"SHE'S a chemical engineer based in USA. She's one of the shareholder on the company she's working for. She owned fifteen fast food franchise in different states in America. She's the mysterious lady who's helping the foundation and Sta. Monica for five years."
Hindi siya pumayag na magbigay ng testimony dahil ayaw niyang isa-publiko ang profile niya tapos ngayon ay isa-isa 'yong binanggit ng MC. Pahamak talaga si Albert.
Ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa yaman niya. Naging shareholder siya dahil ang benefactor na nagpaaral sa kanya ay shareholder sa kumpanya at dahil wala itong pamamanahan ay inilipat iyon sa pangalan niya. Ang food chain franchise na pagmamay-ari niya naman ay galing sa ipon niya na bigay din ng kanyang benefactor. Tuwing birthday niya kasi ay tumatanggi siyang magpa-party kaya ang pera na dapat panggastos ay nilalagay sa bangko. Ang naipong pera ay in-invest niya sa food chain business hanggang sa lumago iyon.
"Gentlemen bring out your check because the bidding for pretty Jade starts now."
"Fifty thousand." Sabi ng dating alkalde ng Sta. Monica.
Ikinagulat niya ang ginawa nito. Usap-usapan noon sa bayan nila na babaero ito pero hindi niya inaasahan na ganoon ito kabulgar. Hindi man lang ito nahiya sa anak.
"Dad!" bulalas ni Mickaela.
"Eighty thousand." Sabi ng hindi niya kilalang lalaki pero infairness may dating ito.
"One hundred thousand." Wika ni Kervin. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito subalit blangko ang ekspresyon ng binata.
"Two hundred thousand." Nabaling ang tingin niya kay Albert na nakangiti sa kanya. Pinaglalaruan ba siya ng magkaibigan?
"Two hundred fifty." Muling bumalik ang tingin niya sa dating alkalde.
"Dad is crazy!"
She agreed. Sa pananaw na 'yon ay magkakasundo sila ni Mickaela. Pero sa totoo lang naloloka siya sa mga nangyayari. Ang inaasahan niyang si Filbert na sasagip sa kanya ay 'di man lang nagsalita. Ang MC naman ay hindi na nakapagsalita. May iba pang nag-bid na hindi niya kilala.
"Half million." Finally, narinig niya ang boses ng kaibigan.
"One million." Deklara ni Lincoln na ikinagulat niya.
"F*ck!" Muli niyang narinig si Mickaela. "One million just for a date?"
Kung shocked ang babae ay mas lalo siya. Nagtatakang tinapunan niya ng tingin ang binata. Kahit mga kaibigan nila ay halatang nagulat sa sinabi nito. Kita niya mula sa kinatatayuan na nag-uusap ang kanyang mga kaibigan subalit 'di naman niya 'yon marinig.
"Going once," Nakabawi na ang MC sa pagkabigla kaya muli na itong nagsalita. "Going twice-"
"Two million."
Lahat ng tingin ay nabaling sa bagong bidder. Maging siya ay natutok ang atensyon sa lalaki subalit hindi ito nakatingin sa kanya kundi kay Lincoln. Nagsukatan ng tingin ang dalawang binata na waring parehong gustong magdeklara ng giyera.
"Damn it Dustine!" Narinig niyang wika ni Mickaela at kahit hindi niya ito nakikita ay natitiyak niyang nagpupuyos ito sa galit. "How dare you do this to me."
"Two and half million." Pahayag ni Lincoln.
"Three million." Mariing wika ni Dustine.
Nakakabinging katahimikan ang pumailanglang sa paligid pagkatapos nitong magsalita dahilan upang lalo niyang marinig ang malakas na tibok ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit 'yon ginawa ng binata. Gumaganti ba ito sa ginawa niya kay Carolina o gusto siya nitong maksama…
Stop it Jade! Kastigo niya sa sarili. He despise you. Sa muli niyong pagkikita ay pinagtabuyan ka niya kaya huwag kang umasang may ibang kahulugan ang ginawa niya.
"Three million for the most gorgeous woman tonight." Dekalara ng MC. "Man you really save the best for last."
Bagsak ang balikat ni Lincoln na halatang dismayado sa naging resulta. Palaisipan sa kanya kung bakit nag-bid ang binata sa kanya. Nang balingan niya si Dustine ay 'di ito makikitaan ng kahit anong emosyon subalit hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. So, ano 'yon? Pinaglalaruan niya ba ako?
"Gentlemen you may claim your prize now. You have the privilege to take the first dance of these beautiful ladies." Anunsyo ng MC. "Let's hit the floor and start the real party tonight."
"I can't believe this is happening." Hinarap siya ni Mickaela. "Dustine is foolish for choosing you over me. You're just a piece of trash. You're not worth three million."
"But I am." Matapang niyang sagot. "This little rat and piece of trash standing in front of you is worth million my dear. Can't you see it? Now tell me, who's cheap between the two of us?" Malambing niyang tanong kahit gusto na niya itong sapakin. "Even your father wanted to go out with me. Oh my gosh! I can't believe this is happening." Maarte niyang panggagaya sa sinabi nito na halatang ikinainis ng babae. Hindi na maipinta ang mukha nito na ikinatuwa naman niya.
"You're a bitch!
"Who's talking?" She smirked. "Oh come on Mickaela just accept the fact that I worth twelvefolds than you. Mahirap bang tanggapin 'yon?"
"Because you seduce them."
Paano naman nito nasabi 'yon eh wala naman siyang ginagawa at nakatayo lang siya sa gitna ng stage. "You're pitiful." Sinadya niyang palungkutin ang tinig upang maging effective ang kanyang sinabi. "I hate to waste my time talking to you. Have a wonderful night Mickaela."
Tinalikuran niya ang babae. Mahirap na dahil baka masagad ang pasensya niya dito. Siya na lang ang iiwas sa gulo dahil away niyang bumaba ang lebel kapag pinatulan ito.
"We're not done talking."
Marahas nitong hinala ang kanyang kamay sabay binitawan. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya nawalan siya ng balanse. Pinikit niya ang mga mmata upang 'di niya makita ang pagsayad ng sariling katawan sa stage subalit hindi 'yon nangyari dahil may sumalo sa kanya. Sa matipunong bisig sumayad ang katawan niya.
Nagdulot 'yon ng kakaibang pakiramdam sa kanya at sari-saring emosyon na kaya niyang pangalanan subalit abala ang puso't isipan niya na namnamin ang bawat sandaling nasa bisig siya ng lalaki. Nanatili siyang nakapikit. Kahit 'di niya imulat ang mga mata ay kilang-kilala ito ng puso niya. Gusto niyang manatali sa ganoong posisyon kahit saglit lang.
"Are you alright?"
Dahan-dahan siyang dumilat. Nag-aalalang tingin ni Dustine ang bumungad sa kanya. "I'm fine. Thanks for saving me." Dinistansya niya ang sarili mula sa binata dahilan upang bitawan siya nito.
He nodded and smile shyly. That's the Dustine she knew. Mahiyaing ngiti ang ipinagkakaloob nito sa kanya sa tuwing magkakasalubong sila kahit saan. At kahit magkasintahan na sila ay mahiyain pa rin ito subalit ipinakita nito sa kanya kung gaano kaganda ang totoong ngiti nito. Sana masilayan niya ulit 'yon kahit sa huling pagkakataon.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez