Chereads / Last Goodbye / Chapter 26 - Liham

Chapter 26 - Liham

Extra Chapter

Mahal kong Dustine,

Sa oras na matanggap mo at mabasa 'tong liham ko'y nasa malayong lugar na ako. Gusto akong pag-aralin sa ibang bansa ng isa sa mga sponsor ng Balikbayan Foundation. Patawad kung inilihim ko sayo ang bagay na 'to at hindi ko nakuhang magpaalam ng personal sayo dahil baka magbago ang isip ko. Ito lang ang tanging paraang alam ko upang hindi maging alangan sayo.

Masakit para sa 'kin na iwan ka subalit kailangan ko 'tong gawin para sa pamilya ko, para sayo, at para sa 'kin. Lahat kaya kong gawin at tiisin upang magtagumpay sa buhay kahit ang kapalit noon ay mawalay sa lalaking pinakamamahal ko at sa pamilya ko. Sana maunawaan at mapatawad mo ako.

Maiintindihan kita kung magagalit ka sa 'kin dahil sa ginawa ko pero sana manaig ang pagmamahal mo sa 'kin upang maunawaan ako. Tinitiyak ko sayo na ako'y babalik at sana hintayin mo ang araw na 'yun. Alam ko selfish at unfair ang hinihiling ko sayo pero umaasa ang puso ko na maghihintay ka sa pagbalik ko.

Subalit kung sakilang makatagpo ka ng babaeng papalit sa 'kin sa puso mo, maluwag kong tatanggapin dahil wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan mo. Handa akong masaktan, magsakripisyo, at magparaya para sayo. Ganoon kita kamahal.

Hininiling ko rin na maging matatag at malakas kahit wala ako sa tabi mo. Sa tuwing panghihinaan ka ng loob at nagdududa ka sa'yong sarili, palagi mong tandaan ang sinabi ko sayo. At kahit na anong mangyari huwag na huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa magulang mo. Mahalin at igalang mo sila dahil balang-araw magiging isang magulang ka rin.

Sa aking pag-alis babaunin ko ang masasaya at magagandang alaala na pinagsaluhan natin. Dala ko ang medalya na pinagkatiwala mo sa 'kin para kahit saan ako magpunta palagi kitang kasama. Tandaan mo na kahit malayo ako sayo mananatili ka sa puso ko at sana ganoon din ako sayo. Pangako babalik ako sa piling mo mahal ko.

Lubos na Nagmamahal,

Jade Ruth

Salamat sa pagbabasa ❤️

FB Name: Carmie Lopez

W*ttp*d username: Carmie_Lopez

G00DN0VEL name: J.R. McKay