NAKAPWESTO sila ni Filbert mula sa 'di kalayuan. Naghihintay siya ng tamang panahon kung kailan papasok sa eksena. Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita niya na malawak ang ngiti ng ginang habang inu-auction ang lupang dating pagmamay-ari ng asawa ng kanyang tiyahin.
Sit back, relax, and enjoy every moment Carolina because after a few minutes I'm going to turn your world upside-down in the most charitable way ever.
"Ang gwapo pala ng ex-boyfriend mo. Ang sarap papakin."
Kinurot niya sa tagiliran ang kaibigan. "Huwag mong pagnasahan 'yan. Gagawin kitang straight na lalaki kapag pinagpantasyahan mo si Dustine." Banta niya dito.
Dustine is wearing a two-button silver suit that suits very well to him. Lalong lumutang ang kagwapuhan at kakisigan nito sa suot. Kahit hindi ito gaanong ngumingiti ay hindi 'yon nakabawas sa kagwapuhan nito bagkus nakadagdag 'yon upang lingunin ito ng mga babae.
"Masyado ka namang madamot." Reklamo nito. "By the way, 'yong katabing babae ng ex-boyfriend mo na mukhang kulang sa nutrisyon at nuknukan ng puti, 'yon ba ang napangasawa niya?"
"Yeah!" First time niyang nakita sa personal ang babae pero natitiyak niyang 'yon ang asawa ni Dustine. Ang alam niya kasi nag-iisang anak na babae ng dating Mayor ng Sta. Monica ang pinakasalan ng dating nobyo. "Let's not talk about her. It's show time."
"Going once, going twice, so-"
"Five million." Deklara niya sabay lakad patungo sa kinaroroon ni Carolina subalit nakatutok ang tingin niya sa MC. "Five million for the five hectares barren land."
Lahat ay nawindang sa nakakalokang halaga na kanyang sinabi. Narinig niya ang ilang bulong-bulungan ng mga tao, nagtatanong kung sino siya.
"Sis they're terrified. I like their reactions." Bulong ni Filbert.
"I know Fil." Nakangising tugon niya.
"Mukhang 'di na-inform ang MC sa pasabog mo o natulala sa beauty mo?"
Two weeks before ang charity ball ay nagbigay na ng items ang guests na may ido-donate sa live auction. Ipinaalam sa kanya ni Laurice na kasali sa auction ang sakahan ng kanyang tiyahin kaya babawiin niya 'yon sa kamay ni Carolina.
"Don't worry I'll take over." Naglakad sila patungo sa direksyon kung saan nakaupo si Carolina. Matapang niyang sinalubong ang tingin nito subalit iniwasan niyang tumingin sa gawi ni Dustine. "Going once, going twice, going…" sinadya niyang ibitin ang huling salitang babanggitin. "GONE." Huminto siya sa mismong tapat ni Carolina. Magkahalong gulat at galit ang nababasa niya sa mga mata ng ginang. Natutuwa siya sa nakikitang reaksyon nito.
Ganyan nga Carolina magalit ka. Hindi kita kayang saktan kaya tatapakan ko na lang ang pride mo. Sa ganoong paraan man lang makaganti ako sa ginawa mo sa pamilya ko.
"Carolina Alvaro your property is mine now. Don't worry because I'll give it back to the rightful owner." She said sweetly but her eyes were sharp.
Tinalikuran niya ito at tinahak ang table na mismong nasa harapan ng inuukupa nitong lamesa. Pinaghila siya ng upuan ni Filbert ngunit bago siya umupo ay muli niyang nilingon ang ginang.
"Oh I forget to tell you something. Please don't put my name on the documents once you transfer the ownership of the property. Please write Ricardo Lastimoso." Binigyang-diin niya ang pagbanggit sa pangalan ng tiyuhin. "By the way it's nice to see you again after five years. You look great and it seems that you haven't change at all."
Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niyang nagpalipat-lipat ang tingin ni Dustine sa kanya at sa ina nito. Bago pa ito mag-usisa ay mabilis siyang umupo. Bahala na si Carolina na magpaliwanag sa anak nito.
"What a dramatic entrance." Nakangising wika ni Kara. "I love it! Puwede ka pa lang mag-artista Jade."
"And take note, bagay na bagay ang outfit niya sa personality na ipinakita niya ngayon." Dagdag ni Wendy. "I think I'm starting to love your other side. Bold and fiery Jade."
"I agree but I'm a little bit envious." Pahayag ni Filbert.
"Why?" kunot-noong tanong niya kay Fil.
"Kasi hot at sexy ka. Lahat yata ng lalaking nandito ay pinapantasya ka. Paano ako?" sentimyento nito. "Tapos pinagdamot mo sa amin ang information na hot at handsome pala ang ex-boyfriend mo. Bakit pinagpala ka naman yata sa babaeng lahat?"
Natawa siya sa sinabi nito. "Hindi rin." Pagsalungat niya. "Kinapos ako sa height kaya 'di ako pwedeng maging Miss Universe." Biro niya.
"You don't need to be tall like them because you stand tall enough with dignity, honour, and grace and that makes you beyond a beauty queen." Wika ni Lincoln.
"And I thank you." Natatawang dugtong ni Wendy.
"Naks naman!" She smiled sweetly at Lincoln. "Ang galing mo talagang mambola. Pero in all fairness, pang Miss Universe ang sinabi mo. Wala ka naman sigurong balak sundan ang yapak ni Fil?"
"Wala." Tanggi nito sabay tawa. "In fact I'm in love right now. She's the most beautiful person I've ever met."
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kara. "Ipakilala mo nga sa amin para malaman namin kung totoo ba ang sinasabi mo."
"One of these days."
Sagot ni Lincoln habang matamang nakatitig kay Jade subalit 'di 'yon napansin ng dalaga.
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
LAST GOODBYE is also available on other writing platforms.
Last Goodbye by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez