"CAN I HAVE your attention please?" wika ng MC. Tumigil sa pagtugtog ang orchestra. Lahat ng mga taong kumakain at nagkukwentuhan ay tumigil sa ginagawa dahil sa sinabi nito. "Gentlemen bring out your wallet because you'll be bidding with a date on some of the most eligible bachelorette in Sta. Monica."
"This is exciting." Sabi ni Wendy na talagang excited samantalang hindi naman ito kasali sa bidding dahil hindi ito taga Sta. Monica. "Let's find out kung sinong pinakamabenta sa gabing ito."
Isa-isang tinawag ng MC ang pangalan ng mga babaeng kasali sa auction at pinapunta sa entablado. Hindi niya alam kung sapilitan ba ang pagpili sa mga ito o ginusto ng mga babae na i-auction ang sarili for "charity cause." Para sa kanya, mas gugustuhin niyang direktang mag-donate kaysa ganoon ang gawin sa kanya.
"Magpustahan kaya tayo?" Suhistiyon ni Kara. "Hulaan natin kung sino sa kanila ang may makukuhang pinakamataas na bid tapos 'yong mapapanalunan natin sa pustahan ay ido-donate natin sa foundation."
"I'm out." Mabilis niyang deklara.
"Why?"
Bago pa siya makasagot sa tanong ni Kara ay awtomatikong napalingon siya sa table nila Dustine nang tawagin ang pangalan ni Mickaela. Malinaw ang sinabi ng MC na bachelorette ang mga tinawag nito kaya ibig sabihin dalaga lang ang kasali.
Naguguluhang tingin ang pinukol niya sa babae subalit matiim na titig mula sa singkit na mga mata ni Dustine ang sumalubong sa kanya. Nang mga sandaling 'yon ay gusto niyang ibaling sa ibang direksyon ang paningin subalit napako 'yon sa binata. Waring hinihipnotismo siya nito pero aaminin niyang gusto niyang magpalunod sa titig nito.
"Jade." Tawag ni Filbert. Noon niya lang nakuhang ibaling ang atensyon sa iba. "I think this will be the most exciting night of your life."
"What? Why?" hindi niya maunawaan si Fil.
Tumayo ang lalaki saka siya inalalayang tumayo bago nito sinagot ang kanyang tanong. "You'll be part of the auction."
Inalalayan siya nitong maglakad patungo sa entablado. "Tinawag ba ang pangalan ko?" Naguguluhang tinitigan niya ang kaibigan.
"Of course," Mabilis itong sagot. "Busy ka sa pakikipagtitigan sa ex-boyfriend mo kaya hindi mo naririnig ang pagtawag sa pangalan mo."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil mas nangibabaw ang kabang nadarama niya. "What should I do?" Natatarantang tanong niya. Hindi siya sanay na iparada ang sarili sa harap ng maraming tao lalo na sa mga lalaki. "I'm not informed that this will happen."
"Jade calm down. You'll be fine." Pang-aalo ni Filbert. "Just think that you'll be doing this for a cause. Don't worry because I'm sure a lot of men will bid for you."
"How about you?" Hindi naman 'yon ang problema niya. Natatakot siya na baka kung kani-kanino lang siya mapunta. "Fil ayokong makipag-date sa iba."
"I'll bid but I can't guarantee that I'll be the highest bidder. And besides it's just a date. Hindi ka naman magpapakasal." Huminto ito sa paglalakad bago ito muling nagsalita. "Now go to the stage. Show them that you're the most eligible bachelorette in town."
Ano pa nga bang magagawa niya? Kahit labag sa kalooban niya'y umakyat siya sa stage. Sa kasamaang-palad magkatabi sila ni Mickaela. Masamang titig ang sinalubong nito sa kanya pero binale-wala niya 'yon at 'di pinansin ang pagmamaldita nito.
"Akala mo kung sinong makaasta ang hampas-lupang naging milyonarya." Pasaring ng babae. Tiyak na wala itong ibang pinatutungkulan kundi siya. Siguro na-inform na ito ni Carolina sa profile niya. "Tingnan natin kung maisasalba siya ng milyones niya sa auction na 'to. I'm sure wala namang magkakainteres sa kanya dahil hindi naman siya maganda at wala siyang appeal."
Nanatili siyang walang imik sa pagpaparinig ni Mickaela. Wala siyang balak na patulan ito dahil sayang ang laway niya. Pinagtuunan niya ng pansin ang paghahanap kay Albert gamit ang kanyang mga mata. Sigurado siyang may kinalaman ito sa pagkakadawit niya sa nakakainis na sitwasyon na 'yon. Nang mahagip ng tingin niya ang binata ay pinanlisikan niya ito ng mga mata subalit nakakalokong ngiti lang ang binigay nito.
"Lagot ka talaga sa akin Albert." Nanggigigil na bulong niya. Wala naman sigurong makakapansin at makakarinig sa kikikilos at sinasabi niya dahil maingay sa paligid. "Humanda ka sa akin sa oras na makaalis ako dito."
"Hey little rat!" Naramdaman ni ang marahas na pagtapik ni Mickaela sa kanyang likod dahilan upang lingunin niya ito. "Natatakot ka ba na baka walang mag-bid sa'yo? Halos patayin mo si Albert sa titig mo. Pero sa palagay ko may magbi-bid naman sa'yo sa presyong abot-kaya. Maybe one thousand or five hundred pesos?" Wika nito sabay tawa. "Cheap na price bagay sa cheap na katulad mo."
Hindi niya alam kung bakit pinagdidiskitahan siya nito samantalang wala naman siyang ginagawang masama dito. Siguro kung sino ang kaaway ni Carolina ay kaaway din nito kaya magkasundo ang dalawa. Bagay na bagay itong maging daughter-in-law ni Carolina dahil magkaugali ang dalawa pero 'di deserved ni Dustine ang magkaroon ng asawang tulad ni Mickaela.
And speaking of Dustine, napansin niyang wala itong suot na singsing maging si Mickaela. Meaning, hindi natuloy ang kasal ng dalawa o baka naghiwalay ang mga ito?
"If that what I deserved then so be it. It doesn't matter." She smiled pleasantly at the woman. "You know what? I'm glad that staring can't kill people because if it does I can assure you that I'll be a murderer in a jiffy. But of course, I won't kill Albert. I promise that I'll kill the person who's nearest to me."
"Are you threatening me?"
"Oh my dear I can't do that." She said in a sweet tone but her gaze was sharp. "You said that I'm a rat. How can I threaten a vicious cat like you?" she said in a sardonic voice.
"How dare you!"
Napansin niya ang pag-angat ng kamay nito habang bukas ang palad. "Try to slap me in front of many people and you'll be sorry. You're going to apologize to me on this very same stage while people are watching you."
Hindi nito tinuloy ang tangkang pagsampal sa kanya at mukhang natakot ito sa sinabi niya. Hindi rin nito nakuhang magsalita pa dahil tinawag ng MC ang pangalan nito at pinapunta sa gitna ng stage. Nakahinga siya ng maluwang dahil wala na sa tabi niya ang malditang si Mickaela.
In fairness, kahit na maldita si Mickaela ay pangalawang sa may pinakmataas na bid sa halagang two hundred fifty thousand. Sumunod ito sa babaeng may three hundred thousand na nakuhang bid. Ngayon, siya naman ang hahatulan. Kakalbuhin niya si Fil kapag pinabayaan siya nito.
"Last to be auctioned is the lovely lady in gold." Anunsyo ng MC. "No other than Miss Jade Ruth Macalipay."
Nakabalik na si Mickaela sa dating pwesto nito samatalang siya naman ang pumalit sa gitna. Narinig pa niya ang sinabi ng babae na "You can't beat me."
What a childish act.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez