MALUNGKOT NIYANG PINAGMASDAN ang dating sakahan ng kanyang tiyuhin. Nagmistula na iyong gubat dahil sa kapal ng damo at punong-kahoy. Napabayaan iyon ng husto na dapat sana napapakinabangan ng tiyuhin niya kung hindi lang nangialam si Carolina. Ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit nawalan ng kabuhayan ang kanyang kamag-anak.
"You shouldn't go here alone."
Napapitlag siya nang marinig ang boses ng binata ngunit hindi siya nag-abalang tapunan ito ng tingin. "I wanted to be alone." Malamig niyang tugon.
Ilang araw na silang nag-iikot sa Sta. Monica kaya ilang araw na rin silang magkasama. Kahit saan niya maisipang tumulong ay naroon din ito. Gaya ngayon, sa medical mission siya naka-assign kaya magkasama ulit sila. Tumakas siya sandali upang tingnan ang dating sakahan ng tiyuhin tutal marami namang volunteer at malapit lang sa Barangay Hall ang lupang iyon kaya mabilis siyang makakabalik. Hindi naman niya inaasahan na susunod sa kanya ang binata.
"Delikado kung mag-isa ka dito. Hindi mo ba nakikita kung gaano kasukal 'tong lugar? Paano kung may mangyaring masama sa'yo?" Magkahalong iritasyon at pag-aalala ang mahihimigan sa boses nito.
"Walang mangyayaring masama sa akin." Mas delikado kung kasama kita. Apekatdo pa rin ako sa pinagsaluhan nating halik kahit parang bale-wala 'yon sa'yo. Nilalagpasan niya ang binata kapag nagkakasalubong sila at iniiwasan niyang magtama ang kanilang paningin. Baka kasi bigla siyang kumaripas ng takbo palapit dito at yakapin ito ng mahigpit. "Hindi pa ako nasisiraan ng bait para ipahamak ang sarili ko. Ayoko pang mamatay."
"Dapat lang dahil susundan kita kaagad kapag nangyari 'yon."
Kunot-noong nilingon niya ito. Seryoso ang anyo ng mukha nito. "What's that supposed to mean?"
"I don't have to explain because you knew the answer."
Yeah! Ayaw nitong mamatay siya dahil susunod ito sa kanya. Sinabi na 'yon ng binata noon na magpapakamatay ito kapag naghiwalay sila pero 'di naman nangyari na ipinagpasalamat niya ng malaki. Dahil kung may masamang nangyri dito ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
"We've been apart for a long time. I'm glad that nothing bad happened to you." Tumalim ang tingin ng binata. Ano bang pinagsasabi mo Jade Ruth? Bakit mo inungkat ang paksang 'yon? "Look at you, you're a successful businessman now."
"Masaya ka ba talaga o nabunutan ka ng tinik dahil humihinga pa ako hanggang ngayon?"
Walang halong sarcasm ang tinig nito subalit nanunot sa buong pagkatao niya ang malamig nitong boses at matalim na titig ng binata sa kanya. Great! You hit the wrong button Jade Ruth. Manahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin. Nanahimik nga siya at binaling sa ibang direksyon ang tingin. Mabuti dahil tumahimik din ito subalit paglipas ng ilang sandali ay muli itong nagsalita.
"I'm sorry." Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng binata. Akmang lilingunin niya si Dustine subalit naging maagap ito at niyakap siya mula sa likuran. "I'm sorry if I'm giving you cold shoulder. I'm sorry if I said some words that might offend you. It's not true that you're the worst person I knew because you're the most wonderful person and you're the best for me."
Bawat katagang binitawan nito ay sabay na humahaplos at kumukurot sa kanyang puso. "Dustine…"
"Please listen first." May pagsusumamo sa tinig nito kaya itikom niya ang bibig at hinayaan itong magpatuloy. "Nagalit ako sa'yo dahil basta-basta mo akong iniwan pero hindi iyon naging sapat upanng makalimutan kita. Dahil sa bawat araw na hindi kita nakikita mas lamang ang pangungulilang nararamdaman ko kaysa pagkamuhi sa'yo. At napatunayan kong mahal pa rin kita noong muli tayong magkita."
"But I acted like a jerk that day. Ipinagtabuyan kita dahil nainis ako sa'yo. Nginitian mo ako na para bang isang araw lang tayong hindi nagkita samantalang ako, hindi ko alam kung paano ka sasalubungin ng maayos. Gusto kitang yakapin at pupugin ng halik pero hindi ko nagawa dahil baka nagbago na ang nararamdaan mo sa akin."
"I'm sorry." Anas niya ngunit hindi niya alam kung para saan iyon. Humihingi ba siya ng tawad dahil sa nagawa niya o humihingi siya ng tawad alam niyang masasaktan niya ulit ang binata? "I'm sorry." Garalgal ang kanyang tinig at nagbabadyang tumulo ang kanyang luha.
"It's okay darling." Lalong humigpit ang yakapa nito sa kanya at sinubsob nito ang mukha sa kanyang bumbunan. "But please don't push me away. Let me stay by your side."
"We can't be together." Mariing wika niya kasabay ng pagluwag ng pagkakayap nito sa kanya. Hinarap niya ito at sinalubong niya ng diretso ang tingin nito. "I'm sorry."
"Why?" Tanong nito sa mababang tinig subalit halata ang galit sa boses nito. "Dahil may iba ka na?"
"Oo." Pagsisinuwaling niya. Kahit nasangkot pa siya sa eskandalo noong charity ball ay pinanindigan pa rin nila ni Filbert na magkasintahan sila. "At magpapakasal na kami." Saan naman niya kinuha iyon? Nababaliwa na talaga siya. Kakalbuhin siya ni Fil kapag nalaman nitong pinikot niya ito ng walang permiso.
"That's bullshit!" Umalingawngaw ang malakas nitong boses sa paligid. "Bakit ka magpapakasal sa taong hindi mo mahal?"
"Sinong may sabi sa'yong hindi ko mahal si Fil?" Nanghahamong tanong niya dito. Mahal naman talaga kasi niya ang lalaki pero bilang kaibigan nga lang.
"Ako." Deklara nito. "Dahil alam kong mahal mo pa rin ako Jade." Punong-puno ng kumpyansang pahayag nito.
Umiling-iling siya kahit tama ito. "Mali ka Dustine dahil kung mahal kita dapat noon pa kita binalikan pero hindi ko ginawa." Gumuhit ang sakit sa mga mata nito. Hindi niya gustong makitang nasasaktan ito subalit kailangan niyang magsinuwaling. "Kalimutan mo na ako Dustine dahil matagal na kitang nakalimutan."
"Liar!" Akusa nito sa kanya at basta-basta na lang siya nitong kinabig at hinapit sa baywang. "You can't lie to me Jade." Pagkatapos nitong magsalita ay inangkin nito ang kanyang labi.
He possessed her lips fiercely but instead of pushing him away, she pulled him closer. She's out of her mind but she didn't care at all. All she cared about now is how to respond ardently to his kiss. Their lips parted for a moment so they could breathe and then their lips locked again. She clung to his neck as his fingers sifted through her hair. They were both huffing when finally, he ended the kiss.
"Lips don't lie, only the words coming from it." He said in between breathing while cupping her face. "You're still in love with me and I still love you. I can feel it and I know that you can feel it too."
"Yes, you're right." Lumunok siya bago nagpatuloy. "But we can't be together again."
"Why?"
Binaling niya ang tingin sa lupa. Pinagdiskitahan niya ang pobreng damo at pinagsisipa iyon. Wala kasi siyang maikatwiran dito. Nagbabaka-sakali siyang magsalita ang damo para sa kanya.
"Why?" Ulit nito ngunit sa pagkakataong iyon ay hawak nito ang kanyang balikat at niyugyog 'yon. "Sabihin mo sa akin ang dahlin para magawan natin ng paraan. Ayokong mawala ka ulit sa akin at hindi ako papayag na magpapaksal ka sa iba lalo't alam kong mahal mo pa rin ako."
"It's too late Dustine." Nag-angat siya ng tingin. Sinalubong siya ng malungkot na tingin ng binata. "Mahal kita pero marami ng nagbago." May mga taong nasaktan at nagdusa dahil sa pagmamahalan nilang dalawa at baka may iba pang madamay kapag nagkabalikan sila.
"Pero walang nagbago sa nararamdaman natin. Hindi ba iyon sapat na dahilan upang muli tayong magkasama?"
Hinaplos niya ang mukha ng binata. Gusto niyang pawiin ang sakit na nararamdaman nito subalit nagkapagdesisyon na siya. "I'm sorry." Kinantalan niya ng halik sa labi ang binata bago niya ito mabilis na tinalikuran.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez