"JUSTINE COME HERE." tawag niya sa pitong taong gulang na anak na lalaki. "Baby, lalagyan ko ng towel ang likod mo. Baka matuyuan ka ng pawis sa likod." Lumapit naman kaagad ito at tinabi ang bola ng basketball. "Bakit ka nakasimangot?"
"Ma, hindi na po ako baby."
"Aba! Nagrereklamo ka?" Umiling ito sabay halik sa pisngi niya. Actually, pinuno nito ng halik ang buong mukha niya. Napangiti naman siya. "Manang-mana ka talaga sa Papa mo." Na malambing.
"Siyempre idol ko siya. Magiging magaling akong basketball player tulad ni Papa."
"Darling!" sigaw ni Dustine. Humahangos ito patungo sa kanila bitbit ang tatlong taong gulang anak nila na si Lyca. Isinunod nila ang panagalan nito sa namayapa niyang pinsan. "Nasaan si Jane?" tukoy nito sa kambal na babae ni Justine.
"Ewan ko." Nagkibit-balikat siya. "Bakit?"
"Iniwang bukas ang electric stove sa kitchen. Nagkalat din ang kitchenwares. May nakita din akong dahon-dahon sa lamesa. Hindi ko alam kung anong ginawa niya."
"Papa hinahanap niyo po ako?" Bigla itong sumulpot mula kung saan at ang dumi-dumi ng damit nito.
"Yes, baby. Anong ginawa mo sa kitchen? Nagluto ka ba? Baka naman masunog ang bahay natin dahil sa ginawa mo."
"'Pa, gumawa po ako ng con, contac," hindi nito mabigkas ng maaayos ang word. "Basta gumawa ako ng gamot para sa sipon ni Lyca. Nag-search ako sa internet."
"Concaction ba ang ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Opo." Tumango-tango ito. "Mama you're smart."
"Darling nagmana sa'yo si Jane." Napakamot ito sa ulo. "Mahilig mag-experiment."
Sapo niya ang kanyang noo. "Anak! Gusto mo bang manganak ako ng wala sa oras?" hinimas niya ang tiyan. Pitong buwan siyang buntis. Tinotoo ni Dustine na gusto nitong magkaroon ng maraming anak.
"Anak, bakit ka manganganak?" Nag-aalalang tanong ni Carolina. Finally, tanggap na nito ang relasyon nila at mahal na mahal nito ang mga apo. Madalas nga itong bumisita sa kanila. Humingi ito ng tawad sa pamilya niya kaya naging maayos na ang lahat. "Hindi mo pa kabuwanan."
"Mommy kasi ang kulit ng mga apo niyo." Sumbong niya.
"Ako nang bahala sa baby girl na 'to." Kinuha nito si Lyca mula kay Dustine. "Honey, linisin mo si Jane at punasan mo ang pawis ni Justine." Utos nito sa asawa. "Dustine samahan mong maglakad sa tabing-dagat si Jade para mawala ang stress niya. Ayokong napapabayaan siya at ang magiging apo ko."
"Tingnan mo nga naman. Akalain mong mahal na mahal ka ni Mommy?" nakangiting wika ni Dustine habang naglalakad sila sa tabing-dagat at pinapanood ang sunset. "Nag-volunteer na mag-alaga ng mga apo para hindi ka ma-stress."
Napangiti siya. "Anong magagawa ko? Eh, lovable ako."
"I know." Kinantalan siya nito ng halik sa labi. "Mabuti hindi kita pinakawalan dahil kung hindi habang buhay kong pagsisisihan iyon."
"Wala rin naman akong balak na basta-basta kang isuko." Nakangiti niyang wika bago kinawit ang kamay sa leeg ng asawa at siniil ng halik.
Wakas
Thank you for reading.
Please leave a comment.
It's highly appreciated.
Thank you! 😊