HINDI MAIPINTA ang kanyang mukha dahil kanina pa sila naglalakad ni Dustine pero mukhang wala naman silang matinong pupuntahan. Ngayong araw ang kanilang date pero mas gusto yata nitong mag-hiking dahil kasalukuyan silang umaakyat sa burol malapit sa beach house.
"Anong klaseng date 'to? Hindi ako na-inform na mamumundok tayo." Well, medyo exaggerated 'yon dahil nasa burol sila. "Okay lang naman sa akin basta kasama kita kaso malapit nang mag-ala sinco. Dapat kaninang madaling-araw tayo pumunta dito." Lintanya niya habang patuloy sila sa paglalakad.
"Cool ka lang. Promise, magugustuhan mo ang pupuntahan natin." Nakangiting wika nito. Hindi man lang ito naapektuhan sa pagtataray niya. "Nandito na tayo."
"Anong magugustuhan ko dito? Eh, puro kahoy at damo-" naumid ang kanyang dila nang makita ang isang bagay. Hindi niya iyon agad napansin dahil sa inis. "Is that yours?" tukoy niya sa chopper. Naka-landing iyon sa tuktok ng burol.
"Yes." Buong pagmamalaking tugon nito ngunit wala iyong halong kayabangan. "Labag man sa kalooban ko na maging isang businessman ay pinagbigyan ko si Mommy pero hindi ibig sabihin noon na kakalimutan ko ang pangarap ko."
"Come," hinila siya nito patungo sa chopper. "Baka maabutan tayo ng dilim at hindi natin masilayan ang magandang paglubog ng araw."
The thought of watching the sunset while flying made her so excited. She didn't bother how Dustine navigated the chopper because all she wanted to do is to watch the sunset. The scenery was breath-taking.
Ang bughaw na langit at puting ulap ay nahahaluan ng mala-gintong liwanag mula sa araw dahilan upang madagdagan ng ibang kulay ang kalangitan. Habang unti-unting lumulubog ang araw ay nag-aagaw ang liwanag at dilim kaya lalo siyang nabighani sa tanawin.
"You like it?"
"I love it." Sambit niya sabay baling sa nakangiting binata. "It's very lovely. Thank you."
"Anything for you, my love." Ginawaran nito ng masuyong halik ang likod ng kanyang palad. "Sunrise naman ang papanuorin natin sa susunod."
"Okay." Hinawakan niya ang kamay nito at hindi inalis ang tingin sa gwapong mukha ng binata. "You're a successful businessman and a licensed pilot. I'm so proud of you." Sana ganoon din ang nararamdaman ng magulang nito. "You did great. I'm so happy for you."
"Thanks to you." Pinisil nito ang kanyang kamay. "You have faith in me that's why I learned to trust myself."
"Because I love you."
"And I love you too."
They watched the sunset with a beautiful smile on their faces.
MAGKAHAWAK-KAMAY silang bumalik sa bahay pagkatapos ng munting date nila sa chopper. Ang akala niya ay tapos na ang kanilang date subalit nagtaka siya nang hilain siya ng binata patungo sa sarili nitong basketball court. Wala naman siyang nakitang espesyal doon kaya hindi niya napigilang magtanong. "Anong mayroon dito?"
"Let me surprise you." Masiglang wika nito at dinala siya sa kabilang dulo ng court. Noon niya lang napansin na may maliit na gate sa sementadong bakod na hindi halata dahil mukha din iyong bakod. Pagbukas ng gate ay tumambad sa kanila ang isang magandang garden. "Welcome to my sanctuary."
"It's beautiful." Kitang-kita ang ganda ng garden kahit madilim na dahil may lanterns na naka-decorate sa paligid. Ngunit ang lalong nakapagpaganda sa garden ay ang tree house na nakatayo sa gitna. "Your beach house and this place…"
"Is ours." Dugtong nito. "Nagsikap ako upang maipatayo ang pangarap nating bahay para pagdating mo handa na ang lahat. Ikaw na lang ang hinihintay ko."
"Dustine…"
"I know that you're not ready yet but I promise that I'll wait for you. I'm not rushing you. I just want you to know how much you mean to me." May dinukot ito mula sa bulsa at nagulat siya nang makita kung ano iyon. "Take this." Nilagay nito ang medalya sa kanyang kamay. "If you're ready to marry me, you know what to do."
"Akala ko tinapon mo 'to? Tanong niya bago ilagay ang medalya sa bulsa ng kanyang jeans. "Paano napunta sa'yo 'to?"
"I can't forget the pain I saw in your eyes when I threw it so I went back to the playground to apologize but you're gone. Hinanap ko talaga 'yan para ibalik sa'yo."
"And I'm glad you did." Niyakap niya ang binata. Hindi siya nagkamali na ibigin ito. "Kahit saan ako magpunta bitbit ko ang medal mo dahil pakiramdam ko palagi kitang kasama." Nanatili silang magkayakap ng ilang minuto bago sila naghiwalay.
"I think we better get inside."
Ang 'inside' na tinutukoy nito ay sa loob ng tree house. Inalalayan siya nito sa pag-akyat. Na-cute-an siya nang makita ang loob niyon. Hindi 'yon simpleng tree house dahil may aircon, sofa, television set, kama, refrigerator, kitchen sink, lamesa, at banyo. Kahit walang division at maliit ang space ay maayos iyong tingnan.
"Cozy and cute." Komento niya. Noong nagkasakit ito ay sa living room sila ng malaking bahay natulog dahil walang matulugan sa kwarto nito. Wala kasing higaan doon at alam na niya ngayon kung bakit. "I'm sure dito ka nagpapahinga kaya walang kagamit-gamit sa kwarto mo." Napansin niyang living room lang nito ang may furniture.
"Tama. Ano naman kasing gagawin ko sa malaking bahay kung wala akong kasama?"
"Sabagay."
"At saka hinihintay talaga kitang dumating dahil gusto kong ikaw ang mamili ng furniture."
Tinitigan niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganoon siya kahalaga sa buhay nito. Napakaswerte niya dahil minahal siya nito.
"O, bakit ganyan ka maka-tingin? Siguro gutom ka na." Hinila siya nito patungo sa lamesa. Puro paborito niyang pagkain ang nakahain doon. "Let's eat."
Pinaghila siya nito ng silya subalit nang umupo siya ay pinigilan siya nito at ito ang umupo. "Bakit ikaw ang umupo diyan?"
"There's only one seat."
Yeah! She can see that. Saan pala siya uupo? Tinapik nito ang kandungan bilang sagot sa pipi niyang tanong. "Ayoko nga!" Mariing tutol niya. "Tatayo na lang ako." Ngunit hindi natupad ang gusto niya dahil hinawakan nito ang kanyang baywang at ito na mismo ang nagpa-upo sa kanya sa kandungan nito. Hindi siya nakapalag dahil mabilis nitong inipit ang binti niya gamit ang binti nito. "Anong ginagawa mo?"
"Huwag kang mmagreklamo dahil nagugutom ako." Nagsimula na itong maglagay ng pagkain sa plato.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez