"DUSTINE I'm glad you're here." Pinulupot ni Mickaela ang kamay sa braso ng binata. "Shall we dance?"
Tinanggal niya ang nakalingkis nitong kamay sa kanyang braso. "Don't touch me." Nagbabagang tingin ang pinukol niya sa babae. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kay Jade. Mabuti dahil maagap siya at nasalo niya ang dalaga dahil kung hindi ay ihahagis niya si Mickaela kasama ang ama nito. "Ayokong nakikitang lumalapit ka kay Jade lalo na kung sasaktan mo siya."
"I'm not doing anything." Pagkakaila nito.
"I saw what you did."
"You can't blame me because she provoked me to hurt her." Pagsisinuwaling nito. Kilala niya si Jade kaya alam niyang hindi 'yon magagawa ng dalaga. "Kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi niya sa akin. Ngayon lang kami nagkita pero hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin."
"Really?" Tumango ito bilang tugon. "Do you think that I'll believe you? Get out of my sight Mickaela. I don't want to see you and your father near Jade."
Naiirita siya sa mag-ama. Hayagang nagpakita ng interes kay Jade si Antonio at ang anak naman nito ay lantarang sinasaktan ang mahal niya sa harap ng maraming tao.
Magsasalita pa sana ang babae subalit may lumapit na lalaki at inaya itong sumayaw. Tinalikuran niya ito at muling hinarap ang babeng bukod tanging nakasuot ng gold gown sa silver anniversary ng foundation. Ito din ang bukod tanging babaeng nakaagaw sa kanyang atensyon sa gabing 'yon dahil wala naman siyang ibang gusto kundi ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang mapasa-kanya ulit ito. Hindi siya papayag na may ibang lalaking umangkin sa dalaga.
Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Pumailanglang sa ere ang malamyos na musika. Wala siyang inaksayang panahon. Walang babalang kinabig niya ang dalaga palapit sa kanya. Hinapit niya ito sa baywang na ikinabigla nito.
"What are you doing?"
"Dancing." Maikli niyang tugon. "Put your hands on my shoulders." Malambing niyang utos sa dalaga subalit hindi ito tumalima. Tinukod nito ang dalawang kamay sa kanyang dibdib at mataman siya nitong pinagmasdan habang sumasayaw sila. Ngunit 'di siya sigurado kung sayaw bang maitutring ang ginagawa nila. "Why are you looking at me like that? Did I do something wrong?"
"Why are you doing this?" Nalilitong tanong nito. "Why did you do that to Mickaela? Why did you bid for me? Why, why…" Nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Why?"
Nararamdaman niyang may iba pa itong gustong itanong sa kanya subalit tumahimik na ito. "Because I want to do it."
"But you shoudn't."
"Why?" Sa halip na sumagot ay nag-iwas ito ng tingin. "Natatakot ka bang baka magselos ang boyfriend mo? O nahihiya kang ako ang kasayaw mo?" He asked dryly.
She gazed at him with blazing eyes but all of a sudden her emotion changed. She can see through her eyes sorrow, guilt, longing, and then it went blank. "Let's stop this. Go to Mickaela." She pulled away but he didn't let her go. He pulled her body closer to him. "Dustine!"
"You owe me a dance so don't push me away." May diin sa bawat katagang binigkas niya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nito ipinagtutulakan kay Mickaela. "Why don't you just enjoy being with me? Matagal tayong hindi nagkita kaya dapat masaya kang kasama ako."
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" sarkastikong tanong nito na may halong gigil. "Did you forget what you did to me? You're the one who pushed me away. Kulang na lang kaladkarin mo ako palabas ng property mo. And now you're acting like you want to be with me." Hindi nito maitago ang iritasyon. "And I'm wondering why you need to pay three million just to have a date with me. Gusto mo bang ipamukha na kaya mo akong bilhin?"
"Opinyon mo 'yan kaya wala akong magagawa kung 'yan ang iniisip mo." Walang emosyong turan niya. "Bumalik ka sa bahay ko." It's more of a mandate than a plea.
Pinagsisihan niya kung bakit hind niya doon pinatuloy ang dalaga. Sana mababantayan niya bawat kilos nito at hindi siya mag-aalala na palagi nitong kasama si Lincoln. Nate-threaten siya sa lalaki na 'yon kaysa kay Filbert.
"Are you kidding me?" Nag-isang guhit na lang ang kilay nito, lukot ang mukha, at nag-aapoy ang mga mata. Para itong dragon na anumang oras ay magbubuga ng apoy. "Pagkatapos mo akong ipagtabuyan ay pababalikin mo ako sa pamamahay mo. Ibang klase ka rin."
Sa halip na patulan ang galit nito ay binalingan niya ang buhok ng dalaga. Inalis niya ang hairpins na nakakabit sa buhok nito gamit ang isang kamay upang masira ang hairdo nito. Sumabog ang alon-alon nitong buhok dahilan upang matakpan ang dibdib at likod nito na ikinatuwa niya subalit ikinainis 'yon ng dalaga."
"What the hell are you doing?"
"I'm just protecting what's mine." May pagka-possesive niyang tugon. Puno ng pagtatakang tinitigan siya nito kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita upang maliwanagan ito sa sinabi niya. "I don't want any other man look at you with greedy and dirty intentions. I don't share what's mine."
Napaawang ang bibig nito subalit walang salitang namutawi mula doon. Mukhang ina-absorb pa nito ang kanyang sinabi kaya sinamantala niya ang pagkakataon na iyon. He started to caress her bare back using his right hand while the other hand hold her waist securely. He traced her spine over and over again from top to bottom and vice versa.
She inhaled sharply. "Stop!" saway nito sublit 'di niya pinakinggan.
Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Lalo niyang inilapit ang sarili sa sa katawan nito at bahagya siyang yumuko upang magdikit ang kanilang noo. Sa ganoong paraan ay hindi ito magtatangkang iwasan ang kanyang tingin. Gahibla na lang ang pagitan ng mukha nila sa isa't isa kaya ramdam nilang pareho ang init ng hininga ng bawat isa at nagdudulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
"What if I don't want to stop?"
"Dustine please stop. People are watching us."
"I don't care and besides kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao." Paano naman kasi silang dalawa lang ang naiwan sa stage. Lahat ay nasa dance floor at doon sumasayaw. "I like the fact that they're watching us because I want them to know that you're mine." He declared authoritatively with burning passion in his eyes.
"You're crazy."
"Yes. I'm crazy." Hindi niya iyon ipagkakaila dahil totoo naman. "Because you're always driving me crazy." Hindi niya napigilan ang sarili at tinawid niya ang maliit na espasyong pumapagitan sa kanilang mga labi.
He claimed her lips with fiery desire and love. He wanted to pour his feelings through a kiss. Jade didn't resist and welcomed his sudden intrusion with the same intensity that made his heart beat faster and louder. He's certain that they still have the same feelings towards each other.
They're both panting and speechless when their lips parted but they didn't break eye contact. He wanted to kiss her again but she pushed him away.
"This is insane." She started to walk away but he was able to grab her hand and pull her towards him. "Dustine please let me go." She said in a soft voice. "We made an outrageous scene and I don't want to make it bigger. So just let me go and please stay away from me."
It's more of a plea than a command so he just let her go. For now. If he was not mistaken he saw confusion and worry written all over her pretty face before she turned around and walk away.
"I can't stay away from you Jade and I don't want too." Mahina niyang usal habang tinitingnan ang papalayong bulto ng dalaga. "Especially now that I can feel that you still love me."
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez