EVERYTHING SEEMS TO BE perfect between her and Dustine but the world is not perfect at all. Sa bawat istorya ng buhay ay may kotrabida talaga at kailangan niya iyong harapin ngayon.
"What brings you here?" prangka niyang tanong kay Carolina. Ang talas ng pang-amoy nito dahil kababalik niya lang sa resort pero nasundan siya kaagad nito kasama ang hilaw nitong daughter-in-law. "Wala akong panahong mag-aksaya ng oras sa inyo."
"Siguro masaya ka nang nabili mo ng limang milyon ang katiting na lupain ng tiyuhin mo. Siguro masayang-masaya ka nagyon dahil napahiya ako. Nakaganti ka na kaya tigilan mo ang anak."
"Pinahiya kita?" pagak siyang tumawa. "Pamamahiya bang matatawag kung ang pagbili ko ng katiting na lupang sinasabi mo ay paraan upang makatulong sa mga nangangailangan? At bakit kita gagantihan? May ginawa ka bang kasalanan sa akin para gantihan kita?" Tinaksan ito ng kulay kasabay ng pagka-umid ng dila nito.
"You!" Dinuro siya ni Mickaela. "You don't have the right to talk like that to my future mother-in-law. Isusumbong kita sa future husband ko."
"Go ahead. Magsumbong ka. Sa tingin mo ba pakikinggan ka ni Dustine?" nanunuyang tanong niya.
"Nilason mo siguro ng tuluyan ang utak ng anak ko kaya kumpyansa kang hindi siya magagalit sa'yo. Hindi ko alam kung bakit ka nagustuhan ng anak ko."
"Hindi ko hawak ang puso't isip ng anak mo kaya wala kang karapatang paratangan ako. At wala akong nakikitang mali kung ako ang nagustuhan niya dahil mahal ko siya at tanggap ko ang buong pagkatao niya. Ni minsan hindi ko siya minaliit at hinusgahan gaya ng ipinaramdam niyo sa kanya."
Dustine always follow whatever his parents tell him what to do. Konting pagkakamali lang nito ay napupuna agad ni Carolina. Para sa ginang ay walang puwang ang pagkakamali sa kanilang pamilya. Tutol ang ginang sa pagkakahilig ng anak nito sa sports dahil para dito pag-aaksaya lang iyon ng oras at hindi makakatulong sa pag-asenso. Siya lang ang sumuporta sa binata kaya galit sa kanya ang babae lalo na nang malaman nito na magkasintahan sila ni Dustine. Bad influence daw siya sa binata.
Siguro tuwang-tuwa ito nang wala siya sa buhay ng binate dahil tinalikuran ng lalaki ang pagiging varsity player nito para mag-focus sa pag-aaral.
"Layuan mo ang anak ko. Hindi ka nararapat sa kanya."
"Dahil kami ang bagay at nakatadhana para sa isa't isa." Segunda ni Mickaela.
"Nirerespeto kita bilang ina ni Dustine pero wala kang karapatang diktahan ako na layuan siya at wala kang karapatang diktahan ang anak mo kung sino ang mamahalin niya. Lalayo lang ako sa kanya kapag siya na mismo ang nagtaboy sa akin."
"Alam ko kung paano kayo mapaghihiwalay at titiyakin kong si Dustine mismo ang lalayo sa'yo."
"Hindi mo magagawa iyon."
"Huwag kang kampante Jade dahil may alas ako. Hindi alam ni Dustine ang lahat ng nangyari noon at kapag nalaman niya ang lahat ay tiyak na kusa siyang lalayo sa'yo."
"You can't do that." Tama nga ang kutob niya na hindi alam ni Dustine ang lahat. "Sasaktan mo lang siya at kamumuhian ka niya."
"Who cares? Gagawin ko ang lahat para magkahiwalay kayo. Kahit magalit siya sa akin huwag lang ikaw ang piliin niya."
"Ang sama mo." Nanginginig siya sa galit at gusto niya itong saktan pero pinigilan niya ang sarili at sa halip ay kinuyom niya ang palad. "Anong klaseng ina ka?"
"I'm the best mother in the world and I only want the best for my son. Mali ba 'yon?"
Hindi siya makapaniwala na ganoon ito kasama. Hindi ito marunong makonsensiya. Wala itong inintindi kundi ang sarili nito at wala itong pakialam kung nakakasakit ito ng ibang tao.
"Carolina anong ginagawa niyo dito ni Mickaela?" sabay silang tatlong napalingon sa bagong dating. "Umalis na kayo dito. Nakakahiya na ginugulo niyo ang bisita ni Ninong." Wika ng ama ni Dustine. Ninong nito ang Lolo ni Kervin na may-ari ng resort na kanilang tinutuluyan.
"Hindi pa tayo tapos Jade." Wika ng ginang bago umalis.
"Layuan mo si Dustine dahil ikakasal na kami." Pahabol na wika ni Mickaela.
"Hija pagpasensiyahan mo na ang asawa ko at si Mickaela."
"Huwag po kayong mag-alala sa akin dahil sanay na ako." Kung masama ang ugali ng ginang ay hindi ganoon ang asawa nito. Hindi niya lang maintindihan kung bakit tila bale-wala dito ang ginagawa ni Carolina. Sa sobrang kabaitan nito ay naging sunod-sunuran ito sa asawa. "Mas alalahanin niyo po si Dustine. Siguro alam niyo na kung anong ginawa ni Mrs. Alvaro at maaaring gawin kaya ako na mismo ang nakiki-usap sa inyo alang-alang sa anak niyo. Huwag niyo pong hayaang kontrolin ng iyong asawa ang buhay ni Dustine."
"Patawarin niyo po ako sa sasabihin ko pero nagbulag-bulagan ka at nagging pipi sa lahat ng mga nangyari ngunit hindi ibig sabihin noon ay wala kang nagawang pagkakamali. Matagal na hong nagdusa at nagtiis si Dustine sa pagsunod sa mga utos niyo pero wala ho kayong narinig na reklamo at pikit-mata niya kayong sinusunod dahil mahal niya kayo. Sana kahit minsan ay iparamdam niyo rin sa kanya ang pagmamahal ng isang magulang."
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez