"KAILAN KA BABALIK?"
Bukas na ang alis nila pabalik sa US kaya nagkita sila ni Dustine sa playground. Hindi niya alam kung bakit doon nito piniling magkita sila. Madami lang siyang naaalala sa lugar na iyon.
"I don't know." She shrugged her shoulders. Wala naman siyang dahilan para bumalik sa lugar na iyon. "Maliban sa trabaho kong naiwan ay may negosyo din akong kailangang asikasuhin kaya hindi ko masabi kung kailan ako babalik."
"Puwede ba kitang dalawin doon?"
Bakit mo ako dadalawin kung puwede namang hindi na tayo maghiwalay? Papahirapan mo lang akong maka-move-on sa'yo. "Oo naman," sa halip ay tugon niya. "Huwag ka lang magpapakita kay Fil dahil baka akitin ka no'n." biro niya.
"Okay lang sa akin basta ikaw ang uutusan niyang akitin ako."
Inirapan niya ito. "Sira!" Willing naman siyang gawin 'yon pero pipikutin niya ito kapag nangyari iyon. "Anong bang ginagawa natin dito?" kapagkuwan ay tanong niya sabay tayo sa kinauupuan. "Mas magandang panuorin ang sunset sa tabing-dagat." Nilahad niya ang palad at tinanggap naman iyon ng binata. Magkahawak-kamay nilang tinawid ang kalsada at nagtungo sa tabing-dagat.
"Jade may gusto akong itanong sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Kunwari, pumayag kang magpakasal sa akin. Saan mo gustong tumira? Dito sa Pilipinas o sa Amerika?"
"Ha?" Napatanga siya sa binata. "Eh, 'di ba break na tayo? Bakit mo tinatanong sa akin 'yan?"
"Kunwari lang naman."
"Siyempre, sa bahay mo ako titira."
"Paano iyong trabaho at business mo sa Amerika?"
"Well, madali lang gawan ng paraan iyon." Hindi niya alam kung anong kwenta ng pagtatanong nito pero sasagutin niya pa rin dahil nagbabakasakali siyang magbago ang isip nito. "Pareho tayong mayaman kaya makakabili tayo ng private plane. Piloto ka kaya walang problema ang paroo't parito."
"I see." Maikli nitong tugon. Naghihintay siya kung may iba pa itong sasabihin subalit nanatili itong tahimik. Pareho silang walang kibo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at kasabay nang paglubog niyon ay unti-unting lumulubog ang pag-asa sa puso niya. "I think I should take you back to the resort. Dumidilim na. Kailangan mo nang magpahinga dahil maaga pa kayong aalis."
"No." Binitawan niya ang kamay ng binata. Buong akala niya ay nakipagkita ito sa kanya dahil may mahalaga itong sasabihin pero wala naman pala. "Babalik ako mag-isa sa resort."
"Ihahatid na kita."
"Dustine mas gusto kong bumalik mag-isa. Gusto ko ding maglakad-lakad sa tabing-dagat nang mag-isa."
"Sasamahan kita."
"No." Matatag niyang tugon. "Huwag na nating pahirapan ang isa't isa. Masasaktan lang tayo. Huwag mo din akong dadalawin sa Amerika dahil mahihirapan akong kalimutan ka. Ayokong tumandang dalaga. Ayokong mamatay ng malungkot at nag-iisa kaya kung gusto mo akong sumaya huwag ka nang magpapakita sa akin."
"Okay. Naiintindihan kita."
Iyon lang? Hindi man lang nito nakitang nasasaktan siya at ito lang ang makakapagpasaya sa kanya. Ngali-ngali niya itong sampalin para matauhan pero hindi niya gagawin iyon. Bahala na ito kung gusto nitong maging miserable habang buhay.
"Goodbye Dustine." Mapait siyang ngumiti. Hindi talaga siguro sila ang para sa isa't isa. Pero at least nakapagpaalam sila ng maayos sa isa't isa sa huling pagkakataon.
"Goodbye Jade."
Ginawaran siya nito ng halik sa noo bago siya pumihit patalikod sa binata. Mabibigat ang hakbang niya habang naglalakad. Pakiwari niya'y pasan niya ang daigdig at anumang oras ay bibigay siya at mawawasak ng tuluyan. Hindi na niya kaya. Huminto siya sa paglalakad at hinayaang bumagsak ang pinipigilang luha.
Bakit humantong sa ganoong sitwasyon ang pagmamahalan nila? Puwede naman nilang piliing maging masaya sa piling ng isa't isa at kalimutan ang lahat ng mga nangyari pero bakit iba ang gusto nitong mangyari? Pero hahayaan niya bang mawala ito sa kanya ng tuluyan na hindi ito ipinaglalaban?
Bahala na! Pumihit siya paharap sa direksyon kung saan niya iniwan ang binata. Laking gulat niya nang makita itong naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Nanunubig ang mga mata nito.
"I don't want to lose you. Alam kong maraming nangyaring hindi maganda pero napagtanto kong hindi iyon sapat na dahilan upang talikuran kita. Pero hindi ko rin alam kung sapat nang mahal mo ako at mahal kita para mawala lahat ng sakit na nararamdaman mo."
"You know the answer." She pulled him closer and aimed for his lips. With a simple kiss from him, all the pain washed away. "You and your love for me will always be enough to take the pain away. But if you'll push me away, again, then you'll be the reason for my sorrow."
"I'm sorry. I didn't mean to hurt you. Naunahan lang ako ng takot kaya inunahan na kita. Mas masasaktan kasi ako kapag ikaw mismo ang nagsabing layuan kita."
"Bakit ko naman gagawin iyon? Sinadya kong huwag sabihin sa'yo ang nangyari dahil may kutob akong lalayuan mo ako at hindi nga ako nagkamali."
"Naisip kong iyon dahilan mo kaya hanggang ngayon ayaw mo pa ring magpakasal sa akin."
"Oh!" Hindi naman sa ayaw niyang magpaksal. Natatakot lang din siya dahil baka may masama ulit na gawin si Carolina. Pero dahil alam na ni Dustine ang lahat, wala na siyang dapat na katakutan. "You want me to marry you?"
"Anong klaseng tanong 'yan?" matabang nitong tanong. "Jade Ruth hindi biro ang paghihintay ko sa'yo. Labing-limang taon akong umasa na babalik ka kahit umalis ka nang walang paalam pero hindi ko nagawang tumingin sa iba."
"Alam mo kung bakit? Dahil naniniwala ako na babalik ka. Hindi ka man direktang nagpaalam sa akin noong huli tayong nagkita ay pinanghawakan ko pa rin ang pangako mo na babalik ka. Ganoon kita kamahal. Ikaw lang ang babaeng pinayagan kong magsamantala sa katawan at puso ko."
Umarko ang kilay niya sa huling sinabi nito. "Hindi ako nagpaalam sa'yo dahil baka magbago ang isip ko. Gusto kong umalis para may mapatunayan ako at baka sakaling matanggap tayo ng magulang mo." Paglilinaw niya. "And for your information, may iniwan akong sulat."
"I know." May dinukot ito mula sa bulsa. Isang lumang papel. "Binigay sa akin ni Daddy kahapon."
"Paano napunta sa kanya ang sulat?"
"Hindi alam ni Daddy kung paano nalaman ni Mommy ang tungkol sa sulat. Narinig na lang daw niya na pinapalayas ni Mommy si Manang dahil sa sulat na 'to. Akmang pupunitin ni Mommy ang sulat pero inagaw iyon ni Daddy at nagpresintang siya na ang magtatapon pero tinago niya."
"Ginawa niya iyon?"
"Oo. Hindi niya lang sinabi sa akin ang tungkol doon dahil akala niya lilipas din ang nararamdaman ko para sa'yo pero nagkamali siya. Alam mo bang siya ang nag-udyok sa akin na kausapin ka ngayon? Natamaan daw kasi siya sa sinabi mo noong nag-usap kayo."
"He loves you." Naluluhang wika niya.
"Yes. And thank you for making him realize that. At sinabi niyang pakasalan mo na ako dahil kung hindi mapipilitan siyang kidnap-pin ka."
"Tinanong mo na ba ako ng, 'will you marry me'?" nakatikwas ang kilay na tanong niya. "At hindi ko mantandaan na pinagsamantalahan kita. Sa pagkakatanda ko, ikaw ang-" Natahimik siya nang bigla nitong sakupin ang kanyang labi. "See? Hindi pa ako tapos magsalita pero nagnakaw ka ng halik."
"Spend the rest of your life with me."
"Hindi 'yan marriage proposal." Magpapakipot pa siya ng konti dahil pina-iyak siya nito pero kinikilig siya. "Walang question mark."
Kinapa nito ang bulsa ng pantalon pero wala naman itong nakuha doon. "I forget to bring the ring but I will ask you." Lumuhod ito sa harapan niya. "Will you marry?"
Yumuko siya at dinikit niya ang noo sa noo nito. "Kahit walang singsing basta ang mahalaga makasama kita habang buhay." Tinawid niya ang pagitan ng kanilang mga labi. Wala talagang kasing-tamis ang halik na may halong pagmamahal. "I'll spend the rest of my life with you." Hinugot niya ang medalya mula sa bulsa ng kanyang denim skirt at ipinakita iyon sa binata. "I love you Dustine."
"I love you too and I promise that I'll take care of you, forever. I won't let anyone to hurt you again even my own mother. I'll protect you Jade."
"I know that, that's why I'm still here and I'm still in love with you in spite of what happened."
He smiled lovingly at her before he claimed her lips with tenderness and love.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez