumusta ka naman?" tanong ni William.
"Heto, sobrang busy ako ngayon sa mga exhibit ko, kaya kung minsan ay bihira na akong nakakapunta dito sa ospital, si mommy na lang ang laging nakabantay kay Harry."
"Talagang ganoon, ang pagsisikap na ginagawa mo ay para din naman sa inyo ni Harry."
"Balita ko William ay may binuksan kang negosyo, kumusta naman ang negosyo?"
"Okay naman at kahit papaano ay kumikita naman."
"Pero, hindi ba dapat meron ka ng babaing minamahal para maging inspiration mo sa iyong pagsisikap? Wala pa ba?"
Medyo namutla si William sa hindi niya inaasahang tanong ni Helena. At bigla naisip niya na meron na at iyon ay siya, si Helena, subali't hanggang pangarap lamang iyon, walang katuparan.
"Ah, wala pa, naghahanap pa lang", ang sabi ni William na nakangiti.
"Invite ko nga pala kayo next week, mayroon akong gagawing one-man exhibit sa Makati."
"Sige, pupunta kami ni Henry."
"Kapag wala ka, sino ang nagbabantay kay Harry."
"Itong si mommy, tulad ngayon siya ang nagbantay, dumaan lang ako para tingnan siya dahil aalis uli ako dahil sa project ko."
"Kung gayon sabay sabay na tayo at makapag-snacks muna tayo, kung hindi ka maaabala."
"Hindi naman, sige payag ako."
"Mommy aalis na muli ako."
"Sige, ingat ka."
"Helena, saan mo gusto tayong magmiryenda?"
"Kayo na ang bahala."
"Ayun William, malapit lang", sabi ni Henry.
At habang kumakain sila ay panay ang sulyap ni William kay Helena. Napansin niya kasi na masaya ito, hindi tulad noon na laging si Harry ang lagi niyang inaasikaso, pinag-uukulan ng panahon. Siguro dahil sa naging busy siya sa kanyang propesyon.
"Helena, may napansin ako sa iyo ngayon", sabi ni William.
"Ano naman iyon?"
"Lalo kang gumanda at naging masayahin at ang mga ngiti mo ay kakaiba, parang nagbibigay ng inspiration sa isang makakakita. Kapag gumaling na si Harry at makikita kang ganyan siguro ganoon din ang sasabihin niya sa iyo."
Sa sinabi ni William ay parang nalungkot si Helena, nawala ang kislap ng kanyang mga ngiti.
"Helena, bakit? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Kasi parang nalungkot ka."
"Wala naman William, naalala ko lang si Harry. Noon kapag magkasama kami katulad nito ay sobrang saya ko, parang walang katapusan, subali't ngayon..." hindi na naituloy ang sasabihin ni Helena dahil parang nagsikip ang kanyang paghinga. Nadala siya ng kanyang emotion.
Biglang tumayo si Helena at nagpaalam na kina William.
"Helena, ihatid ka na namin."
"Huwag na William, malapit lang naman ang aking pupuntahan, salamat sa inyo."
Nang medyo nakalayo na si Helena ng ilang hakbang ay tinawag siya ni William.
"Helena!"
"Yes?"
"Ingat ka na lang."
Ngiti na lang ang isinagot ni Helena kay William, at naiwan na ang dalawa.
"Ano William, hindi ka pa ba magigising sa katotohanan na si Harry ang lalaking makapagbibigay ng ligaya kay Helena? Hindi mo pa ba nakikita iyon sa kanyang mga pananalita at ikinikilos?"
"Henry, naniniwala ka ba sa destiny ng isang tao? Ako kasi ay naniniwala sa tadhana. Kung pagdating ng araw ay si Helena ang aking kapalaran masasabi ko na siya ang aking destiny."
"Pero, malabong mangyari, hindi ba?"
"Totoo, malabo ngang mangyari pero nararamdaman ko dahil puso ko ang nag-uutos na maghintay lang ako, hindi ko alam, naguguluhan ako", ang nasabi na lang ni William bilang tugon sa sinabi ni Henry.
"Maiba ako, pupunta ba tayo sa exhibit ni Elena sa Makati?"
"Sige, pupunta tayo dahil kapag hindi tayo nagpunta ay baka sabihin ni Helena na inisnab natin siya."
"Paano Henry, maghiwalay na tayo at ako naman ay tutuloy muna sa shop ko at baka marami ng customer ang naghahanap sa akin."
"Okay, text na lang tayo."
At habang nakasakay si William sa bus ay naisip niya si Amelia. Hindi niya maikakaila sa sarili na kahit kaunting pagtingin ay mayroon siya dito, nadadaig lamang siya ng kanyang isipan na matimbang pa rin si Helena sa puso niya. Si Helena na hanggang pangarap lamang at walang katuparan.
"Para na mama, ano ba yan lumagpas pa ako, maglalakad pa tuloy akong pabalik", ang nasabi na lang ni William sa sarili na parang naiinis.
Isang gabi na natutulog na si William ay napanaginipan niya uli si Helena na masaya daw silang magkausap.
"William", ang masayang tawag ni Helena.
"Ikaw pala, Helena, kumusta ka na?"
"Heto, lalong gumaganda", ang tugon ni Helena na sinundan ng pagtawa.
"Helena, may itatanong ako sa iyo."
"Ano yon?"
"Naniniwala ka ba sa destiny?"
"Oo, naniniwala ako, bakit?"
"Tanungin kita na kung ako at ikaw ang magkapalaran, destiny ba yon?"
Sasagot sana si Helena sa panaginip ni William ng may tumawag kay Helena mula sa kawalan at bigla, naglaho ito sa makapal na ulap.
"Helena! Helena!" ang malakas na sigaw ni William habang tulog.
"Hoy, William, gising gising", ang sunod sunod na sabi ng ina ni William.
"Inay? Kayo pala."
"Sumisigaw ka naman habang natutulog, ano ba ang napanaginipan mo?"
"Wala po inay, tutulog na po uli ako", ang mahinang tugon nito sa ina.
Isang gabi ng bangungot para kay William, bangungot na dapat na siyang magising sa katotohanan na hindi sila ukol ni Helena sa isa't isa.
"William, anak.bangon na at maaga ka pang pupunta sa shop mo."
"Opo, inay."
"Ano ba itong nangyayari sa akin, bakit kahit sa panaginip ay si Helena pa rin. naiinis na ako", ang bulong ni William sa sarili niya.
Maaga ngang pumasok si William sa shop niya at naabutan na niya ang maraming customer na naghahanap ng piyesa ng sasakyan. Habang hinaharap niya ang mga customer ay bigla dumating si Helena. Nagulat si William sa biglang pagsulpot ni Helena, bakit siya nandito, ang biglang pumasok sa isip niya.
"Helena, nagulat naman ako sa iyo. Bakit ka nandito, sorry, I mean, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" ang medyo nalilitong tanong ni William ng biglang makita si Helena.
"Naghahanap kasi ako ng puwede kong idagdag sa mga paintings ko at naisip ko itong shop mo, iyon eh kung papayag ka lang naman na ipinta ko ito."
"Okay na okay, Helena, basta ikaw", ang magiliw nitong sagot.
"Salamat kung gayun, babalik na lang ako at magdadala ako ng mga gagamitin ko sa pagpipinta nitong shop mo. Paano, tutuloy na ako at mukhang nakakaabala ako sa mga customer mo at sa iyo."
"Hindi, Helena, hindi mo ako naaabala. Papaano mo pala nalaman ang shop ko?"
"Ano ka ba naman William? Computer age na tayo."
"Ah, oo nga pala, nasa internet nga pala ang address ng shop ko."
"Helena, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit kapag ikaw ang kaharap ko ay nawawala ako sa aking sarili."
Sa sinabing iyon ni William ay natawa si Helena, kaya natawa na rin siya.
"Paano, William, babalik na lang ako, at salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pahintulot, ang bait mo naman."
"Wait, ihahatid na kita sa sakayan."
"Huwag na, marami kang customer."
Ng akmang paalis na si Helena
"Helena!"
"Bakit?"
"Salamat ha, pinasaya mo ang araw ko."
"Alam mo William? Natatawa ako sa iyo, kasi para kang isang binata na dumidiga sa kanyang nililigawan. Ganoon iyong nababasa ko sa mga nobela", ang sabi ni Helena na nakatawa.
Sa sinabi ni Helena ay totoo iyon. Gusto ni William na ipahayag kay Helena ang ang kanyang damdamin dito subali't hindi puwede... hindi puwede.
Ang hindi alam ni William ay dahil sa kasalukuyang nararanasan ni Helena sa sitwasyon niya ngayon ay parang natutunaw ang matigas niyang damdamin na kahit anong mangyari ay hindi niya pagtataksilan si Harry. Sobra na ang tiniis niya alang alang sa katipan. At ngayon unti unting nababaling ang pagtingin niya kay William subali't kikimkimin niya ang lihim na damdaming iyon at walang sino mang makakaalam, kahit pa si William.
Pumapasok sa isipan ni Helena, na gusto na niyang magkaroon ng masayang pamilya, tulad ng mga naipinta na niya na masayang pamilya.
Sa nararanasang ito ni Helena ay talagang maaari siyang matukso dahil tao lang siya na may pakiramdam, naghahanap na katugong pagmamahal, ng kaligayahan na gusto niyang maranasan ng isang umiibig. Subali't hindi siya patutukso, ayaw niyang pagtaksilan si Harry at iyon ang itatatak niya sa kanyang puso.
Pagkagaling ni Helena sa shop ni William at nagtuloy ito sa ospital at doon ay kinausap si Harry, kahit wala siyang maririnig ditong katugon.
"Harry, gumising ka na, bakit ayaw mo pang gumising, nangungulila na ako sa iyo, hanggang kailan ka mamamalaging ganyan? Sige na Harry, bumangon ka na, kailangan kita sa buhay ko, iyong ating mga pangarap basta na lang ba maglalaho ang mga iyon?" habang sinasabi ni Helena ang mga iyon ay patuloy ito sa kanyang pag-iyak, iyak na nagmamakaawa.
"Helena, papaano kita lilimutin kung ganito na lagi kitang nakikita. Ano ang dapat kong gawin?" ang himutok ni William sa kanyang sarili.
Pagkagaling ni Helena sa ospital ay nagtuloy na siya sa kanilang bahay, dahil masam ang kanyang pakiramdam. Hindi tulad noon na pagkagaling sa ospital ay sa kanyang gallery naman siya pupunta.
Dumating ang schedule ng exhibit ni Helena sa Makati at nakarating naman sina William.
"Hello, Helena, ang bati ng dalawa."
"Hi!, William, Henry, sige maglibot libot na kayo at baka may magustuhan kayo kakausapin ko lang ang mga bagong dating na mga customer."
"Puro magaganda ang mga gawa ni Helena, teka ang isang iyon, hindi ba Henry isa yon sa sceneries ng Tagaytay, hindi ba?
"Oo nga William at napakaganda ng painting na iyon."
"Kausapin mo Henry si Helena itanong mo kung magkano ang painting ng Tagaytay."
"Okay, nasaan kaya si Helena? Ah, ayon at may kausap na customer."
Pagkakita ni Henry kay Helena ay lumapit siya at itinanong ang halaga ng painting na nagustuhan ni William. At ng sabihin ni Helena na huwag ng bayaran ay bumalik kaagad ito kay William.
"William, ang lakas mo kay Helena, sabi niya huwag mo na raw bayaran."
"Ganoon ba? Sige at magpasalamat na lang tayo sa kanya bago tayo umuwi mamaya."
"Miss, please, pakibalot itong painting na ito."
"Sige po, kunin na lang ninyo sa counter paglabas ninyo."
"Okay, thank you, miss."
Pagdating ni William ay kaagad isinabit ang painting na ginawa ni Helena. At habang pinagmamasdan nito ang painting ay parang biglang lumitaw sa paningin niya si Amelia.
"Amelia, lagi na kita ngayong maaalala. At siguro tama lang na magkaroon ako ng isang bagay na magpapaalala sa akin ng tungkol kay Amelia, upang kahit papaano ay makalimutan ko ang hibang kong damdamin kay Helena. Kumusta na kaya si Amelia? Sana bumalik na siya sa bansa. Hinahanap ko rin na makasama siya, makausap", ang nasabi na lang ni William sa kanyang sarili.
Isang araw, dumating uli si Helena sa shop ni William na dala ang mga gamit na kailangan niya upang umpisahan ang painting ng shop na isasama niya sa kanyang one-man exhibit.
"Helena, halika tuloy ka. May I offer you something?"
"No, thanks."
"Hahanap na lang ako ng magandang puwesto upang makuha ko ang tamang anggulo ng shop mo."
"Sige, Helena, ikaw na lang ang bahala at kapag may kailangan ka ay sabihin mo na lang sa akin. Haharapin ko lang itong mga customer ko"
"Okay, thanks."
"Sir, hindi ito ang binibili ko."
"Oh, sorry. Ano ba ito at kanina pa ako pamali-mali."
Pero sa totoo lang ay kapag nakikita ni William si Helena ay nawawala ito sa sarili at nalilito.
Pagkaraan ng ilang oras
"William, patago nitong mga gamit ko at babalik na lang ako, hindi ko pa kasi tapos gawin."
"Sige, Helena, akina at itatago ko muna."
"Paano, William, aalis na ako."
"Sandali lang Helena, tutal magsasara na ako, sabay na tayo."
"Okay"
"Ano ba ito at kung kailan ako magsasara na saka pa nagdatingan ang mga customer", ang bulong ni William sa sarili.
Ilang sandali pa ay nakapagsara na si William ng shop at habang naglalakad na ang dalawa ay niyaya ni William si Helena na magmiryenda muna.
"Helena, kain muna tayo."
"Sige at nakararamdam na nga ako ng pagkagutom."
Habang kumakain sila sa isang sikat na food chain ay masaya silang nag-uusap ng tungkol sa kanya kanyang nararanasan sa pagpapatakbo ng kanilang napiling career sa buhay. Hanggang mauwi ang kanilang pag-uusap na may kinalanman sa kanilang pangsariling damdamin.
"Helena, kapag kasama kita tulad nito ay aaminin ko sa iyo na sobrang ligaya ko subali't hindi ko alam."
"William, huwag mo ng itago sa akin ang damdamin mo. Nahalata na kita noon pa. Madalas nahuhuli kitang nakasulyap sa akin kapag nagpupunta kayo ni Henry sa ospital. At sa reaction mo at pananalita ay halata kong may gusto ka sa akin, kahit alam mo na hindi tayo puwede. Ano ang dahilan mo at bakit sa kabila ng hindi naman mangyayari na tayong dalawa ay ginusto mo pa rin ako. Bakit?"
Hindi kaagad nakasagot si William, para siyang isang ibon na nahuli sa bitag at hindi makawala. At ng magkaroon ng pagkakataon na makawala ay siya naman ang nagtanong kay Helena.
"Helena, totoo ang sinabi mo at hindi na ako magkakaila na natutuhan nga kitang mahalin kahit alam kong hindi puwede. Ngayon, Helena, ikaw naman ang tatanungin ko Dapat ba kitang patuloy na mahalin o huwag ko ng ipagpatuloy ang kahibangan ko sa iyo? Igagalang ko ang iyong kasagutan."
Sa tanong ni William, si Helena naman ang parang nahulog sa bitag at hindi makawala. Hindi niya alam ang isasagot dahil alam niya sa sarili na unti unti na ring nagkakaroon si William ng pitak sa puso niya at kung ipagtatapat niya ito kay William sa pagkakatong ito ay lalabas na isa siyang taksil, taksil sa sumpaan nila ni Harry. Kaya upang makawala siya sa bitag ay nagsinungaling siya kay William.
"William, ibaling mo na lang sa iba ang damdamin mo para sa akin. Mahal ko si Harry at siya lang ang lalaking makapagbibigay sa akin ng tunay na kaligayahan. Mahal kita bilang kaibigan at sana patuloy tayo sa kalagayang magkaibigan lamang."
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay naghiwalay sila na may kimkim na dalahin sa kanilang puso at damdamin ang bawat isa. Kay William, mabigat ang loob nito dahil wala siyang aasahan kay Helena na tugunin din ang kanyang pag-ibig. At kay Helena naman ay gayundin dahil nagsinungaling siya kay William ng totoo niyang nararamdaman dito na may pitak na rin ito sa puso niya pero hindi malalaman ito ni William.