Matagal nang nakaalis ang ama ni Dustine subalit hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang napa-usapan nila ni Carolina. Ayaw naman niyang ipaalam sa binata ang tungkol doon dahil tiyak na mag-aalala ito sa kanya ta magagalit ito sa ina.
"Siguro nagkabalikan na kayo ni Dustine kaya ginugulo ka ulit ng magulang niya." Napalingon siya sa nagsalita. "Akala ko bumalik ka dito para gantihan si Carolina pero sa nakikita ko'y hindi iyo ang nangyayari."
"Watch your mouth Lincoln." Matalim na titig ang pinukol niya dito. "Alam mong wala akong planong gumanti kay Carolina. Nagkataon lang na ipina-auction niya ang dating sakahan ni Tiyo Kaya ko binili 'yon."
"Sorry," anito. "Pero ipapaalala ko sa'yo na bumalik ka dito para tuluyang wakasan ang nakaraan niyo ni Dustine na mukhang malabo nang mangyari dahil nahuhulog ka ulit sa kanya."
"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya." Pagtatama niya. "At sinabi ko lang iyon noon dahil akala ko may asawa na siya."
"So, babalikan mo siya? Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa ni Carolina sa'yo at sa pamilya mo?"
"Hindi ko iyon nakakalimutan pero walang kinalaman si Dustine sa nagawang kasalanan ng magulang niya."
"Wala nga siyang kinalaman pero siya ang dahilan kung bakit ka pinahirapan ni Carolina. Gusto mo bang may mawala ulit dahil sa ipinaglalaban mong pagmamahal? Sinong sunod na mamamatay Jade, ikaw?"
"Shut up Lincoln!" Sigaw niya kasabay nang pagpatak ng kanyang luha. "Huwag mo na ulit babanggitin ang tungkol doon."
"Jade." Naestatwa siya nang marinig ang boses ni Dustine. Naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Lincoln. "Ano 'yong narinig ko? Sinong namatay dahil kay Mommy?"
"Anong ginagawa mo dito?" sa halip ay tanong niya sa nanginginig na boses.
"Tinawagan ako ni Daddy at sinabi niyang puntahan kita dahil ginulo ka daw ni Mommy." Tugon nito habang naglalakad palapit sa kanya. "Jade nagmamakaawa ako sa'yo. Sabihin mo sa akin na walang pinatay na tao si Mommy." Pagsusumamo ng binata subalit tinitigan niya lang ito.
"Jade it's better to tell him the truth now." Narinig niyang wika ni Lincoln.
"She didn't kill anyone." Sa wakas ay nakuha niyang magsalita. "But she's the reason why my grandmother and my cousin died."
Kumurap-kurap ito na tila ina-absorb ang kanyang sinabi. "What happened?" walang lakas na tanong nito.
"Nagkasakit si Lola at kailangang i-dialysis isang beses sa isang linggo pero wala kaming pera kaya sinangla ni Tiyo Ricardo ang sakahan sa kanyang kumpare para makatulong. Ang usapan nila ay kahit nakasanla ang lupa ay si Tiyo pa rin ang magsasaka para hindi sila mawalan ng hanap-buhay at kahit papaano ay unti-unti nilang mabayaran ang utang."
"Isang araw, nagulat si Tiyo dahil sinisingil siya ng kayang kumpare. Kailangan na daw nito ang pera dahil mag-aaral sa Maynila ang anak nito. Binigyan niya si Tiyo ng isang buwang palugit para makabayad pero walang mapagkukunan ng pera si Tiyo. Ang Mommy mo ang pinagbentahan ng lupa. Ayon sa kumpare ni Tiyo, wala siyang planong manggipit kaya lang tinakot siya ng Mommy mo."
"Nang maibenta na ang lupa ay binigyan sila Tiyo ng isang linggo para umalis doon. Nagkataon naman na inatake si Lola ng sakit niya. Wala silang pera kaya lumapit sila sa ama ni Mickaela." Ang ginoo ang kasalukuyang Mayor nang mangyari iyon. "Pero hindi sila nakahingi ng tulong dahil magkaibigan si Mayor at Mommy mo. Walang tumanggap na ospital kay Lola kaya binawian siya ng buhay na hindi man lang nagagamot." Iyon ang dahilan kung bakit tumulong siyang magpatayo ng ospital sa Sta. Monica.
"Anong nangyari sa pinsan mo?" Nakayuko nitong tanong kaya hindi niya mabasa ang nararamdaman nito.
Napahikbi siya. Kung maayos niyang naikwento ang nangyari sa kanyang Lola ay hindi siya sigurado kung maikukwento niya ng maayos ang sinapit ng kanyang pinsan.
"Jade." Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng binata. Yumakap din siya dito upang humugot ng lakas. "Kung hindi mo kayang sabihin ay huwag mo nang ituloy."
"Malalaman mo rin naman 'to kaya ako na ang magsasabi sa'yo." Iyon ang sinasabing alas ni Carolina na ikinakatakot niyang malaman ng binata dahil baka sobra itong maapektuhan at mas piliin nitong layuan siya. Pero kung iyon ang makakapagpatahimik sa kanilang lahat ay wala na siyang magagawa kundi ang ipaalam sa binata ang nangyari. "Pero ipangako mo na hindi mo kamumuhian ang iyong ina."
Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita. "Pangako." Bulong nito na halos hindi niya marinig.
"Kasalukuyang naghahanap ng bahay na mauupahan si Tiyo at si Tiya naman ay inaasikaso kung saan ibuburol ang labi ni Lola kaya ipinagbilin nila ang dalawa kong pinsan sa dati nilang kapit-bahay para mabantayan. Ang mga magulang ko noon ay papunta pa lang dito sa Sta. Monica kaya wala silang ibang mahihingian ng tulong." Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa binata at mas lumakas ang kanyang hikbi.
"Isang linggo na ang lumipas kaya pinasunog ng Mommy mo ang lahat ng tanim at ang bahay nila. Tatayuan daw kasi ng pabrika pero hindi naman natuloy. Nakita ng bunsong anak nila na nasusunog ang bahay kaya," Napapikit siya at pakiwari niya'y dinudurog ang puso niya. "Kaya tumakbo siya papunta doon. Sinisigaw niya ang pangalan ni Lola habang tumatakbo. Akala niya siguro naiwan sa bahay si Lola kaya pinuntahan niya. Nakita siya ng mga kapit-bahay at ng kanyang Kuya. Mabilis siyang sinundan pero huli na ang lahat. Nakapasok siya sa bahay at nabagsakan ng nagliliyab na kahoy. Hindi siya nakaligtas."
"I'm sorry."
Hindi maampat-ampat ang luhang nag-uunahang dumaloy sa kanyang mukha. Hindi siya pinakwalan ng binata at masuyo nitong hinaplos ang kanyang likod upang kumalma siya.
"Hindi nila pinaalam sa akin ang nangyari. Nalaman ko lang lahat noong umuwi ako dito limang taon ang nakalipas. Wala man lang akong nagawa para matulungan sila."
"Wala kang kasalanan sa nangyari. Kasalanan iyon lahat ni Mommy." Wala siyang maramdamang emosyon sa tinig nito kaya nababahala siya. "Pinapangako kong hindi na iyon mauulit."
"Anong gagawin mo?" puno ng pangambang tanong niya.
"I understand now why you always say that we can't be together." He cupped her face and looked at her with hurting eyes. "Hindi ka lubusang magiging masaya sa piling ko dahil maaalala mo palagi ang ginawa sa'yo ni Mommy."
"Dustine don't say that."
"Ako naman, iisipin ko palagi na ako ang dahilan kung bakit nangyari iyon lahat sa'yo."
"What are you trying to say?"
"I have to let you go." Hinalikan siya nito sa noo kasabay ng pagpatak ng mga luha nito. "I love you and I'm sorry." Iyon ang huling salitang binitiwan nito bago siya tinalikuran. Wala siyang nagawa kundi habulin ito ng tingin hanggang sa mawala sa kanyang paningin ang pigura ng lalaking mahal niya.
"Jade you'll get over with him."
"No." Malungkot niyang tugon kay Lincoln. "I will always love him. Wala akong ibang mamamahalin kundi siya lang."
"Jade maraming lalaking handang magmahal sa'yo. Bakit hindi mo buksan ang puso mo sa iba?"
Mariin siyang umiling. "Hindi ko kayang magmahal ng iba."
"Bakit hindi ka tumingin sa paligid mo? Nandito lang ako. Kaya kong higitan ang pagmamahal ni Dustine sa'yo."
"Lincoln." Maang na napatingin siya dito. Hindi pa niya matanggap na sinukuan siya ni Dustine tapos heto ngayon ang kaibigan niya, nagtatapat ng pag-ibig sa kanya. "You're my friend. At alam mong hindi kita kayang mahalin nang higit pa sa isang kaibigan."
"I know." Mapait itong ngumiti. "Tanggap ko iyon at handa pa rin kitang mahalin. Maghihintay ako Jade."
"Ayokong saktan ka dahil kaibigan kita pero Lincoln wala kang mapapala sa akin. You deserved someone that will love you. Hindi ako ang babaeng iyon. I'm sorry." Hindi niya hinintay ang tugon nito at basta niya itong tinalikuran.