PAGBALIK niya sa Barangay Hall ay sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ni Kara. Ininspeksyon nito ang kabuuan niya. "Anong ginagawa mo?"
"Mabuti naman at walang masamang nangyari sa'yo." Binale-wala nito ang kanyang tanong. "Pinasundan kita kay Dustine nang matanaw kong naglalakad kang mag-isa patungo doon." Tinuro nito ang direksyon na pinanggalingan niya. "Nasaan nga pala ang lalaking 'yon? Bakit hindi kayo magkasamang bumalik?"
Bago pa siya makasagot ay nagulat siya nang biglang may yumakap sa kanya. Tumili pa ito ng ubod ng lakas na halos ika-bingi niya.
"Kristine!" bulalas niya nang sa wakas ay bumitaw ito ng yakap.
"Bruha ka!" Malakas pa rin ang boses nito. "Ang laki ng atraso mo sa akin. Iyong sampung taon kang hindi nagparamdam ay naintindihan ko at napatawad na kita dahil pag-aaral at pagpapayaman ang inatupag mo. Pero iyong umalis ka ng walang sabi at limang taong kang hindi nagpakita sa akin ay hindi ko basta-bastang palalampasin 'yon." Nakapamaywang na lintanya nito.
"I'm sorry. Promise, babawi ako."
"Nagtatampo talaga ako sa'yo." Naka-ingos na saad nito. "Sige, naiintindihan ko kung bakit ka umalis dahil nalaman mong ikakasal na si Dustine pero mali na pinutol mo ang kumunikasyon natin. Hindi ko tuloy nasabi sa'yo na hindi natuloy ang kasal nila ni Mickaela dahil hindi ko alam kung paano ka kokontakin."
Pinili niyang manahimik dahil tama ang sinabi nito. Sinadya niyang maputol ang kumunikasyon niya sa kaibigan dahil alam niyang babalitaan siya nito tungkol kay Dustine. Tangging si Laurice lang ang may contact sa kanya pero hindi ito nagkukwento kung anong ganap sa bayan nila. Ang madalas lang nilang pag-usapan ay tungkol sa faoundation.
"Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nagtatampo." Patuloy nito. "Dumating ka na hindi ko alam tapos mababalitaan ko na nagkabalikan na kayo ni Dustine kaya ura-urada akong umuwi ditto galing sa Maynila." Gusto niyang itama ang maling akala nito subalit tuloy-tuloy ito sa paglilintanya. "Akala ko ba best friend kita? Bakit ako pa iyong huling nakaalam sa nangyari?"
"Kristine you're wrong. Mali ang nasagap mong balita at malinaw na tsismis iyon."
"Ha?" Pagkalito ang rumihistro sa mukha nito. "But I saw the pictures. May mga kakilala tayo na dumalo sa party at pinakita nila sa akin ang pictures niyo."
"It was nothing."
"It was nothing." Ulit ni Dustine sa kanyang sinabi sa malamig na boses. Sabay silang napalingon sa binata. Madilim ang anyo ng mukha nito at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot dito. "Wala lang ba talaga iyon Jade o wala talaga akong halaga sa'yo?" Walang emosyong mababakas sa mukha nito.
"Dustine…" Kanina pa kaya ito nakikinig sa usapan nila?
"Ano bang dapat kong gawin upang maging karapat-dapat sa pagmamahal mo?" Nangingilid ang luha sa mga mata nito. "Ginawa ko ang lahat para maging matagumpay na hindi umaasa sa tulong o impluwensya ng magulang ko para pagdating ng araw ay puwede mo akong ipagmalaki kahit kanino. Sabihin mo kung ano pang kulang para mapunan ko."
"You're more than enough." Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha dahil nararamdaman niya ang sakit na nadarama ng binata. "That's why I don't deserve you. You deserve someone better."
"I won't buy that crap!" Bulyaw nito. "Si Mommy ba ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka?" Wala siyang maisagot nang matumbok nito ang dahilan ng pagtanggi niya sa pagmamahal nito. "Si Mommy nga ang dahilan." Nagtagis ang bagang nito at halatang nagpipigil lang ng galit. "Sinabi niya bang layuan mo ako at pinagbantaan ka niya?"
"Why don't you ask your mother?" Si Lincoln ang sumagot para sa kanya. "Natitiyak kong hindi magsasabi ng totoo si Jade kapag siya ang tinanong mo. Pagtatakpan niya lang ang ginawa ng nanay mo."
"Lincoln!" saway niya sa kaibigan. "Ano bang pinagsasabi?"
"Tama naman ako 'di ba? Pagtatakpan mo lang ang ginawang kasalanan ng ina niya sa pamilya mo kaya mas mabuting si Carolina ang kausapin niya."
"Lincoln please stop." Awat niya sa binata dahil baka kung ano pa ang masabi nito. "Dustine I'll tell you everything." Pinigilan niya ang tangkang pag-alis nito. Natatakot siya na baka sabihin ni Carolina ang lahat at alam niyang lalong masasaktan ang binata kapag nalaman nito ang totoo. "Pangako, hindi ko pagtatakpan ang mama mo."
"No." Mariing tanggi nito. "Nagsinuwaling ka sa akin. Ang sabi mo'y hindi mo ako binalikan pero bumalik ka pala. Sinabi mo lang 'yon para magalit ako at layuan kita. Mabuti't 'di ako naniwala." Puno ng hinanakit ang tinig nito. "Si Mommy ang kakausapin ko para maging malinaw ang lahat."
"Dustine, please let me explain."
Naging bingi ang binata sa pakiusap niya at tuluyan siya nitong tinalikuran. Sinubukan niya itong habulin subalit pinigilan siya ni Lincoln. Hawak nito ang kanyang kamay upang pigilan siyang mahabol ang binata. "Let me go."
"Hayaan mo siya."
"Why are you doing this?" Matalim na titig ang pinukol niya sa kaibigan. Binawi niya ang kamay na hawak nito "Kasalanan mo kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya." Nag-aalala siya na baka maaksidente ito sa daan habang nagmamaneho dahil sa sobrang galit.
"I'm doing this for your own good. I hope you understand."
"Ako lang ang nakakaalam kung anong makakabuti para sa akin." Deklara niya bago ito tinalikuran. Sumunod naman si Kristine sa dalaga.
Susunod din sana si Lincoln subalit pinigilan ito ni Kara. "Stay here. Maiinis lang sa'yo si Jade kapag sinundan mo siya." Wala na itong nagawa kundi sundin ang sinabi ng babae.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez