Chereads / Last Goodbye / Chapter 18 - Kabanata 17

Chapter 18 - Kabanata 17

"YOU LOOKED TROUBLED. It looks like something is bothering you." untag ni Kervin. Kasama ito sa medical mission ngayong araw. "Napansin ko na kanina ka pa paikot-ikot at 'di mapalagay."

"Someone." Pagtatama niya sa 'something' na tinukoy nito. Wala namang dahilan para magkaila siya dahil baka makatulong ito sa kanyang problema. "Nag-aalala ako kay Dustine. Nasaan ba siya? Kagabi ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot." Inistorbo pa niya si Albert para lang makuha ang numero ng binata.

"Bakit? Na-miss mo kaagad?" nanunuksong tanong nito.

"Kervin please give me a break." Mabilis mag-init ang ulo niya dahil wala siyang maayos na tulog kagabi sa kakaisip kay Dustine. Paano kung nalaman na nito ang mga ginawa ni Carolina? "I just want to know where he is and if he's fine."

"May nangyari ba?"

Wala ito sa Sta. Monica dahil may inasikaso itong business deal sa kalapit na bayan kasama si Albert. Wala siguro itong alam sa nangyari kaya napa-kwento siya ng wala sa oras.

"Kaya pala nagyayang makipag-inuman kagabi kaso tumanggi kami ni Albert dahil pagod kami." Wika ni Kervin pagkatapos niyang magkwento. "Puntahan mo siya dahil baka kung ano na ang nangyari sa lalaking 'yon. Ihahatid na kita para mas mabilis."

Hind siya tumutol dahil gustong-gusto na niyang makita ang binata. Mabuti dahil malapit doon ang bahay nito kaya mabilis silang nakarating. "Hintayin mo ako." Bilin niya kay Kervin bago siya bumababa ng kotse at pumasok sa bahay ni Dustine. Swerteng hindi naka-lock ang pinto kaya nakapasok siya kaagad.

"Dustine." Tawag niya dito subalit hindi na niya kailangang gawin iyon dahil naabutan niya itong nakahiga sa sofa. Balot na balot ng kumot ang katawan nito. Nang makalapit siya sa natutulog na binata ay napansin niyang namumula ang mukha nito at nanginginig ang katawan. Awtomatikong sinalat niya ang noo nito. "Gosh! Dustine ang taas ng lagnat mo."

Umungol ito at unti-unting nagmulat ng mata. Malakas yata ang boses niya kaya nagising ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa nanghihinang boses subalit 'di niya pinansin.

"Uminom ka na ba ng gamot? Gusto mo dalhin kita sa ospital?"

"Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko."

"Kung ayaw mong magpadala sa ospital ako ang mag-aalaga sa'yo."

"I don't need you." Tinuro nito ang lamesita malapit sa sofa. Naroon ang basin, towel, thermometer, at ilang piraso ng gamot. "You see, I can take care of myself. You can leave me now."

"Okay." Iyon lang ang kanyang sinabi at basta na lang itong tinalikuran.

Pinuntahan niya si Kervin at inutusan itong sunduin si Fil. Marami namang doktor ang nag-volunteer sa medical mission kaya hihiramin muna niya si Fil para matingnan ang kalagayan ni Dustine. Pagbalik niya sa loob ng bahay ay naabutan niya ang binata na pilit bumabangon ngunit wala itong sapat na lakas upang gawin iyon kaya bumagsak ito sa sofa.

"You don't need me, huh?" Mabilis niyang dinaluhan ang binata. Tinulungan niya itong makahiga ng maayos. "Ano bang gagawin mo at bigla kang bumangon?"

"Bakit bumalik ka? 'Di ba umalis ka na?" masungit nitong tanong.

Napapalatak siya. "Sinong may sabing umalis ako? Binalikan ko si Kervin sa labas at pinagbilinan ko na magdala ng doktor dito." Paliwanag niya. "Kahit sinabi mong iwan kita ay hindi ko gagawin iyon."

"But you did." Biglang lumungkot ang anyo ng mukha nito. Batid niyang ibang 'pag-alis' ang tinutukoy nito. "At iiwan mo lang ulit ako kaya pabayaan mo akong mag-isa. Sanay akong walang nag-aalaga sa akin kaya umalis ka na."

Parang piniga ang kanyang puso sa sinabi nito. Sobra niya itong nasaktan kaya hindi niya ito masisisi kung ipagtabuyan siya nito. "Pag-usapan natin ang tungkol diyan kapag magaling ka na. Sa ngayon, hayaan mo akong alagaan ka." Sumalampak siya sa carpet. Hinawakan niya ang kamay ng binata at ginagap iyon. "Sigurado akong nagugutom ka na. Anong gutso mong kainin? Ipagluluto kita."

"Hey, don't cry."

"Huh? Hindi naman ako-" Natahimik siya nang bigla nitong punasan ang naglandas na luha sa kanyang mukha. Hindi man lang niya naramdaman na umiiyak na pala siya. "Huwag mo na kasi akong ipagtabuyan."

"Okay. Stay with me." Unti-unting sumilay ang magandang ngiti sa labi nito. "Ayokong nakikita kang umiiyak. Tahan na."

Dahil sa sinabi nito ay lalo siyang humagulhol. Sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

"Papaalisin talaga kita kapag hindi ka tumahan." Banta nito sa malambing na boses habang banayad nitong hinahaplos ang kanyang likod. "Gusto mo ba iyon?"

Umiling siya. "Aalagaan kita." Mabilis siyang tumayo at nagpunas ng luha. "Magluluto lang ako. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka."

Tumango ito bilang tugon. Naka-ukit ang magandang ngiti sa kanyang labi nang tahakin niya ang direksyon patungong kusina.

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.

Last Goodbye by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez