Chereads / Last Goodbye / Chapter 15 - Kabanata 14

Chapter 15 - Kabanata 14

PAGPASOK NA PAGPASOK NIYA sa guest room ay ini-lock niya ang pinto at nanghihinang napasandal siya doon. Wala sa loob na hinawakan niya ang labing hinalikan ng binata. Nararamdaman niya pa rin hanggang ngayon ang mainit nitong palad sa hubad niyang likod at mainit nitong halik sa kanyang labi.

She was out of her mind. She accepted his kiss whole heartily without thinking the possible consequence of what she did. Dahil sa kanyang ginawa ay parang inamin niyang mahal niya pa rin ang binata. Tiyak na hindi siya makakatulog ng maayos dahil buong magdamag niyang iisipan ang katangahang ginawa niya. Bakit kasi nagpadala siya sa bugso ng kanyang damdamin?

Marahang katok sa pinto ang nagpatigil sa kanyang iniisip. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Laurice. Pumasok ito sa guest room bago niya muling sinara ang pinto.

"I hope everything is fine."

"Puwede po bang magsabi ako ng totoo?"

"Oo naman." Giniya siya nito paupo sa kama. "Kung 'yon ang makakapagpagaan sa loob mo. Nandito lang ako para makinig sa'yo." Ginagap nito ang kanyang kamay.

"Auntie halo-halo ang nararamdaman ko." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Galit, sakit, guilt, pangungulila, lungkot, pangamba, kalituhan, lahat 'yon sabay-sabay kong naramdaman kanina. Posible pa lang mangyari 'yon?"

"Nakaka-overwhelmed at parang sasabog ako kanina pero biglang nangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya." Pag-amin niya sa ginang. "Hindi 'yon kayang itanggi ng puso ko. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon."

"Alam kong hindi madali sa'yo ang lahat at nauunawaan kita. Kung ano sa tingin mo ang makakapagpasaya sa'yo ay 'yon ang gawin mo. Kahit anong maging pasya mo ay susuportahan kita at tiyak ganoon din ang gagawin ng mga kaibigan mo. At maiintindihan ka naman siguro ng pamilya mo kung sakaling pilliin mo siya. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari."

"Gulong-gulo ang isip ko ngayon." Alam niya kung anong makakapagpasaya sa kanya pero hindi niya alam kung 'yon ba ang tamang gawin. "Natatakot ako."

"Normal lang na maguluhan at matakot ka pero alam kong malalampasan mo 'yan. Ikaw pa ba?" Pampalakas-loob nito. "Dito ka na mag-stay ngayong gabi para makapagpahinga ka ng maayos."

"Salamat Auntie." Iyon naman talaga ang plano niya na doon mag-stay ngayong gabi. Uulanin kasi siya ng tanong at tukso ng mga kaibigan kapag sumama siya pabalik sa resort. "Pakisabi na lang po kayla Wendy na dito muna ako."

"Sure."

MAY ILANG KATANUNGAN ang bumabagabag sa kanyang isipan na nasagot ni Laurice. Inalam niya kung anong relasyon ni Dustine kay Mickaela. Naging fiancée daw ito ng binata subalit hindi natuloy ang kasal ng mga ito at walang nakakaalam ng dahilan ng naudlot na kasalan. Si Carolina lang ang may gusto na magpakasal ang anak nito pero walang namamagitan kay Dustine at Mickaela.

Sana pala nagpakita siya noon kay Dustine at kinausap ang binata hindi 'yong basta-basta na lang siyang sumuko at naniwala sa kasinuwalingan ni Carolina. She's stupid. Bakit nagpaloko siya sa babaeng 'yon?

"Penny for your thoughts?"

Napalingon siya kay Albert. Naroon pa rin siya sa tahanan nito. Mamayang hapon niya balak bumalik sa resort. "I'm sure headline sa buong Sta. Monica ang nangyari kagabi sa charity ball."

"Absolutely. You made a great impression last night but don't worry too much." He grinned but she sighed. "It's okay Jade. That was simply awesome."

"Stop mocking me."

"Fine!" Pagsuko nito subalit 'di nawawala ang ngiti sa labi nito. "By the way, maraming gustong tumulong sa gagawin nating activities through donations and charity work. May ilan ding professionals na nag-volunteer na tumulong."

"That's great."

"At ipapaalam ko sa'yo na gustong tumulong ni Dustine. Pumayag ako dahil masamang tumanggi."

Inirapan niya ito. "Nakapagdesisyon ka na pala bakit sinasabi mo pa sa akin?"

"I just want to inform you para hindi ka mabigla."

"May magagawa pa ba ako?"

"Wala na at gusto ko ring ipaalam sa'yo na maghanda ka dahil siguradong hindi ka tatantanan ng kaibigan ko." Babala nito. "Good luck sa magiging takbo ng love story niyo. I hope maging successful na. I want the best for my best friend and you're the only girl who's best for him."

"Anong sinasabi mo?"

Nagkibit-balikat ito bago siya tinalikuran. Hindi man lang nito sinagot ang kanyang tanong. Naiwan tuloy siyang tulala at naguguluhan sa sinabi nito.

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.

Last Goodbye by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez